"Well, I don't care if the whole wide world knows!" sigaw pa rin nito. "I should be doing this the first time you courted that freak!"
"Put Lucienne out of this!" galit na sabi ni Melvin. "And stop calling my girlfriend a freak!"
"Melvin, gusto kong ipaalala sa iyo na ako ang girlfriend mo. Ako pa rin ang girlfriend mo. Because your relationship with that freak is just a big game."
Halos mabingi siya sa lakas ng kaba sa kanyang dibdib. May hinala nang nabubuo sa kanyang isip subalit ipinagdasal niyang hindi iyon totoo. Ayaw niyang mawala sa kanya si Melvin. Alam niyang mahal siya nito. She could see sincerity in his eyes everytime he say that he loves her.
"Stop it, Alyssa! Tapusin na natin ang pag-uusap na ito bago pa may makarinig sa iyo. Malaking gulo kapag nagkataon."
"Ah, at ako pa ang nanggugulo ngayon?" sarkastikong sabi ni Alyssa. "Ako na nga ang inagawan ng boyfriend, ako pa ang magulo. I'm giving you an ultimatum, Melvin. Bibigyan kita hanggang bukas para sabihin sa freak na iyon ang totoo."
"You can't do that, Alyssa!"
"Of course, I could. Or ako ang magsasabi sa kanya. I will tell her that you courted her because her father wishes. Sinusunod mo lang ang iyong Tito Fermin dahil ayaw mong pasamain ang loob niya. Na hindi mo naman talaga siya mahal. And I am too generous to join this ploy. Gusto mo bang ako ang magsabi niyon? Mamili ka. Ako ang magsasabi o ikaw?"
It was like being hit by a big blow. Parang hindi siya makahinga sa natuklasan. Mas masakit pa sa katotohanang hindi siya mahal ng kanyang Papa. All along, niloloko pala siya ni Melvin. Hindi siya mahal nito.
Kaya pala nag-iba ang pakikitungo ng kanyang Papa sa kanya mula nang manligaw si Melvin. Ito pala mismo ang may pakana. At si Melvin? Isa lang pala itong sunud-sunuran. At si Alyssa pa rin ang totoong nobya nito.
Ilang tao ang nakakaalam ng totoo? Ilang tao ang nagtatawa sa kanya kapag magkasama sila ni Melvin?
Tutop ang bibig siyang lumayo sa lugar na iyon. Pinilit niyang pigilin ang pagpatak ng luha niya. Masakit subalit dapat niyang tiisin. Hindi niya bibigyan ng kasiyahan ang mga taong nanloko sa kanya na nakikita siyang nasasaktan.
"Hey, Lucey, ano'ng nangyari?" nag-aalalang tanong ni Mafi. Tinitigan siya nito. "Umiyak ka ba?"
Iniwas niya ang mga mata at umiling. "No, nag-aalala lang ako dahil hanggang ngayon wala pa rin si Melvin. Hindi ko pa rin nakikita ang sasakyan niya. B-Baka ano na ang nangyari doon," pagsisinungaling niya.
Hinaplos ni Francesca ang likod niya. "Huwag ka nang mag-alala. At huwag ka nang umiyak. Hamo, sasamahan ka namin mamaya para tingnan kung nandiyan na siya."
Pinahid niya ang bakas ng luha. "P-Pasensiya na." Pinilit niyang ngumiti. "Halika na. Manood na tayo. Nakapasok ba sa top 10 finalist ang representative natin?" tanong niya upang I-divert ang usapan.
Nakahinga siya ng maluwag nang hindi na nag-usisa pa si Mafi. Alam niyang hindi ito kumbinsido na walang nangyaring masama. Kilala siya nito. Hindi ito ang oras para harapin niya ito.
Dahil mas kailangan niyang paghandaan ang komprontasyon nila ni Melvin. Makikilala nito kung sino si Lucienne Gonzaga.