Napatingin ako nang tumayo ang lalaki kanina. Nakalapag sa ibabaw ng kaniyang lamesa ang bayad sa inorder niyang kape. Lahat naman ng mga babae rito, kasama na ang may jowa, ay napalingon sa kaniya nang makita siyang papaalis ng restaurant. Tumahimik ang kanina'y nagdadaldalang mga babae, titig na titig na ngayon sa kaniya. Nakasunod ang kanilang tingin sa lalaki. Nakatalikod pa rin ito kaya hindi ko pa rin makita ang kaniyang mukha! "Ahm...manang may titingnan lang ako," ani ko sa kanilang dalawa na may sariling mundo ngayon. Tumingin sila sa akin na nagtataka. Ako naman ay lumingon muli sa lalaking tuluyan nang lumabas. Nakaangat nang bahagya ang aking p'wet at ready nang umalis ngunit kailangan ko pa ng kanilang permiso. Nakakabastos naman kung aalis na lamang ako nang biglaan,

