LUCEY'S head was pounding when she woke up. Ring ng telepono sa bedside table ang gumising sa kanya. She grabbed the phone and answered it kahit sa palagay niya ay ikamamatay niya ang bawat paggalaw. "Hello?" sabi niya habang dahan-dahang ihinihiga ang sarili sa kanyang kama. It also took a lot of effort para gawin iyon. Bumungad sa kanya ang isang umiiyak na tinig. "Lucey," kasunod muli niyon ay hagulgol. "Lucey wala na siya. Wala na siya!" Nailayo niya sa tainga ang telepono. "Francesca, stop crying. Ano ba ang problema? May namatay ba?" "Oo. Patay na siya. Malupit ang mundo!" Gusto sana niyang tumawa kung hindi lang masama ang pakiramdam niya. It feels like every part of her body was so sore. Parang sumali siya sa isang marathon at nananakit ang buo niyang katawan. Sa palagay niya

