Chapter 12

1571 Words
“ Do you know I’ve been wating for you to comeback? Nang makapasok siya sa loob ng bahay, gulat na gulat siya ng marinig ang galit na baritonong boses, na alam niya kung sino ang nagmamay-ari nito. Halos mapatalon siya sa kanyang kinatatayuan habang ang puso niya naman nais kumawala sa kanyang dibdib sa labis na kaba. Nahihiya man siyang aminin sa kanyang sarili na kinabahan siya pero iyon ang totoo niyang naramdaman sa ngayon. Hindi naman siguro masamang makaramdam siya ng takot at kaba hindi ba?” ito ang mga katanungan na nasa kanyang isipan. Hindi niya maunawaan kung bakit iba ang pakiramdam niya sa binatang kaharap niya ngayon. Kahit kabado at hindi kumportable sa titig nito minabuti niyang gumawa ng dahilan nang makawala siya sa nararamdaman niyang nakakapasong titig nito sa kanya. Sinagot niya ito sa matapang na tuno subalit sinugurado niyang hindi niya maapakan ang pride ng binata. “ Sinabi ko naman saiyo bago ako umalis, hindi ko alam kung ano ang oras ang balik ko . Naging abala lang talaga ako sa dati kong opisina. Pwede ba tigilan mo ako sa mga titig mong yan, alalahanin hindi mo ako tunay na kasintahan Mr. Fabillion. “ Liar, alam kong hindi ka galing doon. Alam mo bang may event akong dapat puntahan kanina? Subalit hindi ako nakapunta dahil wala ka. Gayong batid mo naman na hindi ako maaring lumabas sa tahanan na itong hindi ka kasama. “ Why didn’t you call me,”mahinahon niyang sagot. “ Oh really, why didn’t you check your phone. When you found out how many times I dialed your number,sarkastikong tugon nito sa kanya. Dali-dali niyang hinanap ang telepono niya ngunit hindi niya ito mahagilap sa bulsa ng suot niyang pants. Kaya sa halip na sagutin niya ang galit na binata, humingi na lamang siya ng paumanhin dito. “ Why don’t you throw away your phone, if it’s not useful? “Im sorry, hindi ko naalala ang telepono ko kung saan ko nailagay sa sobrang pagmamadali. “Gagawa ka na ngalang ng idadahilan mo, iyong hindi pa kapani-paniwala. Alam mo kahit paslit hindi kayang paniwalaan ang dahilan mong yan. “I'm telling the truth, now if you don't want to believe what I'm saying problema mo na yon. “ Are you sure, you are the one who is angry about what happened? That you are the one to blame for your negligence. Why don't you just admit that you prioritized flirting over your work. “mariing saad nito sa kanya,sabay talikod. Nang mawala na sa harapan niya ang binata, pinili niyang tumungo sa kanyang silid at pilit na inalala kung saan niya naiwan o nnalapag ang kanyang telepono. Dahil sa hindi niya maalala kung saan niya naiwan ito pinili niyang kuhanin ang kanyang loptap sa drawer at naghanap ng impormasyon tungkol sa pagbura ng hindi magandang alaala ng isang tao. Hindi siya nahirapan na makita ang kanyang hinahanap dahil lumabas agad sa screen ng laptop niya ang Programang binubuo ng mga neurologist na tinatawag na neurolinguistic programming. Ang mga eksperto sa larangan na ito ay tinutulungan ang mga taong hinihingi ang tulong nila upang makalimutan ang masalimuot na alala na nangyari sa sa kanilang mga buhay. Matapos niyang mabasa ang paksang iyon nabuhayan siya ng pag-asa na maaring maibalik ang ala-ala niyang napapanaginipan niya tuwing gabi kung sakali. Na siyang magbibigay ng kalinawan sa mga tanong sa kanyang isipan. Hindi siya halos makatulog sa kakaisip bakit kailangan alisin ng mga magulang niya ang mga ala-alang iyon. Sumagi na rin sa isipin niyang maari kayang naging bahagi ang ama niya sa krimen na naganap sixteen year ago? Ayaw niya sanang pag-isipan ng masama ang kanyang ama, subalit hindi niya maiwasan. Kinaumagahan maaga siyang bumangon kahit nais pang humiga ng katawang lupa niya sa higaan. Tinungo niya ang kusina ng bahay na iyon tulad ng ginagawa niya tuwing umaga, sumilip din siya sa harden kung naroon ang binatang binabantayan subalit wala ang bulto nito doon. “Glenda, tulog pa ba si Mr. Fabillion? “Gising na po maam. “ Pero bakit wala ito sa harden? “ Nako ma’am kagabi pa pong nag aalala ang sir Nasher, nag over think yata ito na baka mayroong nangyari saiyong hindi maganda. Alam po ba ninyo maam Cassandra, ngayon lang namin nakitang nag alala ng husto ang amo namin na iyon. Walang lumabas sa bibig niyang kahit ano tungkol sa narinig niya sa mga sinabi ng madadal na kasambahay, subalit nagtanong siya rito kung para kanino ang kape at ang mga pagkaing hinahain nito. “ Ihahatid ko po ito sa silid ni sir Nasher, gusto mo bang ikaw na lang ang gumawa? kasintahan mo naman po siya hindi ba? Nang mawala ang tampo niya saiyo. Napaisip siya ng bahagya ng sabihin iyon ng kasambahay sa kanya. Dahil sa medyo na kulitan siya at nais niyang makabawi sa binata sinang-ayunan niya ang suggestion ng kasambahay. Ilang minuto ang lumipas nasa harap na siya ng pintuan nito, kumatok siya ng mahina bago binuksan ang pinto. Kahit naka pasok na siya sa silid hindi man lang siya tinapunan ng tingin nito. Nang batiin niya ito ng magandang umaga saka lamang siya nito tiningnan. “ Housework is not part of your job. I have a maid to bring me something to eat. Hindi ka na dapat nag abalang dalhan ako. Alam niyang mahihirapan siyang pakalmahin ang gwapong lion na ito. Hanggang sa naisipan niyang panindigan ang pagiging kasintahan nito. “Babe, alam kong si Glenda ang inatasan mong maghatid ng iyong pagkain. Kaya lang nagkaroon ng kunting aberya, sahalip na siya ang maghatid ibinigay niya sa akin dahil kasintahan mo naman daw ako. Nahiya naman akong tanggihan ito dahil baka isipin ng kasambahay mong yon na napakawala kong kuwentang kasintahan. “ Maari mo naman sabihin sa kanya ang totoo, nang hindi ka gumawa ng gawaing labag sa loob mo. “ Who said, that serving my handsome boyfriend is against my will? Kung alam lang sana nila kung gaano ko kagustong makabawi sa gwapo kong kasintahan sa pag-aalala nito sa akin kagabi.” saad niya habang dahan-dahang inilapag sa maliit na table ang mga pagkain na dala niyang may kasamang mainit na kape. Habang sinasabi niya ang mga katagang ito biglang tumingin sa kanyang mga mata ang binatang si Nasher. “Sino naman ang nagsabing nag-aalala ako saiyo? Samantalang batid kong kaya mo ang iyong sarili. “ Hwag mo nang itangging nag aalala ka sa akin, dahil kahit anong tanggi mo sa akin hindi mo naman ito maitatanggi sa sarili mo. “Mukhang hindi ka pa nagkape, dahil kong ano-anu ang mga lumalabas sa bibig mo. Anong binabalak mo? Bakit pilit mong inaalam ang mga nangyaring krimen sixteen years ago? “ Dahil pakiramdam ko naroon ako noong araw naganap iyon. “What if sabihin kong ikaw at ako ay naroon sa araw na iyon? hindi lang ako kahit ang ama mo. Hindi mo na kailangan lumapit sa kahit sino dahil ako na mismo ang sasagot sa mga tanong mo. Ibig mong sabihin ang mga panaginip na napapanaginipan ko ng maraming taon ay may katotohanan? “ Maaring oo, maaring hindi. Labing isa na taon ako ng naganap ang trahedyang iyon sa pamilya ko habang ikaw ay sampung taong gulang. “Paano nasama kami ng ama ko sa krimen na iyon? “ Because your father is my father’s personal bodyguard, kung ano ang trabaho mo sa akin ngayon. “Sinasabi mo bang hindi nagampanan ng ama ko ang trabaho niya sa iyong ama? “ Matagal na itong nangyari, hindi na dapat natin ito pinag uusapan. “ No, kailangan kong malaman ang lahat ng nangyari kahit matagal na itong naganap.Maraming taon ko itong napapanaginipan tuwing gabi. Lalong lalo na ang galit mong tingin sa panaginip ko. “We have been friends before, but we are not like other friends who are happy and get along well . Dahil kahit sa anong laro walang gustong magpatalo sa ating dalawa. Hindi lang ikaw ang sinubukang alisan ng alala, dahil ako ay dumaan din sa ganoong proseso, tulad mo rin akong may napapanaginipan ng mga weirdong panaginip. Kaya sinikap kong alamin at tuklasin, hanggang sa naisipan kong lumapit isang kilalang neurologist na makakatulong sa akin na maibalik ang mga alalang blanko sa memorya ko, na sana’y hindi ko na lang ginawa. “ Maari mo ba akong ilapit sa neurologist na sinasabi mo? “ Narinig mo ba ang sinasabi ko? Pinagsisihan ko ang pasya kong lumapit sa mga neurologist nang maibalik nila ang mga alala kong gustong ibaon sa limot ng tito Gaspar ko sa akin. “Wala akong paki-alam kung pinagsisihan mo ang ginawa mong yon. Bata ako gusto kong maibalik ang mga alalang iyon, nang maramdaman kong walang kulang sa pagkatao ko. Niminsan ba hindi sumagi sa isipan mo na sisihin ang ang ama ko? sa pagkamatay ng mga magulang mo? Ang ama ko ang bodyguard ng ama mo nang maganap ang trahedyang iyon. Hindi agad nakapagsalita ang binatang kausap niya, sahalip inalis nito ang mga mata nitong nakatitig sa mga mata niya. Habang sinasabi nito sa kanya ang ibang detalye ng krimen ng maraming taon nang nakalipas. Ilang segundo pa siyang naghintay na marinig niyang magsalita itong muli. Nang bumuka ang bibig ng binatang yon para sabihin sa kanya na siya ang sinisisi nito. Natuod siya sa kanyang kinatatayuan at nanlumo. Ibig sabihin ang galit at nakakatakot na tingin nito sa panaginip ay para nga talaga sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD