LINDSY Tulala na nakatingin lamang ako sa report na nasa harap ko. Ito ang unang araw ko para humalili sa ama ko sa kompanya pero lutang naman ang isip ko. Hindi gumagana ang utak ko at pilit na sumisiksik sa isipan ko ang naging huling pag-uusap namin ni Ravi sa condo unit niya. Pagkatapos niyang magtapat sa akin ay walang paalam na umalis siya at iniwan ako mag-isa sa unit niya. Ilang minuto lang ang nakalipas ay sinundo na ako Rolly. Nang tanungin ko si Rolly kung si Papa na nagpasundo sa akin, ang sagot niya ay tinawagan daw siya ni Ravi para sunduin na ako. Till now I still haven't seen Ravi. Even here in the company I don't see him. Gaano ba siya naapektuhan ng magtapat siya sa akin ng totoo niyang nararamdaman at hindi man lang niya magawang magpakita sa 'kin? Nabawasan ba ang

