Chapter 1
April,21, 2022, araw ng huwebes sa ganap ng alas diyes ng gabi. Habang nanonood ng television si Cassandra,kasama ang kapatid niya ay biglang lumabas sa screen ng kanilang television ang mainit-init na balita tungkol sa pagtambang ng isang kilalang bilyonaryong tao sa ating bansa,nang mga taong sindikato na napapabilang sa groupong kidnap - for -ransom. Kaya natuon ang kanilang atensiyon na magkakapatid sa nagbabagang balita sa kanilang harapan. Ayon sa balita ang dalawang bodyguard ng bilyonaryo ay sugatan.Samantala ang isa pa nitong tagapagbantay, agaw buhay na dinala sa pinakamalapit na hospital.Subalit walang inulat sa balita kung ano ang kalagayan ng bilyonaryong lalake.
“Tse Tse, ate mukhang mahihina at walang diskarte ang mga nakatukang bodygaurd sa binatang bilyonaryong na yan.Kung ikaw sana ang tagapagbantay nito,tiyak akong palagi siyang ligtas sa piling mo. ”napapailing at makahulugang turan ng nakakabatang kapatid niyang si Cassy sa kanya.
Ngunit tila walang naririnig si Casandra,sa mga pinahaya ng kapatid niya sa kanya. Nanatili ang mga mata niya sa screen ng malaking tv habang mayroong hawak ng can ng beer.Maya-maya pa muling nagsalita ang kapatid niya.
“Tama ate! Bakit hindi ka mag apply bilang personal bodyguard nito? Tiyak akong mas malaking magpasahod ito,kaysa trabaho mo ngayon bilang National Bureau of Invistagation officer.Sa tingin ko talaga magiging exciting ang buhay mo kung sa kanya ka magtatrabaho.’nakangisng saad ng kapatid niya sa kanya.
“Pamangkin siya ni Colonel Artemio, Matador, Fabillion, tiyak akong maraming maiaalok ang tiyuhin nito sa kanya.Kaya kong ako saiyo itikom mo ang bibig mong yan ng marinig at maunawaan ko ng mabuti ang balita.
“Hay nako ate! hindi ka ba napapaisip kung gaano kalaki ang sasahurin mo sa binatang iyon? Napakapalad mo kung maging bodygaurd ka nito bukod sa mayaman ubod pa ng gwapo at kisig.”kinikilig na saad ng kapatid niya sa kanya.
Nang marinig niya ang sinabi ng kapatid niyang ito,inalis niya ang paningin sa televesion at itinuon sa kapatid. “Hoy ikaw na bata ka! ayusin mo ang mga pananalita mong yan. Hindi ako nagpapakahirap sa trabaho para mag asawa ka lag ng maaga.”sabay pingot niya sa tenga ng kapatid.
“Aray naman ate! bawal ba makaramdam ng kilig ang mga teenager na tulad ko? Wala naman akong sinabing mag aasawa ako noh! saka grabe ka naman sa akin ,asawa agad hindi ba pwideng nobyo muna?
“Hoy! bata ka! hwag mo akong masagot-sagot. Pag hindi ka talaga tumigil masasaktan ka sa akin.”Sabay pisil niya sa tengang hawak-hawak parin niya.
“Sorry na po! Ate bitawan mo na po ang tenga ko.
Nang marinig ni Cassandara,ang daing at pakiusap ng kapatid niya,agad naman niyang binitawan ang tenga ng kanyang kapatid. Pagkatapos niyang bitawan ito mabilis na humakbang palayo ang kapatid niyang ito sa kanya.
“Ate,kung ako saiyo mag apply ka sa binatang iyon bilang personal bodygaurd nito.Nang maramdaman nito kung paano mag alaga ang isang Cassandra,Martinez, Romasanta.Malay mo matipuhan ka nito at maisipan kang anakan nito balang araw.’saad ng kapatid niya sa kanya,bago ito tumakbo ng mabilis patungo sa sarilid silid.
Dahil sa sinabi ng kapatid niya napapailing lamang siya,kahit may kaunting inis na nararamdaman siya dito.Oo hindi naman lingid sa kaalaman niya,na malapit na siyang mawala sa kalendaryo.Subalit hindi siya nag aalala sa idad niyang dalawangpu’t siyam na gulang.Naniniwala kasi siya sa mga kasabihan tulad ng iba,kung may inilaan talaga ang diyos para saiyo,darating at makikilala niya ito sa tamang panahon at pagkakataon.Kaya ganoon na lamang ang pagkakumportable niyang makikila ito balang araw.Sa loob-loob pa niya, tama ang ginawa ng kapatid niya na tumakbo palayo sa kanya.Dahil sa oras na naabutan niya ito,tiyak mapipingot niya itong muli sa tenga.Nang mawala sa paningin niya si Cassy,itinuon niya ang atensiyon sa alak na kanyang hawak at muling itinuon sa screen ng television ang mata niya.Nagdaan ang kalahating oras nakaramdam na siya ng antok.Kaya nagpasya na siyang matulog at magpahinga. Dahil kailangan niyang gumising ng maaga kinabukasan. Ilang minuto pa ang lumipas nakahiga na siya sa malambot niyang kama.Habang nakahiga siya biglang sumagi sa isipan niya ang mga sinabi ni Cassy sa kanya.
“Cassandra,hwag mong sabihin magpapadala ka sa solsol ng kapatid mong yon! “Sabay pakawala niya ng isang malalim na buntong hininga.
Sa dami ng mga nakakatuwang pangyayari ang sumagi sa isipan niya.Hindi tuloy niya maiwasan sawayin ang sariling isipan. Paano ba naman umabot na sa puntong halos hinuhubaran na niya sa isipan ang bilyonaryong binatang si Nasher. Dahil sa mga nakakatuwang imahinasyon na sumasagi sa makasalang isipan niya.Maya-maya pa bigla na lamang niya sinampal ang sarili niya , ng matauhan siya sa katotohang nasa realidad na mundo siya.
“Hay! makatulog na nga lang.Baka mamaya kung saan-saan na umabot itong mga imahinasyon ko.”saab niya bago ipinikit ang dalawang mata.
Kinaumagahan sa paggising niya,agad siyang bumagon at naglinis ng katawan.Nang makaligo na siya at natiyak sa sariling prisentable na siya sa paningin ng ib,mabilis siyang lumabas sa silid niya at masayang tinungo ang kusina ng kanilang tahanan.Nang marating niya ito.
“Good morning ate!”magiliw at masayang bati ni Cassy, sa kanya.
Subalit nagkunwari siyang wala siyang naririnig mula dito.Ang buong akala niya manahimik na ang kapatid niyang ito ,kung sakaling hindi niya bigyan ng kahit kunting pansin ito.Subalit nagkakamali siya,dahil habang nagtitimpla siya ng kape niya bigla na lamang nagsalita ito.
“So ate,kamusta ang paghihimahinasyon mo sa binatang Fabillion? Masarap ba?” sunod -sunod na mapang asar na tanong ng kapatid niya sa kanya.
Nanlalaki mga mata niyang tiningnan si Cassy, sinubukan niya itong sawayin sa mahinahong tuno.Ngunit tila pinagkakatuwaan talaga siya ng dalagita. Kaya ganoon na lamang ang inis niya sa kapatid niyang ito.
“Cassy,tumigil kana! hindi ako natutuwa sa mga lumalabas sa bibig mong yan.”Sabay tikim sa kapeng tinipla niya.
Nang tama sa panlasa niya ang tiniplang kape para sa sarili.Naisipin niyang maari na niya itong dahan-dahanin na higupin. Pagkahigop niya ng kape biglang nagwika ang kababatang kapatid niya .
“Ate,hindi kana teenager tulad ko! para mailang ka pa sa ganitong mga usapin.Maliban na lang kung berhin ka pang tulad ko.
Nang marinig niya ang sinabi nito,bigla niyang naibuga ang kapeng kakahigop lamang niya.Napamura din siya ng ilang beses dahil ang ibang kapeng nilagok niya pumasok sa ilong niya na hindi niya malaman kung paanong nangyari.
“s**t! wala ka ba talagang balak na tatantanan ako? Hwag mong hintayin na isumbong pa kita kay mama.Akala mo talaga siguro wala akong alam sa mga kalukuhang ginawaga mo ? Ipaaalala ko lang saiyo Cassy,kung sakaling nakalimot ka isa ako sa pinakamagaling sa trabahong mayroon ako ngayon.”mahina saad niya,habang mayroong pagbabanta na mga ngiti sa labi.
Napatahimik ang kapatid niyang ito sa mga sinabi niya dito.Kita niya rin ang biglang pagbago ng ekspresyon ng mukha ng kapatid niya. Kung baga sa masayahin at mapang -asar nitong ngiti napalitan ito ng takot at kabadong ekspresyon.Kaya ganoon na lamang ang galak na nararamdaman niya ng makitang nanahimik ito ng bahagya.
“Ito naman ang ate,hindi mabiro! nilalambing lang naman kita.Isa pa hindi ko nakakalimutan isa ka sa pinakamagaling sa NBI Officer.Kaya nga proud na proud akong ikaw ang naging ate ko! pero wala akong alam sa mga sinasabi mong kalukuhan na ginagawa ko.”tugon ni Cassy, sa kanya.
Sa gitna ng kanilang pag uusap,biglang nakisali ang ina nilang kakalapit lamang sa kanilang kinaroroonan.Nang marinig ng kapatid niya ang boses ng kanilang ina,halos maging kulay ispasol ang kulay ng mukha nito.
“Ang aga-aga nagbabangayan na naman kayong magkapatid! kailangan n’yo na talaga siguro maghiwalay.Kaya Cassandra,dahil sa ikaw ang panganay maghanap ka na ng mapapangasawa mo.Nang mabigyan mo na rin kami ng ama mo ng apo.Hindi maaring hindi anak, dahil sayang ang magandang lahi natin.
“Mama,kung sabik kayong magka- apo, baka hindi ako ang unang makakapagbigay nito sa inyo ni papa.
“Ano ang ibig mong sabihin anak?nalilitong taong ng ina,niya sa kanya.
“ Malay po natin baka ang bunsong kapatid ko pa ang unang makabigay sa inyo ng apong hinihiling ninyo!” Sabay tingin sa kapatid at tinanong niya ito,” Hindi ba little sis?
“Sinasabi mo bang may kasintahan ang kapatid mo?
Dahil sa tanong ng ina,niya sa kanya.Nakita niyang napalunok ng sariling laway ang kapatid niyang ito.Dahil sa nakita niya nakaramdam siya ng kunsinsya sa mga ginawa niya laban dito.
“Wala po akong sinasabing may kasintahan na ang kapatid ko mama.Ang ibig kong iparating sa inyo hindi lang ako ang nag iisang anak na maaring magbigay ng apo sa inyo ni papa.
Nang marinig ng kapatid niya ang mga tinugon niya sa kanilang ina,kita niyang napangiti ito sa kanya.Nabasa niya rin mula sa labi nito ang salitang pasasalamat, dahil sa hindi niya sinumbong ito sa kanilang ina.
“Kinabahan ako sa mga sinabi mo anak. Iniisip ko talaga ng sabihin mo iyon sa akin,may nilihim na karelasyon ang kapatid mo sa atin.
Matapos iyon sabihin ng kanilang ina,nagpaalam na siya sa mga ito,na kailangan na niyang umalis.Isang oras ang lumipas narating niya ang opisina ng NBI na nakalokasyon sa Makati city. Agad siyang pumasok sa kanilang building.Pagkapasok na pagkapasok niya agad siyang sinalubong ng isang matangkad at gwapong lalake, tinitigan niya ito ng husto,hanggang sa makilala niya ito.
“Are you done fantasizing about me in your mind?” tanong ng lalaking kaharap niya sa baritonong boses.
Dahil sa sinabi ng kaharap niya sa kanya tumagsing ang tenga niya sa mga nariniya niya mula dito.walang ano-anung tinaasan niya ito ng kilay.Nang akmang magsasalita siya,lumapit sa kanilang kinaroroonan si Colonel,Fabillion na siyang tiyuhin ng lalaking nasa harapan niya.