X A N T I
KAHIT yata dalawang baso ng kape, hindi kayang solusyunan ang pagka-puyat ko.
I decided to go out of the room at maglakad-lakad sa may tabing-dagat. Alas diyes na ng umaga at medyo masakit na rin sa balat ang sikat ng araw. Baka sa pamamagitan no'n, magising nang buo ang diwa ko at mawala ang antok na nararamdaman ko.
Siguro ay alas tres na kaninang madaling araw ako nakabalik sa kwarto ko. Inasikaso pa kasi naming pareho ni Art si Sir Haru. Masyado kasi itong nagpakalasing kagabi at hindi na nito kaya ang sarili niya. So, Art and I helped each other to carry Sir Haru to his house.
Malamang tulog na tulog pa iyong si Sir Haru at kung gising naman na siya ngayon, malamang ay talagang masakit ang ulo niya. Sa dami ba namang beer ang nilagok niya, malamang ay hindi siya agad makakabangon sa kama. Matigas rin kasi ang ulo niya. Well, I guess, gano'n talaga ang ugali ng mga taong sawi sa pag-ibig. Drinking to the fullest without minding the consequences later.
Maraming tao rito sa beach side, maraming naliligong turista at ang ilan ay nagsa-sunbathing pa.
Lakad lang ako nang lakad palayo doon sa pinagmulan ko. Babalik na rin naman ako mamaya.
Last night was so unexpected.
Marami pangyayaring hindi ko in-expect. Katulad ng pag-imbita sa akin ni Sir Haru na makipag-inuman sa kanya. He's my boss. Hindi ko lang lubos-akalain na makakainuman ko siya. I even found out something confidential about him. That he ain't straight.
He confessed to me drunkly. Nagkwento siya about sa boyfriend niya, who cheated on him at kung gaano siya nasasaktan. I feel sorry for him. No one deserves to be hurt by someone they loved. Walang taong deserve lokohin at ipagpalit sa iba.
But if I thought, iyon na 'yon, I was wrong.
When Art and I escorted him to his house, I saw something familiar. Iyon ay ang mga litratong nakita ko rin doon sa office ni Sir Haru. Most especially, the picture of a guy na kamukhang-kamukha ni Art. Tapos all of a sudden, malalaman kong siya pala talaga iyon? Damn.
Art told me the truth.
Pagkatapos no'n, I didn't bother to ask him some details regarding to it. Ayoko ring magsalita muna. Maybe, dahil sa antok at pagod na rin. Isa pa, ayokong pangunahan si Art sa bagay na ngayon ko lang naman natuklasan.
See? Last night was totally unexpected talaga. Maraming revelations at maraming shocking moments na kumonek sa dalawang taong kilala ko.
Who would have thought na ang boss kong yayamanin at nag-uumapaw sa ka-gwapuhan ay konektado pala sa isang taong naging kaibigan ko rito sa isla? Si Art na simple yet, ubod rin ng gwapo at nakatira lang sa isang kubo ay kapatid pala niya. Sige nga, sinong mag-aakala?
I just don't understand kung bakit magkaiba ang uri ng pamumuhay na mayroon sila.
But whatever it is, sigurado akong may kinalaman iyon sa isang bagay. Sa hindi pag-kakaunawaan nilang magkapatid. Sir Haru told me about his brother na pakiramdam niya ay inagawan niya daw ng taong gusto. He was talking about Art.
Now, kung may bagay man na malinaw sa akin ngayon, iyon ay Art is not straight too. He never told me. Hindi ko rin napansin dahil lalakeng-lalake siya but Sir Haru clearly said, they fell in love with the same guy.
Nakakabiglang malaman, oo pero at some point, may pag-asang nabuhay sa loob ko for Art. Maybe, because now I know na nagka-gusto siya sa lalake.
Pero alam ko rin naman na it doesn't mean na magugustuhan niya ang tulad ko. It's just that, alam kong kahit papaano ay pareho kami. That we're not straight guys.
Teka nga, bakit ba ako nag-iisip ng mga ganitong bagay?
Pabalik na sana ako sa kwarto nang maka-salubong ko ang taong nasa isip ko kani-kanina lang.
"A-Art..." I said. Medyo nabigla rin kasi ako nang sumulpot siya. I smiled at him. Mukhang kagigising lang rin niya.
His hair is messy but it didn't change his handsome face any bit. "Pare, magandang umaga." Bati nito sa akin and gave me a sweet smile. Naka-sando ito at banat na banat ang mga muscles sa kanyang braso dahil sa kanyang pag-strech.
"Good morning rin. Saan ang punta mo?" I asked. Mukhang papunta siya sa beach but I still asked anyway. "Nakatulog ka ba nang maayos, pare?" Damn. Everytime na gagamitin ko ang salitang pare, parang niloloko ko ang sarili ko.
It seems na hindi pa siya nakakatulog masyado dahil humikab pa ito bago sumagot. "Hindi ako masyado nakatulog, eh. Pero ayos lang, pare. Babawi nalang ako mamayang tanghali," ngumiti siya. "Bibili lang ako ng kape sa banda roon, naubusan ako eh." He added.
I took the opportunity naman to ask him.
"Huwag ka nang bumili, ipagtitimpla nalang kita ng kape pare. Meron ako doon," sambit ko nang nakangiti, waiting for him to agree.
Ngumiti ito. "Nako, huwag na pare. Nakakahiya naman. Bibili nalang ako," pagtanggi nito sabay iling.
I tapped his muscular arm. "Ito, parang sira? Pinakain mo nga ako ng almusal noon sa kubo mo, eh. Sige na, ako naman ngayon sa kape mo." Pagkubinsi ko rito. "Papayag na 'yan..." Pahabol ko pang linya na although mukhang ewan, ginagawa just to make him say yes.
At iyon nga ang nangyari.
"O sige, pare. Mapilit ka, eh." Nakangiting tugon nito. "Dapat masarap 'yong kape mo ha?" Biro pa nito.
"Oo naman. Sasarapan ko para sa'yo!" Sambit ko. Napatingin ito sa akin with a slightly serious stare. "I mean, 'yong timpla pare. Masarap kaya ako magtimpla ng kape." Ngumiti naman siya.
"O siya, e tara na!"
Baka kasi anong isipin niya, mabuti na iyong klaro.
Anyway, bumalik na ako sa kwarto with Art. Pinapasok ko siya sa loob kahit sinabi niyang doon nalang daw sa labas dahil may terrace naman do'n. Mainit kasi sa labas kaya ako na 'yong pumilit sa kanyang sa loob nalang magkape.
I closed the door. Air-conditioned kasi ang buong kwarto kaya hindi maganda kung nakabukas ang pinto habang bukas iyon.
"Maupo ka muna dyan," utos ko sa kanya. May mini table sa loob ng kwarto ko at dalawang silya na tamang-tama kung gusto mong magkape. "Magtitimpla lang ako ng kape," paalam ko at nginitian naman ako nito bago siya umupo.
I started to prepare the cup at iyong mainit na tubig. Mayroon na ako kanina kaya 'di ko na kailangang mag-init pa. Sachet nalang ng kape and ready to go na.
"Hanggang kailan ka rito, pare?" Napalingon ako nang magsalita ang nakaupong si Art. "Kadalasan, iyong mga song performer dyan sa bar ay ilang buwan lang ang kontranta. Wala namang nananatili, eh." Wika pa niya. Napa-kunot ang noo ko sa huling sinabi niya. Bakit feeling ko, iyong last line niya, may kahulugan?
Hinalo ko ang kape sa baso na hawak ko. "Isang buwan lang ako rito, iyon ang napag-usapan but, Sir Haru offered me another contract na magstay pa rito ng three more months. Hindi pa ako sumasagot sa offer niya," sagot ko at inilapag na ang kape doon sa table kung nasaan siya. "Ayan na ang kape mo, pare. Masarap 'yan, sobra." Paninigurado ko sa kanya.
Tinikman niya ito. Napatingin siya sa akin. "Masarap nga, pare. Ang galing mo pala magtimpla ng kape?" Hindi ko alam kung biro 'yon o ano pero ngumiti nalang ako. "Bakit hindi ka pa sumasagot sa offer sa'yo ng bar? Ayaw mo na ba rito?" Tanong nito sa akin.
Umiling ako kaagad. "Nako, hindi pare. Sa katunayan, gusto ko ang lugar rito sa isla. Payak at simple. Nakaka-relax nga araw-araw, eh. Pero kasi, may mga naiwan rin ako roon sa syudad. Isa pa, namimiss ko rin ang apartment ko doon." Nakangiti kong tugon sa kanya. Umupo ako sa silya na kaharap niya. "Still, pinag-iisipan ko pa naman 'yong offer sa akin rito sa isla for another 3 months. Malaking opportunity rin naman ito. Iyon nga lang, gusto ko pa ng mas matibay na rason para magstay." Dagdag ko pa.
Matapos ibaba ang kape itinaas nito ang kanyang braso at bahagyang nag-ayos ng kanyang magulong buhok. Dahil naka-sando, muling sumilay sa akin ang mabuhok nitong armpit. Damn. Nakatingin pa ito sa akin na animo'y nang-aakit.
"Nasa sa'yo naman 'yon, pare eh. Kung gusto mo manatili rin ng ilan pang buwan o hindi." Nakataas pa rin ang braso nito habang nag-aayos siya ng buhok, lalo tuloy akong na-distract dahil sa kili-kili niya. "Pero ako? Kung ako ang tatanungin mo, gusto kong dito ka nalang." Ngumiti ito nang sabihin iyon. His smile made my heartbeat fast. His lips, ang pula no'n. Ang sarap...halikan.
Bago ako pumunta rito, never had I imagine na makakaramdam ako ng ganitong feeling towards a guy. Ang hot lang kasi?!
But, wait...he just said na kung siya ang tatanungin...he wants me to stay here? "...gusto ko, dito ka nalang." Damn. What does it exactly mean?
Alam kong wala namang ibang ibig sabihin iyon pero bakit kinikilig ako ngayon?
Magti-three weeks pa lang ako rito at magta-tatlong linggo pa lang kaming magkakilala pero gusto niyang dito nalang ako?
"I'm going to think about it." I smiled, widely. Tapos, bigla namang may pumasok sa utak kong isang bagay na gusto kong itanong sa kanya. I took the chance. Siguro naman, pwedeng magtanong kahit kaunti 'diba? "Ah, would you mind if I ask you something? Tungkol kay Sir Haru..." Nahiya pa ako nang sabihin iyon. Tumingin naman ito sa akin. I'm just really curious about the story behind them.
He took another sip bago magsalita. "Pasensya ka na, hindi ko agad nasabi sa'yo." Paghingi nito ng paumanhin. "Hindi ko sinabi agad na magkapatid kaming dalawa." Dagdag pa niya.
Umiling naman ako. "Ano ka ba, wala 'yon. Hindi rin naman ako nagtanong. Isa pa, I only saw you once na magkasama. And it's okay." Tugon ko. "Pero pare, if you don't mind, pwede ko bang malaman kung bakit magkaiba kayo ng pamumuhay ni Sir Haru? I mean, sigurado akong mayaman ang pamilya niyo. Why did you choose to live so simple?" Tanong ko sa kanya. Nadala na rin ako ng curiosity ko.
Pero I'm sure, may kinalaman iyon sa lalakeng ikinwento sa akin ni Sir Haru kagabi. Iyong lalakeng nagustuhan daw ni Art...na nanloko kay Sir Haru.
Maybe, that's the reason.
Ngumiti ito. "Dahil iyon lang 'yong tanging paraan para matahimik ang lahat," wika niya. "Magulo lang 'yong buhay namin kapag magkasama kami sa iisang bahay kaya nagdesisyon akong lumayo at manirahan mag-isa rito sa isla, kaya lang, sumunod siya at dito pa nagtayo ng bar." Umiling-iling pa ito habang nagke-kwento. I didn't get it all. So, what exactly the reason? Bakit wala siyang binabanggit na lalake?
"Is it because of love?" Di ko na napigilan. "Na-kwento niya sa akin, pare kagabi. About this guy na pareho niyong nagustuhan. I'm sorry to mention it." Nabigla ako sa sinabi ko. I'm so insensitive!
Hindi naman siya nagulat.
Umiling ito. Nagtaka naman ako. "Okay lang sana kung tungkol lang iyon doon pero hindi, eh." Naguluhan ako sa sinabi niya. "Magkapatid kami sa tatay ni Haru. Nakatira ako sa kanila sa kagustuhan ni Papa. Pero nang mawala siya dahil sa sakit niyang cancer, pinalayas ako ng nanay niya. Una pa lang naman, alam kong hindi na ako gusto ng mama niya. Kaya naisip kong lumayo kahit pa noong namatay si Papa, ipinamana nito sa akin ang bahay at fifty percent ng mga ari-arian niya. Mas mabuti na ang gano'n kaysa gumulo pa lalo ang lahat," pagke-kwento niya na gumulat sa pagkatao ko.
Damn. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa nalaman mula kay Art. So, it means, hindi lang ito dahil sa isang lalake? Hindi ito tungkol sa i-kinwento sa akin ni Sir Haru kagabi. It's beyond complex than that.
Nakaramdam ako ng awa kay Art matapos malaman ang kwento nilang dalawa ni Sir Haru.
"Kung gano'n, bakit hindi mo ipinaglaban ang karapatan mo, pare? May ipinamana sa'yo ang tatay niyo ni Sir Haru. It's your right to claim that." Hindi ko mapigil ang emosyon ko. Naaawa ako sa kwento niya.
Ngumiti ito sa akin. "Hindi ko naman kailangan ng mga iyon, eh. Mga materyal lang 'yon, pare. Sila naman 'yong tunay na pamilya ni Papa, eh." Nang sabihin niya 'yon, lalo akong naawa sa kanya. Bakit ba napakabait ng taong 'to?
"Anak ka man niya sa labas o hindi, pareho pa rin kayo ng tatay ni Sir Haru at dapat pantay kayo ng karapatan, Art." Mahinahon kong sabi sa kanya habang nakatitig sa mga mata nito. "Hindi iyong nagtitiis ka rito sa isla." Nahiya pa akong sabihin iyon sa kanya.
"Kaya ko naman ang sarili ko, pare. Si Haru lang talaga ang mapilit. Pilit niyang kino-konsensya ang sarili niya kaya kahit ayaw ko, madalas niya akong abutan ng pera. Kaya rin siya nagtayo ng bar rito ay para bantayan ako. Mas matanda siya sa akin ng dalawang taon kaya pinapairal niya ang pagiging kuya niya." Damn. Kuya niya pala si Sir Haru? Pero hindi niya tinatawag na Kuya ito. Mas mukhang mature siyang tingnan kaysa doon, eh. I thought, siya ang mas matanda kaysa kay Sir Haru. By the way, iyon pala ang rason kaya sila magkausap ni Sir Haru noong nakaraan. "Wala naman akong sama ng loob sa kanya. Nag-iingat lang kaming makitang nag-uusap dahil may mga mata ang nanay niya rito sa resort para bantayan siya. Alam niya kasing nandito ako. Alam niyang sinundan ako rito ni Haru. Hindi niya gustong nakikipag-ugnayan ako sa anak niya. Madalas rin siyang pumunta rito para bumisita kay Haru." Pagke-kwento nito.
Bakit gano'n? Hindi ko pa man nakikita ang stepmother nitong si Art, na nanay ni Sir Haru ay naiinis na kaagad ako rito? Is she some sort of an evil witch?
"Nalulungkot ako para sa inyo, pare. Hindi mo deserve itrato nang ganito," ang nasabi ko nalang kay Art.
Ngumiti ito at umiling. "Kung ano man 'yong mga nangyari, hindi ko 'yon pinagsisisihan. Masaya naman na ako sa buhay ko ngayon, eh." Sambit niya.
Naalala ko tuloy ang tungkol sa lalakeng sinabi ni Sir Haru na nagustuhan niya.
"Hindi ko gustong maging insensitive pare pero pasensya ka na dahil nalaman ko na rin naman, gusto ko na ring itanong ang bagay na ito." Wika ko at humugot ng lakas ng loob na magtanong sa kanya. "Naka-move on ka na ba sa lalakeng iyon?" Alam kong alam niya ang tinutukoy ko.
Napangiti siya. "Matagal-tagal na rin, pare. Oo naman. Hundred one percent," paninigurado nito. "Matagal ko na ring binago ang sarili ko matapos 'yon." Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin.
"What do you mean, pare?"
Ngumiti ito nang nakatingin sa akin. "That was the first time I fell in love with a guy and it was a failure. Nagkamali ako," sambit niya. "Straight naman ako noon pa. Nagkataon lang siguro iyon. Pero mula noon, ipinangako ko sa sarili ko na hindi na iyon mangyayari. Hindi na ako magmamahal ng isang lalake," tahasan niyang sambit na ikinabigla ko from within.
"Hindi na ako magmamahal ng isang lalake..."
Sheyt.
My hopes are slowly fading.
Wala na. Sinabi na niya, eh.
"H-hindi na ba talaga, pare?" Pagbabaka-sakali ko. Though, I look like stupid sa tanong kong iyon. "I mean, wala na bang tyansang magkagusto ka sa lalake?" Pahabol ko pa.
He stared at me. He smiled.
Sasagot na sana siya nang biglang may kumatok sa pinto. Damn
Wala akong nagawa kung 'di ang tumayo at buksan iyon.
To my surprise, si Kaitlyn iyon.
"Si Art?" Biglaan nitong sabi. Seryoso siya at may hawak na paper bag. Wala man lang pagbati ako nitong tiningnan. "Wala kasi siya sa kubo niya. Nakita ko rin 'yong tsinelas niya rito sa labas kaya kumatok na rin ako," ngumisi siya. I could tell that it was fake.
"Kaitlyn? Anong kailangan mo?" Biglang sumingit si Art sa likod ko.
Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Kaitlyn na mula sa seryoso ay tila nagblush pa ang mga pisngi nito.
"Good morning, Art! Hinahanap kita, eh. Magtatanghali na, malamig na 'tong niluto ko para sa'yo! Halika na doon sa kubo mo, papakainin kita ng masarap!" Bigla nitong hinila palabas si Art. Wala itong nagawa. Nagulat ako.
"Teka, Kait—."
"Sige na, pare. Sa susunod nalang ulit," paalam ko rito at ngumiti. I looked at Kaitlyn, mukhang hindi maganda ang tingin nito sa akin. "See you later rin, Kaitlyn." Nginitian ko siya.
"Okay." Walang emosyon nitong tugon at hinila ulit si Art. "Halika na, Art! Sigurado akong gutom ka na. Dali!" Pagmamadali nito.
"Una na ako, pare. Salamat sa kape." Paalam ni Art. "Iyon na 'yong favorite kong kape simula ngayon," nang sabihin niya iyon ay tila ako naman 'yong uminit ang pisngi. Napangiti ako.
When I looked again at Kaitlyn's face, she's definitely not in the mood to smile. Para kasing gusto niya akong suntokin sa itsura niya ngayon. What did I do ba?
I waved at them and they left.
He left me so kilig.
×××