“Panatilihin mong ilihim sa iba ang mga pinag-usapan nating ito. May tiwala ako saiyo officer Romasanta, alam kong hindi mo ako bibiguin sa pakiusap kong ito.
Matapos marinig ni Cassandra ang sinabi ng kanilang Colonel,tuluyan na niyang nilisan ang pribadong opisinang iyon. Hindi man siya nagbitiw ng kahit anong salita bago lumabs ng pintuan na iyon, ngunit tiniyak niya sa sariling iilihim niya ang kanilang pinag -usapan. Nang makalabas na siya,naririnig pa niya sa kinatatayuan niya ang pinag uusapan ng magtiyuhing nasa loob ng opisina. Dahil sa wala sa dugo niya ang pagka-marites, tulad ng iba minabuti niyang baliwalain o ipalabas sa kabilang tenga ang mga narinig niya mula sa pinag-uusapan ng mga ito. Nagpasya siyang pumunta sa sarili opisina. Gusto niyang pag isipan ng mabuti ang alok sa kanya ni Colonel Fabillion. Nang marating niya ang sariling opisina, agad siyang umupo sa kanyang revolving chair. Dahan-dahan niyang inikot-ikot ito na para siyang inuugoy ng upuang iyon. Maya-maya pa ng nakaramdam siya ng kunting hilo dinampot niya ang ballpen na nakapatong sa kanyang mesa at marahan na nilagay sa sa labi niya. Habang kagat-kagat niya ito,bigla na lamang bumukas ang pintuan ng kanyang opisina. Iniluwa ng pintuan niyang iyon ang binatang bilyonaro. Kaya mataray niya itong tinanong habang nakataas ang dalawang kilay nito. Naiinis kasi siya tuwing sumasagi sa isipan niyang minamaliit ng lalaking ito ang kakayahan niya.
“What can I do for you Mr. Fabillion?”tanong niya sa mapangas na lalaking pumasok sa kanyang pribado opisina, na hindi man lang kumatok bago pumasok.
“Napapaisip ako,kung bakit ganoon na lamang ang tiwala ng tiyuhin ko saiyo. Iyong tipong sigurdong sigurado siyang maprotektahan mo ako sa kahit anong kapahamakan.
“ The Colonel wants to convey to you that I am good and reliable in all my undertakings specially in my line of work. Ngayon kung pumarito ka sa opisina ko para masagot ang mga katanungan mong yan,maari ka ng lumabas dahil sinagot ko na.
“How much do you want to be paid for your service? I'll pay you double if that's the only way I can get you to agree. Oh common , I wouldn't hesitate to give it to you. Name you price.”nakangiting saad nito sa kanya,habang may inis na pinipigilang makawala.
“Hindi ako makapaniwalang ganoon ka pala ka despiradong makuha ang serbisyo ko. Dahil ang huling narinig ko sa bibig mo, bago ako lumabas sa opisina ni Colonel,Fabillion hindi ako mapagkakatiwalaan. Pero bakit narito ka sa harapan ko ngayon? Tila isang batang nagsusumamong tanggapin ko ang alok mo. Pakiram dam ko tuloy para kang paslit na takot na takot na maiwan sa kawalan.
“If you think I'm doing this because I'm afraid of the dangers that threaten me, you're wrong. Ginawa ko lang ito sa utos ng tiyuhin ko, dahil malaki ang tiwala niyang maprotektahan mo ako.
“Kahit ano pa ang sabihin mo Mr .Fabillion, hindi ko tatanggapin ang alok mo. Kung ako saiyo hindi na ako magsayang ng laway dahil mas pipiliin ko ang lumabas sa opisinang ito.
Nag marinig ni Nasher,ang mga tinuran ng dalaga mahinahon niyang sinagot ito. Ngunit sinigurado niyang nakangiti siya na may kasamang pang aasar dito.
“Alam mo hindi ko maintindihan kung bakit ayaw mong tanggapin ang magandang alok ng tiyuhin ko saiyo,samantalang napakagandang opportunity na ito sa isang tulad mo. Oh baka naman natatakot ka lang na hindi mo ako maprotektahan tulad ng inaasahan nito. Kung sa bagay kahit ako mapi-pressure din, ikaw ba naman hangaan ng isang tanyag na Colonel hindi ba? Magdadalawang isip talaga akong tanggapin ito dahil maaring mabigo ko siya.” may halong pang uyam nitong saad sa kanya.
Nang marinig ni Cassandara ang sinabi nito , batid niyang may kasamang pang iinsulto ang mga pinahayag nito laban sa kanya. Gusto man niyang patulan ito, ngunit mas pinili niyang pakalmahin ang sarili , upang hindi siyang mapaghalata ng lalaking naapektuhan siya sa mga sinabi nito sa kanya. Kaya napagpasyahan niyang barahin na lamang ito nang hindi maisipan nitong maaring tama ang mga iniisip nitong paratang sa kanya.
“ Alam mo Mr . Fabillion, kaysa sayangin mo ang oras mo sa akin,mabuti pa sigurong ituon mo na lamang ang oras mo sa paghahanap ng bago mong bodyguard.
Pagkasabi na pagkasabi niya ng mga katagang ito kita niya kung paano nagbago ang ekspresyon ng binatang kausap. Alam niyang kanina pa ito nagpipigil ng inis at galit na nararamdaman sa sa kanya. Anong magagawa niya sa ayaw niyang maging tagapagbantay ng isang arroganteng ito. Sa loob loob pa niya bakit niya ipagpalit ang maganda niyang propesyon sa pagiging body guard ng damuhong iyon. Bahagya siyang napatigil sa pag iisip ng marinig niyang nagsalita ito.
“You're right, maybe it's better to find someone else than to waste my time on someone who pretends to be a man, even though he's not.”saad nito sa kanya,sabay talikod habang mayroong mga ngiting nakakainis sa mata ng dalaga.
Inis na inis si Cassandra, ng marinig niya ang mga sinabi nito laban sa kanya. Nais niya sanang tumugon sa lalaking ito paras sabihin sa pagmumukhan nito na hindi siya tomboy tulad ng iniisip nito. Aminado siya sa sarili niyang hindi siya babaeng -babae mananamit. Ang Ibig sabihin hindi siya tulad ng ibang kababaihan, labas pusod kung magsuot ng damit, ultimo ang mga dapat itago nilalatad na nila tulad ng dibdib o papaya kung tawagin ng iba. Alam niya sa sarili niya babaeng babae siya,dahil attracted siya sa mga lalake, tulad na lamang sa binatang si Nasher. Hindi niya tinatanggi na nagagwapuhan at nakikisigan siya dito, kaya lang ang dating ng binatang bilyonaryo sa kanya ay hindi mayabang, mapagmataas, walang respito sa kababaihan.
Nang makita niyang palabas na ito sa kanyang opisina. Hindi niya ito pinigilan sahalip ikinatuwa pa niyang makitang kusa na itong lumabas. Hinayaan niyang lisanin nito ang pribadong opisina niya,upang makapag-isip siya ng maayos sa alok sa kanya ng Colonel. Matagal-tagal na rin niyang hinangad na mapromote siya sa mataas na antas ng katungkulan.
“Hay mabuti naman umalis na ang damuhong iyon,”saad niya sa kanyang isipan.
Gustong-gusto n’ya rin talagang mawala na sa harapan niya ang arroganteng lalaking yon. Pakiramdam niya maaring sasabog na siya ano mang oras sa inis at galit dito kung hindi pa ito aalis sa kanyang harapan. Nang mawala na ito sa opisina niya doon siya nakahinga ng maluwag. Kung baga nawala ang masamang hanging nalalanghap niya ng naroon ang binatang bilyonaryo.
“Bwesit na lalaking yon. Palibhasang may gintong kutsarang sinusubo sa bibig nito ng isinilang,”muling saad niyang sa kanyang isipan.
Dahil na stress si Cassandra,sa binatang bilyonaryo naisipan niyang lumabas sa kanyang opisina upang bumlili ng kape.Hindi pa niya narating ang pintuang palabas ng kanilang building, natanaw niya si Nasher .Fontabilla,mula sa kinatatayuan niya. Sahlip na bibili siya ng kapeng inaasam nagpasya na lamang siyang bumalik sa kanyang opisina. Nang nakahakbang na siya patalikod,mayroong tumawag sa pangalan niya.
“Officer Cassandra!,” tawag sa kanya ng kapwa niya NBI officer.
Noong una nagkunwari siyang walang naririnig,subalit ng muling banggitin ang pangalan niya napilitan siyang lumingon dito. Pagkalingon na pagkalingon niya nagtama ang tingin nila ng binatang pilit niyang iniiwasan. Hindi niya tuloy mapigilan na mainis ng bahagya sa katrabhong tumawag sa kanya na si Khalil, Alejandro. Opss hindi niya lang pala ito basta-bastang katrabaho dahil manliligaw niya rin ito. Sa loob loob niya napakamalas niya sa araw na ito,dahil sa dinamidami ba namang tao sa loob ng kanilang building ,si Nasher pa ang kausap ng katrabaho o manliligaw niyang kinaiinisan niya din.
“Hay! bakit mo naman pinagsabay ang dalawang damuhong ito papa God. Alam n’yo naman pong matagal ko ng iniiwasan ang katrabho kong si Khalil,dahil hindi ko kayang sabayan ang kahambogan sa katawan. Ang mas malala po sa ginawa ninyo pinagsama n’yo silang dalawa sa isang lugar at pagkakataon. Paano ko po sila pakikitunguhan kung sabay-sabay na aandar ang kayabangan nila laban sa akin?” tanong niya sa taga paglikha sa kanyang isipan.
Maya-maya ng makalapit na siya sa mga ito muling nagsalita ang lalaking katrabaho. Naiinis man siya dito subalit pinakitunguhan at kinausap niya ito ng mabuti.
“ Iniiwasan mo yata ako second Lieutenant Romasanta?
“Pasensiya kana Khalil, abala lang talaga ako sa mga trabahong kailangan kong tapusin. Alam mo naman kung anong trabahong pinasok natin diba? Kailangan natin busisihin ng mabuti ang mga ibedinsiyang nakalap sa bawat kasong hinahawakan natin.
“Kailangan mo ba ng tulong? Sabihin mo lang dahil hindi ako magdadalawang isip na tulungan ka.
“Hwag na. Alam kong may mga trabahong nakatukang saiyo,nakakahiya naman kung abalahin pa kita.
“Basta para saiyo Cassandra,palaging maluwang ang oras ko.
Pagkatapos iyon sabihin ng katrabaho niya sa kanya,napatikhim ang binatang bilyonaryong kanina pa nakikinig sa usapan nila.
Tumikhin muli ito bago nagwika,” mukhang may namumuong bagyo sa araw na ito.
“Ayon sa ulat na napakinggan ko kaninang umaga,walang masamang panahong nanamumuo sa araw na ito.”tugon ni Khalil dito.
“Oh really?’nakapamulsang saad nito dito.
Nakita ni Cassandra, tumango ang katrabaho niyang si Khalil , Alejandro,ng marinig ang sinabi ni Mr Fabillion,dito. Subalit na kitaan niya ito na di gusto ang mga narinig mula sa binatang bilyonaryo. Walang ano-anu tumugon ito.
“Maliban na lang kung ibang bagyo ang tinutukoy mo?
“Alam mo Mr .Alejandro,walang ibang ibig sabihin ang sinabi kong iyon. Kung binigyan mo ito ng ibang kahulugan hindi ko na ksalanan.
“ Good!, because even though you're Colonel Fabillion's nephew, I won't back down if you want trouble,”matapang at sinserong saad ni Khalil. Maya-maya pa muli itong nagsalita sa mahina at mahinahong boses,ngunit may ngiti sa labi na nakakasar
“Don't think too much of what I said Mr. Fabillion, I'm just kidding. As you said earlier, those words have no other meaning.
Nang marinig ni Cassandara,ang mga sinabi ng katrabaho n’ya laban sa bilyonaryong binata, nabahala siya dito.Subalit nanatili siyang nakaantabay sa susunod na maaring mangyayari.
“ I have never been hurt by a barking dog. So don't worry Mr. Alejandro, because I have no intention of beating you just because you barked at me. You know where I'm scared?
Hindi na hinintay ni Nasher,ang itutugon ng kausap,dahil agad niyang sinabi kung saan siya takot.
“ from the bite of a dog with rabies. Ngayon kung hanggang pagtahol lang naman ang kaya mong gawin hindi mo ako masisindak.
Nang sabihi iyon ni Nasher kay Mr Alejandro, walang ano- ano siyang kinuwelyuhan ng lalaking NBI officer. Ganoon na lamang ang pagkabigla ni Cassandra, ng makita niyang hawak-hawak na ng katrabaho niya ang kuwelyo ni Mr .Fabillion. Alam niyang nagkakapikonan na ang dalawang ito dahil sa mga salitang binitawan nila sa isa’t isa. Sa isip-isip niya mukhang magkakaroon ng isang magandang laban sa harapan niya at sa ibang taong maaring makakakita sa kaganapan na ito.
“Alam kong ubod ka ng yaman, ngunit lingid sa kaalaman ko mayaman ka din pala sa yabang at hangin sa katawan.
Ngumisi ang binatang bilyonaryo ng marinig ang sinabi ng kaharap nito. Subalit ang mga ngiti nito ibang iba sa mga nakitang ngiti ni Cassandra, kaya inihanda niya ang sarili sa gagawing pagsugod nito sa katrabaho niya. Gusto niyang makita kung wala ba talagang kakayahan ang lalake tulad ng obserbasyon niya ng sinubukan niya ito kanina. Natuod siya sa kinatatayuan niya ng masilayang nag iinit na ang mga ito. Nagsigawan ang ibang officer na atat makinood sa kumbating mangyayari. Ang ibang naroroon ay nagkakayaan ng pustahan kung sino sa dalawa ang mananalo. Makakarinig ka ng hiyawan at tawanan sa paligid,dahil kanya-kanyang manok ang mga ito. Nakisali si Cassandra, sa pustahang nangyayari,subalit nanatili siyang tahimik at nakamasid. Nang makitang matatalo na ang binatang pinustahan walang ano-anong sinigaw niya ang pangalan nito.