KABANATA 2

1307 Words
"Red how are you? It's been a while." Seryosong bati ng Ama ni Red sakanya na kararating lamang sakanilang hapag kainan. Lumingon panandalian si Red sa kaniyang Ama bago bumalik sa kaniyang pag kain. "Walang modo." Rinig ni Red na sambit ng kaniyang Step Mom ngunit ipinagsawalang bahala nalang din niya iyon. He's not in the mood to cause scenes and to talk back to both of them. "I'm done." Walang emosyon na sambit ni Red at akmang tatayo na siya ng mag salita ang kaniyang Step Mom. "Look who's here." Sambit nito Kay Euri, ang kanilang Mayordoma at tunay na Nanay ni Red. "Stop Cecilia." Babala ni Jack, ang Tatay ni Red. "Psh!" Naiinis ngunit halatang nag uudyok na sambit ni Cecilia. "Pasensya na po, tinulungan ko pa ho kasi ang mga bagong kasambahay." Paliwanag ni Euri at saka yumuko sa harap nila. Nakahinto lamang si Red at nakatayo, nakamasid sa kung ano ang ginagawa ng kaniyang Nanay. Red really wants to leave this house, humahanap lang siya ng right time para makaalis at isasama na niya ang kaniyang Nanay Euri. "Wala akong pake, kapag sinabi kong pumunta ka dito, pumunta ka kaagad!" Sigaw ni Cecilia at umambang tatapunan ng tubig si Euri ngunit hinawakan agad ni Red ang kaniyang palapulsuhan. "Try me Cecilia. Pagod na akong manood sa pananakit mo sa Nanay ko. Try me and you'll see." Nagbabanta ang boses ni Red na kahit ang kaniyang Ama ay napatahimik na lang din. Namutla si Cecilia at nagsimulang manginig na para bang sinaktan na siya ni Red. "Wala pa akong ginagawa Cecilia. Binabalaan lang kita. Lubayan mo ang Nanay ko." Bulong ni Red sakanyang tenga bago hitakin ang kaniyang Nanay Euri palabas ng hapag kainan. "Hind mo naman dapat ginawa yun." Reklamo ni Euri. "At ano? Hahayaan kitang mabasa ng tubig dahil sa walang kwentang rason niya?" Seryosong sambit ninRed kung kaya't hindi nakapag salita si Euri. Ngumiti lang si Euri at bahagyang napailing, "She's still your father's wife." Sambit nito. "And so? You're my real mother. Not her." Katwiran naman ni Red. "Sige na, pumanik ka na sa kwarto mo at dadalhan nalang kita ng meryenda mo mamaya." Sambit ni Euri bago tumango at iwanan na si Red sa harap ng hagdan. Nang makarating si Red sakanyang office ay kaagad siyang umupo at nag simula na mag trabaho. "Trabaho na nga sa umaga, trabaho ka pa rin sa gabi." Bungad ni Asha. "Nandito ka nanaman." Reklamo ni Red habang busy sakanyang computer. "Nandito mga kaibigan mo, sila ate Ive." Sambit ni Asha kaya napalingon si Red. "What the héll?" Takang sambit ni Red. "Nag message raw sa gc niyo, hindi ka nga lang nagsiseen." Natatawang sambit ni Asha bago mag paalam at umalis na sa kaniyang office. Naiwan si Red na ngayon ay tinitignan ang mga chats sakanya at mayroon nga. Lumabas na si Red matapos iayos ang mga dapat ayusin at hinarap ang kaniyang mga kaibigan. "Hindi kayo welcome dito." Bungad agad ni Red at nakipag apir sa mga kaibigan niya. "Ulól!" Sambit ni Hunter. "Hindi ka ba nagsasawa dito, palagi kang nandito." Natatawang puna ni Red. "Saks lang, ikaw naman pinunta ko ngayon e." Nakangising sambit ni Hunter. "Ano bang trip niyo at naisipan niyong dito sa bahay mag punta? Mag hahating gabi na." Reklamo mulinni Red. "Labag na labag sa loob, hindi ka nagsiseen aayain ka sana namin mag bar." Sambit ni Ivelle. "Sabi ko sainyo e hindi maaaya yan at nagpaparami pa ng pera." Hirit ni Hunter na ikinatawa nilang lahat. "Utó. Busy lang talaga." Sambit ni Red. "Ano arat?" Tanong ni Ivelle. "Pass, marami akong gawain." Palusot ni Red kahit na ang totoo ay binabantayan niya lang ang kilos ni Cecilia. Hindi siya makaalis dahil alam niyang anytime once na lumabas siya sa pamamahay ni Jack ay sasaktan nanaman ni Cecilia si Euri. "Told you." Sambit ni Hunter. "Kaya gawan paraan yan, dito tayo mag party sa bahay niya." Sambit ni Slate. "Tangína niyo talaga." Sambit ni Red at wala ng nagawa kundi hayaan ang kaniyang mga kaibigan. "How's life Shannara Nadine?" Tanong ni Ivelle. "Nnadito ka nanaman." Sambit ni Shannara habang kumakain. "You called me earlier, excuse me?" Mataray na pambabara ni Ivelle. "Right." Natatawang sambit ni Shannara. "Stop asking if you already knew the answer." Sambit ni Shannara. "Binilhan kita comfort food mo." Smbit ni Ivelle at inabot kay Shannara ang paper bag na dala niya. "Thank you." Sambit ni Shannara at bahagyang ngumiti. "Kaya ba hindi mo binubuksan clinic mo?" Tanong ni Ivelle at dahan dahan namang tumango si Shannara. "Kung ako ngang psychologist hindi malaman nangyayari sakin, hindi pa okay. What more sa client at patient diba." Nakangusong sambit ni Shannara. "Pinupush mo nanaman kasi sarili mo sa limit kaya ka nag kakaganyan nanaman. Nag start nanaman maging cycle." Pangaral ni Ivelle. "Why don't you take a rest for a while? Hindi naman masama yan, it's for your own health." Dagdag ni Ivelle. "Hindi pwede, wala akong pang gastos ga.ga." Tumatawang sambit ni Shannara. "Right." Nag aalangang sambit nito. Si Ivelle lang ang tanging tao na nakaka alam sa buong buhay at pag katao ni Shannara. Siya lang din ang tumulong at nakasama nito simula pag kabata hanggang sa ngayon. "Paano ka niyan?" Tanong ni Ivelle. "Huwag kang mag alok ng tulong, alam mo sagot ko diyan." Babala ni Shannara dahil alam niyang anytime ay sasapuhin nanaman siya ni Ivelle. "Ayan ka nanaman, pinangungunahan mo nanaman." Sambit ni Ivelle na para bang sumusurrender na agad kahit hindi pa nag tatanong. "Masyado ng malaki ang naitulong mo. Kaya ko naman, onting pahinga lang to." Sambit ni Shannara. "Palagi mo namang kinakaya kahit na hindi." Sambit ni Ivelle. "Hep hep! Bawal akong paiyakin." Nakangiti ngunit kita sa mata ni Shannara na malungkot siya. "Ewan ko sayo, kainin nalang natin yang dinala ko." Sambit ni Ivelle. "Ay bawal, naka reserve na ito pata sa pagiging sad girl ko mamaya." Sambit ni Shannara. "Hindi naman kita iiwan dito, kaya ishare mo na sakin." Sambit ni Ivelle. "Hoy! Ayan ka nanaman babantayan nanaman ako." Nakangusong sambit ni Shannara. "May choice ka naman e, ako mag babantay sayo mag isa o yung buong tropa?" Natatawang tanong ni Ivelle. "Okay I surrender." Sambit ni Shannara. "Buti alam mong hindi kita hahayaan." Sambit ni Ivelle at prenteng naupo sa couch ni Shannara. "Feel at home talaga siya oh." Biro ni Shannara. "Syempre, may damit at gamit nga ako dito." Tumatawang dugon ni Ivelle. Even if Shannara tried to push Ivelle away, she knew na hindi ito mag papatinag at thankful siya doon dahil kahit papaano ay nalilibang siya at napapasaya nito. It's just that ayaw niya lang may makakita sakanyang mahina siya. "Lalim ng iniisip, if you want to cry just cry." Sambit ni Ivelle. "Ay tigilan mo ako, dapat happy tayo inggitera ka iiyak ka rin pag umiyal ako." Tumatawang sambit ni Shannara, trying to light their mood para hindi maramdaman ni Ivelle yung bigat na nararamdaman niya. Ivelle is her one call away person, kahit nasa work ito, madaling araw, o kahit nasa malayo. Once Shannara called her ay paniguardong in a minute pupuntahan na siya nito. "Yuhooo! Kanina pa ako nag sasalita tulala ka nanaman." Sambit ni Ivelle at talagang tumapat pa siya sa mukha ni Shannara para makita kung mag reresponse ito sakanya. "Stop it, oa ka." Sambit ni Shannara. "Masyado kang lunod sa iniisip mo. Akala ko ba mag lilibang tayo?" Takang tanong ni Ivelle habang nakataas ang kaniyang kanang kilay. At dahil tulala ka at hindi ma storbo, nagpa grab na ako ng foods natin." Sambit ni Ivelle. "Andami mong dala nag dagdag ka pa." Reklamo ni Shannara. "Alam ko kasing hindi ka kakain kaya dinamihan ko. Para sayo lang yon binibiro lang kita kanina." Paliwanag ni Ivelle habang nag hahanap ng kanilang mapapanood dalawa sa netflix.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD