Chapter Five

2667 Words
X A N T I LAST NIGHT was a total mess. Napagtripan lang naman ako ng grupo ng kalalakihan doon sa may dalampasigan. Akala ko, mabubugbog ako. Good thing, dumating si Art para tulungan ako. If he didn't show up last night, malamang ay may mga pasa at pilay na ako ngayon sa katawan. Thanks to him. Aside from that, nakakahiya rin na nakita niya 'yong weak side ko. Naturingan pa akong lalake tapos hindi ko rin naman pala kayang ipagtanggol ang sarili ko. Syempre, may embarrassment rin akong nararamdaman. Now, I'm questioning myself. Am I still straight sa kabila ng mga nangyari kagabi? At heto pa! Nang iligtas niya ako mula sa mga lalakeng 'yon kagabi at kung paano niya pagsalitaan o takutin 'yong grupo ni Tonton, para bang ang lakas ng dating no'n sa akin. It felt like, dumating 'yong knight in shining armor ko. It sounds gay and honestly, hindi ko na rin alam ang mararamdaman ko. Though, I know to myself na straight ako but...it felt so good inside nang mga oras na 'yon. Sa madaling salita, gusto ko ang pakiramdam and it's all new to me. Damn! Hindi na nga yata ako straight. And it's okay not to be straight. Tao pa rin naman ako. And there's nothing wrong with that. But... Bakit ngayon lang? Bakit ko 'to nararamdaman ngayon? Bakit hindi noon? Bakit dito sa isla? There are so many questions running in my head right now. Like, bakit ako kinikilig sa lalakeng 'yon? Why on earth na sa kapwa ko lalake pa?! I'm hopeless. I had been in a relationship with a girl for a year and hindi man lang pumasok sa isip ko ang ganitong bagay...na posible palang hindi ako straight. Kasi sa totoo lang? Wala akong experience na ganito noong bata pa ako o kahit noong high school. My bestfriend, Drake. Isa siya sa mga lalakeng gwapo na kilala ko, as in sobrang gwapo ng kaibigan ko na 'yon. But I don't feel something romantic towards him. He's just my best friend. But this guy named Art? Gwapo siya. Matipuno. Nag-uumapaw sa appeal. Hindi ko alam kung paano pa siya ide-describe but he is like a handsome goddess to me. Plus, napaka-bait pa niyang tao. He saved me from distress. Hindi ko alam kung bakit ganito ko nalang siya tingnan. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako pero...does it really mean na gusto ko siya? Ang lalakeng 'yon? But...I'm a guy too. Naputol ang pag-iisip ko nang may marinig akong pagkatok sa labas ng kwarto. Napatingin ako rito bago bumangon sa aking kama at maglakad papunta doon sa pinto. Nang tingnan ko ang oras sa cellphone ko ay alas siete pa lang. Sino naman kaya 'yong kumakatok? Naisip ko na baka iyon 'yong food service kahit sa palagay ko ay trenta minutos yata silang maaga ngayon. Seven-thirty kasi ang oras kung kailan nila ako dina-dalahan ng pagkain rito sa kwarto. Binuksan ko ang pinto. Nagulat ako sa taong bumungad sa harap ko. Si Art. Parang bigla akong na-stroked at the moment nang makita siya sa harap ng pintuan ko. Nakasuot ito ng puting t-shirt na as usual, yumayakap sa malulusog niyang dibdib at sa malalaki niyang braso. Sa ibaba, isang maong na short na bumagay sa pang-itaas niya. Para siyang international model sa simpleng kasuotan niyang iyon. Nakangiti ito. Ngunit ako, gulat na gulat naman sa presensya niya. Tapos naalala ko, hindi pa ako nakakapaghilamos at hindi pa rin ako nakakapagtoothbrush man lang. Anong itsura ko? Can someone tell me I don't look so bad right now?! "Natutulog ka pa ba, pare? Naistorbo yata kita, pasensya na." Nakangiti nitong bati sa akin at ako naman, tila gusto nang maglaho dahil sa pagkahiya. Unflattering ang itsura ko pihado. "H-hindi, okay lang...pare." Nag-alangan pa akong tawagin siya pare. Deserve ko bang tawagin siyang gano'n? "A-ano nga palang kailangan mo?" Ngumiti ako. Kahit halata naman sa mukha ko ang pagka-ilang. "Ah, hihingi sana ako ng tulong sa'yo pare, eh." Nahihiya pa ito. "Pwede bang maki-gamit ng cellphone? Ikaw lang kasi 'yong pinaka-malapit na alam kong may telepono, eh." Nagulat ako sa sinabi niya. Wala siyang cellphone? May signal naman rito sa isla at sa itsura niya, hindi ko iisiping hindi niya afford makabili ng cellphone. Gano'n pa man, kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa ko. Ini-abot ko ito sa kanya. "Sure thing, pare. Heto, gamitin mo na." Ngumiti ako at nakangiti naman niya itong tinanggap. "Pwede ba akong tumawag dito?" Nag-aalangan pa nitong paalam. Mukhang nahihiya pa siya. Sino naman kaya ang tatawagan niya? "Tatawagan ko lang 'yong doktor ni Miming. May sakit kasi siya ngayon at hindi ko alam ang gagawin. Gusto ko sana siyang tanungin," sabi pa niya. He's talking about his cat, Miming. May doktor ang pusa niya? Pero wala siyang cellphone? Meaning afford niya ang vet doctor pero ang mobile phone, hindi? What's with this guy? Mukha naman siyang mayaman kung titingnan, eh. "You can call the doctor now, pare. Take your time," ngumiti ako sa kanya. "Maghihilamos lang muna ako sa loob." Paalam ko sa kanya. "Salamat, pare." Ngumiti siya. Tumango naman ako at nagmadaling pumasok sa loob para maghilamos. I even brushed my teeth. Nagsuklay rin ako nang maayos at nagpalit ng sando kong suot. Nag-ayos nang kaunti para naman maging pleasant 'yong itsura ko sa harap niya. Ewan, basta I just feel conscious sa harap ng gwapong lalakeng katulad niya. Damn, so gaaay! Nang lumabas ako, mukhang kakatapos lang niya makipag-usap sa doktor ng kanyang pusa. Ngumiti siya nang mapansin ako. Lumapit ito at ibinigay sa akin pabalik ang cellphone ko. "Nakausap ko na, pare. Salamat sa pagpapahiram," wika nito. Tinanggap ko iyon. "Matamlay kasi si Miming ngayon, eh. Sinabi ko rin na hindi siya masyado kumakain. Ang sabi naman niya, baka daw buntis. Gano'n daw talaga ang pusa kapag bago pa lang nagbu-buntis. Tapos, naalala ko, marami ring pusa ang naliligaw doon sa kubo ko. Malamang, iyon ang dahilan." Tumawa pa ito habang nagke-kwento. Tumango naman ako at nakinig sa mga sinasabi niya. Why do I find it so cute kapag nagke-kwento siya ng ganitong bagay? "Nako, ganyan naman talaga ang mga pusang-pinoy eh. Sila-sila rin lang ang nagkaka-anuhan," natawa ako sa sinabi ko. Napangiti rin siya. "Oo nga pala, pare. Nagluto ako ng agahan doon sa kubo. Sabay ka na sa akin, pa-thank you ko na rin dahil pinahiram mo ko ng cellphone." Anyaya niya. Nabigla ako nang bahagya. He is inviting me for breakfast? Really? Gusto ko sanang tumanggi. May magdadala rin naman ng pagkain ko rito any minute from now, eh. Kaya lang, how can I refuse to his offer? Ang buti ng pagkaka-yaya niya. Tatanggi pa ba ako? "Talaga, pare? O sige ba. Gutom na rin ako, eh." Sambit ko, which is totoo naman. Isa pa, ayokong mag-inarte. Hindi naman ako babae. "Ayos. Tara, pare." Ngumiti lang ako sa kanya at sinundan siya. Dumiretso ito sa likod ng kwarto ko kung nasaan ang kubo niya. Ilang lakad lang naman ito mula sa kwarto ko at narating na namin ang kubo. Hindi ito kalakihan katulad ng inaasahan ko sa malapitan. Tipikal na kubo lang ito. Ang kaibahan lang sa normal na kubo, napansin kong mas detailed ang pagkaka-gwapo nito at hindi simple lang. Nakabukas ang pinto ng tila kwarto niya, na-sight ko roon ang magulo nitong higaan. Napatingin ako sa kanya nang magsalita ito. "Maupo ka muna dyan, pare. Ihahanda ko lang 'yong pagkain." Wika niya at itinuro ang lamesa na gawa sa kahoy kung saan may mahabang upuan. Umupo ako roon. "Pasensya na nga pala sa bahay ko. Kubo lang 'to pare, kita mo naman. Medyo magulo rin kaya huwag mo nang pansinin," tumawa pa ito at ngumiti naman ako. Mukhang nahiya pa siya kasi panay ikot ang mga mata ko sa paligid ng kubo niya. Ayoko naman siyang mapahiya. "Nako, it's okay pare. Ayos nga rito sa kubo mo, eh. Presko at hindi na kailangan ng electric fan dahil malamig na." Tugon ko sa kanya. Siya naman, natawa lang habang inilalapag ang sinangag at piniritong itlog sa lamesa. Isa-isa rin niyang inilapag ang mga plato at baso roon. "Can I ask you something?" May bigla kasing pumasok sa isip ko. Tumingin naman ito sa akin. "Anong tanong mo, pare?" Sagot niya at umupo na sa tabi ko. Medyo na-ilang ako nang tumabi siya sa akin. Mukhang itong mahabang upuan lang talaga 'yong ginagamit niya rito sa kubo. Gano'n pa man, itinuloy ko pa rin ang gusto kong itanong sa kanya. "Nasaan ang mga magulang mo, pare? Mag-isa ka lang ba dito sa kubo mo?" Obviously, siya lang ang nakatira rito. Napaisip lang kasi ako. He is living on his own here. Saan siya kumukuha ng mga pangangailangan niya? And why did he live here? Bakit sa kubo pa? "Ako lang mag-isa," sagot niya doon sa pangalawang tanong ko. "Mas okay nga 'yong mag-isa ka lang, eh. Walang mangingialam sa buhay mo. Malaya ka," nagulat ako sa sinabi niya. Hindi niya sinagot kung nasaan ang mga magulang niya. Hindi ko rin masyadong nakuha kung anong gusto niyang palabasin sa sinabi niyang mga kataga. The thing is, nagbago ang expression ng kanyang mukha. From happy to serious face. Did I say something bad? "M-may nasabi ba akong mali, pare?" Napansin ko kasing natahimik siya bigla. Napatingin naman ito sa akin nang tanungin ko siya. Ngumiti ito bigla. "Wala, pare. May naalala lang ako." Tumango naman ako nang marahan. "Kain na tayo," sabi niya. Parang bumalik sa dati ang lahat ng ngumiti siya. Hindi ko nalang pinansin 'yon. Though, alam kong dahil iyon sa tanong ko. I'm sure, it has something to do with his parents. Iyon lang kasi ang hindi niya sinagot, eh. Kaya ba mag-isa lang siya rito sa kubo? Because he didn't get along with his parents? Umiral na naman ang pag-iisip ko. Hays. Ano bang pakealam ko sa buhay ng tao? Masyado akong nag-iisip. Tinikman ko ang luto niyang sinangag at piniritong itlog. "Ang sarap ng sinangag!" Napa-subo ako ng marami dahil sa sarap. Kakaiba, eh. Iyong lasa ng bawang, nangingibabaw. Nakakagana! "Chef ka ba?" Natanong ko bigla sa kanya. Ako kasi, 'di ako makapagluto ng ganito ka-sarap na sinangag. Tapos siya, iyong lasa ng luto niyang itlog, espesyal rin! Natawa siya. All this time, nakatingin pala ito sa akin habang busy ako sa pagnguya at halos mabulunan na dahil sa walang-humpay na pagsubo ng kanin. Natigilan ako sa pagkahiya. "Sige lang, pare. Kain lang." Pagpuna nito sa akin. Pati ngiti niya, nakakagana. "Hindi ako chef. Hindi ko nga alam na espesyal pala sa panglasa ng iba 'yang luto ko, eh. Natutuwa ako na nagustuhan mo 'yan, pare." Dagdag pa nito. Ngumiti ito ng pagkatamis-tamis at hinawi ang kanyang buhok pa-itaas. Sumilip ang armpit nitong mabalahibo. Nang gumalaw ang kanyang braso, kusa itong nag-flex at pumorma sa paraang nakakaakit sa mga mata ko. Damn. Bakit ganito 'yong epekto sa akin ng lalakeng ito? Maaga pa pero pinagpapawisan na ako. Napalunok ako habang pinagmamasdan siya. Nag-focus nalang ulit ako sa pagkain at inubos ang nasa plato ko. Nabusog ako doon nang sobra. Worth it ito kaysa doon sa meal na sine-serve sa akin ng mga staff. At may mas wo-worth it pa ba kung ganito ka-gwapo ang katabi mo sa hapag-kainan? Kapag nagtatama ang braso naming dalawa, tila nag-iinit ako. Nakakapaso siya, eh. Damn. I ain't straight anymore. "Salamat sa pa-breakfast, pare. Nabusog ako, sobra." Sambit ko nang matapos kumain. "Walang anuman 'yon, pare." Ngumiti siya. "Sa susunod ulit ay iimbitahan kita rito sa kubo ko para mag-agahan o kaya kahit tanghalian. Nang matikman mo 'yong ibang luto ko," natuwa naman ako nang sinabi niya 'yon. Naghubad ito ng damit dahil tila pinagpapawisan siya. Wala namang kaso dahil pareho kaming lalake. "Sige, pare. Aasahan ko 'yan." I'm sure masarap siya. Ah, e—'yong luto niya, kako. A ll of a sudden, nakarinig kami ng pag-meow mula sa maliit niyang silid. Expected ko nang iyon ang kanyang pusa na si Miming. What I did not expect, ang itsura nito. Malayo sa itsurang iniisip ko ang itsura ng pusa niya. Hindi pala ito puspin. Kung 'di, isang pusang banyaga. May lahi ito. "Gising na pala si Miming. Halika rito," bigla niya itong binuhat nang may panggigigil at saka, iniharap sa akin. "Miming, ito nga pala si Xanti. Bago kong kaibigan." Ang tila pormal nitong pakilala sa akin. Hindi ko alam kung paano magre-react. Kanina kasi, nabanggit ko sa kanya ang tungkol sa mga pusang pinoy. Ang akala ko kasi talaga ay puspin itong si Miming. Nagkamali ako. Nakakahiya. "A-anong breed ng pusa mo?" Balbon kasi ito. Kulay abo at may magandang pares ng kulay asul na mga mata. Patuloy ito sa pag-meow. "Persian cat si Miming," sambit niya habang patuloy siya sa pagpet rito. Napangiti ako. Akala ko naman kasi puspin dahil sa generic na pangalan nito. "Cute ba siya?" Ngumiti siya sa akin habang hawak ang pusa. Napatitig ako sa mukha niya. May pawis na tumutulo mula sa kanyang ulo. Ang charming niya pa rin tingnan. Nakatingin pa rin ako sa kanya. "O-oo, ang cute..." Inilipat ko ang tingin sa pusang kasalukuyang nakatingin sa akin ngayon. Parang masama pa ang tingin nito, as if nase-sense niya ang paghanga ko sa amo niya. "Niya, ang cute niya." Ngumiti ako. Sinubukan kong i-pet ito pero bigla itong naging agresibo at muntik pa akong makalmot. Nagulat ako. "Miming! Hindi tama 'yong ginawa mo, ha?" Pagsaway ni Art sa alaga niyang pusa. Binitawan na niya ito at ang pusang iyon—na maldita—nag-ngingiyaw paalis. "Okay ka lang ba, pare? Na-kalmot ka ba ni Miming? Patingin nga," nagulat ako nang bigla niyang kunin ang kamay ko at sinuri ito kung may bakas ng kalmot o kung ano man. Malakas ang t***k ng puso ko nang hawakan niya ang palad ko. Naramdaman ko ang lambot ng kamay niya. Parang may kuryente ito na hatid ay kakaibang kiliti sa buong katawan ko. Ang lapit-lapit niya sa akin ngayon. Amoy na amoy ko siya. Mabango ito. Hindi ko mapigilan ang pagbilis ng pintig ng dibdib ko. Damn. Heto na naman ako. Binawi ko ang kamay ko mula sa kanya. "H-hindi naman niya ako kinalmot. Nabigla lang ako nang gumano'n siya. Siguro nabigla rin si Miming na may ibang tao rito," ngumiti ako sa kanya. "Pasensya na. Hindi naman ganyan 'yan, eh. Siguro tama ka, pare." Wika niya. "Baka kapag dinalasan mo rito, masanay iyon sa'yo." Ngumiti siya. Paraan niya ba 'yon ng pagyayaya sa akin dito lagi? Ngumiti lang ako sa kanya. Hindi ko kasi alam ang isasagot ko. Sa gano'ng senaryo naming dalawa ni Art, napatingin ako sa likod nang may taong tila dumating. "Art! May dala akong breakfast!" Pagtingin ko'y medyo nabigla ako sa nakita roon. Si Kaitlyn iyon. Staff rin doon sa bar ni Sir. Haru. Anong ginagawa niya rito? Napansin na niya ako. "Xanti?" Ang ngiti nito ay nagfade ng kaunti. Malamang nagtataka siya kung bakit ako nandito. "Katatapos lang namin mag-agahan pero salamat sa dala mo," ngumiti si Art sa kanya at kinuha ang dala nito. "Hindi na ako magtataka kung kilala mo siya. Nasa parehong lugar nga pala ang trabaho niyo," nakangiting sambit pa nito. Ngumiti ako kay Kaitlyn bago humarap kay Art. "Salamat sa agahan, Art." Wika ko rito. "Mauna na ako sa inyo." Pareho ko silang tiningnan. "Salamat rin, pare." Nginitian ako ni Art. Something inside me melted. Napakaganda kasi ng pagngiti niya. Nginitian lang rin ako ni Kaitlyn. Tuluyan na akong umalis doon. Umalis man ako, nandoon pa rin ang isip ko. Magkakilala pala silang dalawa? Well, hindi naman malayo iyon dahil isang isla lang ito...but anong mayroon sa kanila? I don't want to assume things but...maganda si Kaitlyn at gwapo itong si Art. Hindi kaya may relasyon sila? Damn. Pero bakit ganito 'yong nararamdaman ko? Kung gano'n pala, ibig sabihin may girlfriend na siya? Teka, ano bang pakealam ko? Or tama bang itanong sa sarili ko na... Why do I feel so disappointed?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD