LINDSY "R-Ravi, tumayo ka na riyan. Mag-isip ka muna ng maraming beses bago mo gawin iyan." Inalalayan ko siyang tumayo. Nakita ko ang pagkadismaya sa mukha niya. "P-pasensya na pero hindi madali ang gusto mo mangyari. Baka nabibigla ka lang. Pag-isipan mo muna ang actions mo. Mahirap na magtiwala muli, Ravi. Sana naiintindihan mo ako. Hindi biro ang pinagdaanan ko noon. Hayaan mo muna akong makapag-isip. Kung mahal mo ako, handa ka maghintay." Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Tinulikuran ko na siya at nagmamadaling lumabas ng opisina niya. Ayoko magtagal sa harap niya dahil baka biglang magbago ang isip ko. Gusto ko muna mapatunayan na tapat siya at hindi lang basta nagbitaw ng salita. Kahit pa sabihing mahal niya ako ay hindi dapat ako madala sa mga binibitawan niyang salita. P

