Chapter 2

531 Words
Napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung ano ang ikinaaayaw ni Mafi sa kanyang nobyo samantalang napaka-ideal nito. Si Melvin ang kauna-unahang lalaki na nagpakita ng interes sa kanya. Anak ito ng best friend ng kanyang Papa. And for the record, wala siyang nakitang pagtutol mula sa kanyang Papa nang sagutin niya si Melvin. At kahit tumutol man ito ay wala itong magagawa dahil mahal niya si Melvin. "Huwag mong pansinin si Mafi," payo ni Francesca. "Natatakot lang iyan na baka ilibre rin niya si Melvin." Binalingan nito si Mafi. "Ano ba ang ayaw mo kay Melvin? Mabait naman siya at nakakatuwa, ah." "Heh!" bulyaw ni Mafi kay Francesca. "Wala talaga sa plano kong pakainin siya. At wala sa intensiyon kong makasama siya sa pagkain. Lagi lang naman kaming out of place kapag magkasama kayo, eh. Parang may sarili kayong mundo. Napapanisan kami ng laway." "Ang ibig ba niyang sabihin dapat sa susunod, magsama na rin tayo ng boyfriend? Ay, ayoko nga!" anang si Francesca. Siya pa lang ang may nobyo sa kanila. Si Mafi dahil pihikan at si Francesca dahil wala lang. "Mag-isa kang kumain kasama ni Melvin. Magsama kayo!" Bumaling ito sa kanya. "I don't know, Lucey. I have nothing against your boyfriend but there is something in him na hindi ko gusto simula pa lang ng manligaw siya sa iyo." "Mafi, bata pa lang tayo ay kakilala na natin siya. What is wrong with him? Dahil ba playboy siya bago ko siya naging boyfriend? Hindi ba, ikaw pa nga ang nagturo sa amin na huwag I-judge ang tao dahil sa past niya? Nakaraan na iyon. Alam kong faithful siya sa akin at mahal niya ako." Mafi rubbed her arms na parang may masamang mangyayari. "Ewan ko ba. Basta, hindi ko talaga siya gusto para sa iyo." Iginalaw-galaw ni Francesca ang mga kamay na parang gypsy at nagsayaw sa paligid ni Mafi. "Ang alam ko, Mafi, lola ko ang manghuhula. Mukhang Mara Clara tayo at pinagpalit ng tadhana. Mukhang ikaw ang totoong del Valle. Umaandar na naman 'yang psychic powers mo. Sasabihin ko kay Lola Felicing na magsosyo na kayo sa lugar niya sa Quiapo." Tukoy nito sa lola nito na isang sikat na fortune teller. Malakas ang pakiramdam ni Mafi. Kadalasan ay tumatama ang mga nararamdaman nito. Kahit gaano pa kabait ang isang tao sa unang pagkikita at hindi nito nagustuhan ang taong iyon, ibig sabihin ay may itinatago iyon. At si Mafi rin mismo ang nakakatuklas niyon. She's capable of bringing out the worse in someone. She can do it to show their true colors. "Wala akong psychic powers. This is what you call intuition!" "Tama na nga 'yang pag-aaway ninyo," awat niya. "Gutom lang iyan. Titingnan ko muna si Melvin sa labas para sabihing nanalo ako at makakasama namin kayong magse-celebrate." "Bilisan mo, Mafi!" sigaw ni Francesca. "Kanina pa ako gutom." Nangingiti siyang lumakad palayo. Hindi niya alam kung ano ang problema ni Mafi sa nobyo niya. Mabuti pa si Francesca, kasundo ito. Umihip ang malakas na hangin na nagpatayo sa mga balahibo niya. Wala naman sanang mangyaring masama. Kung malalaman lang sana niya kung ano ang ikinatatakot ni Mafi, hindi rin siya matatakot ng ganito. >qqu*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD