Chapter Eight

2927 Words
X A N T I WHEN my last performance for tonight was done, dumiretso ako sa backstage. Ibinaba ko ang gitara ko sa lamesa. From here, naririnig ko pa rin ang ingay ng mga tao sa labas. Napangiti ako. I guess, nagustuhan nila 'yong mga kinanta ko ngayong gabi. It flatters me kapag alam kong naibigay ko 'yong best ko sa mga tao rito sa bar. It feels like I'm really doing a good job here at the island. Umupo muna ako pansamantala kaharap ang lamesa kung saan nakapatong ang aking gitara. Medyo pinagpawisan ako doon. Sulit naman 'tong mga pawis na 'to dahil may mga napapasaya naman akong tao. Isa pa, patunay lang 'to na pinaghihirapan ko ang trabaho ko. I took the can of soda from the table. Malamig pa iyon. For two weeks here, naging routine na ng mga staff rito sa bar ang maglagay ng inumin sa backstage after ng bawat performance ko. They even putted beer once pero dahil hindi naman ako drinker talaga, sinabihan ko silang soda nalang o juice. I opened it. Uminom ako nang kaunti. It's been a week simula noong i-offer sa akin ni Sir Haru ang proposal niyang tatlong buwan pang pagta-trabaho rito sa bar niya. Magiging apat na buwan ang ilalagi ko rito kung gano'n. Hanggang ngayon, pinag-iisipan ko pa rin kung papayag na ba ako. Nakakahiya na rin kasing paghintayin siya ng sagot. Isa pa, kung tutuusin ay pabor naman talaga sa akin 'yong proposal niya. Sobra-sobra pa nga, eh. But still, there's something na pumipigil sa akin para pumayag sa offer niyang 'yon. It's just that, matagal ang apat na buwan. Well, hindi naman gaanong katagal iyon pero...still, matagal akong mawawala sa syudad. Eh, hindi naman ako taga-rito sa isla eh. Paminsan-minsan, hinahanap ko pa rin ang traffic doon sa syudad. Namimiss ko rin ang buhay ko roon. And although, I have something inside for Art, hindi pa rin siguro sapat iyon para magstay ako rito nang matagal. Humahanga lang ako sa kanya. Sa personality niya, sa itsura niya at sa pagiging mabait niya sa akin. I think, iyon lang naman 'yon siguro. Gusto ko siya, oo, for two weeks ay gusto ko ang lalakeng iyon. Sino bang hindi mahuhulog ang loob sa kanya, 'diba? Eh, from looks to attitude, nakuha na niya. Pati ako, nakuha na niya. Damn. Alam ko rin namang straight si Art at baka kahit sa panaginip, hindi niya ako pansinin katulad kung paano ko siya hangaan. Like, parang imposible. Gano'n pa man, hindi pa rin mawala sa loob ko 'yong paghanga ko sa kanya. Though, siguro hanggang doon nalang yata iyon. Hanggang paghanga nalang siguro ako sa kanya. Hanggang pagka-kaibigan nalang kami. At dapat ko 'yong ma-appreciate. Anyway, dahil man kay Art or not, pag-iisipan ko pa rin ang offer ni Sir Haru. Trabaho iyong ipinunta ko rito in the first place kaya dapat doon ako bumase. Right? Tama! Na-sobrahan yata ang pag-inom ko ng soda kaya ngayon ay sumisikip na ang pantog ko. Tumayo ako at naglakad papunta doon sa pinto na magdadala sa akin sa pinaka-likod nitong bar. I'm sure, pwede kong ilabas ito doon. Nang makalabas, umihi lang ako sa medyo malayong parte ng bar. Ayoko namang maging bastos, 'no. May good manners kaya ito! Nang matapos at mailabas na ang mabigat na likido, handa akong bumalik ulit sa loob para kunin ang gitara ko at magpaalam. Pero nang papunta na ako roon sa may pinto, may napansin ako sa medyo kalayuan. Medyo madilim pero salamat sa buwan dahil kahit papaano ay nakikita ko ang nahagip ng mga mata ko. Hindi iyon multo. Si Sir Haru iyon. Nakaupo sa buhangin kaharap maalong dagat at tila umiinom ng kung ano. Sa tingin ko, beer iyon. Malayo man siya, alam kong siya iyon. Pero bakit kaya siya nando'n? Bakit siya umiinom? Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para maglakad papunta doon sa direksyon kung nasaan siya pero ginawa ko. Marahan akong naglakad at papalapit nang papalapit sa boss kong walang kaalam-alam ngayon. Nang medyo malapit na ako, nakita ko nang buo ang frame kung nasaan siya. He's wearing his white long sleeves polo. Parang naka-working attire pa rin ito pero tila hindi inda ang inuupuang buhangin. Sa paligid niya, nabigla ako nang makita ang ilan pang mga bote ng beer. I saw 4 empty bottles of beer on the sand. Inubos niyang lahat iyon? Patuloy siyang umiinom na walang malay na nasa likuran na niya ako. Tumigil ako saglit. Hindi ko alam na hard drinker pala itong si Sir Haru. Pero para uminom siya nang marami, malamang may problema siya. And I'm curious kung ano iyon. "S-sir Haru..." Na-utal ko pang sabi nang magdesisyon akong magsalita. He turned on his back. Nagulat ako nang makita ang singkit niyang mga mata na lalo pa yatang sumingkit ngayon. Did he cry or something? Kinunutan niya ako ng noo. "Didn't I tell you not to call me that? Hindi naman kita kaibigan, so stop calling me Haru." Hindi gaanong ka-agresibo ang pagkakasabi niya pero ramdam ko ang takot nang marinig iyon. "S-sorry, s-sir." Na-utal ako for the second time. "Ang ganda ng dagat, 'no Sir? Masarap tumambay rito 'pag ganitong oras. Na-gets ko kung bakit nandito kayo para uminom. Ang comfortable rito, eh." I smiled nang hindi tumitingin sa kanya. Sa dagat ako nakatingin, sa alon. Alam ko ang gawain ng mga lalakeng problemado sa buhay, iyon ay ang uminom. Ayoko ring tanungin siya kung okay lang ba siya at kung bakit siya nandito 'cause it's definitely a stupid thing to do. Eh, obvious namang may pinagdadaan siya. Itatanong ko pa ba? So, instead of asking, why not make a conversation with him? Baka sakaling sa pamamagitan nito ay makatulong ako in a way. "Bakit nandito ka? Tapos ka na ba sa mga performances mo ngayong gabi?" Hindi ito tumingin sa akin. Lumagok ito ng hawak niyang beer. I can sense na talagang malungkot siya. Iyong boses niya kasi ay parang galing sa pag-iyak. "Last performance ko na 'yon, Sir. Lumabas lang po ako rito tapos nakita ko kayo kaya lumapit ako," sagot ko. Nasa likod pa rin niya ako. Wala akong lakas ng loob para lumapit pa sa kanya. Baka kasi bigla nalang niya akong sigawan. "Then, go. Take a rest," iyon lang 'yong sinabi niya. Mahinahon ngunit halata sa tono niya ang lungkot. Instead of saying bye, 'di ko napigilang tanungin siya. "Ikaw, Sir? Late na rin. Hindi ka pa ba babalik sa bar?" Ang feeling close ko pang sabi. "You should rest too, Sir." Dinagdagan ko pa. Though, alam kong magagalit siya sa mga sinabi ko. Baka kasi masyadong feeling close na 'yong mga sinabi ko. Alam ko namang he's the boss and I'm his employee but I feel weird thinking about him, at kung bakit siya umiinom ng sobra rito sa may tabing dagat. "I can take care of myself." Tugon niya. "Sige na, just leave me here." Hindi ko nakikita ang itsura niya but I know, he's definitely sad. "Sige, Sir. Aalis na ako." Paalam ko sa kanya ata aktong aalis na sana nang bigla akong tumigil para muling magsalita. "Alam mo, Sir? Masarap uminom kapag may kausap ka. I mean, mas malulungkot ka lang kapag mag-isa ka. Minsan, masarap ring ilabas 'yan sa harap ng isang tao. Para kahit papaano, mabawasan 'yong bigat sa loob mo. Mauuna na ako, Sir." Matapos bitawan ang mga katagang 'yon, nagsimula na akong maglakad palayo. Damn. Why did I say those words to him? Grabe. Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko sa mga unwanted advices ko. As if naman hiningi niya 'yong opinyon ko, 'diba? Napaka-galing ko talagang magmarunong! "Xanti..." Napatigil ako sa mabagal na paglalakad nang tawagin ako ni Sir Haru. Lumingon ako sa kanya. Nakatalikod pa rin ito. Papagalitan niya ba ako dahil sa pagmamarunong ko? Huwag naman sana. " S-sir?" Lumingon siya nang marahan. His eyes are looking at mine. Nagtama ang paningin namin sa isa't isa. Directly, sa mga mata. Medyo magulo na ang buhok niya. Iyong tipong wasted look pero damn! Paano noya nagagawang maging gwapo pa rin sa kabila ng lahat? Dahil ba 'yon sa mga singkit niyang mga mata? Sa kulay ng balat niya? O baka naman sa tangos ng kanyang ilong? O baka sa labi niyang mapula at manipis. Damn. Ano ba 'tong umakyat bigla sa ulo ko? "Can you stay with me for a while?" Nagulat ako sa sinabi niya. Did I hear it right? Stay with him for a while? Eh, 'diba siya nga itong nagpapaalis sa akin kanina? Napatango naman ako nang marahan kahit medyo naguguluhan. "S-sure, Sir." Sagot ko. Wala namang problema roon, eh. Naglakad ako pabalik sa kanya. I stood beside him. Nahihiya kasi akong umupo nang walang pahintulot. "Tatayo ka lang ba dyan?" Hindi niya ako tiningnan nang sabihin niya iyon pero I know what he meant. Mukha tuloy akong timang sa tabi niya. Umupo na ako. "Umiinom ka ba nito?" He's talking about the beer on his hand. Tumango ako na may pag-aalangan. "O-oo, Sir...pero hindi gaano." Nahihiya kong sabi. Eh, kasi hindi ko naman talaga trip ang beer. Pa-minsan-minsan, oo. "Mas prefer ko po 'yong flavored," 'di ko alam kung dapat ko bang idagdag pa 'yon but I did. Napailing siya with a smirk on his face. Napatingin ako rito. "You're a guy pero mas prefer mo ang flavored beer kaysa sa unflavored one. Para kang babae," nagulat ako sa sinabi niya. Damn. Lasing na si Sir Haru kaya siya ganito. Pipilitin kong hindi ma-offend. Naglabas siya ng phone at tila may tinatawagan. "Bring a bucket of flavored beer here and another bucket of pilsen." Sabi niya roon sa tinawagan niya tapos binaba niya na 'yong phone. Ginawa niya talaga 'yon just because I told him na flavored beer ang mas prefer ko? Damn. Nakakahiya. "Sir, hindi naman kailangan eh. Hindi naman ako mahilig uminom," nahihiya kong sabi rito na tiningnan naman ako nang seryoso. Iyong mga mata niya, mas lalo pa yatang sumingkit dahil sa kalasingan. "You're the one who told me na kailangan ko ng kausap, 'diba? So, I'm inviting you to drink with me." Ngumiti ito. I was shocked. First time ko siyang makitang ngumiti ng harapan, tapos ngayong lasing pa siya. "Tatanggihan mo ba ang boss mo?" The way niya sinabi 'yon, lumapit pa ito kaya't naamoy ko ang alak sa kanya but I can still identify his manly scent. Para ba itong nang-aakit. "Hindi naman, Sir." Ngumiti ako sa kanya kahit nag-aalangan. Hindi ko talaga gusto uminom ngayon pero mukhang mapapalaban ako. "Sige, Sir. I-inom natin 'yan!" Pagsang-ayon ko sa kanya. Tumango ito nang nakangiti. Sana ganito siya lagi. Pero sana 'yong natural na pagngiti. Hindi 'yong dahil lang siya. Dumating na ang dalawang bucket ng flavored at unflavored beer na ipinakuha ni Sir Haru sa isang staff doon sa bar. Six bottles ang laman ng bawat bucket. "Let's finish these, Xanti. Okay?" Tiningnan ko siya na kabubukas lang ng beer niya. Nakangiti na naman ito sa akin. Hindi siya 'yong Sir Haru na kilala ko. "Cheers!" Gano'n ang ginawa ko sa kabubukas ko rin lang na beer. Matapos 'yon ay ininom na naming pareho 'yong bawat hawak namin. Damn. Lemon flavor. Not that bad naman pala. Actually, masarap nga eh. "Hindi naman siguro ako malalasing nito, 'no Sir? Ikaw, lasing na lasing ka na." Tinawanan ko ito. "Masyado ka nang maraming nainom, Sir." Nang sabihin ko 'yon ay seryoso ako nitong tiningnan. "I'm not that drunk. I can still manage myself," ngumisi ito at tiningnan ako nang masama. "And by the way, huwag kang makipag-usap nang ganyan sa boss mo. Okay?" Tumawa ito na parang sira. Alam kong biro lang iyon pero still, kinabahan pa rin ako dahil baka nag-o-overboard na 'yong mga sinasabi ko. Umiling ako. "Maiba ako, Sir. Alam ko na wala ako sa posisyon para magtanong at I'm sure na wala dapat akong pake pero as a person outside the bar nalang. Kahit hindi na isang kaibigan, kahit acquaintance nalang ngayong magkainuman tayong dalawa. Pwede bang malaman kung bakit mo naisipang maglasing?" I know. Masyadong diretsahan 'yong mga sinabi ko pero iyon lang ang tanging paraan para malaman ko ang problema nitong si Sir Haru. Isa pa, maayos ko namang sinabi iyon sa kanya. Natahimik siya bigla. Ano na, Sir? Uminom muna siya ng isa pang lagok bago sagutin ang tanong ko. "It is not a thing that's easy to share with others, Xanti." Wika niya na seryoso sa tono ng kanyang boses. Lumagok ulit siya ng isa pa. "Baka hindi mo rin maintindihan dahil hindi ka naman 'yong nasa posisyon," dagdag pa niya na medyo ikinagulat ko. "Teka lang naman, Sir. Hindi ba jina-judge niyo na agad ako nyan?" Tumawa ako nang mahina just to lessen the serious aura between us. "Hindi niyo pa nga sinasabi kung anong problema niyo, eh. Pinapangunahan niyo na agad 'yong magiging opinyon ko. Huwag gano'n, Sir." Umiling-iling ako tapos uminom muli sa hawak kong bote. "It's too complicated, Xanti." Hindi man lang niya ako tiningnan. Patuloy kasi siya sa paglagok ng alak na hawak. "Ang hirap i-share sa isang taong hindi naman alam ang pakiramdam ng nararamdaman ko. You know what I mean? So, stop asking me, Xanti." Naguluhan ako sa kanya. "Sir, paano ko nga po malalaman kung hindi niyo sinasabi kung ano 'yong problema niyo?" I used po. Nakakainis na kasi itong si Sir Haru, eh. "Malay mo naman, may maitulong ako. Malay mo, maitindihan ko. That's why I'm here, Sir. To listen to your problem and talk about it." Paliwanag ko sa kanya. I don't know pero he made me so curious about what's going on his head. Parang gusto kong malaman kung ano ba 'yong baka hindi ko maintindihan na sinasabi niya. Though, kahit ano pa naman 'yon, pakikinggan ko naman siya. "You'll judge me if I tell you," tatawa-tawa nitong sambit. Kumunot ang noo ko. Umiling ako sa kanya. "I will never do that, Sir. Hindi ako judgemental na tao." Pagka-klaro ko. "I'm ready to hear it, Sir. Kahit ano pa 'yan, i-kwento niyo. Makikinig ako." I smiled at him. Tinitigan ako nito ng ilang segundo bago tumango at lumagok ng alak. Then, he started to talk. "Okay, okay. Fine." His eyes are really drunk-looking. Halatang matindi na ang tama nitong boss kong 'to. Pati 'yong polong suot niya, nakabukas na dahil sa mga hindi nakabutones na parte nito sa kanyang dibdib. Kitang-kita tuloy 'yong malusog niyang laman na itinatago sa loob. "Na-in love ako sa isang tao. I gave everything to that person. Minahal ko siya nang sobra. Tinalo ko pa siya kahit alam kong may gusto siya ng kapatid ko pero wala, eh. Sinaktan niya lang ako!" Malakas ang pagkakasabi niya. He is really releasing all the hurt inside him. Naramdaman ko iyon. But what shocked me the most, nang marinig ko sa kanya 'yong tungkol sa kapatid niya. Meaning, there's something bad going on between him and his brother. Malamang hindi sila magka-sundo dahil sa iisang babae. At kung tama ang hinala ko, that brother of him ay iyong batang lalakeng kasama niya doon sa picture frame sa office niya. I guess, iyon lang naman ang kapatid niyang lalake. And now, he's drinking so hard dahil sinaktan siya nito. Shems. Ang hirap no'n. Tinalo mo 'yong gusto ng kapatid mo pero 'yong taong 'yon, hindi ka ipinanalo. So, it means na ikaw ang talo. Nalungkot ako bigla for Sir Haru. He is really brokenhearted right now. Hindi ko alam kung ano angs sasabihin ko sa kanya. Paano ko sisimulan ang mga sasabihin ko? And what advice will I give to him? But considering na galing ako sa isang heartache months ago, siguro kahit papaano ay may maibibigay akong mga payo sa kanya. Nilagok ko iyong bote ng beer na hawak ko. Naubos ko iyon. Just to give me courage to speak. "Alam mo, Sir? Naloko na rin ako ng ex-girlfriend ko, eh. Masakit talaga at first. Syempre, you gave your all to that person tapos gano'n lang kadali niyang itatapon ang lahat. I knew the feeling, Sir. Alam na alam ko 'yan." Sambit ko to make him feel na hindi siya nag-iisa. "Pero alam mo, Sir? I-iyak mo lang 'yan. If you want to cry all day and all night, just go. Pero hindi naman sila dapat iyakan in the first place, eh. Iyong mga taong gano'n, hindi deserve ang luha nating mga nagmahal lang ng totoo." Kwento ko pa. "That was too easy for you pero sa akin, hindi madali." Wika niya pa. Kinunotan ko siya ng noo. "Nako, sinasabi mo lang 'yan Sir. Believe me, kung nagagawa ng ibang tao maka-move on at kayanin 'yong sakit, I'm sure ikaw rin. Ako nga, nagawa kong gamutin 'yong sarili ko after that heartbreak months ago, sigurado akong makakalimutan mo rin 'yang girlfriend mo, Sir." Sambit ko pa and drank another bottle of flavored beer. Umiling-iling siya. "Hindi siya gano'n kadaling kalimutan katulad ng ex-girlfriend mo..." He turned to me. "Hindi siya katulad ng relasyon niyo," he added that made me so confused. "What do you mean?" Iyon lang ang nasabi ko. Pansin ko ang paghinga nito ng malalim. "Because it's not a girl," tiningnan niya ako nang diretso sa mga mata. It means..."Yes, Xanti. I fell in love with a guy." When he said that, hindi ko alam kung paano ako magre-react. Really? Was he joking or something? A straight-looking guy with a very handsome face and a great body like him is...not straight? Damn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD