Balik na po tayo sa POV ni Quice HAHHAHAHA bibitinin ko muna kayo sa POV ni Dark. So thnak you po sa patuloy na pagbabasa, sa mga nagtataka po bakit ang dami kong update kada araw, may hinahabol po kasi ako HAHAHAHHAHA pero secret lang kung ano yun charizzz huwag niyo po kalimutan maglapag ng comments kahit tig 20 lang. Thank you po!! yshanggabi!! Habang abala ako sa pag-aayos ng mga gamit ko sa studio, abot-abot ang focus ko sa laptop habang tinatapos ang ilang edits para sa shoot kanina. Tahimik ang paligid, tanging tunog ng keyboard at mahinang background music lang ang maririnig. Bigla na lang nag-vibrate ang phone ko sa tabi—si Red ang tumatawag. Medyo nagulat ako. Hindi siya usually tumatawag nang ganito kaaga, lalo na kung wala namang usapan. Sinagot ko agad, medyo may kaba na r

