Chapter Six

3163 Words
X A N T I MABILIS na lumipas ang isang buong linggo ko sa isla. Actually, nakapag-adjust na ako sa paligid at sa buhay rito. I feel comfortable na rin na lumabas every night sa may dalampasigan para magpahingan kasi wala naman nang mangti-trip sa akin. Isa pa, kung mayroon man ay ipagtatanggo ko na ang sarili ko. Kaya kong patunayan sa kanila na lalake rin ako. Kaya huwag nila akong subukan! Bukod sa paligid, comfortable na rin ako sa mga tao rito sa isla. Especially sa mga staff ng bar kung saan ako kumakanta. Lahat naman kasi sila mababait at madaling i-approach. Iyon nga lang, there is one person na medyo takot akong imikan whenever he's around. Sino pa bang tinutukoy ko? E 'di si Sir Haru. Ang may-ari ng Bar ni Haru a.k.a Sir Takishima. Mas prefer ko lang 'yong Sir Haru, although sir lang naman 'yong paraan ko ng pagtawag sa kanya. Ang lakas kasi maka-Japanese ng Takishima. Eh, nasa Pilipinas naman tayo. Anyways, regular naman ang pagpapakita ni Sir Haru doon sa bar. You know, checking things out. Lalo na kapag oras ng performance ko. Usually, iyong unang song ko lang 'yong pinapanuod niya. Nakikita ko kasi siya sa kanyang usual spot sa likod ng mga customers. Tapos, sa pangalawa at pangatlo kong pagkanta ay bigla nalang siyang nawawala. Sa buong linggo kong pagkanta sa bar, bilang lang siguro 'yong mga pagkakataong nagkakausap kami ni Sir Haru. Madalas ay work-related, minsan naman ay kino- compliment niya ang pagkanta ko. Napansin ko lang, kapag kaharap ko siya, parang ang hirap gumalaw. Pati paghinga ko, mahirap rin. Masyado siyang may class na nakaka-intimidate. Pati na rin pala 'yong pagka-seryoso niya, ang lakas maka-authority. Idagdag pa na gwapo siya, matipuno at sosyal. Ang awkward kapag lumalapit siya. On the other hand naman, si Art. Lately, we get to talk naman. Hindi nga lang gano'n katagal. Kapag nakakasalubong ko lang siya sa daan at kapag minsan ay napapadaan siya doon sa bar. He is a nice guy. Kaibigan na talaga ang turing niya sa akin. Kapag kausap ko siya, ang comfortable lang sa pakiramdam. Hindi ko namamalayan na napapangiti na pala ako sa mga sinasbai niya. Parang ang tagal-tagal na namin magkakilala. But about Kaitlyn and him, hindi niya nabanggit ang tungkol do'n magmula nang makita ko ang pagpunta nito sa kubo niya. I don't wanna ask either. I can also ask Kaitlyn dahil madalas ito sa bar pero bakit ko 'yon gagawin? I know, curious ako sa kung anong mayroon sa kanila ni Art pero hangga't maaari, I'm staying out from it. Isa pa, ano bang dapat pakialam ko sa kung anong mayroon sila, 'diba? Yes, malakas ang appeal ni Art sa akin. He made me confuse about my sexuality, the first time I ever saw him. Basta, kakaiba ang lalake na 'yon. Kaya ngayon, hindi na ako sure kung straight pa rin ako o may bahid pa ba ako ng pagiging tuwid. Sunday ngayon and it's sunday night. Work night as usual. I've prepared three songs for my performances later. Sa isang linggo ko na rito sa isla, nakakasanayan ko na ang pagpe-perform rito at ang mga taong nanunuod. Hindi na ako naiilang. Sa katunayan, I'm enjoying it a lot. It's currently after 8 pm palang. Katatapos ko lang kumain ng dinner. Like they always do, dinalhan nila ako rito ng pagkain. For a week, masasabi kong para talaga akong guest rito dahil iyong mga meal na sine-serve nila ay ang so-sosyal. What I mean is, lahat ito masasarap at iyong tipong mahal kapag binili mo rito. Nag-aayos lang ako ng mga gamit ko rito sa loob ng kwarto nang may kumatok sa pinto. Itinigil ko ang paghahalungkat ng aking bagahe at naglakad palapit sa pinto. Binuksan ko ito. Si Kaitlyn iyon. "Oh, Kaitlyn? Anong sa atin?" Bati ko rito nang nakangiti. Nakangiti ito suot ang kanyang kulay asul na uniform sa bar. "Hi, Xanti. Pinapunta ako rito ni Sir Takishima para ipatawag ka. Gusto ka raw niya makausap doon sa office niya," maayos nitong sabi. Nagtaka naman ako. Bakit naman kaya? "Ngayon na ba?" Paniniguro ko. Tumango ito. "Oo, ihahatid na kita roon. Hindi mo pa alam kung saan 'yong office ni Sir Takishima 'diba?" Toinks. Oo nga pala. Napakamot ako sa ulo ko dahil sa medyo pagkahiya. Hindi ko pa nga pala napupuntahan ang office ni Sir Haru simula noong dumating ako rito sa isla. "Okay, sige. Tara na," ngumiti ako't isinara nalang 'yong pinto ng kwarto. Sumabay ako sa paglalakad ni Kaitlyn. Tahimik lang ito ngunit nakangiti. Kapansin-pansin talaga ang ganda nito dahil maputi siya't mukhang tisay. Walang duda na siya ang pinaka-pleasant na staff ng bar ni Sir Haru. Artistahin ang itsura niya. May magandang kutis at may hugis ang katawan. I wonder kung maraming nanliligaw sa kanya. Sa pag-iisip ko tuloy ay bigla na lamang pumasok sa isip ko si Art. Chance ko na ba 'to para tanungin si Kaitlyn kung anong mayroon sila ni Art? Teka, kapag ginawa ko iyon, ano namang mapapala ko? Bakit ba kating-kati akong malaman kung may relasyon sila o wala? Pero wala namang masama kung magtatanong ako, 'diba? I mean, idadaan ko nalang sa kwento itong paglalakad namin papunta roon sa office ni Sir Haru. "Art is a nice guy, 'no?" Pa-simple kong sambit na nakakuha ng atensyon niya. Nilingon ako nito nang nakangiti. "Ah, si Arthuro? Oo naman. Mabait talaga ang lalake na 'yon," she said with a different smile on her face. Is it just me or talagang may hint ng kilig sa pagkakasabi niya? Medyo namangha rin ko sa nalaman ko. Fact about Art, Arthuro pala talaga ang pangalan niya? Or maybe, dinagdagan lang nitong si Kaitlyn ng 'o' dahil pwede rin namang Arthur. Anyway, nice name for him. Bagay sa kanya. Pangalan ng isang matipunong lalake. Argh! Here I am, over-exaggerating a thing! "The first I saw him, medyo feeling close na siya nang tinawag niya 'kong pare. Eh, that time ay kararating ko lang rito sa isla at 'di niya pa ako kilala. The way he talk, ma-kwento siyang tao." Pagpapatuloy ko pa. Nakikinig naman itong si Kaitlyn. Tumango-tango siya. "Gano'n talaga siya, Xanti. Kaya nga maraming kababaihan rito ang nahuhulog sa kanya, eh. Maraming kinikilig sa paraan niya ng pagsasalita," sagot nito na patuloy pa rin sa paglalakad. Maraming kababaihan? Ang kinikilig? Isa ka ba doon, Kaitlyn? Napangiti ako. Itinuloy ko na ang pag-i-initiate ng kwentuhan naming dalawa. "Hindi na 'yon nakapagtataka. Bilang lalake, nakikita ko rin naman ang itsura at tindig niya. Malamang, marami talagang babae ang maghababol roon." Tumawa pa ako nang kaunti. Napansin kong nang sabihin ko iyon ay medyo tumahimik si Kaitlyn. "At 'yong humahabol sa kanya na 'yon, isang araw ay mapapansin niya rin." Bigla nitong sabi. Seryoso at tila may nais ipakahulugan. "Ah, Kait—" Magsasalita na sana ako para sana itanong kung anong relasyon ang mayroon sila ni Art nang tumigil siya sa harap ng isang maliit na bahay at nagsalita. "Nandito na tayo, Xanti. Ito 'yong office ni Sir Takishima." Mula sa pagiging seryoso, nakangiti ulit ito. Parang kanina lang, ang seryo-seryoso niya ah? "Kumatok ka lang sa pinto, ha? Mauuna na ako sa'yo. May kailangan pa akong gawin sa bar, eh." Mahinahon nitong paalam. Tumango naman ako sa kanya. "Sige, Kaitlyn. Salamat sa paghatid sa'kin rito." Sambit ko na ngiti lang ang isinagot niya. Nang makaalis siya, lumapit ako sa pintuan ng maliit na bahay na ito. Ito daw 'yong office ni Sir Haru pero mukha itong maliit na apartment. Hindi katulad ng iba, ang bahay na ito ay gawa sa bato at maganda ang itsura sa labas. Well, magtataka pa ba ako? Si Sir Haru ang may-ari, eh. I knocked at the door for about 5 times pero walang response from the inside. Kaya nagdecide akong hawakan ang doorknob at pihitin ito. Luckily, hindi naman pala naka-lock. I know, mukha akong kawatan sa pagbukas ko ng pinto nang walang pasabi pero I have no choice. Wala namang sumasagot, eh. Pumasok ako sa loob. I'm amazed on how good this house looks in the inside. Now, malinaw na sa akin na office nga talaga ito...but the kind of office na extended for some reasons. What I mean is, yes, there is a table kung saan may laptop na nakapatong doon, a chair na mukhang upuan ni Sir Haru and a few things pa na nakalagay doon sa may table niya. Papers, a mini plant vase, and his name plate na agaw pansin doon sa lamesa. It's Harvey Urie Takishima. I didn't know na iyon pala ang buo niyang pangalan. Meaning, nickname niya lang iyong Haru dahil ang pangalan niya talaga is Harvey Urie. Damn? His name is cute. Then, naisip ko, saan galing 'yong Haru? Pinaka-isip-isip ko pa, crinoss-out lang pala iyong word na vey sa Harvey at 'yong rie sa Urie. Kaya naging Haru. Nice name, by the way. Teka, nasaan ba si Sir Haru? Mukhang wala pa siya, eh. Kaya ang ginawa ko, umupo nalang muna sa isang mahabang couch rito at doo'y pinagmasdan ang buong lugar kung nasaan ako. In all fairness, ha! Para sa isang office, napakalawak at spacious nito. May couch na mahaba, which is iyong inuupuan ko. Sa harap ko ang may maliit na glass table and another couch on the another side. May dalawang pinto rin sa dulo na hindi ko alam kung para saan. May mga picture frames sa dingding. Malalaki iyon at puro picture ng mga bata. Tumayo ako at lumapit doon. Napukaw ang atensyon ko sa isang frame. Napatitig ako roon. There are three kids in the picture. Ang isa ay babae na pinagigitnaan ng dalawang bata ring lalake. Kapansin-pansin na mas matanda ang babaeng bata compared sa dalawa. Siguro mga limang taon ang tanda nito sa dalawang batang lalake sa picture. Naka-akbay ito sa magkabilang bata sa gilid niya. They're smiling. Sa palagay ko ay nasa five to six years old ang dalawang bata sa larawan. At sa palagay ko rin, isa si Sir Haru sa dalawang batang lalake na ito. May resemblance ang dalawang bata sa isa't isa, the same thing with the older girl. Malamang, magkakapatid silang tatlo. I tried to figure out kung sino sa dalawang batang ito si Sir Haru. Pareho kasing meztiso kaya ang hirap ma-identify. Lalo pa't ang laki-laki na ni Sir Haru ngayon. Isa pa, nakangiti ang dalawang bata sa picture kaya ang hirap i-kumpara sa hindi ngumingiting si Sir Haru ngayon. But I think, alam ko na kung sino siya sa dalawang ito. Sa na-notice ko kay Sir Haru, singkit ang mga mata nito at ang pinagbasehan ko ay ang mata ng bata sa kanan. Mas singkit ito kaysa doon sa batang lalake na nasa kaliwa. Isa pa, sa kanilang dalawa ay malakas ang pakiramdam ko na si Sir Haru ito. Napatingin muli ako doon sa pangalawang bata, marahil ay kapatid siya ni Sir Haru. Pareho silang mukhang tisoy at mukhang halos magkasing-edad rin sila o isang taon ang agwat sa isa't isa. Mas matangkad kasi iyong batang nasa kaliwa. Habang nakatitig doon, napakunot ang noo ko nang may mapansin doon sa isang bata. Obviously, hindi siya si Sir Haru. Pero bakit parang nakita ko na siya noon? Alam kong malabo at mahirap sabihin pero 'yong itsura niya ay parang nakita ko na sa kung saan? Hindi kaya nakalaro ko na ito dati noong maliit palang ako? Pilit kong inalala kung saan ko nga ba nakita ang itsura ng batang ito. Tinitigan ko ito nang maigi at pilit na inisip kung pamilyar ba talaga ito sa akin or what. Iyong ngiti ng batang nasa larawan, nakita ko na iyon eh. Malamang kung hindi ko siya nakalaro noon ay baka nakasalubong ko na siya somewhere in Manila. But, it's impossible. Gano'n na ba katalas ang memorya ko para maalala ang bagay na iyon? Hindi kaya nagkakamali lang ako? Or maybe, mali lang talaga ako. Baka nga na-cute-an lang ako doon sa bata kaya parang nakita ko na siya. Well, kung kapatid siya ni Sir Haru, malamang ay malaki na siya ngayon at gwapo rin. At iyong Ate nila? Maganda rin. Mukhang nasa dugo na talaga nila iyon. "Kanina ka pa ba dyan?" Napalingon ako nang marinig ang boses ni Sir Haru. Damn. Nang lingunin ko kasi ito ay nakatapis lang siya ng asul na tuwalya at mukhang kalalabas lang ng banyo. Then, I found out na doon siya galing sa pinto na nasa dulo. May banyo pala doon? Pero shems, bakit 'di ko maiwasang tingnan 'yong matiouno at ubod sa puti nitong katawan? Nababakla na talaga ako! "Xanti, did you hear me? I asked, kanina ka pa ba dyan?" Nagbalik ako sa reyalidad nang magsalita ulit si Sir Haru. Napatango ako nang mabilis. "Opo! Ah, I mean, hindi po. Kararating-rating ko lang, Sir. Pumasok na po ako dahil 'di naman po naka-lock. Sorry po," paghingi ko ng pasensya about sa pagpasok ko nang walang permiso. Tumango ito sa akin. "It's okay." Plain nitong sagot at tumitig sa akin. Lumapit pa ito nang kaunti. "What did I tell you about your po and opo, ha?" Nagulat ako nang mapansin niya pala iyon. Actually, hindi ko rin napansin ang pananalita ko eh. I was so overwhelmed by his naked body in front of me. Argh! It's so gay! "Sorry, Sir. Nakalimutan ko," palusot ko then, kumamot sa ulo. "Anyway, Sir? Pinatawag niyo daw ako para kausapin. Anong pag-uusapan natin?" Pag-iiba ko sa topic. Kasalukuyan siya ngayong nagpupunas ng kanyang buhok gamit ang ibang tuwalya. His biceps flexed. May malalaki rin siyang braso na halatang banat sa pagji-gym. Iyong dibdib niya, nakaka-intimidate na parang ang sarap...argh! Stop it, gags! "I'll change clothes for a minute. Maghintay ka lang dyan. You can sit on the couch. Baka mangalay ka sa kakatayo," he said. Tumango naman kaagad ako. "Sige, Sir. Take your time," tugon ko sa kanya at siya naman ay pumasok na doon sa may pangalawang pinto, which I think is his dressing room. Umupo nalang ako doon sa couch na inupuan ko kanina. I waited there for about less than 5 minutes siguto before he got outside the room. Surprisingly, naka-sando at short lang itong si Sir Haru ngayon—na normally ay hindi ko naman nakikita sa kanya. I mean, madalas kasi ay casual o formal attire lang ang porma niya. Hindi ko pa siya nakikitang magsuot ng ganito ka-seksi, I mean, ng sando at short noon. And I must say na, bumagay iyon sa kulay niya at sa katawan niya. How I wish na sana ganyan rin ang katawan ko. Damn. Habulin siguro ng babae ito. "Xanti, are you staring at me?" Nagulat ako nang magsalita si Sir Haru. Hindi ako makapagreact. He caught me on the act. Nakatitig naman talaga ako sa kanya, eh. What can I do? Nakaka-amaze kasi ang ganito ka-gwapong mukha. But still, nakakahiya! "Anyway, pinatawag kita rito for a proposal I want to offer you. Sana hindi mo tanggihan." Thank God, iniba niya ang usapan. Umupo siya sa couch na kaharap ko. But wait...proposal? Hindi kaya i-recommend ako nito sa ibang isla like Boss Cristah did to me? No way! Ayoko na. Ang hirap kaya mag-adjust! "Anong klaseng proposal 'yon, Sir? I mean, kung about sa trabaho 'yan, I'm glad to know what it is." Nakangiti kong sabi sa kanya. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Xanti. Nakausap ko na rin si Cristahlyn about this and she's okay with it. But she also said that it's all up to you...kung papayag ka." Napaisip ako sa sinasabi ni Sir Haru. Ano ba kasi iyon? "I want to extend your work here as a performer for 3 months more. So, basically, your job here will be 4 months long kung papayag ka. Don't worry, the deal is still a deal. Doble pa rin ang salary na makukuha mo sa apat na buwan na iyon." Nagulat ako sa biglaang proposal niya. To work here for 3 months more? Eh, isang linggo pa lang ako rito ah? At isa pa, hindi biro ang apat na buwan. Matagal-tagal din iyon. "Ah, Sir. I've been here for a week pa lang po. What made you think about that proposal? Hindi po ba masyado pang maaga para offeran niyo ko ng ganyan?" I asked, politely. Kasi 'diba, mamaya magbago pa ang isip niya, and ilang beses niya palang ako nakikitang nagpe-perform. Seryoso niya akong tiningnan. "The first time I saw you perform, alam kong malaki ang maitutulong mo for the progress of my bar. Magaling ka, no doubts. And if you'll grant my proposal, it would be meaningful for the island na manatili ka rito sa loob pa ng tatlong buwan." Paliwanag niya. Tumango naman ako nang marahan. "Don't worry, this is just temporary. After 4 months, I'll find another performer na pwedeng pumalit sa'yo rito. What do you think?" Sabi pa niya. He is really convincing me. "Sir, thank you for the offer but can I think about this for a bit longer? Gusto ko po kasi pag-isipan ng mabuti ang magiging desisyon ko." Pakiusap ko sa kanya. May buhay rin kasi ako sa syudad kaya hindi agad ako makapag-desisyon nang madalian. Tumango ito. "No problem, Xanti. Take your time. I'll take that for now. Thank you for considering the offer." Ngumiti ito nang slight. Napangiti naman ako dahil doon. "Wala pong anuman, Sir. Pag-iisipan ko pong mabuti." Sambit ko pa. Tumango pa ito. "Iyon lang naman, Xanti. You may go now." Paalam nito sa akin. Ngumiti naman ako bago magpaalam sa kanya na lalabas na. When I got outside his office, napaisip ako bigla. He is really trusting my talent for him to offer me this kind of proposal. Kung tutuusin, hindi na rin ako lugi dahil kung pumayag man ako ay double pay ang makukuha ko sa loob ng apat na buwan. Isa pa, pumayag na rin naman si Boss Cristah eh. But the thing is, marami akong mami-miss sa syudad. My best friend, Drake. Iyong mga events na naka-settled na. At marami pang iba. Ang hirap magdecide. Ang hirap din namang tanggihan si Sir Haru. Isa pa, maganda ang offer niya sa akin. Bukod sa pera, ano pa bang reason ang dapat kong i-consider para magstay ako rito sa isla for 4 months? Sige nga? Lord, isa ngang sign dyan! Please po? "Xanti! Pare!" Napatigil ako sa paglalakad nang may tumawags sa pangalan ko. Nilingon ko ito and to my surprise, it's...Art. He is shirtless. Napatitig ako sa kanya. Maganda ang katawan niya kahit sa malayuan. Kitang-kita ko ang matangos niyang ilong mula rito. Ang ganda ng mga mata niya at ang gwapo niyang mukha. Moreno, matangkad at ma-appeal. He is really a perfect definition of a tall, dark and handsome guy. He is smiling while slowly walking towards me. Lord, ito na ba 'yong sign na hinihingi ko kani-kanina lang? Is he the sign for me to stay here for another 3 months? Is he?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD