Sa totoo niyan po, may isang taong nagpapasaya sa akin ngayon." nakangisi niyang sagot.
Nagliwanag ang mukha ni Gov sa nadinig. Kita ko namang napawi ang ngiti ni Sonia, tila nabigo. Natawa ako sa itsura niya. Para siyang pinagbagsakan ng mundo.
"Maari mo bang sabihin kung sino itong maswerteng babae na nagpapasaya sa'yo?" usisa ni Gov.
Umiling si Sancho.
"Pasensya na po, Gov, hindi ko mababanggit ang pangalan niya."
Tumango naman si Gov, tila naiintindihan si Sancho. Hindi na pinilit pa.
"Maari mo ba siyang ilarawan, hijo?" tanong agad nito, hindi tumigil sa pagiintriga.
Napatingin si Sancho sa kanya. Ganon din si Sonia at mabilis nilingon pabalik si Sancho para hintayin ang sagot nito.
Sancho suddenly smirked. Ilang sandali, natawa siya.
"Medyo bugnutin po yun at palaging nakasimangot pero hindi siya nakakasawang tignan. Nakakatuwa po ang mukha niya kapag iritado. Siya ang dahilan kung bakit inspirado po ako sa trabaho kapag nakikita ko ang lukot niyang mukha." mahina siyang natawa habang nagkukwento habang umiiling pa.
Bahagyang tumango-tango si Gov kahit mukha naguguluhan siya sa paglalarawan ni Sancho. Palihim na ngumiwi si Sonia.
Nagpatuloy ang paguusap nila. Hindi ko na nasundan iyon dahil natuon na ang pansin ko kay Sonia na hindi na makangiti ngayon.
Pinagmasdan ko siyang mabuti. Makinis at maganda talaga ang kaniyang mukha, sa malapitan man o sa malayo.
Hinawakan ni Gov ang balikat ng anak.
"Matutuwa ako kapag niligawan mo itong dalaga ko, hijo. Botong boto ako sa'yo." bulgar na bugaw ni Gov sa kanyang anak kay Sancho.
Nanlaki ang mata ko. What the hell?
Pumula ang pisngi ni Sonia habang nakangiti. Mahina niyang hinampas ang braso ng ama, tila nahihiya.
"Papa, nakakahiya po kay Sancho."
Hindi nagsalita si Sancho. Humalakhak naman si Gov.
"Marami kasing manliligaw itong si Sonia sa eskwela nila. Sinabihan ko naman siya na mag-aral muna at wag magnobyo."
Tinignan ni Gov si Sancho.
"Pero kung ikaw ang magiging nobyo ng anak ko, hijo, walang problema sa akin dahil gusto kita para sa anak ko."
Napasinghap ako at napatayo sa sobrang inis. Halos masagi ko pa ang vintage vase sa gilid ko.
Hindi ko nagugustuhan ang pinaguusapan nila. Bakit parang binubugaw ni Gov ang anak niya kay Sancho? At si Sonia naman, mukhang gustong gusto naman niya! Kunwari pa siyang nahihiya!
Pumasok si Rosana sa dinning room habang bitbit ang tray ng pagkain. Nakangiti siya habang naglalakad papalapit sa mesa, tila excited na ipaghapag ang mga importanteng panauhin.
Bago pa siya makalapit ng tuluyan sa mesa ay mabilis akong lumapit at kinuha na ang tray mula sa kanya.
Nagulat siya.
"Sir, naku, matatapon ang sabaw!" aniya.
Hindi ko siya pinansin. Naglakad na ako papunta sa mga panauhin.
"Sir Zoren!" may tinig ng pagaalalang tawag ni Rosana.
Diretso lang ang lakad ko sa mga bisita habang nakangisi.
It's showtime, baby!
Mabilis ang kabog ng puso ko sa sobrang excitement.
Pabagsak kong nilapag ang tray sa mesa nila. Natapon nga ang sabaw ng soup sa tray pero hindi ko iyon pinansin.
Napatalon sa gulat si Gov at kunot noo akong nilingon, may bakas pa ng ngiti mula sa huling paguusap. Sancho stood up in shock and looked at me, magkasalubong ang kilay. Kita kong kumapit naman si Sonia sa braso ni Gov, like a scaredy cat.
Pinsadahan ko sila ng tingin.
"The food is ready to serve." I smirked sarcastically.
Matagal bago nakabawi si Gov. Lumapit naman si Sancho sa akin habang seryoso ang mukha at nahihimigan ang gagawin kong kalokohan.
"Zoren..." banta niya nang nakalapit.
He hold my hand. Napatitig doon si Sonia bago inangat muli ang tingin sa akin. I gritted my teeth.
"Don't you dare stop me, Sancho, kung ayaw mong madamay sa galit ko!" pabulong kong sagot, may diin at gigil.
"Zoren...please." pakiusap niya.
Tinabig ko ang kamay ni Sancho na nakahawak sa akin. Napasinghap naman si Sonia.
"No!" sagot ko.
Binalik ko ang tingin sa dalawang bisita namin.
"Gusto mo ba ng lunch, Gov?" painosente kong tanong.
Hinapag ko sa harap ko ang soup, steak, at mga side dishes kasama ng mga cutleries at soup spoons. Umupo ako sa upuan katabi ni Sancho.
Madilim ang mukha ni Gov habang pinagmamasdan ako. Tinuro ko ang banda ng mga housemaid.
"Kung gusto mo nito, pumila ka doon. Hintayin mo akong matapos kumain."
"Zoren!" pagalit na bulyaw ni Sancho.
I ignored him. Tinuro ko si Sonia habang nakangiti kay Gov.
"Isama mo 'yang pabebe mong anak! Pumila kayo doon dali!"
Napasinghap ang mga housemaid sa sinabi ko, tila hindi nakahinga. Nadinig ko pa ang isang maid na tinawag akong bastos pero wala akong pakealam. Nagpatuloy ako.
I smiled cutely at him.
"Wag kang mag-alala, Gov, kung iniisip mo na mauubusan ka, pwes nagkakamali ka."
Dinampot ko ang fork and knife para hiwain ang mainit na steak.
"Marami kaming pagkain dito sa bahay. Kung gusto mo pang bumalik, ayos lang."
Inangat ko ang tingin sa mukha ng tahimik at asar-talong mukha ng politiko. Nakatingin siya sa akin.
"Pakabusog ka ha?"
Nilipat ko ang tingin kay Sonia.
"Ikaw din, miss."
Tinusok ko ang nahiwang steak at pinaglaruan iyon.
"Wag kayong magalala, maabutan ang lahat. Mabibigyan din kayo, don't worry. Basta pumila lang kayo ha? 'Wag kayong sisingit, okay? " binalik ko ang tingin kay Gov, nakangisi na at mas magaan ang loob.
Magkasalubong ang kilay niya nang lumingon siya kay Sancho para humingi ng kasagutan sa nangyayari.
"Sancho, ano 'to? Sino itong batang 'to?" namutawi ang galit sa boses ni Gov sa loob ng dinning room.
Nanatili lang tingin ni Sancho sa akin. Hindi ko siya sinulyapan dahil natutuwa na ako ngayon kay Gov.
That's it, Gov, magalit ka pa lalo. Gusto ko yan!
Tumawa ako. Napakislot si Sonia sa kinauupuan niya at kita ko ang butil ng luha na namuo sa mata niya.
"Sancho! Sino 'tong walang modo na 'to?" tukoy ni Gov sa akin at tinuro pa ako.
Ngumuso ako, nagkunwari nagtatampo.
"Nakalimutan mo na ako agad, Gov? Niting umaga lang tayo nagkita ah!" I pouted my lips.
Naramdaman ko ang hinaplusan ni Sancho sa braso ko, tila pinapakalma ako. Sandali akong napapikit.
Tinabig ko ang kamay niya para hindi ako tuluyan malamon ng mainit niyang haplos. Not now, Sancho.
"Zoren...tigil na. Bisita sila." bulong ni Sancho, trying to explain me the reason.
Hindi ko siya pinakinggan.
Kita kong sinusuri ako ni Gov. Ilang segundo, nagbago ang ekspresyon niya.
"Ikaw yung..."
Nagtaas ako ng dalawang kilay at ngumiti sa kanya, naaliw. Mukha naalala na niya ako 'ah.
"Opo, Gov. Kung sino man 'yang naalala niyo...ako nga yun. Ako po yung tinawag niyong trabahador kanina sa farm at pinahiya niyo, remember?" madiin kong paalala, emphasizing the word 'trabahador'.
Mapanghusga niya akong tinignan mula ulo hanggang paa. Hindi ako nagpatinag.
"Bakit? Hindi ka ba trabahador?" tanong nito.
Fuck! Uminit ang pisngi ko sa iritasyon.
Napatayo na si Gov sa inis at hindi na nakayanan ang nangyayari. Naluluha namang tuminghala si Sonia sa galit ng kanyang ama. Bumaling si Gov kay Sancho para utusan ito.
"Sancho, kung maari paalisin mo ang batang 'yan! Binabastos niya ako!"
Gusto kong matawa sa sinabi niya. Binabastos? Saang aspeto ko siya binatos kaninang umaga? Tell me, Gov, saan?
Hinawakan na ni Sancho ang dalawang braso ko para ilayo ako doon sa eksena. Kumawala ako kay Sancho and I raised my middle finger to Governor Vargas, to prove a point.
"f**k you, you corrupt politician." I blurted out and smirked in victory.
Mabilis ang paghinga ko. Nanlaki ang mata ni Gov sa ginawa ko habang napasinghap naman ang lahat.
"Tangina! Zoren!" pagalit na bulyaw sa'kin ni Sancho at binaba niya ang kamay ko.
I'm hurting. I want to release this!
Tumayo si Sonia para pakalmahin ang papa niya. Hinaplos niya ang ama sa braso.
"Kalma po, daddy. Yung puso niyo po."
Ngunit galit pa din si Gov.
"Napakabastos mong bata!" sigaw ni Gov, tumataas na yata ang prisyon sa akin.
Huminga naman ako ng malalim. Pinahupa ko muna ang iritasyon ko bago nagsalita. Mukhang ako pa yata ang magiging cause ng heart attack niya.
"Bastos? How come? Kailan kita binastos?"
Akmang lalapit si Gov sa akin para saktan ako pero mabilis na humarang si Sancho.
"Gov..." pigil ni Sancho.
Natigil naman si Gov at mariin akong nilingon.
"Napakabastos ng trabahador niyong 'yan!" tinuro niya ako.
Umalab ang iritasyon ko. Mas lalo akong nagngalit.
"Ginawa ko lang naman sa'yo yung ginawa mo sa akin kanina eh.You embarassed me infront of our men!" sagot ko.
"Zoren..." pigil ni Sancho sa akin sa patuloy kong pang pagsagot.
Nagkibit ako ng balikat at ngumisi kahit gigil na gigil na ako.
"Kung bastos pala ako, ano pong tawag sa inyo?" I asked innocently, insinuating him more.
Nagbulungan ang mga housemaids sa paligid. Kung ako lang talaga masusunod dito, sinisante ko na silang lahat!
"Daddy, natatakot na po ako..." si Sonia.
Kita kong umiiyak na siya, tila natotrauma. Inalo siya ni Gov habang masama ang tingin nito sa akin.
"Sancho! Ano pang ginagawa mo dyan? Paalisin mo na ang batang 'yan! Tinatakot niya ang anak ko!" aniya.
Bumaling ako kay Sancho at humalukipkip. Nagtaas ako ng kilay sa kanya.
"Oh, Sancho, paalisin mo daw ako?" nangaasar kong sabi.
Madilim ang mukha ni Sancho. Tumawa ako at nagpatuloy.
"Hala, sige, palayasin mo ako sa sarili kong pamamahay. Go!"
Binalik ko ang tingin kay Gov. Napakunot ang noo niya at tinignan akong mabuti. Kalaunan, tila may napagtanto siya.
"Ikaw yung anak ni Ansel?" tanong niya, hindi makapaniwala.
Hindi ako nagsalita. Nakangiti lang ako.
"Opo, Gov. Siya po si Zoren Gonzalo. Siya po ang tinutukoy kong anak ng boss ko." pakilala ni Sancho sa akin.
Tumango si Gov at nilingon niya ako.
"Make sense..."
Napatigalgal ako nang ngumisi na ito sa akin, tila may mga bagay siya na alam laban sa akin. Napatayo ako.
Tumikhim muna si Gov bago nagsalita, tila handang ipahiya na ako ulit.
"That explains this kid's rude personality. Anak ka pala ng haciendero, hijo. Kaya may lakas ka ng loob na bastusin ako. You act like they spoiled you so much. Mukhang hindi ka pinalaki ng maayos ni Ansel." insulto niya.
Pumula ang pisngi ko sa iritasyon. How dare him!
Magsasalita pa lang sana ako nang inunahan niya ako.
"Sabagay, sino nga naman ang magiging matino kung divorced ang magulang? Hindi na ako magtataka kung napariwara ka sa Amerika. Kita naman sa ugali mo na hindi ka pinalaki ng tama at lumaki ka kasama ng mga dayuhan." nagkibit balikat siya.
Bumigat ang damdamin ko. Pumikit ako at huminga ng malalim.
I composed myself and pick my broken pieces. Hindi ako papatalo sa kanya!
I flashed my insinuating smirked to save my face.
"You don't deserve my respect. Hindi ka mukhang respetado. Mukha kang basurahan na nagtatago sa katawang ng isang gobernador. Nakakasulasok ang amoy ng pagkatao mo kahit gaano mo pa ito itago."
Pinasadahan ko ng tingin ang lahat.
"None of you deserves my kindness."
Binalik ko ang tingin ko kay Gov at Sonia. Naningkit ang mata ko.
"Kahit sino ka pa. Kahit presidente ka pa ng Pilipinas o ano pa man..." umiling ako.
"I don't give a damn f**k!"
Hinila ako ni Sancho para ilayo doon. Nagpumiglas ako at hinarap pa si Gov. Hindi pa ako tapos!
"Nasa teritoryo kita kaya may karapatan akong paalisin ka dito."
Tinuro ko si Sonia.
"Kayo nitong iyaking mong anak."
Huminga ako ng malalim para maghabol ng paghinga. Hinigit ni Gov si Sonia para igaya palabas.
"Let's go, my princess. Nasayang lang ang oras natin sa lugar na 'to!" si Gov at tumalikod na para umalis.
Sumunod sa kanya si Sonia. Isang beses pa siyang sumulyap sa banda ni Sancho bago ito tuluyang tumalikod sa amin. Kumulo ang dugo ko.
"Lumayas kayo! At 'wag na kayong babalik dito!" namutawi ang sigaw ko sa dinning room.
Lumapit sa akin si Sancho at hinawakan ako sa kamay. Tinabig ko iyon at mariin ko siyang hinarap.
"Don't you dare touch me! Isa ka pa!"
Galit kong dinuro ang mukha niya. Seryoso at tahimik lang siyang nakatingin sa akin, hindi niya sinasabayan ang galit ko.
"Kanina pa ako tumatawag sa'yo pero hindi ka makontak! Hinanap kita kanina sa buong farm pero wala ka! f**k!" mabilis ang paghinga ko sa sobrang emosyon.
Hindi siya nagsalita. Even though I want to release my anger to him, nilampasan ko na lang siya at tumakbo pabalik sa kwarto ko.
Nakayuko ang mga housemaid nang dumaan ako sa harap nila.
Sinarado ko agad pabagsak ang pinto at sumandal doon. Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang mga luha ko sa aking pisngi.
Pumikit ako at binalikan ang eksena. Biglang may kumirot sa dibdib ko.
Totoo kaya yung sinabi ni Governor Vargas tungkol sa akin? Na naging pariwara akong anak dahil divorce ang parents ko? Na hindi ako napalaki ng tama ng mga magulang ko. Lakas loob ko siyang nilingon muli. Natigilan siya. Sinalubong ko ang nagbabaga niyang titig.
"Dyan ka naman magaling diba? Palagi kang buntot ng buntot sa sinasabi at sa desisyon ni papa! Para kang aso!" mabilis ang paghinga ko.
Nilalamon ng kadiliman ang puso ko. Sancho clenched his jaw. He looks like he's trying to analyze me. How to solve me.
"Hindi kita isusumbong." sinsero niyang hayag.
Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil. Binaba ko ang tingin doon at napatitig.
"Hindi ako kailanman gagawa ng bagay na ikakasakit ng loob mo." patuloy niya.
Nilagay niya ang kamay ko sa pisngi niya at hinalikan niya iyon.
Inangat ko ang tingin kay Sancho at sinalubong ko ang mapungay niyang mata. Mas magaan na iyon ngayon kumpara sa kanina.
Nagsimulang mamuo ang luha sa mata ko. Hindi maintindihan ang mga paparating na luha. Sancho look at me with his worried eyes.
"Gusto ko lang malaman mo na mali lang yung ginawa mo. Hindi mo dapat pinalayas ng ganon si Gov. Kung may nagawa man siya sa'yo, hayaan mong Panginoon ang magparusa sa kanya."
Bumigat ang loob ko. Nagpipigil akong wag maiyak. Sancho smile at me genuienly.
"Sa loob ng dalawang buwan na kasama kita, nakilala ko ang totoong ikaw. Oo, masungit ka pero alam ko sa sarili kong hindi ka masamang tao. Nasasaktan ka lang kaya ka nagkakaganyan."namamaos niyang sabi.
Parang piniga ang puso ko dahil sa sinabi niya. Tinamaan ako.
He's right. I'm just hurt. Hindi ako masamang tao.
Pinigilan kong 'wag maiyak. Konti na lang, tutulo na ang luha ko.
In my deepest thoughts, I realized that it always scream for Sancho's touch. Gaano ko man ideny ang katotohanang iyon, I will always need his touch when I'm this emotional. Siya lang, bukod sa magulang ko, ang nakakapagpakalma sa akin kapag galit ako.
Pinalis ko ang luha sa mata ko at pinakalma ang sarili. Hindi muna ako nagsalita.
Naramdaman kong umuga ang kama. Umupo pala sa gilid ko si Sancho. Niyakap niya ako patagilid.
Mas umagos ang luha ko at hindi ko na napigilang mapahagulgol sa puntong iyon. f**k! I'm so crying baby!
Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang isang kamay para itago ang lumuluha kong mata mula kay Sancho.
Bumalik ang lahat sa akin. Si papa, si Irene, ang mga insulto ng mga trabahador, ang mga chismisan ng mga housemaids, si Gov, si Sonia at marami pang iba. Lahat na.
Nasasaktan ako ngayon kasi napagtanto kong tama nga si Sancho. Mali yung ginawa ko. Mali na binastos ko ang bisita namin. Panauhin namin sila at kailangan naming magpakumbaba para sa kanila.
Masyado lang talaga akong nagpaapekto sa sinabi ni Gov na akala ko'y ininsulto niya ako kanina at pinahiya sa farm.
I realized that that Governor Vargas is right all along. I've pampered myself with my pride. Na sa sobrang pinaprotektahan ko ang sarili ko, may nasasaktan ako. Na nagiging bastos na ako.
Bumulong bigla si Sancho sa tenga ko. I flinched. Sancho chuckled.
"Pumunta ako kanina sa plaza para bilhin yung regalo ko sa'yo bago ka bumalik sa LA."
Tinagilid ko ang ulo ko para maharap siya. Nakalingkis ang mabalahibo niyang braso sa beywang ko.
"Next week pa ako uuwi. Ihahatid mo ba ako sa airport?" I smiled.
He chuckled and nodded.
"Oo. Basta bumalik ka sa susunod na bakasyon ha? Hihintayin kita."
Mahina akong natatawa at tumango. Niyapos niya pa ako, tila ayaw pakawalan.
"Mamimiss kita..." bulong niya.
Bahagya kong niliyad ang ulo ko para pigilan ang kiliting hatid ng hininga niya sa leeg ko.
"Ano palang binili mo sa plaza?" I changed the topic.
He kissed my shoulder near my neck.
"Yung gift ko sa'yo. Para hindi mo ako makalimutan kapag nasa Amerika ka." biro niya.
Nagtaas ako ng kilay. Naalala kong bigla ang nakangiti niyang mukha kaninang pumasok siya kasama si Sonia.
"Kasama mo si Sonia sa plaza diba? Saan mo naman siya dinadala? "
Natahimik siya at napakurap kurap. Ilang sandali ay sumilay ang ngisi sa labi niya at umiling, tila may nakakatuwa siyang naisip.
Umiwas ako ng tingin. Bahagyang nasaktan.
Humigpit ang yakap niya sa beywang ko at naramdaman ko ang baba niya sa balikat ko, bagay na madalas niyang gawin kapag nagka-cuddle kami.
"Nagpaalam ako kanina kay Gov na pupunta ako ng plaza para bilhin ang regalo ko sa'yo. Hinabilin ko sila kay Rico. Kaso nagpumilit yung anak ni Gov na sumama sa akin dahil may bibilhin din daw siya sa plaza. Hindi naman ako makatanggi dahil nagpupumilit siya na sumabay sa akin. Kaya ayun, sinama ko na." he explained.
Ngumuso ako at nilingon ko siya. I'm still bothered...
"Pero mukhang masaya ka kanina pagdating mo. May magandang nangyari siguro sa plaza no?" I concluded.
He chuckled sexily naaliw sa paguusisa ko. Mas sumimangot ako. Pinigilang kong 'wag matawa kahit nahahawa na ako sa tawa niya.
Wala no. Excited lang ako kanina na ipakita sa'yo ang regalo ko. Hindi ko na siguro napansin na nakangiti na pala ako dahil naiisip ko ang reaksyon mo." paliwanag niya.
Bahagya akong lumayo sa kanya para bigyan ng espasyo ang pagharap ko. Tumagilid ako ng upo para mas lalo kong makita ang anyo niya.
"Where's your gift then? I want to see it! Give it to me." excited kong sabi.
Sancho chuckled more. Nakita kong may kinuha siya sa bulsa niya at nilagay ito sa palad ko.
Inangat ko muna ang tingin ko sa nakangisi niyang mukha bago binaba ang tingin sa isang maliit na bagay sa palad ko.
It's a keychain. A small anime character na blonde ang buhok at nakakunot ang noo, iritado.
Umalab ang puso ko sa tuwa at nagliwang ang mukha, tila isang bata na nabigyan ng candy matapos mabunutan ng ngipin.
Ngumiti ako agad kay Sancho.
"I like it." hayag ko.
Marahan siyang tumawa at yumakap muli sa akin. Hinagkan niya ako. Lumapit naman ako sa kanya at kumandong sa hita niya habang mangha na pinagmamasdan ang regalo niya sa palad ko.
Hinalikan ni Sancho ang pisngi ko.
"Noong una kong nakita ang keychain na 'yan, naalala agad kita. Sabi ko sa sarili ko, bibilhin ko agad yan para sa'yo. Kaso sa panahon na 'yon, wala talaga pa akong pera. Sinabi ko sa tindera, babalikan ko na lang. Ireserve na lang para sa akin." kwelang kwento ni Sancho.
Ngumuso ako at nagkuwaring nagtatampo pa din kahit sobrang nililipad na ang puso ko sa tuwa.
"Pero pinaasa mo pa din ako kaninang umaga. Akala ko sabay tayong mag-aalmusal." tampo ko, nagpipigil ng ngiti.
He chucked.
"Sorry, baby..." he whispered.
Ngumuso ako habang pinaglalaruan sa kamay ang keychain. Balak kong ikabit iyon sa house key ko sa LA.
"Sana nagpaalam ka o nagtext ka man lang. Tinawagan kaya kita no! Nasira tuloy yung cellphone ko."
Naalala ko bigla yung Iphone ko. Basag na ang screen protector at LCD. Hindi na gumagana iyon noong sinubukan kong buksan kanina.
Natahimik lang si Sancho at hindi nakapagsalita. Sinulyapan ko siya dahil sa pananahimik niya.
"Hindi mo ba dala ang cellphone mo?" patuloy kong tanong.
Humiwalay siya ng bahagya mula sa akin at tinignan ang aking mukha. Ilang sandali, kumunot ang noo niya at tumingin sa kawalan.
"Talaga? Tumawag ka sa akin?"
Kinuha niya ang lumang android phone sa bulsa niya at nagscroll doon. Sumilip ako. Nakita kong nasa call history siya, hinahanap yata ang tawag ko.
"Anong oras ka tumawag?" tanong niya habang nagiiscroll.
Sandali akong nag-isip. Napakurap kurap pa ako habang inaalala ang oras ng pagtawag ko sa kanya kanina.
Sa pagkakaalala ko, hapon na iyon.
"Past eleven yata. Bakit? Hindi mo narecieve?" tanong ko.
Mas nagsalubong ang kilay niya habang nakatingin sa kanyang cellphone. Nilingon niya ako.
"Totoo? Eleven?"
Tumango ako.
"Oo."
Binalik niya ang tingin sa cellphone at nagpatuloy sa pagscroll.
"Pero wala naman akong narecieve na tawag mula sa'yo kanina." pinakita niya sa akin ang phone niya.
Totoo nga, wala siyang natanggap na tawag mula sa akin sa oras na iyon pano naman nangyari iyon?
nag taas ako ng kilay sakanya
baka denelete mo?
"imposible hindi ko buburahin ang tawag mo lalo na ikaw ang tumatawag.
"May nanghiram ba ng phone mo???
'oo kanina hiniram ni sonia.
***