X A N T I MATAPOS ang i-katlong performance ko ngayong gabi, hindi na ako tumambay pa roon sa bar. Nagpaalam na ako at lumabas. Mag-a-alas onse na ng gabi. Kumpara sa unang apat na linggo ko rito, mas maaga na ngayon natatapos ang duty ko doon sa bar. Kung dati ay alas dose na ng gabi ang huling performance ko, ngayon ay alas onse na. Mas maaga ng isang oras kaysa sa dati. Kasali kasi iyon sa mga napag-kasunduan namin ni Sir Haru, one week ago. Bilang pagpayag ko na magtrabaho pa rito ng tatlo pang buwan, binago niya ang schedule ko. Every weekend na ngayon ang days-off ko. Isn't that great?! Mas maaga na ng isang oras ang out ko sa trabaho at weekend pa ang mga day-off ko. Mas gusto kasi na Sabado at Linggo ang araw ng pahinga ko dahil mas feel ko iyon kaysa sa working days. Isa p

