Kanina ko pa pinagmamasdan iyong regalo ni Rai na ipinatong ko sa study table. Hindi ko iyon binuksan, kahit pagsilip hindi ko ginawa. Am I petty to act like this? Unti-unti na akong nilalamon ng konsensya at habang tumatagal lumalala iyon. Nagreflect ako pagkarating sa bahay. Tinimbang ang mga desisyon at reaksyon na ginawa ko para sa araw na iyon pero ang mapride kong sarili hindi kayang aminin na may pagkakamali din ako. Nangangati na ang palad ko para kuhanin ang cellphone ko na pinatay ko kanina. Hindi ko pa rin iyon binubuksan kasi nga nagtatampo ako. Ewan ko ba pero noong una naman wala lang sa akin na doon tumutuloy si Katrina. Pero habang tumatagal hindi ko na iyon nagugustuhan. Mas lumala pa dahil hindi nakapunta si Rai sa graduation ko dahil paniguradong sinamahan niya na

