X A N T I
AFTER I finished drinking my usual chocolate drink, kinuha ko ang gitara ko at sinimulan itong i-tono.
Nandito ako sa Beer Man's Place, isang resto bar kung saan ako nagta-trabaho for 2 years now. Alas otso pasado pa lang at mamayang alas nuwebe pa ang simula ng performance ko sa stage. Pwede pa akong magchill at mag-rehearse sandali.
Nasa back stage ako ng bar. Malaki ito kaya't maraming tao ang pumupunta rito kahit weekdays. Sikat rin ang bar na 'to dahil may mga beer promos silang ino-offer rito. Alam mo naman ang tao, basta may promo sa isang bagay—hindi sila aatras.
Mula 9 pm hanggang 12 midnight ang duty ko rito sa bar. Kakanta lang ako ng tatlong kanta kada gabi at ayun, kikita na ako ng pera.
Ma-swerte pa rin ako dahil kahit iniwan ako ng mga magulang ko at kahit mag-isa ako sa buhay ay may talento naman ako sa pagkanta. Hindi ako nagyayabang pero proud ako sa kung anong mayroon ako ngayon. At least, I can live on my own now.
Hindi ko na kailangan umasa sa iba para mabuhay.
"Xanti boy, good you're here."
Saktong katatapos ko lang magtono ng gitara nang dumating ang boss ko. Siya si Ms. Yamada. Ang half-Filipina and half-Japanese na owner nitong resto bar.
Hindi ko siya madalas makita rito sa back stage or even sa bar, madalas kasi ay busy siya sa ibang bagay na pinagkaka-abalahan niya. But tonight, it's unusual. Ano kayang mayroon?
"B-boss, nainip na kasi ako sa apartment ko kaya naisip kong agahan ang pagpasok. Ikaw, boss? Bakit napa-dalaw ka bigla rito?" I asked her casually. Malamang iisipin mo, hindi pormal at masyadong casual ang pakikipag-usap ko sa boss ko na nagpapa-sweldo sa akin. But it's just what she wanted. Ayaw niya ng masyadong pormal. Add the fact that she's only 20 years old. "I mean, hindi ka madalas pumunta rito. Checking things out?" I added.
Tumawa ito at lumapit. Nakasuot siya ng usual niyang attire. Floral suit at colorful na mini skirt. Pati 'yong heels niya, floral rin ang disenyo.
"I just came to visit my bar for a moment. And also, ikaw rin talaga ang pinunta ko rito." Wait, me? "Before you ask why, you better prepare for your first song tonight. Mamaya ko nalang sasabihin 'yong proposal ko sa'yo, is that clear Xanti boy?"
"Sige, boss." Tugon ko. She just smiled at me.
"See you later, then!"
Nang umalis siya, napaisip ako kung ano 'yong proposal na sinasabi niya. Kung tungkol 'yon sa trabaho, that would be great.
Isinantabi ko muna 'yong thought na 'yon and focused on practicing my first performance for tonight.
By the way, I was a former band lead vocalist way back in high school. Mahilig na talaga akong kumanta. Especially, acoustic songs. Hobby ko na 'yon noon pa. I never thought na pagkakakitaan ko pa ito ngayon.
Anyway, simula nang grumaduate kami ng high school ay wala na akong balita sa apat pang miyembro ng banda namin. I tried searching their names on the internet pero hindi ko nahanap. Besides, hindi naman techy ang mga iyon.
The Randoms. Pangalan ng banda na binuo namin since second year high school kami. It was 4 long years and I missed them. Nasaan na kaya ang mga 'yon?
Nakakapagtampo dahil hindi man lang sila nagre-reach out for years. Naaalala pa kaya nila ako?
"Xantino, game na."
Natigil ako sa pagbabalik-tanaw nang pumasok sa back stage si Jean. Ang tomboy na staff rin ng resto bar na 'to. Ang trabaho naman niya rito bukod sa pagtawag sa akin mula sa back stage, siya ang may hawak ng sound system nitong bar.
"Okay. Sige!" Masigla kong tugon sa kanya.
"Galingan mo, ha? Magpasikat ka!" Itinaas pa nito ang kamao na ang ending ay ang pakikipag-fist bump sa akin.
Tumango ako sa kanya. "Syempre!" Dala ang gitara, pumunta na ako sa stage. It's showtime!
Sa tagal ko na rito, kinakabahan pa rin talaga ako everytime na makikita ko ang ganito karaming audience ng bar. Sino bang hindi kakabahan kapag ganito karaming mga mata ang nakatingin sa'yo. Their expecting for a good performance on you. I don't want to disappoint them kaya tuwing sasalang ako sa stage, I made sure na maibibigay ko ang best performance ko.
Umupo ako sa mataas na upuan kaharap ang naka-set up ng microphone. Inayos ko ang pagkakahawak sa aking gitara at ngumiti sa harap ng maraming tao.
"Good evening po. Kamusta kayong lahat? I hope you're doing well. Sana happy kayo tonight." Introduction ko. Madalas, kahit ano nalang na lumabas sa bibig ko but I made sure that I will greet them first. "Now, I want you to relax and listen to this song. Sana magustuhan niyo ang kantang 'to." I smiled. Nagpalakpakan sila after that speech. Ang iba pa ay humihiyaw at nagchi-cheer. That made me more confident.
'Diba nga ito ang 'yong gusto?
O', ito'y lilisan na ako...
I can't help but to smile sa mga reaksyon nila nang magsimula akong kumanta. I continue strumming my guitar and feel the lyrics of the song.
Mga alaala'y ibabaon,
Kalakip ang tamis ng kahapon,
Mga gabing 'di namamalayang,
Oras ay lumilipad,
Mga sandaling lumalayag,
Kung saan man tayo mapapadpad,
Bawat kilig na nadarama,
Sa tuwing hawak ang 'yong kamay,
Ito'y maling akala,
Isang malaking sablay...
Nanatili akong nakapikit habang patuloy sa pagtugtog ng gitara. This is my favorite part of this song. Ang chorus nito.
Pasensya ka na...
Sa mga kathang isip kong ito,
Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo,
Ako'y gigising na...
Sa panaginip kong ito,
At sa wakas ay kusang lalayo sa 'yo....
I kept on singing hanggang matapos ang buong kanta. They seemed to enjoy that song. Nagpalakpakan ang mga tao at ako nama'y yumuko ng bahagya, palatandaan na tapos na ang first song-performance ko.
I got back to the back stage, smiling. Everytime na makakatapos ako ng kanta at alam kong natuwa sila, mas natutuwa ako. At least even on that simple way, may napapasaya ako.
That Ben&Ben song called Kathang Isip is an absolutely beautiful song! Napakarami nitong feels kaya I did not hesitate na kantahin iyon.
Mula sa pagngiti, nagulat ako nang dumating muli si boss sa back stage kung nasaan ako.
"Great performance, Xanti boy!" Papuri niya habang lumalapit sa akin. "You know what? You can be a celebrity-singer with that voice. Nag-try ka na bang mag-audition sa mga singing contest sa television?" She asked. Napangiwi ko sa awkward niyang tanong. Isa pa, nakakahiya rin dahil madalas niya akong pinupuri ng ganito.
"Boss, kung gagawin ko 'yon, mawawalan kayo ng magaling na performer rito sa bar?" Pagbibiro ko. She laughed at me. "Hindi ko pa man sinusubukan, alam kong hindi para sa akin ang pag-a-artista. Hindi rin naman ako gwapo para doon." Napailing ako sa sinabi ko.
Napailing si boss habang nakangiti. "You're idiot." Nagulat ako. What did she just say to me? "Look at you. You may not be as handsome as those guys out there but you're cute. May sarili kang appeal sa mga tao, Xanti boy. Don't put yourself down." Paliwanag niya. I feel flattered after that reply from her. Ang bait talaga nito ni Boss Yamada!
"Salamat, boss. I'll accept that from you." Ngumiti ako. Then, naalala ko 'yong sinasabi niyang proposal kanina bago ako magperform. "Maiba ako, boss. You said earlier na may proposal ka for me. Pwede ko na bang malaman kung ano 'yon?" I asked. Tumango naman siya.
"Well, I decided to assign you to another resto bar of mine." Diretsahang sabi nito.
Nagulat ako sa sinabi niya and at the same time, napaisip rin. Bukod pala rito sa malaking resto bar na 'to, may iba pa siyang bar? At bakit naman niya naisip na i-assign ako sa ibang bar?
"Mayroon ka pang ibang resto bar? Saan, boss?"
"Sa isang isla na malayo rito sa syudad." I was shocked when I hear her response. Isla talaga? Why would she built a bar there? "At naisip ko na ipadala ka roon to work there for a month. Temporary lang naman, Xanti boy. Unlike here, walang masyadong song-performer doon. So I decided na ikaw ang ipadala doon. I'm sure, dadami ang customers na pupunta roon kapag ikaw ang kakanta." Tiwala nitong pahayag. How should I react to it?
"Pero boss, bakit ako? Atsaka, paano itong resto bar? Hindi ba pwedeng iba nalang?"
Umiling siya at ngumiti. "Kung itong bar ang iniisip mo, don't worry. May iba pang performer na magte-take over ng duty mo rito. Ikaw 'yong napili ko kasi I know, magaling ka among the rest." For the second time, I feel flattered. "Did I say na doble ang kikitain mo roon for a month? Don't worry rin for your place to stay in there. Naayos ko na 'yon lahat." Doble sahod? For a month? Mukhang hindi na ako makakatanggi nito. Isa pa, one month will not going to hurt me.
"Um..."
"So?"
"Sige, boss. Pumapayag na ako sa proposal niyo. Kailan ba ang pagpunta ko roon?" Nakangiti kong tanong.
"Good thing you asked. You are going there...tomorrow." The heck? Agad-agad? How can she smile like that? Ni-hindi man lang niya ako inihanda sa gera. Bukas na agad? For real? "So, ano? Ready ka na ba, Xanti boy?"
Napangiwi ako. "May magagawa pa ba ako, boss?"
She laughed. "That's awesome! Bukas, may kotse na susundo sa'yo sa labas ng apartment mo. You better wake up early dahil mahaba-haba ang byahe mo papunta roon. Ipapadala ko na rin ang budget mo doon." Nakangiting sabi ni boss. Budget? Natuwa ako sa narinig ko. Well then, hindi na rin masama ang proposal niya sa dami ng inclusions na pabor sa akin. "Is that clear, Xanti boy?"
I smiled. "Yes, boss!"
After my last performance sa resto bar, nagpaalam na ako kay boss. Nagbilin lang siya ng ilang bagay tungkol sa pag-alis ko bukas. Ibinigay rin niya 'yong monthly salary ko sa bar since hindi ko na iyon makukuha sa kanya sa actual payment date.
Medyo hassle nga dahil dapat 6 am ay gising na ako dahil by 6:30, darating na ang susundo sa akin at maghahatid sa pantalan. At anong oras na ngayon? Pasado alas dose na ng hatinggabi.
Usually, nag-aabang na ako ng taxi paglabas ko ng bar para umuwi. But not this time, nakaisip akong maglakad-lakad.
Habang naglalakad, naisipan kong tawagan ang bestfriend kong si Drake. Sigurado kasi akong gising pa 'yon ngayon. Kung 'di niyo kasi naitatanong, nocturnal ang kaibigan ko na 'yon. I'm sure, mulat na mulat pa ang mga mata niya sa paglalaro ng online games. He's also 19 pero para siyang bata sa pagka-adik niya sa paglalaro online.
"Bro? Gising ka pa?"
"Sasagot ba ako kung hindi?"
Napailing ako sa pagiging pilosopo niya.
"Gags, lulong na lulong ka na naman sa paglalaro. Natutulog ka pa ba? Hindi healthy 'yan, bro."
Hindi ko naiwasang pangaralan siya.
"Tumawag ka ba para manermon, bro?" May pagka-irita sa boses niya. Natawa ako. "Ba't napatawag ka this late? It's unusual. Anong meron?"
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.
"Mukhang 'di na tayo makakapaghang-out for a while. Mawawala ako ng isang buwan, bro. Gusto ko lang ipaalam."
Nagulat yata siya. "Bakit? Don't tell me magbabakasyon ka? Isama mo naman ako." Tugon niya.
"Hindi bakasyon, loko. Trabaho. In-assign kasi ako ng boss ko sa ibang bar niya. Ang kaso, sa isang isla iyon. Malayo daw rito sa syudad. One month lang naman kaya 'di na ako tumanggi. Isa pa, doble daw ang salary kaya bakit hindi 'diba?" Pagke-kwento ko sa kanya. Patuloy pa rin ako sa paglalakad sa tabi ng kalsada. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.
"Talaga? Ayos 'yan bro kung gano'n. I-update mo 'ko kung saan 'yan, ha? Baka maka-punta ako by chance."
Natuwa ako nang marinig 'yon.
"Sure thing, bro."
"Pauwi ka na ba? Mag-ingat ka, bro. I'll go to sleep na rin dahil may pasok pa ako bukas." Paalam nito.
"Sige, bro. Good night."
I ended the phone call. Nakangiti akong nagpatuloy sa paglalakad. Drake is really my bestfriend. He is supportive on everything I want to do. Parang kapatid na ang turingan namin sa isa't isa. That's why I'm so lucky I have a brother on his presence.
Nga pala, he's currently studying for his 4th year in college. Kung nagpatuloy ako sa pag-aaral, kaklase ko siya ngayon. But maybe not, mayaman ang pamilya niya at sa dekalidad na university siya nag-aaral. His parents even offered me na paaralin ako just because I'm Drake's bestfriend at parang anak na rin ang tingin nila sa akin. But I refused. Drake and his family are kind to me at sapat na 'yon. Ayokong maging abusado.
Sapat na 'yong alam kong kahit papaano, I have them as a part of my life.
Sa paglalakad ko, I saw a couple. Super close nila sa isa't isa at naka-couple shirt pa. Tipikal na he is mine and she is mine na damit ang kapwa suot nila. They're laughing together habang magka-hawak ang mga kamay nilang dalawa. Sa palagay ko ay bago pa lang sila.
They passed by. May naalala ako bigla. Ganyang-ganyan rin kami ng ex-girlfriend kong si Janice. Nagsuot pa kami ng couple shirt na may print na heart. Simple lang, ayaw namin pareho ng sobrang obvious. Nagiging corny kasi. But then, we broke up. Nahuli ko kasi siya na may kalandiang iba sa harap ng isang fast food chain. That b***h.
Nagalit ako syempre pero nangyari na. Ano pa bang mababago kung magpapaka-galit nalang ako sa kanya? She cheated on me. She begged for my forgiveness. Ibinigay ko iyon sa kanya pero ang maging kami ulit? No way, 'no. Hindi naman ako gano'n ka-tanga.
I loved her sa isang taon namin in a relationship pero ang panloloko ay still a choice. Kaya pinili ko ring i-let go siya. Besides, hindi naman ako gaanong nasaktan.
I don't know why. It felt so weird. Pero hayaan mo na. Life is life. Mahahanap ko rin ang taong para sa akin. Naniniwala ako dyan.
Dumaan muna ako sa 24-hours open na mini store at bumili ng pangalawang chocolate drink ko bago umuwi.
Then, I waited for a taxi and went home.
It's passed 1 am when I got to my apartment. Naligo lang ako nang mabilisan at nag-ayos ng mga gamit na kailangan kong dalhin bukas. I need to do this before I go to sleep. Hindi ko na kasi ito magagawa pagkagising ko dahil masyadong maaga ang pag-alis ko.
When I finished packing my things, dumiretso na ako sa pagtulog. It's been a long night, I need to rest.
NANG tumunog ang alarm from my phone, I immediately turned it off. Kahit alas sais pa lang, wala akong choice kung 'di ang bumangon na at mag-prepare for today.
Naramdaman mo na ba 'yong feeling na pagod na pagod ka pa rin although natulog ka naman for quite long hours? Ganito 'yon eh. Kahit limang oras akong nakahiga at humihilik sa kama ko, pakiramdam ko ay wala pa ring nangyari. Kulang na kulang pa.
I stretched my body for a few minutes to make sure na magising man lang ang diwa ko before I take a bath. I prepared the coffee maker dahil pakiramdam ko'y kailangan ko uminom ng mainit na kape ngayon. While waiting, I took the shower first and get dressed.
6:20 am na. Any minute from now ay malamang may kotse nang titigil sa harap ng apartment ko. Habang wala pa sila, inuubos ko muna ang kapeng ginawa ko. It gave me enough energy to wake myself more. Isa pa, malamig ang umaga ngayon. Tamang-tama lang ito.
A not-so-loud horn suddenly caught my ear. Nandyan na ang sundo ko.
I grabbed my luggage and my apartment keys with me. I made sure na wala akong nakalimutan before I leave. Lumabas na rin ako pagkatapos.
A black sports car made my eyes open wide. Whoa! Pangarap ko ito, eh. Ang elegante. Bakit ba ang yaman-yaman ng boss ko? Mukhang kahit sa panaginip, hindi ako makakapag-drive ng ganito ka-sosyal na sasakyan eh. Grabe!
Mula sa pagka-mangha sa sasakyan, napatingin ako sa taong lumabas mula roon. Isang lalake. Mukhang mas matanda lang sa akin ng ilang taon. Disente at halata sa kutis nito ang uri ng pamumuhay na mayroon siya. Nakasuot ng casual na pantalon at plain white polo. Sa itsura niya, 'di malayong kapatid siya ni boss.
Nginitian ko siya nang magtama ang mga mata naming dalawa ngunit hindi ito ngumiti pabalik.
"Good morning, boss." Bati ko pa rito.
"Get in the car. Ilagay mo na rin 'yang mga gamit mo sa loob." Plain nitong sabi. Tumango ako at sinunod ang sinabi niya. "Also, here. Pinapaabot ni Cristah." Humarap ako sa kanya at tiningnan ang sobreng hawak bago tanggapin iyon. Iyon na siguro ang budget na sinasabi ni boss sa akin kagabi.
"Thank you," tugon ko at nginitian siya.
"Mahaba ang byahe, we better hurry." Sambit niya. Gusto ko sanang tanungin kung ilang oras pero mukhang maiirita lang ang taong ito kapag nagtanong pa ako kaya't tumango nalang ako sa kanya.
Sumakay na ako ng kotse, sa backseat at gano'n rin siya na nasa driver's seat na. Nagsimula na siyang magmaneho. I looked at my watch.
6:40 am nagsimula ang byahe. Gaano kaya ito kahaba? I hope, hindi gaanong matagal. One fact about me, mainipin ako pagdating sa mga long drive na gaya nito.
Mahigit isang oras na ang lumipas at nakakaramdam na ako ng pagka-ilang dahil sa tahimik ang buong kotse. Well, hindi ko naman hinihiling na kausapin ako ng lalake na ito pero hindi kasi siya nagpakilala. Gusto ko rin sana ipakilala ang sarili ko pero pinangunahan na ako ng hiya. Isa pa, baka sinabi na rin sa kanya ni boss Cristah kung sino ako. So, hindi na yata kailangan.
Curious lang ako kung sino siya at kung kaano-ano siya ni boss. Sa itsura niya kasi ay malamang hindi siya tipikal na driver lang ni Ms. Yamada. Hindi rin naman yata siya interesado magpakilala dahil ang misyon niya lang ay ihatid ako. I don't have to complain.
Na-bored ako. Kinuha ko ang cellphone ko at naisipang i-chat si boss sa Scrollbook account ko.
Xantino Lacson
Hi, boss. On the way na ako papunta sa isla. Gusto ko lang tanungin kung ilang oras ang byahe papunta doon. Hehehe.
Mabuti at mabilis magreply itong si boss.
Cristahlyn Yamada
Didn't you ask your driver?
Xantino
Nahihiya ako boss, eh. Mukhang serious-type itong si Sir. Kapatid mo ba siya?
Cristahlyn
No. He's my bestfriend. Ganyan lang talaga 'yan, Xanti boy. Pa-suplado effect. Masasanay ka rin.
Masasanay?
Xantino
Bakit kailangan kong masanay, boss?
Na-curious kasi ako kaya tinanong ko. Kung ihahatid lang ako ng bestfriend ni boss, bakit ko kailangang masanay rito?
Cristahlyn
Sorry, I forgot to tell you. He will be your manager on that island. Partners kami sa bar na nandoon. Dapat pala binalaan na kita about him. He's too serious and a bit snob na rin. But don't worry, he's harmless. :)
Medyo nabigla ako sa nalaman mula kay boss. Meaning, ang lalakeng ito ay magiging boss ko talaga doon sa isla na 'yon. Surprising rin na sa loob ng dalawang taon kong pagta-trabaho sa Beer Man's Place, ngayon ko lang nakita ang bestfriend ni boss Cristah. Hindi pa ito nagagawi roon sa bar kahit minsan.
But it's totally fine with me. Wala naman akong problema sa magiging boss ko doon. As long as kikita ako ng doble roon sa isla for a month ay ayos tayo.
But I don't know his name.
Boss ko siya kaya I need to know.
Xantino
That's totally fine, boss. Anyway, hindi niya sinabi ang pangalan niya. Gusto ko sanang malaman ang pangalan ng magiging boss ko sa isla. :)
She's typing too slow.
Cristahlyn
That guy, he didn't even bother to introduce his name to you? My God. Anyway, his name is Haru.
And by the way, tatlong oras ang byahe papunta sa pantalan and when you get there, isang oras naman sa bangka. Baka kasi hindi sabihin sa'yo ni Haru 'yan. I hope you get there safe.
I gotta go, Xanti boy. Sayunara!
Then she logged out.
Nag-thank you nalang ako before I log out too.
I looked at the driver's seat kung saan patuloy na nagda-drive ang tahimik na bestfriend ni boss. I can see his eyes on the mirror above him. Singkit at expressionless.
Napansin ko ang relo ko. Mag-a-alas diyes na ng umaga. It's been 3 long hours simula nang magsimula ang byahe. Malapit na ba ang pantalan?
"We're here at the port. Bumaba ka na at kunin ang mga gamit mo." As he commanded, gano'n ang ginawa ko.
Bumungad sa akin ang 'di gaanong kalaking port at malawak na frame ng dagat. May mga malalaking barko rin rito na naka-standby at ilang bangka na mukhang paalis na. Isa kaya riyan ang sasakyan namin?
"Boss, may mga bangka na pong ready nang umalis. Tatawag na po ba ako ng isa?" I don't know pero hindi ko naiwasang magsalita. He looked at me in a really serious way bago umiling.
"No. May bangkang nakalaan para sa pagpunta sa isla. Hindi ang mga 'yan," sagot niya at may tinawagan sa kanyang cellphone. "Manong, pa-pick-up ng kotse ko rito sa may pantalan ngayon. Salamat." Nang ibaba niya ang phone ay napatingin siya sa bangkang kararating lang sa pantalan, gano'n rin ako.
Namangha ako sa ganda ng bangka na ito sa malapitan. Hindi siya tipikal na disenyo lang ng isang bangka. Mas malaki ito kung ikukumpara sa normal at 'di hamak na mukha itong bangkang-pangmayaman. Na-amazed ako all of a sudden. May ganito pala?
Tiyak kong ito na 'yon. Na-kumpirma ko nga na totoo ang hula ko nang sumampa na roon si Boss Haru.
Tiningnan ako nito. "Help yourself, sumakay ka na." Seryoso ang tono niya.
"Opo, boss." Ngumiti ako at binuhat ang maleta patungo sa bangka.
For an hour, naging mabilis ang byahe at hindi naman ako gaano nainip. Mas nakakainip pa nga kanina, eh. Isa pa, maganda ang view rito sa dagat. Iba't ibang malalaking rock formation rin ang napagmasdan ko. Nakaka-relax.
Sa buong byahe, napapansin ko ang pagiging tahimik ni Boss Haru. Sinabi na sa akin ng isa kong boss na ganito talaga ang bestfriend niya pero bakit nga ba siya ganito? Bakit pakiramdam ko, nakakatakot siya?
Ganito ba talaga ang lalakeng mayayaman? O ganito talaga ang dapat i-asta dahil nakaka-gwapo ito.
Oh shi—. Did I just say na gwapo itong si Boss Haru? No, I did not. Pero kung lalake sa lalakeng compliment, gwapo siya indeed.
Para siyang mixed ng Japanese at American na may halong Pinoy. Maputi, makinis, matangkad at may katawang pangarap ma-achieve ng ibang kalalakihan.
Katulad ko, hindi naman ako payat pero hindi malaki ang katawan ko. Dapat ba akong ma-insecure sa kanya?
Tumigil na ang bangka.
"Nandito na tayo. Pakitulungan nalang siya sa dala niya. Ikaw, what's your name again?" Ibinaling niya sa akin ang kanyang tingin.
Nagulat ako nang magtanong siya. "Xanti, boss." Magalang kong tugon.
Tumango siya. "This is Isla Rivas by the way." Sambit niya habang bumababa sa bangka. "Follow me." Utos niya.
Tumango lang ako bilang tugon kay Boss Haru. Ngunit hindi ko maalis ang mga mata ko sa pagsulyap sa bungad ng isla.
White sand, coconut trees, clean sea water and benches around the area—this is a paradise!
Sa ganito ka-gandang isla, I'll be happy to work here for a month.
My heart is filled with excitement.
"Welcome to Isla Rivas, Xanti..."