Bigla na lang tumunog ang cellphone ni Jaytin, dahilan para maputol ang kulitan namin ni Cheska. Agad niya itong kinuha mula sa bulsa at sinagot. "Oh, bakit Layla?" tanong niya habang nag-aayos ng upo. Dinig namin ang mabilis na boses sa kabilang linya, halatang may urgency. Hindi namin marinig ang eksaktong sinasabi ni Layla, pero base sa ekspresyon ni Jaytin, mukhang hindi magandang balita. Biglang lumalim ang kunot sa noo niya. "Emergency shoot!? Ngayon?" Nagkatinginan kami ni Cheska. Mukhang seryoso. "Wala ba talagang ibang schedule? I just dropped off a friend—" saglit siyang tumingin sa amin, bago napabuntong-hininga. "Okay, okay. I’ll be there in thirty minutes." Pagkababa ng tawag ay agad siyang napakamot sa ulo. "Grabe, biglaan naman ‘to! Ang aga-aga pa, tapos emergency shoo

