8

4341 Words
Naglalakbay ang isip ko habang nakatingin ako sa madilim na langit. Maulap ang gabi at walang bituwin. Kahit ang buwan ay halos hindi na makita dahil sa kapal ng ulap. Nandito ako ngayon sa kwarto ko at naalimpungatan ako kanina sa gitna ng aking pagtulog. Naisapan kong magtambay muna sa balcony para magmuni-muni. The night was cold and windy. Mainit man sa hapon pero presko naman sa gabi. I felt the cold wind blew on my face. Nilanghap ko ang simoy ng hangin. Gustuhin ko man bumalik na ulit sa pagtulog pero hindi ko na magawa. Something is bothering me. These past few days, mula nang malaman ko ang kataksilan ni papa, nahihirapan na akong makatulog ng maayos. Tuwing pipikit ako, nakikita ko siya. Kasama si Irene. Masaya sila. Habang ako, mag-isa at malungkot dito. I sighed deeply. Nanatili lang ang mata ko sa kalangitan habang isinasabuhay ko ang lahat ng posibilidad na pweding mangyari sa mga susunod na araw. Lalo na sa pagdating ni papa mula sa Cebu. Hindi ko maiwasang maisip siya at si Irene. Magkasama sila ngayon sa Cebu at silang dalawa lang. I sighed again. This time, mas malalim na. Are they really dating? Kung oo, bakit sa Cebu pa? Why not here? In our province? In Pampanga? Natatakot ba sila na baka malaman ko? I want to confront papa and ask him about Irene. But then, paano kapag nagsinunggaling siya? Paano kapag dineny niya? Hindi ko alam kung saan ako mas masasaktan. Sa katotohanan ba na kayang magsinunggaling ni papa sa akin para pagtakpan ang kasalanan niya o yung mas mahal niya si Irene kaysa sa amin? Alin man sa dalawa, panigurado akong masasaktan pa din ako. Napapikit ako at dinama ang lamig ng hangin. Parang may bumabaon na pako sa dibdib ko habang iniisip ko si papa na may bagong pamilya sa ibang babae. I can't accept that! I can't accept his new family! I swear, I will loathe him forever! I will never forgive him for hurting us. For hurting mommy and for breaking our family! Naalala ko bigla ang pangako niya noon. Papa promised me that she will only love mommy in his lifetime. I was eleven when he promised me that he will pursue mommy again when the right time comes. When their wounds are totally healed. Namuo ang luha sa gilid ng mata ko. I can still vividly remember and recall every single words he said to me. I treasured them habang lumalaki ako sa set-up nila ni mommy. Tumatak lahat ng pangako niya sa akin at umaasa ako noon na darating din ang araw na mabubuo muli kaming pamilya. Yung tipong hindi ko na kailangan pang magpalipat-lipat ng bansa para lang makasama sila. And all those years, hindi ako nagdamdam at naghingi ng atensyon sa kanila. Specially to papa. I never got mad to him lalo na noong hinayaan niya si mommy na lumuwas ng LA para magbagong buhay after nilang magdivorce. Pinaniwala niya kasi ako noon na magiging buo muli ang pamilya namin. At naniwala naman ako sa kanya. Pinanghawakan ko lahat ng mga sinabi niya. Biglang kumirot ang puso ko at unti unting bumibigat ang aking dibdib. All of papa's promise...nasira lahat ngayon. Nawasak. Nadurog. Kasama ng puso ko. And it really breaks me, na kahit nagsinungaling siya sa akin at kahit mukha masaya na siya sa iba, I still f*****g love him. I can still accept him as my father. Walang nagbago. Kahit nasasaktan na ako dahil sa kanya. f**k! Nakatulog ako sa gabing iyon na mabigat ang loob at nagtatampo kay papa. Sa bawat araw, naghihintay ako ng tawag niya pero kahit isang phone call lang ay wala. My disappointment for papa is growing each day. Mas lalo lang bumibigat ang dibdib ko kapag iniisip ko na mas gusto niya pang kasama ang Irene na 'yon kaysa sa sarili niyang anak! Maaga akong nagising kinabuksan para samahan si Sancho sa bukid. Kahit nagtatampo pa din ako kay papa, sinusunod ko pa din ang habilin niya. Araw araw akong nagpupunta sa farm para samahan si Sancho sa paghandle at pag-check sa mga bukid. Sometimes, kapag may mga land rental contract na kailangang ipapirma sa mga kliyente, ako na ang gumagawa. Inaabala ko ang sarili ko sa pagtulong kay Sancho sa mga iniwang trabaho ni papa sa kanya. Pinapagod ko din ang katawan ko para makalimutan ang problemang bumabagabag sa akin. Sancho helped me to forget. Kahit na hindi niya alam ang problema ko kay papa, napapasaya niya ako kahit sa presensya nila lang. Mula nang naghalikan kami ni Sancho, aminado ako, naging magaan na ang tungo ko sa kanya. Hindi na ako mabilis mairita. Bigla akong napangiti. Naalala ko kasi yung sinabi niya sa akin noon, na hindi daw dapat ako magselos sa iba dahil ang halik niya'y para sa akin lang. Uminit ang pisngi ko at mas nagliwanag. Tuwing nakikita ko siya ngayon matapos nang nangyari sa store two days ago, lagi akong excited kapag nandyan siya o kapag alam kong magkikita kami. Nawawala bigla ang mga alalahanin ko kapag nararamdaman ko siya. I feel safe when I'm with him. I feel secured. Sancho has always climbing my unreachable wall of pride to have a bond of friendship with me. To have a connection. A shing. Though sometimes, we do things that friends don't. We make-out. We kissed on lips. We touch each others body. We always savour our time. Hungrily and wild. Minsan, kapag lumalabas ako ng gabi sa kwarto at naabutan ko siyang umiinom ng beer sa dinning room na mag-isa lang at walang kasama, sinasamahan ko siya. I entertained him. Nagkukuwentuhan lang kami sa simula. Hanggang sa hindi na namin namamalayan na naghahalikan na pala kami sa mesa at parehong naghahabol ng paghinga. Nakangisi lang siya palagi habang ako ay namumula ang mukha habang tumatawa. I remember a time when Sancho kissed me in the Gazeebo. Nakasandal ako sa pader noon habang hawak ko ang matigas niyang dibdib. Pareho kaming nakapikit, magkadikit ang labi, at mainit ang katawan. Nakahawak ang isang kamay niya sa pisngi ko habang pinapalalim ang halikan namin. He even insert his tongue inside my mouth. "Sancho..." I moaned. He bit my lower lip at mas lalo akong nag-init. Sa daming beses na naming ginawa ni Sancho iyon, alam kong mas gusto niyang halikan ako ng mabagal at tagos sa puso. Pero ako, hindi. Mas gusto ang gutom niyang halik. Mas gusto ko ang wild kiss. Mas thrilling kasi iyon at mas nakaka-enjoy. Bahagya kong tinulak ang dibdib niya para lumanghap ng hangin. Mapungay ang mata niya habang nakatitig sa akin. I bit my lower lips habang nakatingin sa kanya at naghahabol din ng paghinga. "Baka may makakita sa atin at isumbong tayo kay papa. I'm sure papa will get mad if he knew about us." sabi ko, halos pabulong na dahil namamaos Kumibot ang labi ni Sancho sa isang ngisi. Ramdam kong hinaplos niya ang buhok ko, marahan at may pagiingat doon. "Hindi ko hahayaan na mangayari iyon." he assured me. He snake his arms around my waist to embraced me. Niyakap niya ang bewang ko at pinagdikit niya ang mga noo namin. Nakatingin siya ngayon sa mata ko. Nakatitig kami sa bawat isa. "Ayaw kong tapusin itong ginagawa natin. Habang tumatagal, mas..." hindi niya nadugtungan. He chucked sexily. I smiled at him. "Ano yun? Mas?" Umiling siya at ngumisi. "Baka lumayo ka sa akin kapag sinabi ko." Ngumuso ako at bahagyang lumayo sa kanya. Mabilis naman siyang lumapit at mas dinikit ang katawan sa akin. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang matigas niyang p*********i sa binti ko. Tumutusok iyon. Mahina siyang tumawa sa tenga ko. Nakasandal ang baba niya sa kanang balikat ko. "Nababaliw ako sa halik mo, Zoren. Nababaliw ako sa'yo." namamaos niyang bunyag. Napasinghap ako ulit nang marahang kumaskas ang tumutusok niyang p*********i sa balat ko. Nakashort lang ako at damang dama ko ang pamumukol non dahil manipis lang ang suot niyang jogging pants kahit pa bakat ang boxers nito. f**k! Napapikit ako at umagos ang realization sa akin. Mula noong nakilala ko si Sancho, I always denied the fact that I'm attracted to him. Dahil sa iritasyon ko sa kanya, nabulag ako at isinabalewala ko ang atraksyon ko sa kanya. Ngayon, narelized ko, I'm really into him. I'm freaking attracted to him. At tulad nga ng sabi ni Dylan noong nakausap ko siya tungkol kay Sancho, maybe...I am bisexual. That I can do both. I can be romatically connected to two both repelling genders. It was one cloudy morning of Thursday in a summer heat of May. Maaga akong nagising. Alas siete pa lang ay bumaba na ako sa dinning room para mag-almusal. Nakangiti ako at mabilis ang kabog ng dibdb sa sobrang excitement. Yesterday, I told Sancho na sabay kaming kakain ng almusal ngayon para sabay na din ang tungo namin pupunta sa farm. Minsan kasi, late ako nagigising tuwing umaga kaya pinapauna ko na siya. Ngayon, maaga talaga akong gumising para makasama siya. Pagpasok ko pa lang sa dinning room, naglaho na agad ang excitement ko. The long table is empty. Sumulyap ako sa kusina para silipin siya doon. Nagbabaka sakali ako na baka naroon siya pero nang nakita kong si Rosana lang at ang ibang house maid ay nadisappoint lang ako. Bumalik ako sa hapag at umupo na. Nakakapagtaka. Mostly, alas otso pa kami umaalis ni Sancho sa bahay para i-check ang farm. Ang aga naman yata niya ngayon? Nakasimangot ako habang naghahapag ng almusal ang mga housemaids para sa akin. Nilingon ko ang isang katulong. Napaatras pa siya at halos mabitawan niya ang babasaging pitsel nang salubungin ang tingin ko. "Nasaan si Sancho?" tanong ko, hindi namamalayan ang iritasyon sa boses. Napayuko ang ulo ng housemaid. Kita kong bigla siyang natensyon sa tanong ko. Bahagya pang nanginig ang kamay nito habang inaayos ang almusal ko sa mesa. "H-Hindi ko po alam, sir" sagot nito, nauutal. Tumango na lang ako at hindi ko na siya pinansin. Nagsimula na akong kumain habang naglalakbay ang isip papunta sa lugar kung saan mang lupalop nagpunta si Sancho. Pumasok bigla sa dinning room si Rosana kasama ang iba pang housemaids. Nilingon ko sila at tinawag si Rosana para magtanong. Lumingon naman si Rosana sa akin at naglakad papalapit. Ang iba ay napaatras at hindi na nagtangkang lumapit pa, natatakot yata. Tss. "May kailangan po ba kayo, sir?" si Rosana nang nasa harap ko na siya. I nodded. Nilunok ko muna ang nginunguya kong bacon sa bibig bago nagsalita. "Nakita mo ba si Sancho?" tanong ko. Uminom ako ng tubig. Nakatingin pa din ako kay Rosana habang naghihintay ng sagot. Tumango naman siya. Mabilis kong binaba ang baso at binigay sa kanya ang atensyon ko. "Nasaan siya? Ba't hindi niya ako hinintay?" kumawala ang inis sa boses ko. I just want to know where the hell is Sancho! Napalunok si Rosana at napayuko din. Segundo lang, sinagot niya ang tanong ko. "Maaga po siyang umalis para asikasuhin po ang bisita niyo, sir." he confessed. Natigilan ako at napaisip. "May bisita?" tanong ko agad. Walang nabanggit si Sancho kahapon! Tumango si Rosana. "Dumalaw po sa farm niyo si Governor Vargas. Dito pa nga po sila nag-almusal, sir, 'e." kwento niya. Nagsalubong ang kilay ko. I'm not very familiar to any politicians here in Pampanga pero naririnig ko na noon ang pangalan ni Governor Vargas. He's a legend here. He's so powerful at nagmula daw siya sa mayamang pamilya. Papa even like him as Governor in our province. Matulungin daw at hindi corrupt. Actually, everyone likes him. Magaling daw talaga siyang mamahala ng nasasakupan at very down to earth. He's very generous lalo na sa mga kapos palad. Uminom muli ako ng tubig. Unti unti ng kumalma ang iritasyon ko. Nakayuko pa din ang ulo ni Rosana, hindi yata niya nakayanan ang tingin ko. Nagtaas ako ng kilay. "Nasaan sila ngayon?" tanong ko. Binababa ko ang tingin ko sa kinakain ko at hinati ang pritong itlog gamit ang tinidor. Sumagot naman ulit si Rosana. "Nasa papaya farm po sila, sir. Sa Gazebo po." Tumango na lang ako at nagpatuloy na sa pagkain ng almusal. Habang iniinom ko ang gatas ko, lumilipad naman ang utak ko papunta sa Gazebo. Napangisi ako at natuwa kay Sancho. He knows where to bring our important guests. Mukhang naturuan ng mabuti ni papa. I suddenly want to kiss him and tease him on his bed tonight. Natawa ako sa naisip. Siguro pupuntahan ko siya mamaya sa kwarto niya? Compare sa mga crop farms namin na tanging kubo at duyang pangpahingaan, mas presko naman sa papaya farm namin dahil medyo nakasalilong sa parteng iyon ng aming lupain kahit tirik ang araw. Maaaring ka ring tumambay sa pinasadyang Gazebo doon ni papa para sa outside lunch.Tahimik at medyo pribado ang parteng iyon. After kong kumain ng almusal, umalis na ako agad ng bahay para magpunta na sa papaya farm. I want to greet and meet Governor Vargas bago pa siya magpaalam. Minsan lang dumating ang ganitong pagkakataon na may dumalaw sa farm namin na politiko. Palabas pa lang ako ng pinto nang masulyapan ko ang tatlong black Chevy at isang puting Merecedes na naka-park sa tapat mismo ng bahay malapit sa cupid water fountain. Ngumisi ako at bahagyang namangha sa mga mamahaling sasakyan. Nandito pa si Gov. Mukhang sa kanila itong mga sasakyan na nakaparada. Nagmadali na akong pumunta sa papaya farm para makita at mapasalamatan man lang si Gov sa pagbisita. Sobrang laking honor para sa farm namin na bisitahin kami ng isang city politician. I know, politicians are busy persons. Marami silang tinutulungan na tao at marami silang proyekto na ginagawa kaya nakakatuwa na nagawa pa din niyang dumalaw dito sa amin para bumisita kahit busy siya. I want to, atlease, entertain him or tour him around our place para naman matuwa siya sa pagpunta niya dito. Malay natin baka bigla siyang bumalik dito at mag-invest kay papa. Natawa ako sa naisip. Papa would be also happy kapag nakita na niya sa personal ang idol niya. Besides, maliit lang na bagay ito. Entertaining people is my forte. Sisiw lang sa akin ang magpasaya ng tao. I'm sure madali lang din pasayahin si Gov, lalo na't balita ko palabiro naman daw ito? Nakadating din ako sa papaya farm matapos kong lakarin ang kahabaan ng aming lupain. Sa malayo pa lang, tanaw ko na si Gov sa lamesa habang may tatlong security guard sa gilid niya. Governor Vargas is wearing a vintage white local embroided barong with black pants. He looks very formal and it suits his politician status. Sa gilid niya, may tatlong maskuladong lalaki na may armas sa belt at earphone sa tenga. Nakasuot sila ng black suit at may black shades pa sa mata. They look like those men in a sci-fi movie I watched in Netflix, who works in Area 51. Men in black, I think? Napakunot ang noo ko nang dumako ang mata ko sa mga maiingay at naguusap na farm workers na nakapila sa mesa ni Gov. Nakangiti silang lahat at mukhang excited. What's happening here? Anong meron? Lumapit ako kay Gov para mas masulyapan ng mabuti ang mga nangyayari. Natahimik ang mga trabahador nang makita nila ang pagdating ko. Ang iba ay napasinghap at natensyon sa presensya ko. Nabuo bigla ang komusyon. Umingay ang bulungan sa paligid. "Nandito na ang panira..." bulong ng isang matandang trabahador kahit nadinig ko naman. "Tiyak kong gagawa na naman 'yan ng gulo..." hasik pa ng isa. Pinukulan ko sila ng masamang tingin. Lahat ay napaatras sa akin, natakot sa papadating kong galit. Huminga ako at hindi na sila pinansin. Sayang lang ang oras ko kung papatulan ko pa sila. Binalik ko ang tingin kay Gov. Nakatingin na pala sa akin ang mga security guards niya. Kita kong napasulyap na si Gov sa banda namin. Lumapit pa ako para makaharap siya. Nang masulyapan ko ng malapitan ang pinagpipilahan ng mga trabahador namin, napagtanto ko kung bakit sila tila excited. Sa lamesa ni Gov, may mga boxes doon na naglalaman ng breakfast food na naka-styro at mga mineral water na pinamimigay niya sa mga nakapilang farm workers namin. Pagkain. Yun ang pinagkakaguluhan nila. Inalis ko ang tingin sa lamesa at ngumiti kay Gov Vargas. "Governor Vargas, hi! Nice to meet you." Ngumiti sa akin si Gov, pero ramdam kong peke iyon. Sandali akong napakunot noo dahil sa reaksyon niya. Kalaunan, ngumiti din ako at naglahad ng kamay. "I'm Zoren Gonzalo po." Tumango siya at ngumiti. Iniwas ang tingin sa akin at nagpatuloy sa pamimigay sa mga trabahador. Napakurap kurap ako. He ignored me! Tinignan ko siya. Hindi ako makapaniwala sa pag-ignora niya sa akin. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang iritasyon. Napansin yata ni Gov na nanatili lang ako sa pwesto ko kaya sinulyapan niya ako ulit. "Trabahador ka din ba dito, hijo? Gusto mo din ba ng almusal?" panimula niya. Napaatras ako. Nagsimulang umiinit ang pisngi ko sa iritasyon. The f**k? Ano daw? Trabahador? Ako? Fuck him! Isaksak niya sa baga niya ang almusal niya! It's cheap, anyway! Mabilis ang paghinga ko dahil sa insulto niya. How dare him to call me trabahador! Gustuhin ko mang magsalita ng masama pero kinalma ko ang sarili ko. Gusto ko siyang insultuhin. Nagpipigil lang talaga ako dahil baka saktan ako ng mga security guards niya. Magkasalubong ang kilay ko habang tinitignan si Gov. Nakangiti siya sa akin, peke. Nilahad niya ang mga nakapilang magsasaka sa mesa niya. "Mahaba ang pila, hijo. Kung gusto mo din makatanggap ng almusal, pumila ka sa likod. Madami naman ito. Kung gusto mo pa, pwedi ka naman bumalik. Basta 'wag ka lang manggulo at sumingit sa pila." aniya. Suminghap ako at mas nainsulto sa pagpapahiya. Narinig ko ang tawanan mula sa mga babaeng magsasaka. Nakatingin sila sa amin. Ang iba ay nagulat sa sinabi ni Gov. Pumula ang pisngi ko sa kahihiyan at iritasyon. All my life, I had never been this f*****g humiliated infront of many people. Specially, with these... Pinasadahan ko sila sa nandidiring kong tingin. ...these low scumbags! Fuck, I told myself that I won't experience being this embarass to everyone! Coz' I was born to handle a crowd. Mommy taught me to be a social butterfly and act confident. I tried to calm my nerves at pinigilan kong 'wag magsalita ng masama kahit gigil na gigil na akong patumbahin ang politiko sa gilid ko. Kung normal lang na tao ito, baka sinigawan ko na dahil sa pamamahiya niya. But he's the Governor. Konting timpi lang, Zoren. Kapag umalis na siya, sisiguraduhin kong hindi na makakaulit ang politikong ito dito sa farm amin! I will surely ban him here. Kahit pa idol siya ni papa! Huminga ako ng malalim at ngumiti na lang para ipakitang ayos lang ako. Nagkunwari akong natawa sa sinabi niya kahit mukha iniisip talaga niya na trabahdor ako! f**k! Luminga-linga ako sa paligid at iritadong hinahanap si Sancho. Akala ko ba nandito siya? Nasaan siya? Sumulyap ako sa mga papaya trees at nagbakasali na baka nandoon nga si Sancho but he's not also there. Nasaan na ba ang lalaking iyon? Tumalikod na ako sa gobernador at hindi na siya muling binalingan. He don't deserve my time and attention. Nasayang lang ang efforts ko sa kanya. Akala ko pa naman talaga mabait siya. Tss. Fake news. That morning, wala akong ibang ginawa kundi hanapin si Sancho sa buong farm. Hindi na ako bumalik sa papaya farm dahil umiinit lang ang ulo ko kapag nakita ang gobernador na 'yon. Iritado akong bumalik ng bahay nang hindi ko mahanap si Sancho at handa kong bugahan ng apoy ang sino man haharang sa daan ko. I'm really pissed now! Papasok pa lang sana ako nang gate nang makita ko ang maraming mga delivery cars na naghahakot ng mga boxes papasok sa loob ng bahay. Bumungad agad sa akin ang marami pang boxes sa living room nang nakapasok ako. Naglakad ako papunta sa hagdan. Nasulyapan ko ang mga lunch food at mga disenteng damit doon. Napasinghap ako at nagsalubong ang kilay. Paakyat ako sa hagdan nang marealize kong dito pa yata magtatanghalian ang Governor na 'yon! Umakyat na ako sa kwarto ko para kunin ang cellphone ko. I called Sancho. Nakatayo lang ako sa harap ng kama ko habang lukot na lukot ang mukha ko mula sa nangyari kanina. Hindi ko pa din matanggap hanggang ngayon na pinahiya ako ng Gobernador na 'yon! Sa harap pa talaga ng mga trabahador namin! Mabilis ang paghinga ko habang hinihintay ang pagsagot ni Sancho sa kabilang linya. Argh! Mas lalo lang nag-alab ang iritasyon ko dahil hindi ko siya makontak! "f**k!" I threw my phone on the wall. Nadinig ko ang pagkabasag non at pagkawarak ng screen. Iritado akong umupo sa kama at gigil na gigil sa mga nangyari. Any moment, sasabog na ako sa iritasyon. I'm not a violent person but I can hurt someone with my insulting words until they stoop low on the ground with destroyed self-esteem! Mas satisfied ako kapag nasasaktan ko sila sa salita ko. Yung tipong manliliit sila sa sarili nila. Yung mauubos sila ng isasagot at maiinis na lang sa akin. Mabigat ang paghinga ko habang inaalala ang pamamahiya ng gobernador na iyon sa akin. Hindi ako papayag na basta ko na lang palampasin ang bagay na 'yon. Sasampolan ko siya. I will make him remember me. The Zoren Gonzalo, na walang takot kahit kanino. I wouldn't give a damn f**k kahit presidente pa siya ng Pilipinas! Bastos na kung bastos. I don't care! Bumaba ako muli habang iniisip ang plano kong paghiganti sa Gobernador na 'yon. I smirked devilishly habang binubuo ang most epic scene in history sa isip ko. I want something explosive. Naeexcite tuloy akong makita ang asar niyang mukha. Nasa hagdan pa lang ako nang natigil ako sa pagiisip. I froze. Nablanko ako bigla dahil sa nakita. Natanaw ko si Sancho na nakangiti habang papasok sa bahay. Mukha siyang masaya. Lalapit na sana ako para tanungin kung saan siya galing nang matigilan ako muli. Nilipat ko ang tingin ko sa isang familiar na babae na nakasunod sa kanya. Sabay silang pumasok at mukhang magkasama pa. The hell? Naningkit ang mata ko at mas sinuri ang babae. Hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita pero sobrang familiar siya! Sancho went to the dinning room along with the familiar demure girl. Tahimik akong sumunod. Papalapit pa lang ako sa dinning room nang nadinig ko ang tawanan doon. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Governor sa entrada pa lang. Katabi niya sa gilid ang familiar na babae. Nakangiti ang babae at attentive sa pagtitig kay Sancho. Tila namamangha. Nakatalikod naman sa banda ko si Sancho, nakaharap sa dalawang bisita. Hindi ko tuloy makita kung ano ang reaksyon niya. Binalik ko ang tingin sa demure na babae. Tumawa siya, tila may sinabing nakakatawa si Sancho. Mas tumitig ako sa babae at sinuri siya. Ilang sandali, nalaglag ang panga ko at unti-unting nanlaki ang mata nang mapagtanto kung saan ko siya nakita. I knew that girl! Siya yung babaeng bumunggo sa akin sa store two days ago! Ano nga ulit pangalan niya? Celia? Sandra? Something like that! I forgot! Hindi naman siya mukhang mahalaga eh. Kita kong pasimpleng nitong nilagay ang takas na buhok sa gilid ng kanyang tenga at namula ang pisngi, tila nagpapacute kay Sancho. Nagsalubong ang kilay ko. Pabebe, f**k! "Ang ganda talaga ng anak ni Gov no? Hindi nakakasawang tignan." bulong ng isang housemaid. Nagchichikahan pala sila dito. Ngayon ko lang sila napansin. "Oo nga. Ang ganda niya! Nakakainggit!" nguso ng maid sa gitna pero nakangiti habang nakatingin kay Sonia. Indeed, I admit, the governor's daughter really is beautiful and sexy. Hindi ko nga lang siya type. There is really something about her that I don't like. Nakakairita. "Sobrang pure ni miss Sonia no?" the first maid complimented dreamily. Natigilan ako sa pangalan na binanggit. Sonia?Napasulyap muli sa familar na babae. Yeah! That's right! Her name is Sonia! "Mahinhin na at mabait pa. Halatang pinalaki siya ng tama ni Gov at hindi spoiled brat tulad ni..." the first maid continue. Naghagikgikan sila at hindi na tinuloy ang paguusap, tila naiintindihan na ang tinutukoy nito. Lumapit ang isa pang housemaid para makichismisan. "Mabait talaga si miss Sonia! Balita ko, siya daw itong nakiusap sa papa niya para tulungan tayo. Para bigyan tayo ng pakunswelo." proud na balita nito. Tumango ang isa at manghang tumingin kay Sonia. "Malayong malayo si miss Sonia kay sir Zoren no?" Napatuwid ako ng tayo at napakunot noo sa nadinig. Uminit ang pisngi ko sa iritasyon. What did she mean by that? Na ako ang kotrabida at si pabebeng Sonia ang bida? Bumilis ang paghinga ko at gustong gusto kong pumasok doon para sirain ang masaya nilang katuwaan. Then it hit me. Unti unting sumilay ang nakakaloko ngisi sa aking labi nang may maisip akong magandang ideya. Sinulyapan ko ang nagkakatuwaan nilang mesa. Mala-kontrabida akong ngumisi. I will give them a show na hindi nila makakalimutan. Nagkakasiyahan pala kayo ha? Pwes, lubos-lubosin niyo na 'yan. Tiyak kong ako naman ang tatawa mamaya kapag napahiya ko kayong lahat! Nanatili ang ngisi sa labi ko at hinanda ang sarili. Sisiguraduhin kong nasa akin ang huling halakhak. Taas noo akong pumasok sa dinning room habang nakangisi dahil sa kalokohang gawin. Tumingin ako sa mag-amang bisita, kay Gov at Sonia. Humanda na kayong dalawa dahil sisiguraduhin kong lalamunin kayo ng lupa sa gagawin ko! ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD