Chapter Seven

3594 Words
X A N T I LUMIPAS pa ang tatlong araw. Ang mga biglaan naming pagkaka-salubong ni Art ay nasundan pa ng ilan. Actually, sa loob ng tatlong araw na 'yon ay uma-umaga ko itong nakikita malapit sa may dalampasigan. Isinasama niya doon ang pusa niyang si Miming. Gawain na daw niya talaga iyon magmula pa noon. Ako naman, naging routine ko na mula pa noong unang umaga ko rito sa isla ang paggising nang maaga para maabutan 'yong sunrise sa tabing-dagat. Then lately, nagkakataon namang naaabutan ko siya roon kasama ng alaga niyang pusa. Unti-unti nang napapalapit 'yong loob ko sa kanya. The way kung paano siya magsalita, kung paano siya kumilos at kung paano siya ngumiti sa akin. I don't want to assume things pero akala ko kasi humahanga lang ako sa kabaitan niya, and also sa gandang lalake niya. But I didn't notice na I like him na pala for real. His personality caught my heartbeats everytime. Iba kasi siya, eh. Hindi lang siya iyong lalakeng gwapo na puro pa-gwapo lang ang alam. Sa katunayan nga, mukhang hindi siya aware na gwapo siya. Walang yabang na makikita sa itsura niya. Simple lang siya. Nagkataon lang siguro talaga na ang taong katulad niya ay simpleng tao na ubod ng gwapo. I know that saying this is weird for a straight guy like me pero I really think I like Art. Lalo ko pa siyang nagugustuhan everyday rito sa isla. Sa syudad, all I think about was girls o kung may plano ba akong mag-girlfriend after Janice. But all of that thoughts vanished when I got here at the island. One time nga, napaisip ako. Hindi kaya ang isla na 'to ang may magic that turned me to a gay guy? Psh. That's so stupid. Then, I looked at Art. Maybe, he's the real reason kung bakit ako naging ganito. Or maybe, may ganito na akong side from within pero siya lang 'yong naglabas no'n? Damn. Parang ang complicated. Biglaan masyado 'tong bugso ng damdamin ko. I did not expect anything at all bago pa man ako pumunta rito. And then, here I am, asking myself about my real sexuality. Ah, basta! Bahala na 'to. Besides, nandito ako sa isla para kumanta at magtrabaho. Iyon lang naman ang kasunduan, eh. Still, ma-swerte pa rin akong makakilala ng mga taong mababait katulad ni Art. Day-off ko ngayon. Late na ako nagising dahil na-extend yung duty ko sa bar kagabi. Siguro mag-a-alas dos na ng madaling araw ako nakabalik sa kwarto ko. Masyado kasing maraming nagre-request ng kanta. Sino ako para tumanggi, 'diba? Pasado ten pi-em na at ang unang hinanap ng sikmura ko ay kape. Mabuti nalang at mayroong coffee maker rito kaya agad akong nakapagtimpla para sa sarili ko. Good thing na dalawang flavor ng kape ang pwede kong pagpilian, isang caramel at isang creamy. Ang pinili ko ay creamy. Para yummy! Sana sing-dali at sing-bilis lang ng pagpili ng flavor ng kape ang mga desisyon sa buhay, 'no? Pero naisip ko, parang kape rin naman ang mga desisyon na 'yon eh. Ano man ang piliin mo, iinumin mo pa rin. Sa usapang reyalidad, haharapin mo pa rin. 'Diba? Wala lang. Minsan talaga ay ganito ako. Napapaisip sa mga bagay na komplikado. Ewan. Ganito lang talaga ako minsan. About the breakfast, nagpasabi na ako kagabi pa doon sa mga staff ni Sir Haru na huwag na akong gisingin para sa agahan. 'Cause I know, ganitong oras naman ako magigising. Isa pa, ayoko ring ma-istorbo ang tulog ko 'no. It's time to breath some air at magpa-araw sa labas! I took the last sip of my coffee bago ibinaba ang baso sa mini table katabi ng kama ko. Nagsuot ako ng damit dahil wala akong pang-itaas kanina. Hindi ako nagdadamit minsan kapag natutulog. Hindi naman ako gano'n ka-proud sa katawan ko para lumabas ng nakahubad kaya nagsuot ako ng sando. Pagkalabas, mainit na ngunit may hangin pa ring nagba-balance ng klima rito sa isla. Nag-strech ako nang bahagya. Dinama ko ang magandang araw ngayon. It's my rest day today kaya sana maging maganda ang araw na 'to. I walked further, hindi gaanong malayo sa kwarto ko. I even took a glance at Art's house, which is mukhang sarado pa o wala na siya doon? Anyway, naglakad ako papunta sa may tabing-dagat. Bago pa ako makarating doon, malayo-layo pa ay tanaw ko na ang mga taong naliligo sa dagat. Ang iba naman ay naglalakad-lakad lang. Nakaupo sa buhangin ang ilan at nagpapa-araw. Maalon ang dagat. Mainit ang panahon. Mahangin ang paligid. Ang sarap tingnan ng lahat rito sa isla. I will never get tired of this place! Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad matapos ang pagtigil nang may mapansin ang mga mata ko sa medyo kalayuan. Tiningnan ko itong mabuti. Si Sir Haru ba 'yon? Oo, siya nga pero iyong nakatalikod...that's Art. Magkaharap silang dalawa. Seems like, they're talking. They knew each other pala? Well, nothing surprising naman kung magkakilala sila. Pareho silang taga-rito sa isla. And ang lapit lang ng kubo ni Art sa Bar ni Haru kaya hindi malabo. But? I didn't know na ang katulad ni Sir Haru pala, can get along with other people rito sa isla like Art? I mean, knowing Sir Haru. Lahat na yata ng ka-sosyalan ay nasa kanya na. Hindi ko lang medyo akalain na nakikipag-usap siya sa isang normal na taga-isla like Art. I stared at them for a bit longer. Mukhang kung ano man ang pinag-uusapan noong dalawa, malamang it's a serious thing or maybe not actually. Ang mukha lang kasi ni Sir Haru ang nasa-sight ko, eh. And it's serious. Eh, kaso palagi naman siyang seryoso eh. Maya-maya pa, Sir Haru left. Naiwan si Art na kalaunan ay naglakad na rin palayo. I was about to walk para puntahan siya nang makita ko ang isang babaeng lumapit sa kanya. It's Kaitlyn. Napatigil ulit ako sa paglalakad. She is smiling. Hindi ko pa rin makita ang reaksyon ni Art. Tumigil sila at tila nag-usap. If I can only hear what they are talking about. After a minute, umalis rin ito. Mukhang may sinabi lang sa kanya si Kaitlyn. Kung ano man 'yon, mukhang mahalaga. Masayang-masaya kasi siya bago siya magpaalam kay Art, eh. Really, what's with them? I really wanna know. Isa pa, gusto ko pang makilala nang lubos itong si Art. I don't know why pero I'm interested to the kind of guy he is. I wanna know his story. Like, sino ba ang isang Art? Nang maka-tiempo, nagmadali akong naglakad palapit sa kanya. "Pare!" Sigaw ko sa malayo. Patuloy kasi siya sa paglalakad. Tumigil naman ito nang marinig ang sigaw ko. Lumingon ito sa akin. Automatically, a smile flashes on his face. That made me smile too. "Pareng Xanti!" Sigaw rin nito habang patakbo naman akong lumalapit sa kanya. Ilang sandali pa ay nakalapit na rin ako. "Magandang umaga," simple at pormal kong bati kay Art. I tried to sound manly pero hindi matago ng mukha ko ang ngiti nang makita ang mukha niya. Nakangiti pa rin kasi ito. "Magandang umaga, pare." He replied. "Late ka na yata nagising ngayon?" Sambit niya. Marahil ay nagtaka siya dahil ngayon lang niya ako nakita rito. Tumango ako. "Late na kasi akong natapos sa bar. Daming nagpa-kanta sa akin. Eh, hindi ko naman matanggihan." Nakangiti kong tugon. "Sa ganda ng boses mo, hindi na 'yon nakapagtataka." Nagulat ako sa biglaang compliment niya sa akin. Napangiti ako lalo. "Salamat, pare." Ngumiti ito. "Kung pwede lang manuod roon ng mga performance mo palagi..." Mahina iyon pero nakuha agad ng tenga ko kung ano 'yong sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Kumunot ang noo ko. "Bakit nga pala hindi na kita nakikita doon? Unang beses lang yata kitang nakitang nanuod ay noong unang beses na pagkanta ko sa bar." Pagtataka ko. Hindi ko na kasi siya napansin noong mga sumunod pa. "Ah, kasi ano...nagpapalaot ako sa gabi kasama ng mga mangingisda rito sa isla. Iyon ang trabaho ko rito," feeling ko ay medyo nahiya siya nang sabihin niya iyon. Nagulat rin ako nang bahagya dahil ngayon ko lang nalaman na isa pala siyang mangingisda. Well, ang gwapo namang mangingisda nito? "Gano'n ba? Ayos lang 'yon. Kapag may time ka pare, punta ka roon sa bar." Ngumiti ako sa kanya. He smiled too. Ang ngiti niya talaga ang hindi kaya ng dibdib ko. Kusa na naman kasi itong tumitibok habang nakatitig roon. Naka-sando lang ito na may butas-butas pa. Alam kong hindi iyon style ng isang clothing brand pero kapag tinitingnan ko siya sa damit na 'yon? Nagmu-mukha itong modelo ng isang ripped clothing brand. Sa gwapo ng itsura niya, kahit siguro anong ipasuot ko rito, luma man o bago, kayang-kaya niyang dalhin. I was about to ask him about kay Sir Haru at sa nakita ko kanina. I'm just curious kung anong mayroon sa kanila. Itatanong ko sana kung magkakilala na talaga sila ni Sir Haru noon pa. Malay mo, may makuha rin akong detalye about the masungit boss of mine. But then, hindi iyon natuloy when he spoke. "Ah, pare. May gagawin ka ba mamaya?" Tanong nito. Bakit naman kaya niya natanong? Kung yayayain niya ako ng date, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Damn. Umiling naman ako ka-agad. "Day off ko ngayon, actually. I don't have something to do." Sagot ko. "Bakit pare? Up to something fun?" Pagtatanong ko naman rito. Malay mo kase, magyayaya siya sa isang magandang lugar. Ay, game ako doon! "Si Kaitlyn kasi, niyaya niya ako sa bahay nila dahil kaarawan niya ngayon. May handaan daw sa kanila mamaya kaya sinabihan ako." Wika nito. Iyon pala 'yong sinabi sa kanya ni Kaitlyn kanina. Now, I know. "Kung gusto mo, samahan mo 'ko. Wala rin akong kasama at baka ma-ilang lang ako roon." Nagulat naman ako sa idinagdag niya. Ma-ilang? Bakit naman siya ma-iilang kung birthday celebration pala iyon ni Kaitlyn? So, mukhang wala namang namamagitan sa kanila. O talagang magkaibigan lang ang dalawa? Hindi naman siya magyayaya sa akin na sumama roon kung comfortable siyang pumunta doon mag-isa, eh. Tumango ako bilang pagsang-ayon sa kanya. "Sige, okay lang sa akin. Anong oras ba 'yon?" Tanong ko. "Ayos!" Napangiti ito. "Mga alas siete, pare. Dadaanan kita roon sa tapat ng kwarto mo." Sabi niya. Tumango-tango ako. "Kung gano'n, sige pare." Ngumiti ako sa kanya. "Paano? Kita nalang tayo mamaya?" Nakangiti niyong sambit at tinapik pa ang balikat ko. Parang gusto kong ma-kuryente. Marahan akong sumang-ayon sa kanya. Nakatitig ako sa kanyang mga mata. "Okay, pare." Sagot ko. Nagpaalam na ito. Ako naman, nakangiting bumalik roon sa kwarto ko. Umiinit na kasi nang malala kaya nagpasya na akong bumalik. Isa pa, kumpleto naman na ako sa vitamins mula sa araw. Parang dumoble pa nga dahil nakita ko 'yong sunshine ko doon. Damn, so corny! Hours has passed. Naglinis lang ako ng kwarto at nag-ayos buong araw. Wala rin kasi akong magawa. Isa pa, hindi rin ako makapag-internet rito nang tuloy-tuloy dahil walang signal rito sa isla kapag mag-i-internet ka. Though, thankful pa rin ko dahil at least mayroong text and call signal rito. Buong araw lang siguro akong naglinis, nag-ayos ng mga gamit at naglaba ng ilang pares ng damit. Hindi rin ako mapakali kapag walang ginagawa. Kaya ayon, kahit day-off ko ngayon ay pagod pa rin ako. The only thing that keeps me excited ay iyong ganap mamaya. Art invited me na samahan siya doon sa birtdeyhan. Birthday ni Kaitlyn. At least makakalabas ako ngayong gabi nang hindi dahil sa trabaho. Alas sais na pala. Kailangan ko nang mag-ayos ng sarili ko. Dadaanan daw kasi ako ni Art rito mamaya. Sabay na kaming pupunta roon sa bahay nila Kaitlyn. Hindi ko rin alam kung saan 'yon kaya blessing in disguise na para sa akin na kasama ko si Art. I looked for the simplest yet best clothes to wear for later. Hindi naman kailangan pero feeling ko ay dapat magmukha akong gwapo. Para naman lumevel sa itsura ni Art. So, I have to make sure na I look good rin. Ang ending, nagsuot ako ng simpleng faded light-blue polo na tinerno ko sa semi-fitted maong short. Sa palagay ko, bumagay naman iyon. Nag-compliment nang maganda 'yong kulay ng polo sa maong short na suot ko. At dahil buhangin naman ang tatapakan ko sa labas, I decided to wear slippers nalang. I think, I'm all good. Ayos na 'to. Konting wisik lang ng pabango at hawi ng buhok pa-taas, I feel gwapo na. At least, I think so. That's the confidence! Nang pumatak ang alas siete, lumabas na ako ng kwarto. At sa paglabas ko, nagulat ako sa bumungad sa akin. Si...Art. "K-kanina ka pa ba dyan...pare?" Nagulat kong tanong sa nakangiting lalakeng ito. Weird thing is he's staring at me. "Hindi pa naman siguro ako nakaka-sampung minuto," ngumiti ito na nagpangiti rin sa akin. So, it means, naghintay pa rin siya rito for a couple of minutes. Nakakahiya! "Bakit hindi ka kumatok sa pinto muna? O kaya, dapat tinawag mo 'ko. Naghintay ka pa tuloy dyan." Nahihiya kong tugon sa kanya. Umiling ito sa akin. "Ayos lang, pare. Ayoko ring madaliin ka." Wika nito. Isinara ko muna 'yong pinto bago lumapit sa kanya. "Ang gara ng suot mo, ah? Bihis na bihis," pinasadahan nito ang suot ko at nginitian ako matapos. Medyo na-concious ako sa itsura ko. Though, alam ko namang compliment iyong sinabi niya. "Ganito lang talaga ako manamit kapag may pupuntahan sa syudad. Pasensya na, hindi ba bagay? Baka nag-over-dressed ako." Bahagya akong napakamot sa ulo ko. Tumawa ito. Hindi ko alam kung bakit. Parang gusto ko ulit magpalit ng damit. Hindi yata akma ang suot ko sa pupuntahan. Lumapit siya sa akin at nagulat ako nang bigla nitong hinawakan ang kuhelyo ng aking suot na polo, ginalaw niya ito at tila inayos ng bahagya. "Bagay na bagay nga sa'yo, eh." Napatingin ako sa kanya habang ginagawa iyon. Nagtama ang paningin naming dalawa. "Ang cute mo sa ganitong kasuotan, pare." Tumawa ito at tinapik ako sa balikat bago umatras. Nahiya ako lalo. Did he just say na ang cute ko sa ganitong suot? Compliment ba 'yon? Pero bakit siya tumawa? Totoo ba talaga? First time kong maka-receive ng isang compliment about sa looks ko na galing sa isang straight na lalake. I looked at him. Nakasuot ito ng itim na shirt na hapit sa kanya. Bakas doon ang kanyang katawan. Ang braso niya ay niyayakap ng manggas nito. Sa pang-ibaba ay simpleng maong na pantalon at tsinelas. Maaliwalas ang itsura niya. Ang gwapo niya lalo ngayong gabi. "You look good too, pare. Ang gwapo mo sa suot mo," nagulat ako sa naituran ko. Siya naman, natigilan at nakangiti akong tiningnan. Shems. Did I just cross the line? "Gwapo tayo pareho!" Pagbawi ko nalang para hindi halata ang masyado kong pagka-appreciate sa itsura niya. Damn. Nahalata niya ba? Ngumiti ito sa akin. Ngumiti ako sa kanya. Nagngitian kaming dalawa. Takte, hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya matapos ang pag-compliment kong iyon. Ayokong mag-isip siya ng kahit ano. Gano'n pa man, nagpatuloy kami sa paglalakad. Nagkwentuhan kami along the way. Madalas, siya itong puro kwento about sa pangingisda niya at kung ano 'yong mga nae-encounter nila sa dagat. I even asked him kung nakahuli na sila ng pating and he just laughed at me. Mahirap daw kasing mahuli iyon. And isa pa, bawal at ipinagbabawal daw iyon. Sorry naman. Hindi ko alam, eh. Tawa siya nang tawa sa mga ka-bobohan ko pagdating sa pangingisda. Tina-try ko lang naman maki-bagay at maki-ride sa mga kwento niya, eh. Iyon nga lang, hindi effective. Napapahiya pa ako. Matapos ang hindi gaanong malayong lakaran, nakarating kami sa isang bahay na mukhang nagkakasiyahan na sa loob. Maliit lang iyon pero maraming mga tao. I guess, ito na 'yong bahay nila Kaitlyn. "Heto na 'yon, pare." Art said. "Halika, tara." Nakangiti nitong anyaya na hinawakan pa ang likod ko habang papasok kami doon sa kahoy na bakuran ng bahay. Hindi ako umimik bagkus ay sumunod nalang sa kanya. Medyo nahiya ako dahil hindi ko inasahang ganito pala karaming tao rito sa birthday celebration ni Kaitlyn. "Art! Mabuti dumating ka na!" Nagulat ako sa pagsigaw ni Kaitlyn. Ang mukha nito ay puro kolorete o make up kung tawagin sa Ingles. Nakasuot siya ng mini-skirt. Bigla nitong hinagkan si Art. Napa-tabi ako. "Hindi naman ako pwedeng sumira sa pangako," sabi ni Art sa kanya. Napangiti ang dalaga. Napatingin naman ito sa akin. "Kasama ko nga pala si Pareng Xanti. Niyaya ko na rin siya. Okay lang bang dalawa kami rito?" Nakangiting sabi ni Art sa kanya. Tumingin si Kaitlyn sa akin. Pilit itong ngumiti. Ngumiti naman ako sa kanya. "Ah, okay lang, ano ka ba! Ang mahalaga naman ay pumunta ka." Wika ni Kaitlyn. Sinulyapan niya ako ulit. "Happy birthday sa'yo, Kaitlyn." Bati ko rito. Ngumiti siya sa akin. "Salamat," iyon lang 'yong sagot niya at humarap nang muli kay Art. "Sigurado gutom ka na. Halika, tikman mo 'yong mga luto ko." Sabik nitong sambit kay Art na hihilahin na niya sana. Napatingin ito sa akin. "Teka, si Xanti. Sumama ka sa'min, pare. Maraming pagkain doon sa loob," anyaya nito. Nahiya ko bigla. Napatingin ako kay Kaitlyn. Is it just me or medyo sumama ang tingin niya sa akin? "Hindi, sige. Dito lang muna ako, uupo." Ngumiti ako kay Art. "Oh, dyan lang daw muna si Xanti. Kaya halika na rito Art, ako na mismo ang magpapakain sa'yo. Siguradong masasarapan ka!" Excited nitong sabi kay Art sabay hila sa braso nito. Obviously, she has something with Art. I mean, mukhang may gusto siya rito. Pero si Art? Gusto rin kaya niya si Kaitlyn? "Babalik ako, pare." Paalam ni Art sa akin bago siya tuluyang hinilang papalayo ni Kaitlyn. Naiwan ako sa tila terrace nila at naupo kasama ng ibang mga bisita rito sa labas. After a couple of minutes, naiinip na ako sa kakahintay kay Art. Medyo kumakalam na rin ang sikmura ko dahil hindi pa ako kumakain ng dinner. Halos lahat rito ay kumakain na. Ako nalang ang hindi. Hindi naman talaga ako invited rito, eh. Bakit ba kasi sumama pa ako? Maya-maya pa, nabigla ako nang may maglagay ng isang platong puno ng pagkain sa lamesang kaharap ko. Tumingala ako sa taong iyon. Si Art. Umupo ito sa tabi ko. "Gutom ka na ba? Pasensya na, pare. Ang kulit kasi ni Kaitlyn, eh. Ayaw akong palabasin doon sa kusina. Kaya nang makahanap ako ng pagkakataon, dinalhan na rin kita ng pagkain." Sambit niya. Napangiti ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa pagkaing nasa harap ko. He even bothered to get some for me? "Kumain ka na, pare." Ngumiti ito sa akin. "Salamat, Art." I did not call him pare. I started to eat. Tamang-tama sa gutom ko. Si Art naman, tila binabantayan lang ako sa pagkain. Ang awkward kasi nakatingin siya sa bawat pagnguya ko. At kapag tinitingnan ko naman siya, ngumingiti lang ito that makes everything more awkward. Nakahanap ako ng tiempo para magtanong sa kanya about Kaitlyn. "Ah, pare?" Tumingin ito sa akin. "Ano 'yon, pre?" Nahihiya pa akong sabihin ito pero itinuloy ko na. "Kayo ba ni Kaitlyn?" Sana lang huwag siyang magtaka kung bakit ako nagtatanong. Umiling siya agad matapos akong titigan nang marinig ang tanong ko sa kanya. "Walang kami, pare." Tumawa pa ito. "Bakit mo naitanong?" I knew he'll gonna ask. "Feeling ko lang. Ang clingy kasi ni Kaitlyn sa'yo. Isa pa, lalake rin ako, lalake ka, sigurado akong napapansin mo 'yong pagtrato sa'yo ni Kaitlyn. Alam kong hindi lang 'yong basta pang-kaibigan lang," sambit ko. Agad naman siyang dumipensa. "Alam ko. Ganyan naman na talaga siya noon pa. Nararamdaman ko sa mga kilos at paraan niya ng pananalita." Ngumiti ito sa akin. "Pero nilinaw ko na sa kanya noon na magkaibigan lang kaming dalawa. Hanggang doon lang. Pero mapilit siya," sambit niya. Mapilit? "So?" "Ang sabi niya, liligawan daw niya ako." Napalunok ako sa sinabi niya. Alam kong gwapo itong si Art nang sobra pero...dahilan ba iyon para babae mismo ang manligaw sa kanya? "Sinubukan kong pigilan siya. Ilang beses akong tumanggi kahit patuloy siya sa pagdadala ng pagkain doon sa kubo ko. Hindi paawat pare, eh." Natawa nalang ito sabay kamot sa ulo. Kaya pala noong unang beses akong pumunta sa kubo ni Art, dumating siya na may dalang pagkain. Meaning, paraan niya 'yon ng panliligaw rito? "Oh, tapos? Anong ginawa mo?" Na-curious ako bigla. "Hinayaan ko nalang. Wala daw makakapigil sa kanya, eh. Kahit ako pa daw, hindi siya titigil sa pangliligaw." Nagulat ako sa confession niyang ito. "Isa pa, makulit talaga 'yan. Minsan nga, naisip ko na sagutin na siya at maging kami. Kaso parang malabong mangyari, eh." Wika nito. "Bakit naman?" Pagtataka ko. "Hindi ko ramdam, pare eh." Sagot nito sa akin. "Pero malay mo, dahil sa mga ganyan niya, makuha niya 'yong loob ko. Ayoko rin namang maghintay siya sa wala." Tumawa pa ito. Pa-biro niyang sinabi iyon pero bakit ang seryoso ng dating sa akin? Kaya pala noong araw na inihatid ako ni Kaitlyn sa office ni Sir Haru at nang mapag-usapan namin si Art at kung paano siya habulin ng mga babae ay nanahimik ito. Iyon pala ang dahilan. Na-offend kaya siya ng mga oras na iyon dahil ang totoo ay nililigawan niya si Art? Pero si Art naman. Sinasabi niya na wala siyang nararamdaman para kay Kaitlyn pero hinayaan niyang manligaw ito sa kanya. Paano kung totoo 'yong sinabi niya? Na baka sa katagalan, mahulog siya rito? May pag-asa pa ba ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD