Chapter Nine

2734 Words
X A N T I MAHIGIT isang oras na siguro mula noong imbitahan ako ni Sir Haru na uminom kasama siya rito sa harap ng maalong dagat. Obviously, lasing na lasing na siya. Ako naman, nakaka-apat pa lang ako sa anim na pirasong flavored beer na nasa bucket. Hindi pa naman ako nakakaramdam ng kalasingan, which is understandable kasi very light lang ang drink na 'to. Still, medyo dizzy na pero in a way na para bang inaantok na ako at gusto ko nang matulog right here. I looked at Sir Haru's face na halatang-hatala ang pamumula ng mukha dahil sa maputing kulay ng balat nito. He's intensely blushing. Hindi na rin niya halos ma-imulat ang singkit niyang mga mata dahil sa kalasingan. Halos lahat rin ng butones ng suot niyang polo ay nakabukas na. Wasted na wasted ang dating nito sa itsura niya ngayon but still, nando'n pa rin 'yong gwapong look niya. "Sir, tara na po?" I said. As if naman, makikinig siya sa akin. "Inaantok na ako, Sir eh. You also need to take a rest. Masyado ka nang lasing, Sir." Sambit ko pa pero siya patuloy sa pag-inom ng huling bote niya ng beer. "I-if you want to go, then go! Leave me here. Besides, I can handle myself naman!" Malakas na sabi nito dulot ng kalasingan niya. He can handle himself naman? Damn. Nakikita niya ba ang itsura niya ngayon? Napatitig ako sa kanya. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa isang tao. Kaya ka nitong pasayahin pero kapag nawala 'to sa'yo, parang ikaw na ang pinaka-malungkot na tao sa mundo. By looking at this man's face right now, I can tell na inaasa niya lang sa alak at pagkahilo ang lahat. Siguro to ease the pain he's feeling inside. Ang miserable niyang tingnan. Napaka-unprofessional man para sa isang disenteng boss ang uminom nang ganito at magpakalasing nang sobra, I think, naiintindihan ko siya. Being heartbroken is not an easy thing. Hindi ito parang gutom na kapag kinain mo, mabubusog ka tapos okay ka na. Mas malala pa ito sa lagnat kasi ang lagnat tumatagal lang ng ilang araw, pero ang pusong nasaktan? Matagal bago malunasan. Matagal gumaling, mahirap hilumin. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala that Sir Haru isn't straight. That he fell in love with a guy like him too. Para kasing imposible dahil sa lalakeng-lalake niyang itsura at pangangatawan. But I guess, wala nga pala 'yon sa pisikal na anyo ng tao. If you're gay, you're gay. Na-ikwento niya kanina that his boyfriend for 2 years, na ex na niya ngayon, cheated on him. Ipinagpalit siya nito sa babae. May kumuha ng litrato ng kanyang boyfriend kasama ng babae nito—kissing. Kaya nagdesisyon siyang makipaghiwalay kahit gaano ka-sakit. He told me enough para malaman ko kung ano ang nasa loob niya. Obviously, he is in pain. Masama ang loob niya. Recently lang niya nalaman and as much as he wanted to keep it inside, hindi na niya napigilan. So here he is, nagpapakalunod sa alak. I don't understand why that bastard guy did it to him. Gwapo naman si Sir Haru. Ma-appeal, mayaman at may malaking katawan. Kahit sinong babae o binabae ay papangaraping maging boyfriend siya. Mukha lang siyang suplado at intimidating pero mabait naman siyang tao. Bakit nagawa iyon sa kanya? I guess, kahit gaano ka ka-gwapo o kataas ang posisyon mo sa buhay, kung lolokohin ka—lolokohin ka. Period. "Sir, hindi ko kayo pwedeng iwan rito nang ganyan kayo. Sabay tayong aalis rito." Wika ko sa kanya na tila walang pakealam. "Mabuti pa, Sir? Ipahinga niyo muna 'yan. Then, bukas ng umaga, magkape kayo and start everything new. Alam kong mahirap iyon, Sir but that's the only thing you can do to start again. To be better again," dagdag ko. Slightly, giving him an advice. Then, he turned to me. Tinitigan ako nito. "Am I not enough, Xanti? Hindi ba ako sapat para ipagpalit niya 'ko sa isang babae? Deserve ko bang masaktan kasi tinalo ko 'yong lalakeng gusto ng kapatid ko?" A tear fell from his eye. Nabigla ako for a moment. What do I do? He is talking about his brother again at ang kasalanan niya daw rito. Na-ikwento niya kanina na he felt like, inagaw niya sa kapatid niya ang lalakeng iyon. "I loved him naman, eh. Sa katunayan, hindi ako tumingin sa iba ever. Siya lang. He's the only one, Xanti. Alam niyang siya ang buhay ko. Pero sinaktan niya 'ko..." At this point, nakaramdam ako ng awa sa kanya. Gaya nga ng sabi ko, hindi biro ang masaktan, lalong-lalo na in love. Physical pain is way more tolerable than emotional one. Iyong sugat kasi sa parte ng katawan mo, magagamot mo at malaki ang tyansang gumaling iyon kaagad. Pero 'yong sugat sa puso? Anong gamot doon? He's totally in pain. Hindi ko ramdam 'yong sakit na nararamdaman niya ngayon but I totally understand it. Galing na ako doon. Noong magbreak kami ni Janice 'cause I caught her cheating on me, nasaktan rin ako syempre. Not super in pain pero masakit. Kasi loyal naman ako, I'm truthfully honest with her tapos lolokohin niya ako? That was a foul! Mali iyon. Masakit iyon. I don't know what advice to give him kasi paulit-ulit ko na sa kanyang sinabi na it will take time to heal the pain. I also said na, ngayon lang 'yan. But I realized, ang stupid ko naman magbigay ng advices sa isang taong brokenhearted. Parang hindi naman makakatulong 'yong mga words ko, eh. But indeed, I really want to help Sir Haru. Kahit by saying words like to assure na hindi siya nag-iisa and to make him feel na he is worthy enough para mahalin siya. I want to tell him how much I understand his situation right now. I looked at him straight to his eyes. "Of course, you are worthy enough to be loved, Sir. Everyone is worthy. Don't question your value. Hindi 'yan makakatulong. Instead, be strong and be better for your own good sake. Kahit mahirap at kahit masakit." I clearly said. "I knew the feeling. Lahat naman tayo nasaktan na from different times in our lives. Alam kong masakit maloko, Sir kasi I've been there. But you know, the only way to forget the pain isn't forgetting it at all. Feel the pain, hanggang wala ka nang maramdaman sa susunod. Feel the pain para masanay ka. But most importantly, learn from it. Use pain as a motivation to start again." I'm not good at giving advices to other people pero at least I think it all makes sense naman 'diba? Sana lang at naintindihan niya 'yong gusto kong iparating kahit pa gaano siya kalasing. He's just staring at me. "You think?" Sabi niyang ganyan tapos pinunasan ang mga luha sa kanya mukha. "Well, thank you for your advices. It will be a big help if ever na gustuhin ko pang ituloy ang buhay ko." I was shocked from what he just said. Nagulat ako nang bigla siyang tumayo. Muntik pa itong matumba but he balanced his body para makatayo siya nang maayos. Unti-unti itong naglakad palapit sa dagat. I started to panic. "Uy, Sir! Anong gagawin mo?" Tumayo na ako. "Sir!" Pagtawag ko dahil patuloy siya sa paglapit doon. Without looking at me, he shouted. "I'm gonna end this f*cking life! To end this stupid pain!" Nagulat ako. Seriously? Napatakbo palapit sa kanya na nasa tubig na. I grabbed his arms and pulled him away from the water. But he's way more stronger than I am. Nahirapan ako. "Sir, huwag kang ganyan, please! Hindi makakatulong 'tong ginagawa mo sa sarili mo. What if matuluyan ka?!" Sigaw ko. "Hindi mo ba alam na maraming taong gustong mabuhay sa mundo? Tapos ikaw, dahil lang sa love, you'll kill yourself?" Dagdag ko habang patuloy sa pagpupumilit na hilahin siya palayo roon. Sa lakas ng alon, basang-basa na ang short ko. Actually, pareho kami ni Sir Haru. Basa na rin ang kanyang suot dahil 'di siya papigil. "That's my plan! If I get drowned, tapos na ang problema ko!" He shouted again. "Let go of me, okay?!" Sinigawan ako nito pero hindi ako nagpatinag. "I will not let you kill yourself, Sir!" Sigaw ko at buong lakas na hinila siya palayo sa tubig. Surprisingly, nagawa ko iyon at pareho kaming natumba sa may buhanginan. I looked at him. Hinihingal ito. Pawisan at nakapikit. "Y-you are so annoying. Do you know that?" Nakapikit nitong sabi. He's crazy drunk. Wala na yata ito sa katinuan niya kaya naisip gawin ang gusto niyang gawin kanina. "I just want to end the pain..." Pahabol pa nitong bira. Sinamaan ko siya ng tingin habang hinahabol rin ang paghinga ko. "Well, to tell you something, hindi iyon ang tanging paraan para tapusin ang sakit na nararamdaman mo, Sir. Maraming pang ibang paraan. Don't be stupid in love!" I can't help but to scold him. I know, wala ako sa posisyon pero kagigil rin kasi itong tao na ito. "And w-what is it? A-anong ibang paraan?" Nabigla ako nang itanong niya pa 'yon. Nang tingnan ko ito'y nakapikit pa rin. "To love again..." I said as I looked up the star-filled sky. "It's your choice if you want to find the right person for you, 'yong hindi ka lolokohin. Also, choice mo rin kung gusto mong i-stuck ang sarili mo sa isang taong niloko ka na nga, mahal mo pa. Kaya masyado kang nasasaktan kasi masyado mo siyang minahal." I added. Understandable naman kung minahal niya ang taong 'yon nang sobra. Kaya lang, kapag nasaktan ka, sobra ring masakit. Hindi na siya sumagot after what I've said. It seems like, nakatulog siya rito habang nakahiga sa may buhangin. Sobra kasing lasing, eh. What do I do now? I stood up and think for a good idea kung paano ko siya aakayin pabalik sa kanyang bahay? O sa office niya since hindi ko alam kung nasaan ang tinitirahan niya rito sa isla. Masyadong malaking tao si Sir Haru para sa akin and impossible na ma-akay ko siya nang ako lang. Paano na 'to? "Pareng Xanti?" Napalingon ako dahil sa narinig na pamilyar na boses. Nagulat ako nang makita si Art. He's wearing a jacket. Napatingin ito sa akin na inilipat ang tingin sa nakahigang si Sir Haru. Mukhang gulat na gulat siya. Good timing siya 'cause I need help for this boss of mine na sobra na ang kalasingan. "P-pare, can you help me bring him to his house? Nagkainuman kasi kami, eh. Sobra na rin siyang lasing at hindi ko kaya na akayin siya na ako lang mag-isa." Pakiusap ko rito na hindi naman nagdalawang-isip na lumapit. "S-sige, pare. Tara," he stared at Sir Haru's face for seconds before grabbing his arms para itayo ito. Inalalayan ko naman siya sa kabila nitong braso. Nang pareho na naminga akay ang walang malay na si Sir Haru, saka ko ulit naalala na hindi ko nga pala alam kung saan ang bahay nito. Ang alam ko lang, iyong office niya. "Siguro doon nalang natin siya sa office niya dalhin. Hindi ko kasi alam kung saan 'yong bahay na tinutuluyan niya sa isla, eh." Sabi ko kay Art. "Alam ko kung saan siya nakatira. Doon natin siya dadalhin," nagulat ako nang sabihin niya iyon. Really? Alam niya ang bahay ni Sir Haru? Pero hindi naman nakapagtataka 'yon dahil nakita ko silang magkausap noong isang araw. Magkakilala nga sila. When we got there, binuksan ni Art ang pinto ng hindi gaanong kalakihang bahay ni Sir Haru. But still, pagpasok namin sa loob ay ang sosyal ng mga kagamitan niya. From couches to tables, pati 'yong mga paintings sa dingding—pang mayaman! Nagdecide kaming ihiga nalang muna siya sa couch since malaki at malawak naman ito para sa isang malaking taong-lasing na kagaya ni Sir Haru. Wala pa rin itong malay na hindi na yata kinaya ang hilo at kalasingan kaya nakatulog na nang malalim. "Will he be okay right there?" Paninigurado ko kay Art na kasalukuyang inaayos ang mga paa ni Sir Haru na wala na sa couch. He turned to me. "Magiging okay siya dyan, pare. Hindi naman 'yan malikot matulog kaya 'di siya mahuhulog dyan," he said na ipinagtaka ko. Ano ulit 'yong sinabi niya? Hindi malikot matulog? P-pero, paano niya nalaman ang gano'ng bagay tungkol kay Sir Haru? "O-okay, sabi mo eh." Wika ko na hindi nalang kumontra sa kanya. Though, naguguluhan pa rin ako kung bakit niya nasabi ang sinabi niya. "Maghahanap ako ng towel para punasan siya," suhestyon ko dahil kung titingnan ngayon si Sir Haru ay madumi ito dahil sa mga buhanging dumikit sa katawan at mukha niya. Tinanguan lang ako ni Art na nakatingin lang sa nakahiga kong boss. Mukhang kilalang-kilala niya itong si Sir Haru. Mukhang magkaibigan nga sila katulad ng nasa isip ko. Anyway, pumunta ako sa kusina ng bahay niya. May nakita ako roong tall closet na sa tingin ko'y pinaglalagyan ng mga towel o kahit anong pwede kong ipamunas sa isang taong lasing. When I opened it, nakakita ako roon ng mga naka-salansan na towel at naka-arrange according sa kulay nito. Some are face towels, iyong iba ay body towel at ang ilan pa ay mga soft cloth na tila hindi pa nagagalaw ever since the world began. Ang linis masyado. Kumuha ako ng isa at naghanap na rin ng maliit na batya o kahit anong pwedeng lagyan ng maligamgam na tubig. Malinis ang kusina niya, in all fairness, bumagay sa pagkatao niya. Ang lakas maka-pangmayaman ng mga kagamitan rito. I even boiled a water. Hinaluan ito ng malamig na tubig sa maliit na lalagyan at siniguradong katamtaman lang ang init nito. Dala ang mga kinuha ko, babalik na sana ako doon sa sala kung nasaan sila Art at Sir Haru nang may makakuha ng atensyon ko. Natigilan ako nang madaanan ang mga picture frames along the way to the living room. Hindi ko ito napansin kanina. Though ang ilan naman sa mga ito ay nakita ko na doon sa office ni Sir Haru. Siguro ay mga copy lang ito noong nando'n. But aside from that, nakakita rin ako ng mga bagong litrato. Their family picture, litrato ng mga magulang niya at pictures ng paglaki niya. While staring at those pictures, napansin ng mga mata ko isang picture na medyo pamilyar ang mukha ng nasa larawan. Siguro kapatid ito ni Sir Haru. Kamukha kasi noong batang katabi niya roon sa ibang pictures. Sa picture na 'to, siguro fifteen pataas na ang edad nito. Mukha itong binata na kaya't tila nagbalik sa mga alaala ko ang senaryo roon sa office ni Sir Haru. I swear, nakita ko na ang mukhang 'to. Tinitigan ko ito nang mabuti. Bakit parang kamukha siya ni...? "Pare, nandyan ka lang pala. Hinihintay kita roon," napatingin ako kay Art nang dumating ako. Heck, this is strange. Inilipat ko ang tingin ko sa larawan. He even looked at it. Seryoso ang mukha nito. Is it just me o talagang ang lalakeng nasa larawan ay kamukha talaga ni Art? Damn. Tumitig naman ako sa mukha ni Art. I examined it a minute bago bumalik sa lalakeng nasa picture. Kaya pala I thought nakita ko na 'yong bata sa picture, pati itong lalake na nasa frame, it's because of Art. Tama, may resemblance siya sa lalakeng nasa larawan. Hindi kaya...? Pero imposible, magkaibang-magkaiba ange estado ng pamumuhay nila ni Sir Haru. So, paanong—? I looked again. Nilapat-lipat ko ang tingin ko sa picture at kay Art na seryosong nakatitig sa akin ngayon. Now, I'm convinced. Magkamukha nga sila noong lalake at bata sa pictures! "Kamukhang-kamukha mo siya...." I said while looking at the frame tapos binalingan si Art ng tingin. "Is it really possible?" Bulong ko sa sarili ko at tiningnan muli ang lalake sa picture. "Oo." Nagulat ako nang magsalita si Art. Napatingin ako sa kanya. Anong ibig niyang sabihin? "Ako ang lalakeng 'yan," halos manlaki ang mga mata ko sa sunod na sinabi niya. Damn. I can't believe it. Siya talaga ito? Paano? Kamukhang-kamukha niya ang lalake sa larawan but...parang imposible dahil kapatid ito ni Sir Haru at si Art...magkaiba sila ng estado sa buhay. Naguguluhan ako. So it means, magkapatid silang dalawa? Tama? "You're siblings?" Alam niya ang ibig kong sabihin that's why, sumagot ito agad. "Oo...kapatid ko si Haru." Okay, now I know...damn!!! ×××
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD