Matapos niyang pinangalanlandakan sa mga naroon kung sino ang manok niya itinuon niya ang paningin sa manliligaw na katrabaho. Sa isip isip niya hindi naman siguro narinig ni Mr .Fabillion ang pagsigaw niya ng pangalan nito. Ayaw niyang magtama ang paningin nila ng biyonaryo,dahil nahihiya siya sa inasal niya ngayon. Sa gitna ng bunuan na pinapanood nila bigla silang nagtayuan ng tuwid sa kanilang kinatatayuan ng marinig nila ng sabay-sabay ang pamilyar na galit na boses.
“Anong nangyayari dito? hindi ba kayo nahihiya sa inyong ginagawa? itinuturing pa naman tayo ng taong bayan na tagapagligtas,pero kung umasta kayo tila nasa isang sabungan.” Galit na galit na lumapit si Colonel Fabilion sa mga ito,habang sinasabi ang mga salitang ito.
Sabay-sabay silang nagbigay ng saludo dito, subalit nanatili silang lahat sa kanilang pwesto. Dahan-dahan din silang nagdikit-dikit upang matakpan ang nagaganap na kumbati sa kanilang gitnang bahagi ang iba sa kanila ay gumagawa ng ingay dahil sa inal nilang ito. Tiningnan sila ng Colonel,na mayroong pagtataka sa mga mata.
“Anong meron? Bakit nakahanay kayo ng ganyan? Anong kalukuhan ang napagkasunduan ninyong gawin?” tanong ng Colonel sa mga ito.
Walang kahit ni isa sa mga ito ang naglakas loob na sumagot . Kaya muli nagsalita ang Colonel sa sa mga ito na may kasamang pagbabanta.
“Kung walang magsasalita kahit isa sa inyo lahat kao ay bibigyan ko ng mabigat na kaparusahan.
Nang marinig nila ang sinabi ng kanilang Colonel,dahan-dahan silang gumawa ng ispasyo para masilayan ang kaganapan na pilit nilang tinatakpan. Ganoon na lamang ang pagkagulat ni Colonel Fabillion,ng makitang nakikipagbuno ang pamangkin sa isa sa mga agent na kanyang hawak. Walang ano anung binulyawan ang lahat ng agent na naroon,lalong lalo na ang mga agent na nakatayo sa kanyang harapan. Subalit bahagya siyang napatahik ng makitang kabilang sa mga ito si officer Romasanta, na nakikinood o baka pati sa pustahang nagaganap ay kasali din ito. Daha-dahang lumapit ito sa dalagang officer habang ang dalawang kamay ng Colonel na nakatago sa likurang bahagi.
“I was dissapointed when I saw that you were one of the creazy people who just watched and bet my nephew against your fellow NBI Agent. I thought you were the person I could trust with my nephew’s safety,but I guess I was wrong.
Pagkatapos sabihin iyon ng Colonel sa dalaga, muli itong nagsalita sa maoturidad na boses,binanggit ang bawat apilyedo ng dalawang binatang patuloy nagsusukatan ng kanilang kakayahan. Nang marinig ng mga ito ang galit at maoturidad na boses ng Colonel, napalingon sila pareho kung saang deriksyon nanggaling ang boses na iyon. Kapwa nilang binitawan ang mahigpit nilang hawak sa isa’ isa kung anong parte man ng katawan o suot ang hawak nila paerho. Pinagpagan nila ang bawat isa nang maalis nila ang duming kumapit sa kanilang kasuotan, kung titingnan tuloy parang walang nangyaring labanan sa kanilang pagitan. Pagkatapos nilang pagpagan ang isa’t isa sabay silang lumapit sa galit na mukha ng Colonel.
“Uncle kanina ka pa diyan? “tanong niya sa tiyuhin,habang minamasahe ang magkabilangang mga kamay
Nang hindi sumagot ang tiyuhin sa tanong niya , muli siyang nag wika habang nakapamulsa sa suot nitong brown long pants .
“You should have arrived a few minutes earlier so you could have seen the new game we both played of officer Alejandro.
Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon sa tiyuhin, sinagunsunan din ito ng katiwali niyang si officer Alejandro.
“ Totoo po ang sinabi ni Mr .Fabillion, sa inyo Colonel. Kung napaaga sana ang pagdating ninyo ng ilang minuto nasaksihan ninyo ang larong pareho naming nilaro.
“ You two, don’t try to put me in each of your pocket because im not new to the nonsense you do.”saad ng Colonel sa kanilang dalawa, bago binaling ang paningin sa ibang mga officer na naroon. “ All of you give me 1000 push up at the same time. Time will start now.” mautoridad na utos ni Colonel, sa mga officer na naroon.
Sabay sabay nagsidapaan ang mga officer na naroon, kabilang na sina Officer Romasanta at Alejandro, sa mga nag push up. Samantalan ang binatang bilyonaryo ay nanatiling nakatayo at nakatingin sa mga ito. Pagkadismaya at panghihinayang ang nakikita ni Cassandra sa mga mukha ng mga katrabaho. Samantalang kabaligtaran naman ang nakita niya sa maamong mukha ng binatang Fabillion. Sahalip na makitaan niya ito ng malungkot na ekspresyon dahil naparushan sila ng tiyuhin nito malapad at mapang-uyam na ngiti ang nasilayan niya sa labi ng lalaking ito. Sa loob oob niya sinayang lang niya ang boses sa kakasigaw ng pangalan nito, nang nakita niyang maaring matalo na ito ng kapwa officer niya. Ilang segundo pa ang nagdaan dahan-dahan ng humakbang si Nasher, patungo sa pintuang palabas ng building na iyon.
Lumipas ang dalawang oras napagtagumpayan nilang matapos ang parusang ipinataw ng kanilang Colonel, pagod at gutom ang naramdaman nila ng mabuo ang tig iisang libong push-up. Kahit may iniinda silang pagod at gutom hindi nila maiwasan pagkatuwaang pag usapan ang mga nangyari sa kanila.
“ Hamakin mo Officer Romasanta , may ibubuga pala ang binatang bilyonaryo pagdating sa pakikipaglaban. Kaya siguro hindi siya madaling makuha-kuha ng mga sindikatong gustong kumuha sa kanya.” saad ng isa sa mga ktrabaho niya.
“ Haist…. sinuwerte lang siya dahil pamangkin siya ng ating Colonel. Kung nagkataong hindi mata lang niya ang walang latay sa laban namin kanina,” sabat naman ni Khalil sa usapan.
“Officer Alejandro, halata namang nagpipigil din ang binatang yon. Natitiyak kung hindi may taglay itong galing sa pakikipaglaban,dahil kung wala matagal na sana siyang nakuha ng mga sindikatong humahabol dito.
“ Kahit sino hindi mapapahamak kung isang katutak palagi ang tagapagbantay na dala-dala. Kung wala lang sana ito tiyuhin na Colonel, tiniyak ko sanang isang linggo itong hindi makakalakad pagkatapos ng laban namin kanina,” mayabang na wika ni Khalil.
“ Anong sa tingin mo officer Romasanata? Siguro naman may sarili kang obserbasyon mayamang binatang yon.” saad muli ng katrabo niyang si Mio sa kanya.
“Alam n’yo hindi ako interesado sa lalaking yon, kaya kung maari bilisan na nating maglakad para makapamili na tayo ng maari nating makain? Dahil gutom na gutom na ako.”tugon niya.
Hindi niya alam kung ano ang itutugon sa tanong ng katrabaho, kaya minabuti niyang ilihis sa pagkain ang usapan dahil kahit siya hindi alam kung ano ba talaga ang tinatagong kakayahan ng binatang bilyonaryo.
“ Bakit ba natin pinag uusapan ang lalaking yon? Hwag ninyong sabihing dalawa napahanga kayo ng damuhong yon?
“Oh C,mon sweety sa tingin mo ba talaga mapapahanga ako sa mayabang na bilyonaryo na iyon? “ nakabusangot na saad at muling nagturan subalit may malalapad na itong mga ngiti,”Saiyo hindi ko itatangging hinahangaan kita ng labis sa taglay mong galing at ganda, kulang na nga lang sambahin na kita , ngunit sa antipatikong bilyonaryong iyon hindi.” Pagmamatigas na di pagsang-ayon ni Officer Alejandro sa sinabi ng dalaga.
“Dahan-dahan naman officer Alejandro, baka mamaya niyan mabigla mo si second Lt Romasanta, sa pagpapahayag ng damdamin mo sa kanya. Hindi naman lingid sa kaalalam naming kapwa mo officer na matagal mo na siyang nililigawan, subalit hindi din ligid sa kaalaman namin hanggang ngayon bokya ka parin.” mapanuksong turan ni Mio, habang tumatawa sa may kalakasan na boses.
“Mio, ang panliligaw sa babae hindi minamadalai lalo na kung si Cassandra,ang babaeng iyon. Kaya kung maghintay kung kailan maging hinog ang bunga ng panliligaw ko.” turan muli ng manliligaw niya sa kanilang katrabaho.
“Sigurado ka ba diyan dude? Paano kung masungkit mo ang matamis na oo niya? paano kung maging mag asawa na kayo? Naisip mo ba kung paano kayo mag away? Ako habang iniisip ko nanginginig ang mga laman ko sa buong katawan. Sa lawak ba naman ng himahinasyon ko nahihimahinasyon kong kahit mansiyon ang itayo ninyong tirahan ay masisira parin,” napapailing na saad ni Mio.
“ Bakit mo naman naisip na mag-aaway kami?
“ Dude, lahat ng lalaking nag aasawa naghahanap ng ibang putahe. Paano kung nahuli ka ni Officer Romasanta? Naisip mo ba kung anong parusa ang ipapataw niya saiyo kung nagkataon?
Sasagot pa sana si Khalil sa mga pinahayag ng kanilang katrabaho ngunit hindi na naituloy ang sasabihin. Narinig nila ang pagtikhim ng dalagang kanilang pinag-uusapan.
“ Siguro naman hindi n’yo nakalimutan na kasama n’yo ako? Pero alam mo Officer Khalil, may punto ang sinasabi ng kaibigan natin. Kaya maghanap ka ng ibang babaeng liligawan mo, alam mo naman kung anong ginagawa ko sa mga lalaking manluluko hindi ba? ” saad ni Cassandra, bago tinulak papasok ang pintuan ng Starbucks.
Maya-maya umupo sila sa bakanteng upuan at mesa ng coffee shop na iyon habang hinihintay ang kanilang mga order.
“ Wala ba talaga akong puwang sa puso mo ? Hindi kita minamadali Cassandara, handa akong maghintay kung kailan ka maging handa.
“ I don’t want you to wait for me Khalil. Why don’t you try to open your heart for others. Im sure there are plenty women out there eating out their hearts for you.
“ But you are the only one in my heart and mind Cassandra. I tried many times to get you out of my mind but I always failed.
“ Because you let me stay there,” she pointed to the young lover’s chest and speak again softly,” I’ am not in a hurry to find someone else. If you want I can accompany you until you find the woman who will make you fall in love.
Tiningnan siya ng nakangiti ng binatang manliligaw sa mga sinabi niyang ito. Subalit kita niya sa mga mata ng katrabaho ang lungkot na bumabalot sa manliligaw niya. Gusto niya sanang aluhin ito subalit iniisip niya baka lalong lumalim ang pag-ibig ng binata sa kanya. Kaya minabuti niyang sinyasan ang kapwa nila kabigan na si Mio. Naunawaan naman ng kanilang kaibigan ang nais niyang iparating dito, kaya nagsalita ito ng mga nakakatawang mga bagay. Natapos ang araw ng tatlong magkatarabong magkakaibigan sa halong-halong imosyon.
Kinabukasan sa paggising ni Cassandra, nawindang siya ng madatnan niya ang maraming iba’t ibang kulay ng mga bulaklak sa loob ng kanilang sala. Sa isip isip niya malabong si Khalil ang nagpadali sa kanya ng mga iyon, dahil matiwasay ang usapan nila kahapon. Ngunit ang mas nagpawindang sa kanya nang makita niya ang binatang Fabillion, na nakatayo sa hindi kalayuan sa mga bulaklak na ito. Sa isip isip niya napakadespirado talaga nito na gagawin ang ganitong paraan makuha lang ang serbisyo niya. Subalit natigil siya sa mga nakakakilig na illusyon niya ng marinig ang sinabi nito. Nahiya siya sa sarili niya ng marinig ang mga tinuran ng bilyonaryong binata. Walang ano-anung sinaway ang sarili niya mula sa mga nakakahiyang mga ilusyon. Na siyang naging dahilan ng pagkapanalo ng binata sa pagkakataon na ito. Maya-maya pa muling nagsalita ang panauhin na iyon. Dahilan ng pagkainis niya ng husto. Gusto niyang pagbuntungan ng inis kung sino man ang taong nagpapasok dito sa lalaking ito sa kanilang tahanan.