X A N T I
AT the end of this week, maku-kumpleto ko na ang one month contract ko rito sa Isla Rivas.
Sa lagpas tatlong linggong pananatili ko rito, pakiramdam ko ay sobrang dami na ng mga nangyari.
Sa totoo lang, hindi ko nga namalayan 'yong oras eh. Nag-e-enjoy naman ako sa ginagawa ko. Perform sa gabi, tulog sa araw, gigising nang medyo late at kung days-off ko naman ay naglilibot-libot sa buong isla.
Kung dito na matatapos ang pananatili ko rito sa isla, not a bad experience after all.
But still, nanghihinayang ako sa opportunity kung 'di ako mananatili rito. Bukod do'n, I will also miss the place and of course, 'yong mga taong nakilala at naging kaibigan ko na rito.
Art is one of those people.
It has been a week simula noong nalaman ko na magkapatid sila ni Sir Haru. It was a big revelation for me. I never expected that.
Gano'n pa man, nanatiling gano'n pa rin ang lahat kahit pa ngayong alam ko nang magkapatid sila. I saw them talking sometimes pero hindi gaanong madalas. I guess, nag-uusap sila just to give Art some financial support. Isa pa, kaya hindi ko rin sila madalas makitang gano'n ay dahil nga sinabi sa akin ni Art na hindi ito gusto ng nanay ni Sir Haru. Magagalit daw ito kapag nakikipag-ugnayan ang anak nito sa kanya.
Hindi ko pa siya nakikita o nakikilala though, I know she's a witch. An evil stepmother from the fairytales I've read before. Nakakainis!
It's a sunny day. Day off ko sa trabaho, meaning I can spend my day without rehearsing a song to perform later. Plus, nakatulog ako ng medyo maaga kagabi kaya I have energy to use for today.
Sana nga lang talaga ay magkaroon ako ng solid na activity today.
But maybe, like the usual days-off ay pupunta ako sa maliit na pamilihan rito sa isla at doon mamamasyala at magmu-muni-muni. Hindi pa ako nakakapunta roon magmula nang magsimula akong magtrabaho rito. Madalas kasi ay namamasyal lang ako sa malapit, so iba ang trip ko ngayong araw. Kaya nga excited na akong makarating doon.
Mag-a-alas dies na nang matapos akong magbihis at mag-ayos ng aking sarili.
Simple lang ang mga damit na suot ko. Isang kumportableng beach short at gray-ish white na polo. Nagsuot rin ako ng eyeglasses with a thick frame. Though, 'di naman malabo ang mga mata ko. Design lang, pandagdag sa porma ko ngayong araw.
Nagdala lang ako ng sapat na pera para sa pupuntahan ko ngayong araw. Siguro mga tatlong daan lang. Ako lang naman kasing mag-isa and siguro naman ay hindi ako mapapagastos nang malaki doon sa pamilihan. Hindi rin naman ako magtatagal.
Paglabas ko, mainit na as usual rito sa isla. Nagsuot ako ng itim na sombrero para naman kahit papaano ay may proteksyon ako sa init ng araw.
I was about to leave my room nang makita ko si Art, surprisingly ay tila nakabihis rin ito. Naka-pants at white shirt siya. Ang gwapo niya tingnan sa gano'n ka-simpleng porma, ang lakas niyang maka-modelo ng isang clothing brand dahil sa ganda ng katawan niya.
Napansin rin pala ako nito. Nakita ko kasi ang pagngiti niya nang magtama ang mga mata namin sa isa't isa. Tumigil pa ito at ako naman, lumapit sa kanya.
"Saan ang punta mo, pare?" Nakangiti nitong tanong sa akin. Ang bango naman niya. Ang lakas maka-lalake ng amoy. "Sinong ka-date mo?" Biro nito kaya't natawa naman ako.
Umiling ako. "Wala akong ka-date. Pupunta lang ako sa pamilihan para mamasyal. Day off ko ngayon kaya gusto kong sulitin 'tong araw. Hindi pa ako nakakapunta doon pero nagtanong na ako kung paano pumunta," nakangiti kong sagot sa kanya. "Ikaw? Pa-saan ka naman, Art?" Lately, mas comfortable akong tawagin siya in his name instead of pare.
"Sakto pala 'yong timing nating dalawa, eh. Doon rin ang punta ko, pare. Bibili ako ng cat food para kay Miming. Naubusan kasi ako. Eh, hindi naman 'yon kumakain ng iba bukod do'n." Tugon nito that made me smile. What a really right timing for us. "Sabay na tayo?" Ngumiti ito habang nakatitig sa mga mata ko. Damn. Lagi niya 'tong ginagawa, parang tinutusok ang buong pagkatao ko tuwing sa mga mata ko siya titingin.
"A-ah, sure." Iyon ang naisagot ko sa kanya at sabay na kaming lumabas sa may exit ng resort.
We talked about random things but mostly, tungkol sa pusa niyang si Miming. Buntis nga pala iyon at talagang alagang-alaga niya ito.
Now, malinaw na sa akin kung bakit may persian cat siyang alaga. Sa mayamang pamilya pala siya nagmula. Ang hindi ko lang sigurado ay kung sino ang nagbigay sa kanya nito.
Well, malay mo, binili niya on his own?
Nang makalabas, I saw a motorcycle parked beside the exit. Medyo nagtaka nga ako nang lapitan niya ito at bahagyang itinulak upang iharap sa kalsada.
"Motor ko, pare. Si Meowy," nagulat ako sa sinabi niya. Not that it's his motorcycle pero sa pangalan nito. Like seriously, may pangalan talaga ang motor niya? At related pa sa pusa? Cat lover talaga siya. "Dito ko 'to pinaparada kasi wala namang kukuha nito rito." Dagdag pa niya habang pinupunasan ang kanyang motor.
Lumapit ako. Pinagmasdan ang tila orange color ng motor niya na mukhang dinesenyo para magmukhang may hawig sa isang pusa. "Ang cute naman ng motor mo," I said tapos tumingin ako sa kanya, then I found out...mas cute pala siya. Damn. "Mahilig ka talaga sa pusa, 'no?" Obvious na nga, tinanong ko pa.
Kumamot ito sa kanyang ulo. "Weird ba para sa isang lalake?" Tumawa ito na tila medyo nahiya sa tanong ko. "Bata pa lang ako, mahilig na ako mag-alaga ng pusa. Kahit 'yong mga pakalat-kalat sa kalsada, pinupulot ko noon. Pero ngayon, si Miming nalang 'yong priority ko." Ngumiti ito nang sabihin iyon. Parang gusto ko yatang mainggit sa alaga niyang pusa. Buti pa siya, priority.
"Ano ka ba, hindi naman weird ang mga lalakeng mahilig sa pusa. Actually, I found it cute to find a guy na malapit sa mga hayop." Masyado yata akong nadala sa sinabi ko. "I mean, lahat naman tayo ay may mga hayop na hilig natin alagaan. Isa pa, cats are really cute." I added. He automatically smiled.
"Thank you," sambit niya. "Matagal na sa akin si Miming. Actually, regalo siya sa akin ni Papa bago siya mawala. I remembered, 20th birthday ko 'yon." Nakangiti niyang pag-alala.
"Cool...you managed to take care of Miming all by yourself." Tugon ko. "By the way, ilang taon ka na nga pala?" Simula kasi noong napunta ako rito. I've never asked him about his age kahit pa alam kong mas matanda ito sa akin. I feel weird dahil tinatanong ko siya ngayon.
Ngumiti siya habang tinitingnan ako. "Bakit mo natanong, pare? Pero sige, twenty-three. Mukha lang akong matanda pero binata pa ako," tatawa-tawa nitong sabi. "Ikaw? Ilang taon ka na ba?" Tila na- curious ito bigla.
He is four years older than me. I feel so young. Parang kuya ko na pala siya. Pero age doesn't matter naman, 'diba?
"I-I'm nineteen..." Nag-aalangan ko pang sagot. Baka kasi ma-disappoint siya kapag nalaman niyang malaki ang agwat namin sa isa't isa. "Pero magtu-twenty na ako in five months." Ngumiti ako.
Natawa siya. "Huwag ka nang mahiya. Tama lang naman 'yong edad mo sa itsura mo, eh. Sa katunayan, at nineteen, cute ka nga eh." Nginitian ako nito that made my hearbeat faster. Did he just say that I am cute? Pero teka, nahalata niyang na-dyahe ako sa edad ko? Still, he called me cute. Damn. "Pero bata ka pa, pare. Bawal ka muna mag-syota," biro pa nito that made me embarrass. Biro lang 'yon pero still, I feel so shy towards him.
Meaning, hindi pa ako pwedeng ma-in love? Eh, paano kung nagkakagusto na ako sa kanya? Bawal pa rin? Hay nako naman!
"Age doesn't matter naman ang love, eh. At saka, pwede na akong mag-syota kasi nineteen naman na ako. Legal age, kumbaga." Sinakyan ko naman 'yong biro niya. "Ikaw ba? Kelan ka ulit magkaka-syota, pare?" Ibinalik ko naman sa kanya 'yong topic.
Tinitigan ako nito nang naka-slightly smile. Na-ilang ako but still, hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. "Kapag ready ka na..." Damn. Anong sinasabi nito? "Kapag ready ka nang maging boyfriend ako," bumilis lalo ang t***k ng puso ko when he said those words. Demn. Ano na naman ba 'tong naririnig ko sa kanya?
Bakit parang....parang gusto kong k-kiligin?
Natapos lang ang momentum na 'yon nang bigla siyang tumawa at bigla nitong pinisil ang pisngi ko.
"B-biro lang 'yon?" Ang nasabi ko bigla.
Napatingin naman ulit ito sa akin nang nakangiti. "Bakit? Gusto mo bang totohanin natin?" He bit his lower lip. Then, he laughed again. For the second time, pinisil niya ang pisngi ko. "Ang cute mo, pare. Masyado kang seryoso dyan. Halika na nga," nginitian niya ako bago sumakay doon sa motor.
But...I thought, totoo 'yong mga sinabi niya.
Damn. Para kasing totoo! Nakakainis!
"Dyan tayo sasakay?" Ang tatanga-tanga kong tanong. "Pero wala tayong helmet."
Natawa ito. "Masyadong malayo ang pamilihan kapag nilakad natin, pare. Isa pa, matagal pa bago may dumaang sasakyan rito. Maghihintay ka pa. Huwag kang mag-alaala, hindi mo na kailangan ng helmet rito sa isla." Paninugurado nito. "Hindi mo rin kailangan mag-alala, safe ka naman as long as ako ang kasama mo." Ngumiti pa ito na nagpainit ng pisngi ko.
Mukha akong timang na natulala sa mga narinig ko mula sa kanya. I can't feel my body. Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko.
Just why? Bakit sobra-sobra 'yong mga use of kilig words niya? Damn.
"Okay...tara na." I said and acted normal kahit ang totoo, naiilang pa rin ako dahil sa bilis ng t***k ng puso ko. Hindi pa rin kasi ako nakaka-get over kanina.
Fifteen minutes siguro o higit pa ang naging byahe namin ni Art sakay ng kanyang motor na si Meowy.
Sa buong byahe, tahimik lang kami pareho. Siya kasi, nagfo-focus sa pagda-drive habang ako naman, ayon at naiilang sa kanya. Pa-minsan-minsan kasi ay napapa-subsob ako ng slight sa likuran niya kapag pumi-preno siya. It was awkward for me.
Mabuti nalang at hindi gaanong matagal ay nakarating na kami sa pamilihan rito sa isla.
As expected, katulad kung paano ko i-picture 'yong itsura nito sa isip ko ay gano'n rin ito sa personal. Hindi gaanong kalakihan pero hindi naman maliit na pamilihan. Actually, ayos nga ito.
Unang bumungad sa amin ang tindahan ng iba't ibang mga isda. Sa tabi naman nito ay ang tindahan ng mga karne at gulay. Sa pinaka-gilid naman, may ilang panaderya na tila dinadagsa ng mga tao. Mukhang masarap ang mga tinapay doon.
May looban pa ito ngunit wala pa akong ideya kung anong mayroon sa loob.
"Huwag kang mag-alala, hindi lang puro isda at gulay ang makikita mo rito. May mga kainan at tindahan ng mga gamit sa looban, marami kang makikitang interesante roon." Hindi ko man tinatanong, sinabi na sa akin ni Art. Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko.
Na-i-park na rin niya pala ang motor niya.
"Tara?" Anyaya ko sa kanya na hindi na makapaghintay makita ang loob ng pamilihan. He just smiled.
Naglakad na kami papasok doon.
When we got in, namangha ako sa mga nakita ko. It is indeed a beautiful market. May iba't ibang tindahan pala rito sa loob? Who would have thought? Iba kasi ang itsura nito sa labas.
Hindi mo aakalaing mayroon pala itong mga mini restos at shops sa loob. Parang katulad rin ng ilang stores doon sa syudad. Somehow, I feel I'm at the City. May City vibes kasi ang pamilihang ito!
I thought, puro dagat at mga puno lang ang makikita ko rito sa isla. I was wrong.
"Pare, bibili lang ako ng cat food. Doon pa 'yon sa dulo, gusto mo bang sumama?" Napalingon ako sa nagsalitang si Art. Hindi ako maka-focus dahil pinagmamasdan ko 'yong mga tindahan rito sa loob. "Dito ka nalang ba? Para makatingin-tingin ka na rin ng mga gusto mo." Nakangiti pa nitong dagdag.
Tumango ako sa kanya. "Sige, hihintayin nalang kita rito." Sagot ko.
Tumango lang ito at dumiretso na doon sa kanyang pakay. Habang ako, pinagmamasdan pa rin ang mga kainan at shops rito sa loob ng pamilihan. May mga clothing shops rin dito, surprisingly computer shops at grocery stores. May mga mini resto rin na mukhang masasarap ang mga binebentang pagkain at ilang toy store na patok sa mga bata.
Hindi gaanong maraming tao ngayon rito sa pamilihan, iilan lang na namamasyal o tumitingin ng mga tinda. Ang swerte ko dahil hindi ko kailangang makipagsiksikan para mamasyal.
Sa paglalakad sa iba't ibang tindahan, dinala ako ng mga paa ko sa isang mala-mini arcade shop kung saan marami akong nakitang mga laruan. Iilan lang 'yong mga arcade machines pero may mga batang masayang naglalaro doon.
Maya-maya pa, napako ang atensyon ko sa isang machine na madalas kong makita doon sa syudad. Isang stuffed toy claw machine. Mayroon pala rito ng ganito?
Lumapit ako rito at lalong nanlaki ang mga mata nang makita ang stuffed toy na nasa loob no'n.
"P-pikachu..." Ang nai-usal ko sa pagkamangha nang makita ang childhood favorite cartoon character ko. Napaka-cute ng stuffed toy na ito. Ang cute ni Pikachu!
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na maglabas ng barya. Ang sabi kasi sa instructions, insert a five-peso coin to play. Iyon ang ginawa ko. Luckily, may mga barya ako rito.
May ibang pokemon stuffed toys rito katulad nila Persian, Psyduck at Eevee pero si Pikachu kasi talaga ang gusto ko sa kanilang lahat. Siya 'yong gusto kong makuha ngayon.
Agad kong inihulog ang unang limang piso ko at agad ring iginalaw ang tila kambyo ng machine to make the claw move. Nang maitapat na sa stuffed toy na napili ko, I pressed the go button at ayan na...ayan na!
Bigla itong bumitaw kay Pikachu.
Di ako naghesitate na magtry ulit.
And again, hindi ko pa rin nakuha ang stuffed toy na gusto ko.
Isa pa, kailangang makuha ko na 'to ngayon.
Ipinokus ko ang buong sarili ko sa claw at kay Pikachu. Agad na bumaba ang claw sa tamang posisyon at makukuha na sana ito nang bigla namang bumitaw 'yong claw.
"Hay nako! Napaka-daya!" Gigil kong usal.
This claw is rigged. Lahat naman siguro ng toy claw machine ay ganito. Ano pa nga bang aasahan ko?
Pero si Pikachu...gusto ko talaga ang stuffed toy na 'yon!
"Hindi mo makuha?"
Napalingon ako nang marinig ang boses ni Art. Nasa likod ko na pala ito. May hawak siyang paper bag na sa tingin ko ay pinaglalagyan ng catfood na binili niya.
I feel a little embarrassed dahil naabutan niya ako sa ganitong sitwasyon...sa harap ng isang toy machine.
"Kanina ka pa ba dyan?" Ang naitanong ko sa kanya.
"Hindi naman gaano. Nakita ko 'yong dalawang paghulog mo ng limang piso dyan. Pinanood kita." Natawa ito. My God. Nakakahiya. Nakita niya kaya 'yong reaksyon ko tuwing hindi ko nakukuha 'yong stuffed toy? I looked stupid. "Mukhang hirap na hirap kang makuha 'yong stuffed toy." He mentioned the obvious.
Tumango naman ako. "Wala naman talagang nananalo dyan, eh. Tinry ko lang kasi favorite ko si Pikachu." Dismayado kong tugon sa kanya. "Pero okay lang 'yon. Nga pala, naiihi ako. Alam mo ba kung saan may banyo rito?" I asked him.
Ngumiti siya at may itinuro. "Diretsohin mo lang 'yan, pare. Tapos may makikita kang kaliwa na lilikuan mo, iyon na 'yon." Sambit niya.
"Salamat," sagot ko. "Ikaw? Dyan ka lang?" Tanong ko.
Tumango ito. "Dito nalang kita hihintayin, pare." Ngumiti kaya't sumang-ayon nalang ako at tumuloy na sa aking pupuntahan.
Nang dahil sa claw machine na 'yon, napuno tuloy ang pantog ko dahil sa excitement. Akala ko lang kasi hindi iyon katulad ng mga claw machine sa syudad. I thought, makukuha ko 'yong Pikachu na stuffed toy. Sayang tuloy 'yong fifteen pesos ko.
Matapos kong umihi, bumalik na agad ako kung saan ko iniwan si Art.
Natigilan ako nang makita siya doon sa harap ng claw machine kung saan ako naglalaro kanina. Anong ginagawa niya doon? Don't tell me, tina-try niya ring kumuha ng stuffed toy?
Pinanuod ko siya sa kanyang likuran.
I bet, hindi niya iyon makukuha like what happened to me earlier.
I was waiting for the claw to release the stuffed toy pero to my surprise, it did not happen.
The Pikachu stuffed toy was successfully dropped into the box, kung saan ito kinuha ni Art palabas.
Nagulat ako sa nasaksihan. H-he got the stuffed toy I didn't get earlier. P-paanong? Bakit hindi ko iyon nakuha kanina?
Nang lumingon siya he caught me watching him. Hawak niya 'yong stuffed toy at doon ako nakatingin.
"Paano mo nagawa 'yon? A-ang galing m-mo..." Mautal-utal ko pang sabi dahil sa pagkamangha.
Natawa siya. "May secret technique lang akong ginawa para makuha 'to," he looked at the cute Pikachu stuffed. "Hindi ko sasabihin kung paano." Biro pa nito na ikina-dismaya ko.
"Ang daya..." Nasabi ko nalang while looking at the stuffed toy he got.
Nagulat nalang ako nang bigla niya itong itinapat sa akin na tila ibinibigay ito.
"Oh." Sabi niya nang nakangiti. "Hindi ako mahilig sa stuffed toy. Kinuha ko lang talaga 'yan para sa'yo. Para kasing iiyak ka na kanina, eh." Tinawanan pa ako nito dahil sa pang-aasar niya. Lately, madalas na siyang mang-asar. Pero seriously? Para sa akin raw iyon?
"A-akin nalang talaga 'to?" I asked to confirm while handling the toy. "Sigurado ka ba?" Paninigurado ko pa.
He smilingly nodded. "Oo naman. Sayong-sayo na 'yan," wika niya at nilapitan pa ako ng kaunti. I looked at him in his eyes. Gano'n rin siya sa akin. "At saka, bagay sa'yo 'yang stuffed toy. Pareho kayong cute," nang sabihin niya iyon, I totally lost it all. Umakyat 'yong kuryente sa buong katawan ko...kinilig ako sa sinabi niya.
Still, I was able to contained myself. Pinigilan kong uminit ang pisngi ko at pinigilan ko ring tingnan siya. Baka kasi lalo lang akong kiligin kapag nakita ko ang mukha niya.
"S-salamat...sa stuffed toy."
Ngiti lang ang naging sagot niya sa sinabi ko. Matapos 'yon, nag-yaya siyang kumain ng lunch sa isang mini resto sa pamilihan. Nilibre niya ako.
It was a fun day for me. Nakasama ko siya nang ilang oras at nag-enjoy ako nang sobra.
Riding a motorcycle with him, a stuffed toy from him and a treat also from him...alam kong ang assuming nitong pakinggan pero masama ba kung kahit sa isip ko lang, ituring ko itong unang date naming dalawa?! Kahit bilang friends lang?
One thing's for sure. Gusto ko pang maulit 'yon.
When I got home, nagpahinga lang ako ng kaunti at nag-isip nang mabuti sa desisyong gagawin ko bago matapos ang araw na 'to.
Hindi na ako nag-dalawang-isip pang pumunta sa office ni Sir Haru.
This time, may sagot na ako sa offer niya.
I knocked before I get in.
"Xanti? Why are you here?" Nagtatakang tanong ni Sir Haru sa akin. "Anong kailangan mo?" Dagdag niya pa.
I walked closely towards his table at hinarap siya. "Sir, may desisyon na po ako tungkol doon sa offer niyo sa akin two weeks ago." I smilingly said.
Nagulat siya. "About the three months contact? So, anong desisyon mo?" Wika niti na tila gusto nang malaman ang sagot ko.
Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Pinag-isipan ko po talaga ito nang mabuti, Sir. Buo na po ang loob ko. I'll accept your offer. Tinatanggap ko na po 'yong tatlo pang buwan na pananatili ko rito sa Isla Rivas para magtrabaho bilang song-performer sa bar niyo." Ngumiti ako sa kanya nang sabihin iyon. Nabigla rin ako nang bigla siyang ngumiti.
I can tell that his smile was a sincere one.
Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti nang ganito.
Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa upuan niya. "I don't know what made you changed your mind about this pero I'm happy that you decided to consider working here for another three months." Inabot niya sa akin ang kamay niya. "Thank you for your decision, Xanti."
Tinanggap ko ang pakikipag-kamay ni Sir Haru.
Pero bigla ko rin itong binitawan.
Bigla kasi akong na-kuryente.
Sheyt. Ano 'to, spark?
×××