I was bombarded with text messages at isa lang ang taong naiisip ko na gagawa noon, si Rai. Tinakasan ko siya at hindi niya iyon nagustuhan. Wala naman siyang magagawa kung iyon ang gusto kong gawin. Akala niya ba magpapakita pa ako sa kanya matapos nang nangyari sa pagitan naming dalawa? Hindi ko alam kung paano ko pa itutuloy ang nasimulan. I’ve been cheering myself up, na kaya kong panindigan ang pinasok ko at malusutan iyon ng wala akong natatamong galos. Tingnan mo nga naman ang kapalaran at mukhang ayaw akong hayaan. Isa na namang text message ang natanggap ko. Sa inis ko ay kinuha ko ang phone pero laking gulat ko na mula pala kay Lucy iyon. Lucy: Hi! Can we meet again? I have another plan and I think this will be the last one. See you soon then *smile emoji* Sumakit yata bigl

