Magaan ang pakiramdam ni Ezperanza habang bumababa sa hagdan ng mansyon kinabukasan. Kahit na walang halatang pag-amin, alam niyang may nangyaring mahalaga kagabi—hindi lang ang marahang hawak ni Rafael sa kanyang kamay, kundi ang paraan ng pagtitig nito na para bang may gustong sabihin, pero pinipiling itago.
Isang mainit na breakfast ang sumalubong sa kanya, pero wala si Rafael. Ayon kay Aling Rosa, maagang umalis papuntang lungsod. Wala raw kumpirmadong dahilan.
Hindi na siya nagtanong pa.
Ngunit habang nag-iikot siya sa mansyon nang tanghali, may isang silid sa ikalawang palapag ang kanyang napansin—nakasara, ngunit hindi naka-lock. Naintriga siya. Isang silid na hindi niya pa nakikita.
Binuksan niya ito dahan-dahan.
Maaliwalas. Malinis. Walang kasangkapan kundi isang lamesang puno ng folders, glass bottles, at mga papel na mukhang medikal. Lumapit siya. Ang pangalan ni Rafael ang nasa taas ng folder: DE ALMARIO, RAFAEL DANTE.
Binuksan niya ang isa.
“Phase 3 observation. Auto-immune marker still elevated. Suggest: Avoid extreme emotional/physical stress.”
“Further imaging in 6 weeks. Potential complication: cardiac inflammation.”
Parang napako ang mundo ni Ezperanza. Ang ingay sa labas ng bintana ay nawala. Ang hininga niya’y tila humigpit.
Totoo pala ang tsismis. May sakit si Rafael. Malala. At matagal na itong alam ng lalaking kanyang pinakasalan.
Hindi malaman ni Ezperanza kung anong mararamdaman habang binabasa ang medikal na folder sa silid na akala niya'y bodega lang ng papel. Ang pangalan ni Rafael ay nakasulat sa bawat pahina. At ang mga salitang naroon… mahirap sikmurain.
Observation. Cardiac irregularity. Final stage autoimmune complication.
Expected decline: within 12 to 18 months.
Nanigas siya sa kinatatayuan.
Ang lalaking ipinakilala sa kanya bilang dying groom… ay totoo palang may taning. Hindi ito eksaherasyon. Hindi ito tsismis. Hindi ito drama ng pamilya.
At ang unang pumasok sa isip ni Ezperanza?
"So after all this… matatapos rin pala agad. Makakalaya rin ako. Wala nang kasunduan. Wala nang ‘asawa’."
Isang bahagyang ginhawa ang dumaan sa dibdib niya. Pero isang mas malakas na kirot ang sumunod.
"Pero… bakit parang ayokong mamatay siya?"
Bumuntong-hininga siya at naupo sa gilid ng lamesa. Sa ilalim ng folder, may nakalagay na simpleng notebook — walang label. Nakabukas ito. Doon siya natigilan.
May sulat-kamay. Isang pahina mula sa isang journal. Kinikilabutan siyang basahin, pero hindi niya napigilang tumuloy.
Things I Want to Experience Before I Die
1. Get married. Have a son and daughter.
2. Date in an island with my lover.
3. Experience an amusement park like a child.
4. Receive a gift — surprise, anything.
5. Fall asleep holding someone I love.
6. Hear someone say, "You’re the best thing that’s ever happened to me."
7. Make breakfast for someone and be told it’s delicious.
8. Be comforted during a breakdown, not judged.
9. Dance under the rain, with no one watching.
10. Be loved genuinely — no lies, no reasons, no timeline.
Isa-isa, binasa ni Ezperanza ang bawat linya. Walang drama sa pagkakasulat. Walang “please.” Pero ang bawat salita’y tila kutsilyong dumudurog sa puso niya.
Hindi niya alam kung saan galing ang bigat sa dibdib niya. Hindi niya naman mahal si Rafael, hindi pa. Ngunit bakit ganito ang t***k ng puso niya? Bakit parang gusto niyang maging bahagi ng mga listahan na ‘yon?
"Hindi ko naman siya mahal," bulong niya sa sarili.
Pero bakit gusto kong ako ang magdala ng regalo sa kaniya? Bakit nalulungkot ako sa katotohanang mamatay nga siya samantalang nung una ay wala akong pakialam kahit may taning siya sa buhay kagaya ng sabi sabi.
Hindi siya nakatulog nang gabing iyon. At hindi dahil sa kaba — kundi dahil sa isang tahimik na paghahangad na sana… hindi pa huli ang lahat para sa lalaking sa una’y ayaw niyang pakasalan.