Chapter 5

556 Words
"MAY problema ba, Lucey?" nag-aalalang tanong ni Melvin nang itigil nito ang kotse sa harap ng gate nila. "Kanina ka pa walang kibo." Kahahatid lang nila kina Mafi at Francesca. Alam niyang kanina pa nito napupuna na wala siyang ganang makipag-usap. Kaninang kumakain sila ay puro si Francesca ang kausap nito. Hindi pa rin siya nakakabawi sa natuklasan niya tungkol dito at kay Alyssa. Tiningnan niya ito nang malamig at nakita niya ang pag-aalala sa mata nito. He is such a good actor. Kung hindi niya alam ang totoong motibo nito ay baka hanggang ngayon ay napapaniwala pa rin siya ng pag-arte nito. Dati-rati ay bumibilis ang pintig ng puso niya kapag nakikita ang mga mata nito. But after hearing the truth, it suddenly died down. Napalitan na ng poot at galit. "Gusto talaga kitang makausap, Melvin. Importante lang," wika niya sa malamig na tinig. Kumunot ang noo nito. "S-Sige." Bumuntong-hininga siya. "Gusto ko nang makipag-break." "Break?!" gulat na wika nito. "Bakit? Akala ko ba mahal mo ako." Ngumiti siya upang ipakitang hindi siya nasasaktan at desidido siya sa desisyon niyang iyon. "Akala mo lang iyon, Melvin." Inilayo niya ang mga paningin dito upang hindi nito mabasa ang katotohanan sa mga mata niya. "But I'm through pretending. Sinagot lang kita dahil iyon ang gusto ng Papa." Nanlaki ang mga mata nito. Anyong hindi makapaniwala. Mas madali sana kung magagalit siya para ipaalam dito na alam na niya ang totoo. But she wanted to give him a dose of his own medicine. Sunud-sunod na iling ang ginawa nito. "No, tell me you are lying." Sumulyap siya dito. "I wish I am," aniya na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi. She loved to see his face in horror. "Alam mo naman siguro na hindi kami malapit ng Papa. Pero nang manligaw ka, napuna kong nagiging malapit na kami sa isa't isa. So I grabbed the opportunity. However, I can't mislead you anymore. Hindi ako ganoon kasama. That's why I am setting you free." Hinawakan nito ang kamay niya na parang nagmamakaawa. "But I love you, Lucey. Alam mo naman iyon, hindi ba?" Gusto niyang humalakhak at ipamukha dito kung gaano ito kasinungaling. Pero sapat na ang pagkawasak ng ego nito para makaganti siya. Pinalis niya ang kamay nito. "I'm sorry, Melvin. Maghanap ka na lang ng ibang babae na babagay sa iyo. We simply don't fit. Let's say you are not good enough for me. Akala ko, matututunan kitang mahalin but I can't." Nakita niya ang sakit na bumalatay sa mukha nito. Suits him right. Kapalit ng panloloko at sakit na ibinigay nito sa kanya. Taas noo niyang binuksan ang pinto. Nang lingunin niya ito ay galit itong nakatingin sa windshield. Nakita niya ang marahas na paghinga nito. "Goodbye, Melvin," wika niya bago lumabas ng pinto ng kotse. Gusto niyang umiyak nang galit nitong pinaharurot ang sasakyan palayo. He doesn't know that he took her heart away with him. Subalit kailangan niyang magpakatatag para sa sarili niya. Nobody's capable of loving her. Iniwan siya ng kanyang Mama. Hindi rin siya mahal ng kanyang Papa. At pati Melvin ay napaniwala siyang maari siyang mahalin ay niloko rin siya. From this day on, love doesn't exist anymore. It is just an illusion. And she was crazy enough to believe it. Not anymore. h":3����wK
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD