“Hwag mo akong maliitin Mr,Fabillion,kayang-kaya kitang itumba sa isang suntok ko lang.”saad niya dito at walang ingat na binitawan ang kuwelyo nito.
“Oh really? Paano kung sabihin ko saiyong hindi ako naniniwala?
Nang marinig ni Cassandra,ang sinabi nito sa kanya,agad niyang binigyan ng halimbawa ang bilyonaryong lalake. Mabilis niyang pinakita ang mga kaya niyang gawin dito.Ngunit sinigurado niyang hindi niya ito masaktan ng sobra. Ang nakakahanga sa ginawa niya ,yong si Nasher,ang ginawa niyang punching bag,hindi ang ibang taong naroon. Alam agad niyang wala ito masyadong alam sa kahit anong physial na kumbati. Napansin niya agad ito basi sa kinikilos ng lalake. Dahil ng akmang sugurin na niya ito,nakitaan niya ito ng takot at pangamba. Pagkatapos niyang maipakita ang kakayahan niya dito.
“You don't need to pretend in front of me that you are a brave person, because I know you are not.”saad niya dito.
Sinabi niya ang mga katagan ito ,dahil batid niya sa kanyang sarili na napahanga niya ito. Sa isip-isip pa niya maaring hindi na siya maliitin nito,dahil nakita na nito ang kaya niyang gawin. Iyon ang maling akala niya.
“Did you really think I was impressed by what you showed? Well, I'll tell you straight from your face that you don't!
“I don't care about your impression Mr Fabillion, because I don't want to be your bodyguard,even in my dreams. Sa ugali mong yan, sahalip maging taga-pagligtas mo ako, baka ako pa ang maghatid sa mga sindikatong nais kumuha saiyo.”halos pabulong niyang saad dito.
What did you say?”gigil nitong saad sa kanya.
“May sinabi ba ako?” pagkukunwari niyang tugon dito.
“ Kung tama ang pagkarinig ko sa mga sinabi mo,hindi ako nagkamali sa pagkilatis saiyo. Kung sa bagay kayong mahihirap palaging umaasa sa mga ilegal na gawain. Siguro binubuhay at pinapakain mo sa maling paraan ang mga mahal mo sa buhay.”Pang iinsulto nito sa kanya.
“Excuse me Mr .Fabillion, hindi man kami kasing yaman mo subalit pinalaki kami ng mga magulang namin na may respito at takot sa diyos.
“Alam n’yo hindi matapos-tapos ang bangayan ninyong dalawa,kung walang nais magpatalo sa inyo. “Sabay tingin ni Colonel, Fabillion sa mga ito,bago muling nagsalita.” Tumigil na kayo. Lalong lalo kana Nasher. Alalahanin mong ikaw ang nangangailangan ng tulong niya hindi siya. Kaya itrato mo siya ng maayos at kagalang-galang sa paningin ng mga taong nakapligid saiyo. Sapagkat hindi lamang siyang pipitsuging officer sa opisinang ito.Dapat mo siyang hangaan dahil bukod sa magandang babae ito,isa din siya sa pinakamagaling na officer sa opisinang ito.
Nang marinig ang sinabi ng kanyang tiyuhin,madiin nitong hindi sinang-ayunan ito.
“I have enough money to pay to get a good bodyguard. After all I can very well afford to pay just one person. Kahit ano pang sabihin mo uncle Gaspar,babae parin siya. Kung baga mahinang klase at lampa higit sa lahat hindi maaring pagkatiwalaan.
“Sinasabi mo ba Nasher, wala kang tiwala sa akin?
“That's not what I mean uncle. You know yourself
that you are one of the people I trust the most.
“Pero bakit parang hindi iyon ang nakikita ko ngayon? Kung totoong pinagkakatiwalaan mo ako,alam mo dapat sa sarili mong hindi kita ipapahamak. Sana hindi ko na kailangang ibaba ang pride kong pakiusapan si Officer Romasanta, na maging personal bodygaurd mo, nang masigurado ko ang kaligtasan mo hijo.
“She's a woman uncle, you know I really don't like a female guards.
“Yes, she is a woman but she is one of the best and most trusted NBI Agent in our government. Kaya nga siya agad ang naisip kong kuhanin para mapangalagaan ko ang pangkaligtasan mo. Hijo,hwag mo siyang ihalintulad kay Denice,dahil ibang iba ito sa babaeng yon.
“ Okay fine, I'll give her a chance, even against my will. Ngunit sa oras na hindi ko nagustuhan ang serbisyo niya maari ko siyang alisin bilang personal bodygaurd ko.
Nang marinig ng tiyuhin , ang sinabi niya,tiningna siya nito ng nakangiti.Kaya ganoon na lamang ang pagtataka niya kung bakit ganoon na lamang ang tiwala nito sa babaeng officer na nasa gitna nila. Napapa isip tuloy siya ,kung ganon talaga kagaling ang babaeng ito, para hangaan ito ng tiyuhin niyang Colonel. Maya-maya binalingan ng tiyuhin niya ang officer na pinagtanggol nito laban sa kanya.
“Officer Romasanta, can we talk privately?”saad ng tiyuhin niya dito.
“Yes sir!’tugon naman nito sa kanyang tiyuhin,sabay salot tanda ng paggalang dito.
Nang marinig ng tiyuhin niya,ang itinugon nito sa kanya dahan-dahan na silang humakbang patungo sa pribadong ispasyo kung saan ang opisina ng Colonel na tiyuhin. Ang buong akala niya ,ang tiyuhin niya lang at ang babaeng yon ang mag uusap.Ngunit nagkamali siya dahil sabay siyang nilingon ng mga ito.
“Nasher,ano pa ang tinatayo-tayo mo diyan? Sumabay kana sa amin ng makapag usap tayo ng pribado.
Nang marinig niya ang sinabi ng tiyuhin, labag ma sa loob niya minabuti niyang sumunod sa mga ito.
Nagbuntong hinga muna siya bago nagsalita “kailangan ba talaga nitong makiusap sa babaeng yon? “saad niya sa kanya isipan.
Kalaunan sabay-sabay nilang narating ang pribadong opisina ng tiyuhin. Agad siyang sininyasan ni Colonel Gaspar na umupo sa upuang malapit sa kanilang dalawa ng dalaga. Hindi na siya nagmatigas dito sahalip sinunod niya kung ano ang gustong mangyari nito. Nang makaupo na silang lahat,nagsimulang magsalita ang tiyuhin niya,para hikayatin ang babaeng officer na nakasagutan niya kanina. Hindi siya nakigulo sa usapan ng mga ito, minabuti niyang manahimik na muna sa tabi at makinig sa usapan.
“I need your skill and ability, officer Romasanta, to protect the safety of my nephew who is in front of you now. It is not a command from the one who is above you. Think of it as a request from a father or a loving uncle. “malumanay na saad ng Colonel dito.
“I love my job Colonel,Fabillion. It never crossed my mind to be the personal bodyguard of a self-conceited and self-righteous billionaire.Sa tingin ko po hindi kailangan ng pamangkin mo ng taga pagbantay. Sa mga pinapakita niyang kilos,tingin ko kayang kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya sa mga sindikatong nais manakit sa kanya.
“I apologize for the rude behavior he showed towards you earlier. Alam kong huli na ang paghingi kong ito,pero sana tanggapin mo parin.
Nakakaramdam na si Nasher,ng pagkainip sa silid na iyon. Naiinis na rin siya sa officer na kausap ng kanyang tiyuhin. Sa loob loob niya sino ba ang babaeng ito,para pahirapan nito ang isang Colonel, Fabillion. Kung tutuusin dapat matuwa at magpasalamat ito sa kanyang unle ,dahil nakuha nito ang respito at pahanga ng kanyang tiyuhin. Maya-maya pa.
“Alam kong mahal mo ang propesyon mo ,kaya mayroon akong magandang alok saiyo,na hindi matatanggihan ng kahit sino.”Sabay abot ng envelop sa dalaga.
Tiningnan ni Cassandra,ang laman ng envelop na inabot sa kanya. Nanlalaki ang mabilog niyang mga mata ng makita niyang isang recommedation paper iyon para sa posisyong pagka Major, na mayroong pirma ni Colonel Fabillion.
“Hindi naman lingid sa kaalaman mo, hindi mapopromote ang officer na tulad mo sa mas mataas na posisyon, kung walang recommendation na nanggagaling sa akin o sa ibang may mataas na katungkulang tulad ko. Sayang! isa ka pa naman sa mga napipisil na mga opisyales na mapromote bilang Major. Kailangan mo ang recommendation ko Officer Romasanta,dahil tiyak akong may bayaran o suhulan na mangyayari sa ibang mga opisyales. Pag isipan mo ang alok ko. At kung nakapagpasya kana maari mo akong puntahan sa opisan kong ito,para mapag usapan natin ang ibang detalye. Hwag mong isiping minamaliit ko ang kakayahan mo,dahil hindi.
Walang kahit anong salita ang lumabas sa bibig ni Cassandra, maaring nakakainsulto ang sinabi ng Colonel, pero may katotohanan ang lahat ng mga sinabi nito sa kanya.
“Uncle, bakit n’yo ba siya pinipilit? Kung ayaw niya sa alok mo hwag na natin pilitin. Marami pa namang mas magaling sa kanya, ikaw na ang may sabi kanina isa lang siya sa pinakamagaling. Ang ibig sabihin may pagpipilian pa tayo.”Iretabling saad nito sa tiyuhin.
“Nasher!”bigkas ng pangalan nito ng kanyang tiyuhin.
Maya-maya pa muling nagsalita ang tiyuhin nito,subalit ang dalagang officer ang kinausap.
“Maari ka ng lumabas officer Romasanta.
Nang marinig ni Cassandra ang sinabi ng Colonel,agad siyang tumayo at nagbigay ng salute dito. Nang makahakbang na siya ng ilang hakbang palabas, napatigil siya ng may nagsalita mula sa kanyang likuran.