Last night was hot and intimate. Ramdam na ramdam ko pa din sa balat ko ang mga halik ni Sancho. He kissed me all over my body and I embarassly like it. All of it.
Pumula ang aking pisngi nang maalala ko ang mainit na tagpo kagabi at mabilis na tinabunan ng kumot ang mukha habang nakahiga sa kama.
Sancho seem pro last night while kissing me passionately, pleasuring me on my bed. On this bed, moaning and savouring each other. Mukhang hasang-hasa siya sa pagpapabaliw ng babae sa kama.
Natigilan ako at napaisip sa parteng iyon.
Oh, totoo? Nasarapan ka kagabi, Zoren? Sigaw ng utak ko.
Nagtago muli ako sa ilalim ng kumot at natawa. I admit, Sancho is good. He really is good and hot. I give him that compliment.
Tumayo na ako sa kama at naisipan ng maghilamos sa banyo para sana bumaba na at mag-almusal. Kaso pagtayo ko pa lang sa kama ay biglang kumirot ang ulo ko sa sakit.
Fuck! Hangover!
"Argh!" daing ko at napaupo muli.
Minasahe ko ang aking sentido, in a circular way habang pinapasadahan ng tingin ang malinis kong kwarto. I remember last night, my room was a disastrous mess because of the trash and of the beer cans all over the place.
Naglinis siguro si Sancho kaninang umaga bago siya umalis kaya ganito?
I noticed a cup of tea on my side table at may nakadikit pang sticky note sa mismong tasa. Umayos ako ng upo at mas sinuri iyon. Kinuha ko ang note at binasa ang nakasulat. It's from Sancho.
---
Inumin mo itong tsaa para mawala hangover mo. Maaga akong umalis para icheck ang farm niyo. Huwag ka ng pumunta sa bukid at magpahinga ka na muna sa kwarto mo. Pagbalik ko, maguusap tayo.
- S. Lagman.
---
I can't help but to smile after I read it. It was obviously from Sancho. Kung normal na araw lang ito at nakatanggap ako ng ganitong letter mula sa mga housemaids, baka nasabihan ko pa ito ng corny. But as I look at Sancho's all caps letter penmanship, I couldn't help but feel something is inside my stomach. Alive. It's like there's some kind of flying insect or some kind of...butterfly. f**k!
Ininom ko na muna ang tsaa at nagpahupa ng hangover. Ilang minuto lang ay nagpunta na ako sa banyo para maghilamos at magsipilyo.
Sancho knows that I hate coffee. Nakakatuwa na kahit sa maliit na detalye tungkol sa akin, alam niya at napapansin niya pala.
Hindi man kami madalas magsama sa hapag kapag kumakain pero kapag nariyan siya, attentive siya at nakamasid sa bawat galaw ko. At first, naiirita ako. Why would he look at me like that? May dumi ba ako sa mukha?
"Paano niya kaya nalaman na ayaw ko sa kape?" tanong ko sa sarili ko, sa harap ng salamin habang patuloy na sinasabon ang mukha.
I remember a time when one of our new hired housemaid served me a coffee for breakfast. She accidentally mistaken me as Sancho, who, I supposed drink coffee for his breakfast along with papa. Nang nakita ko ang kape sa harap ko, kumulo talaga ang dugo ko at nasigawan ko ang housemaid.
I'm not overreacting but I really really hate coffee. And that time wala ako sa mood at sobrang badtrip ako kay Sancho kaya nasaktong mainit ang ulo ko sa araw na iyon.
Siguro nabalitaan iyon ni Sancho mula kina Rosana o sa ibang mga katulong.
Bumaba na ako agad sa dinning room nang natapos ako sa aking morning routine.
Unti-unting bumagal ang paglalakad ko nang nadinig ko ang pag-uusap ng mga maid, nagkukumupulan sila habang naghahapag ng almusal para sa amin.
I heard that they were talking about Sancho. Kumunot ang noo ko at nakinig sa kanila, interesado.
"Nakita mo ba yung itsura ni Sancho kaninang umaga? Nakakapanibago siya no?" komento ng naunang maid.
"Oo nga. Ngayon ko lang yun nakitang ngumiti ng ganon. Palagi, seryoso siya." the other one agreed.
"Bakit kaya 'yon good mood no?" the first one wonder.
"Baka may nobya na?" the second one assumed.
"Impossible! Tinanong siya ni ate Rosana, wala pa daw itong girlfriend." the first one said with conviction.
Aba, reliable ang source niya ha.
"Baka sinabi niya lang? Para tigilan siya?" the other one doubted.
Sumilip ako at nakita kong may paparating pa na isang maid. Nilapag nito ang hawak niyang pinggan sa hapag at nakisama sa chismisan.
"Si Sancho ba pinaguusapan niyo?" the new one asked.
"Oo!" the two other maid answered in chorus.
Natahimik sandali. Ilang segundo lang, nagpatuloy sila.
"Alam ko kung bakit good mood si Sancho ngayon araw." hayag ng bagong dating na housemaid.
Mabilis naman siyang kinumpulan ng dalawa para madinig ang sasabihin niya. Parehas silang interesado. Actually, lahat sila ay interesado. Umiinit ang pisngi ko sa iritasyon. Mga chismosang 'to!
"Maaga akong gumising nitong umaga para mamalengke." the new one started her story.
"Oh tapos?" the first one asked, nabibitin sa kwento.
"Nakita ko si Sancho pababa sa hagdan. Nagmula siya sa kwarto ni sir Zoren!" bunyag nito.
Napasinghap ako at napatayo ng diretso. What the f**k?
Sumilip ako at isa-isa kong tinandaan ang mga mukha nila. Pagdating ni papa, ipapasisante ko ang mga chismosang 'to!
"Paano mo naman nasabi na galing siya sa kwarto ni sir Zoren?" naguguluhang tanong ng ikalawang housemaid.
"Oo nga! Kinamumuhian ni sir Zoren si Sancho kaya impossible yang sinasabi mo. Tiyak kong magkakagulo dito sa buong bahay kapag ganon." the first one stated.
"Totoo!" the new maid exclaimed.
Sandaling natahimik. Nagiisip yata sila kung maniniwala. Ilang sandali lang, nagsalita muli ang bagong dating na housemaid para ipaliwanag ang kanyang sarili.
"Maniwala kayo! Nakita ko! Sumulyap pa nga ng isang beses si Sancho sa pinto ni sir bago ito umalis! Nakangiti ito at tila may magandang nangyari sa loob." malisyosong sabi nito.
Pumula ang pisngi ko at inalala ang nangyari kagabi.
We didn't had s*x. We just make out, topless with our boxers. Naghalikan lang kami at pinahawak niya sa akin yung...pagkalalaki niya.
"Baka fake news lang yan ha, girl. Mapapahamak tayo kapag nalaman yan si sir Zoren." she warned.
Talagang mapapahamak kayo sa akim dahil sa kachismisan niyo!
Akmang papasok na sana ako sa dinning room para mag-almusal na nang natigilan ako dahil sa sinabi ng bagong dating na maid. Napukaw ng todo ang atensyon ko doon.
"Sabi sa akin ni Arthur, palagi daw inspirado si Sancho nitong mga nakaraang araw. Hindi daw ito pala-salita dati kahit kinakausap pero tuwing bubukas ang bibig nito, tungkol lang kay sir Zoren ang sagot nito. Nagiging atentibo siya kapag si sir Zoren ang pinaguusapan." bunyag niya.
Hindi ko alam pero sa oras na iyon, gumuhit ang ngisi sa labi ko at bahagyang tinikom ang bibig para pigilan ang pagsilay ng ngiti. Kumabog ang puso ko.
Totoo kaya 'yon? Bukang bibig ako ni Sancho?
Hindi ko na namalayan, taas noo akong naglakad papasok sa dinning room habang hindi ko mapigilan ang ngiti mula sa nandinig.
Good mood ako ngayon!
Kita ko ang pagkataranta ng mga housemaids nang nakita nila ang pagpasok ko. It was like they saw a ghost. Ang dalawa ay halos magtulakan na paalis, namumutla at natatakot.
Hindi ko sila pinansin. Umupo na ako at nagsimula ng kumain habang bakas pa din ang multong ngiti sa aking labi.
I spent my whole morning that day thinking about Sancho and our steamy kiss we shared last night.
Nang sumapit na ang hapon, naisipan kong pumunta na sa bukid kahit pinagpapahinga ako ni Sancho sa kwarto.
I can't rest the whole day inside my room knowing that Sancho is working here in the farm under the heat of the sun. Habilin sa akin ni papa na samahan ko si Sancho araw araw sa bukid.
Naalala ko bigla si papa. Hindi pa din siya tumatawag at nagpaparamdam sa akin hanggang ngayon. And each day passing by, mas lalong tumitindi ang tampo ko sa kanya.
Umiling ako at iwinaksi ang iniisip.
Goodvibes lang dapat, Zoren. Saka mo na isipin si papa kapag nariyan na siya. For now...have fun.
At ang kasiyahan ko ay nasa bukid.
Naglakad ako papunta sa bukid namin at hinanap agad si Sancho.
The north fresh wind from the dancing grass on the entrance gate of our farm swifly touch my skin and blew my blond hair to the south.
Nagtanong ako sa mga nadadaanan kong trabahador at magsasaka kung nakita ba nila si Sancho. Yung iba, hindi alam. Habang yung iba, na nakita kong naglalakad papasalubong sa akin ay mabilis na lumiliko sa ibang direksyon at umiiwas sa akin.
Pinagkibit balikat ko na lang 'yon.
"Nakita niyo po ba si Sancho?" tanong ko nang madasnan ko ang isang trabahador sa daan.
Nakasakay ito sa kalabaw. Napayuko siya at naging tensyonado sa tanong ko. Kalaunan, sumagot din ito.
"Nakita ko siya sa kamote farm niyo, sir." aniya at walang paalam itong umalis, tila nagmamadali.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, dumiretso na ako sa kamote farm.
At totoo nga, naroon si Sancho. Nagtatrabaho siya. Abala siya sa ginagawa niya sa lupa habang...nakahubad!
Fuck! He's topless.
Napasinghap ako habang nakatingin sa malapad, mala-gintong kayumangi at maskulado niyang likod. Naalala ko bigla ang nangyari kagabi.
Last night seems so surreal to me. Everything went so fast but the memories and his touch remained so clearly in my system. I can still remember every single of it. And each time I recall it, hindi man lang ako makaramdam ng kahit anong pandidiri sa nangyari. Lalo na sa kanya. I actually want it to happen again! As long as I'll do it with Sancho.
Naramdam ko ang pagtulo ng pawis sa noo ko dahil sa alinsangan mula sa paglalakad. I'm wearing a farmer's hat to cover up my face from the heat of the sun. Nakasuot din ako ng itim na plain black tshirt katerno ng dark maong jumper pants at black boots.
Nabalik ako sa reyalidad nang madinig ko ang hagikgik ng mga babae mula sa malapit. Nagsalubong ang kilay ko nang nakita kong pinagmamasdan nila ang hubad na katawan ni Sancho, animo'y pinagnanasahan at sabik sa katawan nito.
Bumusangot ako at mabilis na naglakad papunta kay Sancho. Hindi ko na tinitignan ang dinadaanan ko.
Nagbulungan ang lahat nang nakita nila akong papadating. Ang iba ay natigilan. Ang iba naman ay nataranta at natensyon, iniisip yata na gagawa na naman ako ng gulo o kapalpakan.
FYI, tutulong ako no! Tutulungan ko si Sancho! Papa wants me to be with him all the time.
Sinulyapan ko ang mga babaeng nakatingin kanina kay Sancho. Nakayuko na sila ngayon at halos hindi makatingin sa banda namin.
That's good. Makuha kayo sa presensya ko!
"Alesandro!" I called, walking near him.
Ngumisi ako at tinignan ang reaksyon ng tao sa paligid. Kita kong nalaglag ang panga ng mga babae sa sobrang gulat at ang iba naman ay naglupon para magbulungan. Napahagikgik ako.
I feel so special. I feel like I'm the only one who can call Sancho to his real name. Alesandro.
Matikas na napatayo si Sancho at nilingon ako, magkasalubong ang kilay at hindi inaasahan ang pagdating ko.
"Bakit ka nandito? Diba dapat nagpapahinga ka?"
Ngumuso ako.
"I'm bored! Tsaka diba hinabilin ni papa na palagi kitang sasamahan araw araw? So heto, tutulungan kita!" I replied cheerfully.
I'm in a good mood now. Walang makakasira nito.
Natahimik naman si Sancho. Kalaunan, bumuntong hininga siya at tumango.
"Okay. Basta dito ka lang ha? Mamaya pupunta ako sa isang store para bumili--"
I cut him off immediately. Nakangiti ako, buhay ang diwa.
"Sasama ako!" I declared.
Aalma pa lang sana siya nang bigla ko siyang niyakap sa bewang at nagpuppy eyes sa kanya. Nagulat naman siya sa pagyakap ko kaya halos mapatalon siya at mapaso sa hawak ko.
I smirked. I have effect on you, huh?
Hindi ko masyadong mafigure out ang reaksyon niya noon dahil bukod sa palagi akong lasing noon ay wala din ako sa katinuan ko. Ngayon ko lang naapreciate ang epekto ko sa kanya.
He's so hot! Lalo na tuwing namumula ang tenga niya.
"Zoren..." he started with his warning tone.
Iniisip niya yata may gagawin na naman ako sa kanya. Teasing him here in our farm is a good idea but doing it infront of many people, lalo na't trabahador pa sila ni papa, over my dead hunk body! No way!
May kahihiyan naman ako para sa sarili ko no!
What happened last night between Sancho and me, sa aming dalawa na lang 'yon. It's our intimate secret.
"Please..." pagmamakaawa ko, habang nagpapacute.
This is f*****g not me! This is so cheesy! But if doing this thing to see my effect to Sancho, well I guess, I would be gladly to do this forever with him.
Sancho sighed defeatedly and nodded. Kumawala ako sa yakap ko sa kanya at ngumisi.
"Okay. Sasama ka na." he declared.
I smile cheerfully.
"Thank you!" I replied.
Tumango siya sa akin habang madilim ang mukha at may multo na ng ngiti sa labi.
"Aalis na tayo pagkatapos ng limang minuto. Sumalilong ka muna doon sa puno, baka maarawan ka. Magbibihis lang ako." paalam niya.
Tumalikod na siya sa akin at naglakad na paalis. Sinundan ko siya ng tingin. Nagtungo siya sa isang kubo at doon siguro magbibihis.
Ramdam ko sa paligid ang tingin ng mga tao sa akin. Imbes na makaramdam ng hiya, nakangisi ko pa silang pinasadahan ng tingin. Napadako naman ang tingin ko sa mga babae at nakita kong masama ang tingin nila sa akin.
I smirked devilishly to them.
Hanggang tingin lang kayo kay Sancho! Walang hawak! Hanggang pantasya lang!
Natawa ako at napailing sa kanila.
Ako, nahalikan ko na si Sancho sa labi. Hindi lang isang beses! Madami. Lalo na kagabi!
Naglakad na ako papunta sa ilalim ng puno para sumilong. Ilang minuto lang, bumalik na si Sancho at nakabihis na.
He's wearing a simple blue stripe polo na nakabukas lahat ng butones. May suot siyang puting tshirt siya sa loob at maong pants na may leather belt.
Paglapit niya, naamoy ko agad ang pabango niya. Hindi ko alam kung anong brand iyon pero nakakatukso at nakakahalina, amoy lalaki.
Suminghap ako at nagkagat labi.
Is he seducing me using his scent?
Madilim at seryoso ang mukha ni Sancho nang tinignan niya ako.
"Tara na?" anyaya niya.
Tumango na lang ako at ngumiti. Naglakad na siya papunta sa sasakyan. Nakasunod naman ako sa likod niya.
Sancho said we're going to buy chicken food for our poultry business. Kakatayo lang ni papa last month ng manukan dahil naisipan niyang magventure sa mga hayop. I'm pretty sure, ang susunod nito ay babuyan. Nadinig kong napag-uusapan na nila iyon pero hindi pa sigurado.
Mabilis lang kaming nakarating sa store dahil malapit lang ito. It was estimatedly ten minutes ride. Mabilis lang.
Tinigil ni Sancho ang Isuzu elf truck sa harap ng store. Nilingon niya ako bago lumabas.
"Ako na ang bibili. Dito ka na lang. Hintayin mo ako." aniya.
Ngumuso naman ako. Lumabas na siya ng sasakyan habang nakatingin sa akin.
"I'll wait for you! Bilisan mo ha!" I demanded.
He didn't reply. He just smirked at me and nodded. I smiled back. Mabilis na siyang tumalikod sa akin at pumasok na sa store.
Lumipas na ang kalahating oras, wala pa din siya. Umahon ang inis sa dibdib ko at hindi ko na mapigilang mairita sa kanya.
Sabi niya, mabilis lang siya!
Sinubukan kong silipin siya sa loob habang nasa nasasakyan ako pero hindi ko siya makita.
Bakit ba ang tagal niya? Bumili lang ng chicken food eh!
Naisipan ko ng lumabas. Pagtapak ko pa lang sa semento, may taong biglang sumulpot sa gilid ko at binangga ako.
The f**k!
Sa hula ko'y tumatakbo ito nang sumalpok siya sa akin. Napaupo ako sa sahig habang ang nakabangga sa akin ay lumuhod sa harap ko at hinawakan ako para itayo.
Sa hindi malamang dahilan, nairita ako. Hindi ko alam kung para saan pero mukhang ibubuhos ko itong nararamdaman ko sa taong nasa harap ko.
"Sorry sorry!" paghingi nito ng tawad, sa mahinhin na boses.
Iritado kong inangat ang tingin sa mukha ng taong nakabangga sa akin. Bahagya akong nagulat nang nakita kong isa pala itong magandang babae.
Suminghap ako ng malalim habang nanatili pa din ang iritasyon ko para sa babae.
Nasaan na ba si Sancho?
The girl is indeed beautiful. She's wearing a floral pink dress at pink flats. She has a white complexion, not as white as paper but it was almost near. She has long straight hair, pointed nose, on-point brows, chinky eyes, plum lips and light brown freckles on his nose bridge that completed her gorgeous face.
Naglahad ang babae ng kamay sa akin para tulungan akong tumayo pero hindi ko iyon pinansin.
"I'm sorry. Hindi ko sinasadya" she explained with her girly tone .
Iritado akong tumayo mag-isa, magkasalubong ang kilay at hindi nagustuhan ang pagpapaliwanag niya.
Nangyari na ang dapat mangyari. Nabunggo na niya ako! Natumba na ako sa lupa! The damage has been done. Ano bang tinitignan niya at hindi niya ako nakita?
And seriously, of all places, dito pa sa gilid ng kalsada? We're on the parking spot!
Ang laki naman ng kalsada, bakit sa akin pa siya bumangga? Bakit hindi sa poste?
"I'm really sorry! Tinatakasan ko kasi yung bodyguard ko kaya nagmama--"
Nagtaas ako ng kamay para pigilan siya sa pagpapaliwag. Mas naiirita lang ako sa boses niya. I don't want to hear her explanation.
"Anong nangyari dito?" boses ni Sancho sa likod ko, na kararating lang.
Magsasalita pa lang sana ang babae para magpaliwanag nang iritado kong hinarap si Sancho. Magkasalubong ang kilay ko at nakahalukipkip.
"Bakit ba ngayon ka lang? Sana pala sumama na lang ako sa'yo sa loob." mainit ang pisngi ko sa iritasyon.
He tried to hold my hands but I stepped back, nagtatampo sa kanya. He chuckled sexily.
"Pasensya na. Napakwento pa kasi yung tindero sa akin. Hindi naman ako makapagpaalam dahil hindi pa nito naibibigay ang binili ko." paliwang niya.
Tumango na lang ako at hindi na nakipagdebate. Sapat na ang iritasyon ko sa babaeng nakabangga sa akin para mas sirain pa ang araw ko sa kanya.
Lumusot ang tingin ni Sancho sa likod ko. Napatingin din ako sa likod ko at nakita kong naroon pa ang babae, nakatingin sa amin.
Nang nakita niyang nakatingin ako, napayuko siya at namula ang mukha.
"I'm sorry..." mahinhin nitong sabi.
Wala na ba siyang ibang kayang sabihin kundi sorry? Nakakairita na.
"May kailangan ka pa ba miss?" masungit kong tanong.
Umiling ito sa akin.
"Wala na. Pasensya na po ulit. Sige na po, mauna na ako..." mahinhin nitong paalam.
Nilagpasan na niya ako habang nakayuko ang kanyang ulo. Hindi ko na sana siya papansinin pa pero nang nakita kong sumulyap siya kay Sancho at sumilay sa kanyang labi ang isang kinikilig na ngiti, naningkit agad ang mga mata ko.
Si Sancho ay abala sa aking gilid habang inaayos ang mga sako sa trunk, hindi yata niya napansin ang pagsulyap ng babae sa kanya.
Magkasalubong ang kilay ko at naiirita na talaga ngayon. Who the hell is this girl? Bakit ganito siya makatingin kay Sancho?
"Miss Sonia! Hanap na po kayo ng daddy niyo!" sigaw ng isang nakablack suit na lalaki mula sa malayo.
Tumatakbo ito sa direksyon namin. Binalik ko naman ang tingin ko sa babae na ngayon ay nasa malayo na, tumatakbo na din palayo.
I guess...that girl is Sonia?
"I don't like that girl." I blurted out nonchalantly, nagbabyahe na kami ni Sancho pauwi.
Bumaling siya sa akin habang magkasalubong ang kilay, hindi alam kung sino ang tinutukoy ko.
"Sinong babae?" tanong niya.
Binalik niya muli ang tingin sa kalsada. Umayos ako ng upo at ngumuso.
"Yung babae kanina! Yung tangang bumunggo sa akin sa store! Luwag naman ng kalsada, ako pa binangga! Tss."
Kumunot ang noo ni Sancho dahil sa mainsulto kong komento.
"Zoren..." pagbabanta niya.
Natahimik ako. Mabilis siyang sumulyap sa akin at binalik din agad sa kalsada. Tumingin ako sa labas ng bintana at pinapakalma ang sarili, pinipigilan ang paparating na iritasyon.
"Humingi naman yata ng pasensya sa'yo yung babae diba?" Sancho reason out.
Huminga ako ng malalim at binugnos ang konting iritasyon.
"I don't care! I just don't like that girl." I complained.
There's something about that girl that I don't like. It may sound morbid and judgemental but she looks like those two-faced girls I know in LA. Plastik! Na sa likod ng mahinhin nilang boses at inosente niyang mukha, may tinatago siyang kulo.
"Bakit naman?" tanong ni Sancho, nakatingin pa din sa kalsada.
Iritado ko siyang tinignan.
"Hindi ko alam! Basta ayaw ko sa kanya! Nakita kong sumulyap siya sa'yo at ngumiti, halata na may gusto siya!" hayag ko, hindi napigilang sabihin ang gumugulo sa isip.
Halos masubsob ako sa dashboard dahil sa malakas na pagpreno niya. Mabuti na lang nakaseat belt ako.
Iritado ko siyang binalingan ng tingin. May multo naman na ngiti sa kanyang labi.
"Ano ba!" sigaw ko sa iritasyon, umupo muli ng maayos.
He parked the truck on the safe place on the side road and give his full attention to my last statement.
Kita kong namamangha ang mukha niya habang nakatingin sa iritado kong mukha. Umiwas ako ng tingin. Dinig ko ang mahina niyang pagtawa. Mabilis kong binalik sa kanya ang masama kong tingin.
Magsasalita pa lang sana ako nang bigla siyang magtanong.
"Nagseselos ka ba?" matapang niyang tanong habang nakangisi.
Suminghap ako at napalunok. How dare him to ask that!
"Hindi no!" I denied.
Ngumuso siya, pinipigilan ang pag-usbong ng ngiti.
"Baka isang araw malaman ko na lang na pinagseselosan mo pala lahat ng babae dito sa Pampanga." he boasted and chuckle.
He then lean his head closer to me and flashed his usual teasing smirk. Umiwas ako ng tingin dahil hindi na nakayanan ang titig niya.
Lumapit siya sa tenga ko para bumulong.
" Sarap mo sigurong suyuin kapag nagseselos ka no?" he asked seductively.
Kumabog naman ng mabilis ang dibdib ko, naghuhuramentado dahil kay Sancho! Napalunok ako.
He chuckled, amazed by my flushed face.
Hinawakan niya ang baba ko para iharap sa kanya.
"Baby..." he called me sweetly.
Ngumuso ako at lakas loob na tumitig sa mata niya, pinipigilan ang ngiti. Nararamdaman kong nawala na ang tampo ko sa kanya. Hindi na ako galit.
Magkalapit na ngayon ang aming mukha, halos magdidikit na. Konting distansya, magtatagpo na ang aming mga ilong. I can feel his hot breath on my cheeks and he smells like mint. f**k, I think...I have new favorite smell. His smell.
Napangiti ako nang pinatakan niya ako ng halik sa labi. Pagkatapos no'n ay tumitig siya sa mata ko habang nakangisi.
"Wala kang dapat ikaselos. Ang halik ko ay para sa'yo lang..." he punched line.
Ngumuso ako.
"Promise?" I asked for assurance.
Tumango siya habang nakangiti at naaliw sa akin.
"Pangako ko yan." he promised.
****