Diyosa's POV Tahimik kong sinundan si Ris sa hardin. Alam kong delikado ito, pero ang bawat sandali na kami lang ang magkasama ay tila nagbibigay sa akin ng lakas. Sa bawat hakbang papalapit sa kanya, tumitibok ang puso ko nang mas mabilis, hindi dahil sa takot kundi dahil sa pananabik. Nang marating ko siya, halos walang imik akong tumabi sa kanya, na para bang kailangan kong itago ang damdamin ko kahit kami na lang ang naroon. Nagulat si Ris nang makita niya ako, ngunit biglang nagningning ang mga mata niya. Nginitian ko siya ng bahagya, ang mga pisngi ko’y namumula. "Ris," bulong ko sa kanya, "kita tayo mamaya sa kubo ko, doon sa Ungol ng Heredera." Halos pabulong ko lang itong sinabi, takot na may makakita o makarinig. Ngunit sa likod ng boses kong mababa, may halong pag-aanyaya. Pa

