I had never been so insulted infront of many people all my life. I'm always the star of the show! The crowd's favorite! The party entertainer!
When I'm in Los Angeles, we were always filled with boost and fun. There's no room for kill joys and judgementals. We can do whatever we want!
But things are so different here in the Philippines. With these judgemental people and chismosa creator, some of Filipinos are kinda conservative in terms of many aspects.
Filipinos are mostly religious based country. Americans are more open minded, to be honest. Sad but true.
Tuwing namamasyal ako sa farm noon, hindi ko sinasadyang madinig ang pinaguusapan ng mga tao. I was eleven. Musmos na bata at walang malay.
"Sayang yung anak ni senyor Ansel no? Gwapo sana kaso masama ugali. Sakit lagi siya sa ulo ni madame Selena sa LA. Hindi na siya naawa sa magulang niya. Kung anak ko 'yan, naku, itatakwil ko 'yan." usapan ng mga magsasaka.
Tuwing nasa planta naman ako, hindi rin nakakatakas sa tenga ko pangiinsulto nila.
"Oo nga, may itsura pa naman si sir Zoren kaso matapobre. Sayang." usapan naman ng mga trabahador.
At tuwing nasa loob naman ako ng bahay, nadidinig ko ang malakas na bulungan ng mga housemaids namin sa dinning room.
"Crush ko 'yang si sir Zoren noon kasi sobrang gwapo, kaso noong nalaman ko ang ugali, pangit pala! 'Wag na lang. Thank you, next." usapan ng mga housemaids at magtatawanan.
Hindi ko alam kung anong ginawa kong mali para maging ganon ang trato nila sa akin. Sa pagkakatanda ko, nagsimula ang lahat noong naging mapusok ako. I'm so young back then. May mga kamalian ako noon na pinagsisihan ko ngayon.
I tried to tell papa about them but papa was always busy. Wala siyang panahon para ipagtanggol ako o pagalitan ang mga trabahador niya.
Pabagsak kong binuksan ang pinto at pumasok sa office niya habang umiiyak.
"Papa! Fired your farmers!" the eleven years old Zoren demanded.
Pagod akong tinignan ni papa bago binalik sa mga papel ang kanyang tingin.
"What is it now, Zoren? Hindi mo ba nakikita, I have lots of things to work on here. Kung gusto mo maglaro, you can play with the PSP I gave you." si papa na hindi man lang ako nilingon.
Padabog akong umupo sa sofa. I'm only eleven years old that time. Galit na galit ako. Frustrated ako sa mga natanggap na insulto.
"They're insulting me, papa! They talk bad things about me! Please, fire your workers! All of them! Specially those housemaid who are chismosa! I know all of them!" sumbong ng batang Zoren sa kanya ama na hindi man lang nakikinig.
Papa always declined me. Hindi niya sineseryoso ang mga sumbong ko. Sa sobrang busy niya, nagsawa na akong maghintay na lumuwang schedule niya.
Years passed, nagpatuloy ang ganon. It was like a cycle na paulit ulit nangyayari kapag umuuwi ako dito sa bansa.
So I decided to build a wall to protect myself from them. I changed myself drastically, in terms of social speaking and presence barrier. I transformed into someone na hindi kayang insultuhin kahit nino. Yung tipong kinatatakutan.
For almost seven years, I tried to understand them. I tried to understand their hate for me. But I always failed.
Noon pa man, people sees me as someone who creates trouble. Na kapag nasa paligid ako, may mangyayaring masama. Automatic na ang gulo.
Nakakatawa nga eh. Ako daw ang magmamana ng malaking lupaing sakahan ni papa sa Pampanga balang araw.
Who would ever think na isa akong anak ng farming genius diba?
I'm just only the Zoren Gonzalo they expected me to be. Yung pariwara, masamang ugali at lasenggo.
Confident akong pumasok sa pasilyo patungo sa dinning room habang nakangisi. Mabilis ang t***k ng puso ko dahil sa kaba.
No one can stop me now from doing my plan. That Governor needs to take his own medicine. Hindi niya kilala kung sino ang kinalaban niya.
Good thing, nasa labas ang mga security guards niya. Pinaiwan yata doon ni Gov dahil kampante siya na wala naman mangyayari dito sa loob.
"Si sir Zoren..." dinig kong bulong ng isang housemaid nang nakita ang pagpasok ko.
"Naku, nandito na naman si panggulo. For sure, gagawa na naman 'yan ng kalokohan."
"Oo nga, Tess. Hindi na nahiya ang batang yan. Nandito pa naman si Gov oh. Sa itsura niya, pustahan man, mageeskandalo na naman 'yan dito."
"Jusko, 'yang batang yan, oo, hindi na natuto! Dapat noon pa, pinutulan na yan ng sungay ng mga magulang niya."
I ignored them. Like how I usually
defend myself from the insult they inflicted to me.
Diretso lang ang tingin ko sa mesa nina Gov. Tumigil ako sa malaking vintage vase malapit sa pasilyo sa pagitan ng kusina at dinning roon. Nagtago ako doon para pagmasdan muna sila.
Tanghalian na at sigurado akong maglalabas na si Rosana ng pagkain para sa kanila.
Dinig kong tumawa si Gov sa biro niya kay Sancho. Nagkakatuwaan sila mesa at mukha aliw na aliw ang politiko sa kanya.
"Dapat mag-asawa ka na, hijo! Nasa tamang edad ka na." suhestyon ni Gov.
Nakangiting umiling si Sancho.
"Wala pa po sa isip ko ang pagaasawa sa ngayon, Gov. Priority ko ang paggaling ni papa." ngisi niya.
Napatango naman si Gov, tila mangha kay Sancho.
"Napaswerte sa'yo ni Alejandro, hijo. Napakabuti mong anak. Alam mo bang noong ako'y nasa edad mo, nililigawan ko na noon ang mommy nitong anak kong si Sonia."
Tinignan muna ni Gov ang maganda niyang anak sa kanyang tabi bago binalik ang tingin kay Sancho para magpatuloy.
"Wala ka pa bang nobya o napupusuan man lang, hijo?"
Ngumiti lang si Sancho kay Gov.
"Wala pa po, Gov." sagot niya.
Kita kong pumula ang pisngi ni Sonia at napangiti. Humalakhak naman si Gov.
"Kahit special someone, hijo, wala?" asar nito.
Sandaling natahimik si Sancho. Nagiisip yata siya. Kalaunan, ngumiti siya.