X A N T I
BAGO pa ako tuluyang mapa-nganga dahil sa ganda ng isla, bumaba na ako mula sa bangka at hinabol ang boss kong malayo-layo na.
May mga tao rito sa isla. Sa katunayan, maraming tao ang naliligo sa dagat at mukhang mga turista pa. May mga banyaga rin akong nakita na naglilibot sa isla. I never expected so many people here. Ang nasa isip ko kasi ay dahil isla ito, hindi ito ma-tao masyado. I was wrong.
Napangiti ako sa 'di pa rin lumilipas kong pagkamangha. Hindi ako madalas sa mga ganitong lugar. Bata pa ako nang huli akong maka-punta sa beach. Kaya't hindi ko maiwasang i-appreciate ang ganito ka-gandang kalikasan.
"Hey!"
Napatingin ako sa unahan nang marinig ang pagsigaw ni Boss Haru. Nasa kalayuan na pala siya at naiwan pala ako ritong babagal-bagal. Napa-takbo ako bigla.
"Ang ganda ng isla na 'to, boss. Pasensya na po, na-overwhelmed lang kanina." Wika ko nang makahabol sa kanya.
"Pwede mong libutin ang isla na 'to mamaya, if you want. But for now, sumunod ka muna sa akin. I'll bring you to the room you're going to stay in for a month. Then, I'll give you the details for your work here." Mula kanina sa kotse ay tahimik siya. Ngayon lang siya nagsalita ng mahaba-haba at tuloy-tuloy. Patuloy pa rin siya sa paglalakad habang sinasabi iyon. Pa-tango-tango naman ako.
"Sige po." Tugon ko.
Tumigil kami sa tapat ng isang lugar kung saan naka-ukit sa taas ang pangalang Bar ni Haru. Nagulat ako sa nabasa. Kung tama ang hula ko, ito na ang bar na sinasabi ni Boss Cristah. Pero bakit naka-pangalan lang ito sa isang tao?
"Here is the resto bar. Cristah and I are the owner of this. Dito ka magta-trabaho." Tumango naman ako at sinulyapan ang lugar. Gawa halos lahat sa kahoy pero ang sosyal ng dating kahit 'di pa ako nakakapasok sa loob. "Halika, sumunod ka." Nang maglakad siya ulit, naglakad rin ako para sundan siya.
Hindi kalayuan mula roon, tumigil siya sa tapat ng isang maliit na bahay. Gawa ito sa kahoy at katulad ng mga nadaan namin kanina, mukhang isa ito sa mga rooms na pinapa-rentahan ng isla.
"Ito ang tutuluyan mo for a month. Come inside." Sumunod naman ako at namangha sa ganda ng kwarto sa loob. Malawak ito kapag nasa loob ka na. May malaking kama at may pinto rin sa loob na mukhang comfort room. Malaki rin ang space ng kwarto kaya may maliit na sink sa isang tabi. Air-conditioned rin pala ito. "Don't worry. Wala kang babayaran rito. Cristah made sure na may maayos kang tutuluyan while you're here, so you better thank her." Seryoso niyang sambit. Napatingin ako sa kanya at nakangiting tumango.
"Opo, Boss Haru."
Katulad niya, nabigla rin ako nang banggitin ko ang pangalan niya. Alam kong magtataka siya nang marinig iyon.
"How did you know my name?"
Ngumiti ako at napakamot sa aking ulo. "Hindi niyo po kasi sinabi ang pangalan niyo kanina, boss. Kaya tinanong ko po si Ms. Yamada kanina habang nasa byahe." Tugon ko. Nanliit ang mga mata niya.
"Whatever. Just one more thing, ayokong tinatawag akong boss. Hindi ako si Cristah. Use the word 'sir', instead." Wika nito at seryoso akong tiningnan. Matangkad siya kaya't medyo nakatingala ako sa kanya. Sa boses niya, mahahalata mo na ma-otoridad siyang tao. Tumango ako agad.
"Si-sige po, Sir Haru." Sagot ko sa kanya.
"Don't call me that." Nagulat ako. Didn't he just say na tawagin ko siyang 'sir'? Bigla akong nalito at magre-react na sana. "Only my friends call me by my nickname." Na-gets ko na agad siya. Ayaw niyang magpatawag ng Haru. Ganito ba ka-big deal sa mga mayayaman ang ganitong bagay?
"Got it...Sir." Ngumiti ako.
He just nodded. "Every meal, may magdadala sa'yo ng pagkain rito. And if you want something, I will send someone here para asikasuhin ka." Napalunok ako. Grabe naman pala ang treatment sa isang song-performer dito. Para na rin akong nagbakasyon. "And if you're wondering kung bakit marami kang services na makukuha while you're here, hindi ko rin alam. It was Cristah's idea after all. You're lucky." Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko when he said that. Flattered? I guess so. Masyado kasi siyang seryoso.
"Thank you, Sir. I'll make sure rin po na kausapin si Ms. Yamada at pasalamatan siya." Sambit ko. Wala naman siyang reaksyon.
"By the way, your performances will be 10 pm to 12 am. At least prepare 3 songs every night. Mondays and Tuesdays are you days-off. Nakuha mo ba, Xanti?" Tumango ako agad sa kanya. He even called me by my name. "And oh, since Wednesday ngayon, maghanda ka na for your first night later." Dagdag pa niya.
Nabigla man na ngayong araw na agad, hindi ko iyon pinakita sa kanya. "I will, Sir. Got it all." Ngumiti ako.
"Good. I will leave you here." Walang anu-ano ay lumabas ito ng kwarto at naiwan akong nakatayo sa loob.
My new boss is kind of really serious. Gwapo naman siya at mestizo pero hindi yata marunong ngumiti. But that's fine.
Natutuwa ako kasi habang nandito ako ay para na rin akong nagbabakasyon. Imagine, ganito ka-komportableng kwarto with aircon? Tapos, libre pa ang bawat pagkain ko everyday. Kapag naiisip ko tuloy na doble ang sahod ko rito sa loob ng isang buwan, napapaisip ako bigla. Hindi ba sobra ang lahat ng ito para sa isang performer na gaya ko?
But then, I'll take it nalang kasi hindi ako tumatanggi sa grasya.
Nasa labas na pala ang luggage ko. Hindi ko yata napansin si manong na nagdala nito rito. Ipinasok ko ito sa loob ng kwarto at isinantabi muna. Ang gitarang dala ko naman ay inilapag ko sa kama.
Humiga ako saglit. Ang sarap sa pakiramdam ng foam sa likuran ko. Ang lambot nitong kama at ang bango-bango pa. Para akong guess sa isang hotel sa ganda ng kwartong ipinagamit sa akin. I looked at the mini kitchen place. May maliit rin palang refrigerator rito. Nang makita iyon ay nauhaw ako bigla.
Tumayo ako at lumapit doon. Binuksan ko ang ref at nagbaka-sakaling may makitang pwedeng mag-alis ng uhaw ko.
My eyes shined right after kong buksan iyon.
There are cans of drinks inside. May softdrinks, soda, fruit drinks, beers, milk at marami pang iba na hindi ko alam kung pwede ko bang pakialaman. Pero dahil uhaw na uhaw na ako, kinuha ko 'yong isang can ng apple drink. Binuksan iyon ng walang pag-aalinlangan at ininom ito.
Oh my grabe! Napakasarap nito! Sa sobrang lamig nito ay 'di ko namalayang naubos na pala. Ang sarap sa feeling. Parang nagka-energy ako bigla after ng mahabang byahe kanina.
Surprisingly, may mga chips rin sa loob ng mini ref na 'to at ang ilan ay chocolate bars and candies. Mahilig ako sa mga 'to pero 'di ko alam kung pwede ko ba silang kainin. Pero what's the use of staying here kung 'di ako kukuha at kakain, 'diba?
Dumampot ako mula sa freezer ng isang small size chocolate bar. Matigas ito at umuusok pa sa lamig. Di na ako nakapagpigil at binuksan iyon para tikman.
I mean, kainin pala.
And oh my grabe ulit! Ngayon lang ako nakatikim ulit ng chocolate na lasang imported! Ang sarap-sarap! Isa pa nga!
Kumuha pa ako ng isa sa freezer at kinain ito. Naupo ako sa kama. Sarap na sarap ako sa kinakain kong tsokolate kaya hindi ko pinansin ang mga marka nito sa gilid ng labi ko. Nasabik kasi ako masyado kaya 'di ko naiwasang lasapin ng todo. Isa pa, wala namang makakakita sa akin rito kahit mukha akong bata dahil sa amos ng bibig ko.
Hindi pa ako tapos kumain ng tsokolate nang may mapansin ako sa gilid ng kama. Sa gilid kasi nito ay may bintanang nakabukas. Hindi ko napansin na may bahay pala sa likuran ng kwartong 'to. Hindi ganoon kalapit pero ka-tapatan rin ng kwarto kung nasaan ako.
Isa 'yong kubo. Unlike this one, kubo talaga siya as in. Mas malaki nga lang 'yon kung ikukumpara rito at nag-iisa lang ang kubo na 'yon sa likuran. Sa gilid kasi nito ay mga matataas na puno ng niyog na ang nakatayo. Bukod do'n, obviously ay hindi iyon kasama sa mga room na katulad nito.
Habang nakasilip sa bintana at minamasdan ang kubong iyon, huli na nang mapansin ko ang lalakeng bigla na lamang tumayo at sumulpot sa kung saan. Napagtanto kong dahil sa nakaharang na lamesa kaya hindi ko napansin na may tao pala roon.
"Nagutom ka ba masyado, miming?"
Malaki ang boses niya. Hindi ko makita kung sinong kausap niya pero may ideya na ako.
"Meow!"
"Pasensya na, 'di ako nakauwi kagabi ah? 'Di bale, bumawi naman ako kasi masarap ang ulam mo ngayon."
"Meow! Meow!"
"Ano, ayos ba miming?"
"Meow!"
Seriously? Kinakausap niya talaga 'yong pusa? Normal naman iyon pero para sa isang lalake, bihira lang ako maka-saksi ng ganitong senaryo.
"Kumain ka lang dyan miming, ha?"
"Meow!"
"Hindi ka na nagtatampo?"
"Meow! Meow! Meow!"
"Sabi ko na nga ba, hindi mo 'ko matitiis eh."
"Meow!"
Pinigilan kong matawa pero hindi ko napigil ang kusang pag-strech ng mga labi ko at bigla akong napangiti.
Sumasagot talaga 'yong pusa sa kanya? Bakit parang na-cu-cute-an ako sa pinapanuod ko? It may look stupid for some reasons pero bakit hindi ko maiwasang matuwa?
Nakatalikod 'yong lalake pero sa tindig niya, alam kong matangkad ito. Malaki ang pangangatawan niya. Halata dahil tanging short lang ang suot nito. Sa laki ng mga braso ng lalake na 'to at sa laki rin ng boses niya, I find it cute habang kinakausap niya 'yong pusa.
My heart started to beat fast.
Unti-unti kong nararamdaman ang t***k ng puso ko na kanina ay kalmado. Hindi ko alam kung ano ang rason kung bakit bigla na lamang bumilis ito. Hindi ko alam kung dahil ito sa senaryong nasasaksihan ko ngayon. Kung dahil ba na-cute-an ako sa pakikipag-usap niya sa pusa o dahil uminom ako ng fruit drink at chocolate at the same time?
Isinawalang-bahala ko iyon. Nakatingin pa rin ako doon sa kubo ngunit ang mga mata ko ay kusang tumitig sa lalakeng nakatalikod.
Marahan itong gumalaw kaya't nasilayan ko ang kalahati ng kanyang mukha. Naka-side view siya at ngayon, pwede ko nang husgahan ang itsura niya. Kahit sa gano'ng anggulo lang ay alam kong gwapo siya.
Shi—.
I did it again! Did I just say na gwapo ang lalakeng pinagmamasdan ko ngayon? Kanina pa ako ganito, ah? I'm a guy, too. Nakaka-appreciate rin ako ng ka-gwapuhan ng iba. Oo, tama. Gano'n lang 'yon.
But why can't I stop watching this guy?
Hindi ko maiwasang tingnan ang mga bagay na maglalarawan sa kanya. Moreno. Batak na katawan. Katamtamang sukat ng buhok. Mataas ang tindig. Makisig kung titingnan. Sa gano'ng anggulo, pansin ko ang tangos ng kanyang ilong. Mula rito sa kwarto at kahit hindi gano'ng kalapit ang kubo na 'yon, alam kong malalalim ang pares ng mata niya. Kitang-kita rin ang prominente niyang adam's apple na gumagalaw habang nagsasalita siya. Manipis ang labi at ang kanyang boses, malaki at lalakeng-lalake.
Damn. Lahat 'yon ay nasipat ko. Lahat 'yon ay intensyunal kong pinagmasdan. Nakakamangha at tila gusto kong mainggit sa katangian ng lalake na 'to. Sa kulay ng balat niya, mukhang dito talaga siya nakatira sa isla.
Teka, bakit ba ako nagkakaganito? Inggit ba 'tong nararamdaman ko dahil 'di hamak na mas gwapo at may itsura ang lalakeng 'to kaysa sa akin? Bakit ganito 'yong dating niya?
Nagulat na lamang ako nang bigla itong lumingon all of a sudden. Nang puntong 'yon, saktong sa bintana ng kwarto kung nasaan ako siya napatingin. I'm still looking at his direction and he caught me.
Nagtama ang mga mata naming dalawa.
Bigla itong ngumiti. Nagulat ako at kinabahan. Hindi ko alam kung bakit pero mas bumilis pa ang t***k ng puso ko ngayon. Tila nawala ako sa sarili ng humarap siya. Sa ganitong anggulo, kompleto kong nasilayan ang mukha niya. I was right from what I have said earlier. Gwapo siya.
Ngumiti ako nang mabilis ngunit bigla rin akong umiwas at umalis sa may bintana. Para akong engot. Baka kung ano pa ang isipin ng tao na 'yon dahil nahuli niya akong pinapanuod siya habang nakikipag-usap siya sa pusa. Ayokong mapahiya. Nahiga ako at hindi na muling sumilip doon.
Kinapa ko ang dibdib kong patuloy pa rin sa pagpintig ng mabilis. Pumikit ako at pilit itong kinalma.
Ngayon, alam ko nang hindi dahil sa ininom ko o sa tsokolate ang dahilan kung bakit ako ganito. At kung ano man 'yon, hindi ko pa sigurado pero hangga't maaari...hindi dapat ako magpa-apekto.
Sa pagkaka-pikit ko, nakaramdam ako ng antok. Dulot na rin siguro ng mahabang byahe kanina. Gustuhin ko mang imulat ang mga mata ko at bumangon, hindi ko na nagawa. Tuluyan na akong nakatulog.
NA-ALIMPUNGATAN ako nang makarinig ng mga pagkatok sa pinto. Dahan-dahan akong bumangon at tiningnan ang suot kong relo, pasado alas dose na ng tanghali. Kalahating oras lang yata ako nakatulog kanina.
Bueno, nagmadali naman akong pumunta sa pintuan at binuksan ito.
Bumungad sa akin ang dalawang babaeng nakasuot ng kulay asul na polo shirt at kapwa sila nakangiti. May name plate sila sa kanilang mga suot. Ang isa ay si Esther at ang pangalawa naman, si Greta.
Bukod do'n, ang isa ay may hawak na tray ng pagkain at ang isa naman ay may dalang mga paper bags na hindi ko alam kung ano ang laman. But I guess, para sa akin iyon.
"Kanina pa ba kayo dyan? Pasensya na, ngayon lang ako nagising." Nakangiting paumanhin ko at kumamot pa sa magulo kong buhok.
"Hindi naman po, Ser. Okay lang po." Sagot ng babaeng may hawak ng paper bags.
"Kami po 'yong mga staff ng resto bar ni Ser Takishima. Inutos niya po sa amin na dalhan kayo ng lunch." Sir Takishima? Malamang, si Sir Haru ang tinutukoy niya.
Ngumiti ang babaeng nagsalita at napatingin naman ako sa hawak niyang tray. Men, nagutom ako sa mga nakalagay doon. "Saan ko po ito ilalagay?" Tanong pa niya.
Nahiya naman ako dahil sa treatment nila sa akin. Para bang guest ako rito sa isla kahit ang totoo, trabaho ang ipinunta ko rito.
"Ako na. Salamat dito." Kinuha ko 'yong tray at saglit na ipinatong sa lamesang katabi ng kama.
"Ah, Ser. Pinapaabot po ni Ser Takishima." Inabot naman sa akin ng isa pang babae ang hawak niyang mga paper bags.
"Ano 'to?" Naisip kong itanong habang kinukuha iyon sa kanya.
"Mga damit niyo daw po para sa performances niyo sa resto bar." Sagot niya. Tumango-tango naman ako kahit medyo naguguluhan. Why do I need these? Eh, mayroon naman akong mga baon na damit.
"Gano'n ba? Sige. Salamat."
Nagpaalam na ang dalawang staff. Pumasok na ulit ako sa loob ng kwarto at saglit na inilapag sa kama ang mga paper bags. Mahigit limang paper bags iyon.
I got curious kung anong klaseng mga damit ang mga nasa loob kaya isa-isa ko 'yong tiningnan.
Pare-pareho lang iyon na mga beach polo na may iba't ibang kulay at disenyo. Lahat ay bago at may mga price tag pa. Ang ilan sa mga nakalagay sa paper bags ay mga short na ka-partner ng mga polo na iyon. Namangha ako sa ganda ng mga damit. Marami ito at mukhang mamahalin pa dahil sa kapal ng tela.
So, kailangan pala talaga ng proper attire kapag magpe-perform sa bar dito sa isla? Understood naman na iyon dahil nasa beach ang settings nito. Pero, hindi naman sinabi sa akin ni Boss Cristah ang tungkol rito.
Sa kalagitnaan ng pagtingin sa mga damit, tumunog ang cellphone ko.
Nang makitang tumatawag ang boss ko sa syudad, agad ko itong sinagot.
"Hello, boss?"
"Hi, Xanti boy! Haru told me na dumating na kayo sa isla, so I called you. Ano, kamusta naman ang beach? Maganda ba?" Her tone is as excited as usual.
"Oo, boss. Parang paradise ang lugar na 'to. Hindi na ako makapaghintay na maglibot-libot mamaya." Natutuwa kong balita sa kanya. "Ah, boss. You didn't tell me na required palang mag-beach polo sa bawat performances ko. Ganito pala dito?" May halong pagka-mangha at pagtataka sa tono ng boses ko.
"Actually, hindi." Naguluhan ako sa sinabi niya. "I just suggested that to Haru. Para maiba naman. And isa pa, you're not just a song performer kaya! You are one great vocalist kaya you deserve to look great also in every performances of yours." She did it again. Pinuri na naman ako ng boss ko kaya flattered na naman ako ngayon. But, about the clothes?
"Thank you sa compliments, boss. Kaya lang kasi nanghihinayang ako sa damit. And isa pa, nakakahiya rin sa inyo ni Sir Haru." Tugon ko.
"Xanti boy, don't be shy, okay? At saka, those are just clothes. Mas mahalaga pa rin ang performances na ipapakita mo. I have high hopes on you." Masayang tugon ni boss.
"Salamat, boss." Sagot ko. "Pero can I ask you something? Si Sir Haru ba, gano'n talaga? I mean, hindi man lang siya ngumingiti. Masyado siyang seryoso. Medyo natatakot ako sa kanya." I spilled. Kay Boss Cristah ko lang kayang sabihin 'to kaya sinabi ko sa kanya. Isa pa, bestfriend niya si Sir Haru.
She laughed. "You're funny, Xanti boy. Haru is a nice guy. Like what I've said, ganyan lang talaga siya. Masyadong professional sa trabaho kaya mararamdaman mo talaga ang pagiging boss niya. Don't be afraid of him." Tumawa pa ulit ito. "I'm sure, when Haru hear you sing, siya na mismo ang mag-a-approach sa'yo to sing something in your performances. So, galingan mo ah?" Pagchi-cheer ni boss sa akin. Nakaramdam ako ng confidence.
"Yes, boss." Tugon ko. "At thank you nga pala sa mga special services ko rito sa isla. Sir Haru told me na it was your idea na asikasuhin ako rito. Means a lot, boss." Pasasalamat ko.
"You're welcome, Xanti boy." Tugon niya. "Basta habang nandyan ka, enjoy, okay? So, paano? I have something to do pa. Sayunara!" Pagpapaalam niya. I did the same thing.
"Bye, boss!"
When I ended the call, napaisip ako.
For a month, makakatrabaho ko si Sir Haru. Ang bago kong boss na ibang-iba kay Boss Cristah Yamada. New resto bar to work on. Bagong lugar at bagong tutuluyan. Everything is new to me.
White sand at maingay na alon. Coconut trees at mga ibon. Sa isang buwan, kailangan kong masanay sa ganitong surroundings. Kailangan ko ring galingan sa bawat performances ko. I need to show-off here.
Kaya ko 'to. Kaya mo 'to, Xantino Lacson!
Matapos 'yon, I ate my lunch. Fried shrimps na mayroon pang kasamang smoothie. Kung ganito kasarap palagi ang mga pagkain rito, baka hindi na ako umalis. Kidding.
Anyway, after no'n I thought of songs na pwede kong kantahin sa unang gabi ko mamaya. I'm nervous yet excited.
Gotta rock this island!