“Kung ang pakay n’yo sa tahanang ito ay ang trahedyang nangyari sixteen years ago, hindi ako ang dapat ninyong tanungin. Dahil labas ako sa mga pangyayaring iyon, kahit alam ko ang kuwento hindi ko sasabihin dahil pinangako ko sa dalawang taong panatilihin kong lihim ang alam ko.
“ Mang Ariel, hindi ko naman ipagsasabi sa kahit kanino na sa iyo ko nakuha ang impormasyong nalalaman ko.
“ May isa akong salita sa mga taong tumulong s akin kung bakit hanggang ngayon humihinga pa rin ako.
Nang marinig niya ang pagmamatigas ng matandang lalake, tinanong niya ito ng deretsuhan.
“ Sa krimen na nangyari sixteen years ago kasama ba ako roon? Mang Ariel? Dahil gabi gabi akong nanaginip na umiiyak sa takot habang nakikita kong umiiyak din ang binatilyong Fabillion sa panaginip ko. Habang nakikita ko sa mga mata nitong nakatitig sa akin ang iba’t ibang emosyon subalit mas na ngingibabaw ang galit nitong emosyon. Hindi ko lang mawari kung para sa akin ang galit na tingin na iyon.
“ Tulad ng sabi ko, hindi ako dapat ang inyong tanungin tungkol dito. Isa kang magaling na imbistigador hija, siguro naman alam mo kung sino ang dapat mong lapitan hindi ba? Parehong malapit saiyo ang dalawang taong tinutukoy ko. Patawad kung ito lang ang kaya kong ilahad sa inyo dahil wala akong karapatang magsalita. Ngunit tinitiyak ko saiyo kung ano man ang ginawa ng dalawang taong tinutukoy ko, ginawa nila ito pareho sa inyong ikakabuti.
Napaisip siya ng malalim ng marinig niya ang sinabi ng ama ni Ricky, sumagi agad sa isipan niyang isa si Colonel Gaspar, sa mga lalaking sinasabi ng matanda. Nanatili lang sa tabi niya si Khalil, habang tahimik na nakikinig sa usapan nila.
“ Mang Ariel, ginagalang ko po ang inyong pasya. Alam kong mahirap maglahad ng mga pangyayaring nais ibaon sa limot ng mga taong naging parte ng trahedyang iyon.
“ Hija, maari mo na itong kalimutan dahil matagal na itong nangyari. Isa pa ang trahedyang naganap na iyon ay kapwa kayong walang kasalanan ng binatang Fabillion. Kung gusto mo talaga malinawan, maari kang lumapit sa taong unang pumasok sa isipan mo, alam kong matalino ka. Batid ko din kung sino ang taong nasa isipan mo ngayon.
Agad siyang nagpasalamat dito at nagpaalam na silang umalis. Ngunit si Ricky, ay pinili nitong magpaiwan na muna. Sa gitna ng kanilang byahe pabalik sa Manila, kapwa silang tahimik ng binatang Alejandro, hanggang sa pinutol niya ang katahimikan.
“ Khalil, kung ano man ang narinig mo maari bang panatilihin mo itong sekreto? Kung hindi kalabisan maari ba akong humingi ng pabor saiyo?
“ Kahit anong pabor ang hingiin mo handa kong ibigay basta para saiyo. Hwag kang mag alala, hindi na ako umaasang mahalin mo ako higit pa sa isang kaibigan.
“ Salamat naman kung ganoon, siguro nakita mo na ang babaeng nagpatibok ng puso mo?
“Siguro, maari mo ba akong tulungan? Medyo mas bata siya sa akin ng halos sampung taon.
“Hwag mong sabihin sa akin teenager pa lang ito? Nako naman Khalil, naka move-on ka nga sa akn pero bakit napakabata naman ang napili mo?
“Cassandra, hindi naman siya masyadong bata, labingsiyam na gulang na ito.
“ Siguraduhin mo lang sa akin, na hindi ang kapatid kong si Cassy, ang babaeng yon. Dahil kung nagkataong siya makakatikim ka sa akin ng sipa, suntok at isang malaking tadyak.” sinsero niyang saad.
“What if kung siya nga ang babaeng sinasabi ko.
“Napatingin siya sa mata ng kasama nang marinig niya ang sinabi nito. Tinitigan niya ito ng nakakatakot na tingin at nagbaka-sakaling bawiin nito ang sinabi sa kanya.
“ Are you serious?
Nakita niyang napalunok ng laway ang dati niyang katrabaho na siyang lalo niyang kina inis. Pinagkaskas niya ang kanyang ngipin habang hinintay ang isasagot ng katrabaho niya sa kanya.
“Sineryoso mo naman agad ang sinabi ko, ang sabi ko lang naman kung sakaling siya nga.
“ Hindi naman sa tumututol ako, kung si Cassy nga ang tinutukoy mo, naisip ko lang nag-aaral pa ito.
“ Parang hindi iyon ang nakita ko kanina, nang marinig mo ang sinabi ko. Hindi ako kabahan ng ganito kung hindi ko nakita ang titig mong nakakamatay. Cassandra, balik nga tayo sa usapan bago mo pa ako makitlan ng buhay na wala sa oras. Sabi mo sa ama ni Ricky, kanina napapanaginipan mo si Mr.Fabillion na umiiyak? Hindi kaya matagal na kayong magkakilala?
“ Magkaibigan ang ama ko at si Colonel Gaspar,Fabillion noon pa. At bata pa lang kami ni Nasher, ay magkakilala na kami, pero hindi ko matandaan kung paanong umabot sa hindi na kami nagkikita. Ang huling naalala kung nagkita kami iyong pumunta kami ng papa ko sa bahay ni Colonel, Gaspar, pagkatapos noon wala na.
“ Hindi kaya may alala silang inalis sa memorya mo? Kung ano man ang napapanaginipan mo ngayon, maaring bahagi iyon sa mga ala-alang inalis nila saiyo? Dahil sa sinasabi ng ama ni Ricky, saiyo kanina tila bahagi ka sa krimeng naganap sixteen years ago.
“ Iyon ang gusto kong malaman Khalil, at ang pabor na hinihingi ko tungkol iyon dito. Gusto kong hanapin mo ang record ng krimeng nangyari sixteen years ago ng tahimik, tiyak akong may matatagpuan ka sa building ng ating opisina lalong lalo na sa opsina ni Colonel Gaspar.
Nangako naman ang dating katrabaho na tutulungan siya nito, kahit anong mangyari. Maya-maya tinanong siya ng binatang kasama kung saan siya nito ihahatid.
“ Gusto kung dumiretso muna sa aming bahay dahil na mimiss ko na rin ang mga magulang ko kahit ang kapatid kong ubod ng pasaway. Isa pa baka makakakuha din ako ng impormasyon sa sarili naming tahanan. Hindi ako maaring isalang sa kahit anong medication na wala ang pahintulot sino man sa mga magulang ko.
Nakitaan niya ng saya ang katrabaho ng sabihin niyang dadaan muna siya sa bahay ng kanyang mga magulang, bago umuwi sa bahay ng binabantayan niyang binata. Kung mamalasin at abutin siya ng katamaran baka naisin niyang sa kanila na lang magpalipas ng umaga. Saktong alas otso ng gabi narating nilang magkasama ni Khalil, ang kanilang tahanan. Sinalubong sila ng ama at ina niyang nakangiti.
“ Anak, mabuti naman naisipan mo kaming dalawin, alam mo bang na mimiss ka na ng kapatid mong si Cassy. Nakaraan pa akong niyaya ng batang yong puntahan ka sa bahay ni Nasher.
“ Iyon ang hwag na hwag ninyong gagawin, alam n’yo naman kung anong kapahamakan ang nag aabang sa paligid ng bahay nito hindi ba?
“ Yan anak, pagsabihan mo ang iyong ina dahil hindi ko mapagsabihan yan, dahil wala pa akong sinasabi siya nakasampo na,” sumbong ng ama niya sa kanya.
“Magandang gabi po sir !” sabat na bati ng kasama niyang si Khalil, sa mga magulang niya.
“ Magandang gabi din saiyo hijo, salamat dahil sinamahan mo ang anak kong pumunta rito. At kung maari tito Earnesto na lang ang itawag mo sa akin.” saad ng ama niya nang marating nila ang sala ng kanilang bahay.
“ Walang ano man po Mr.Romasanta, maliit na bagay. Walang maglalakas loob na sinong lalaking bastusin ang inyong anak sa subdivisiong ito dahil tingin pa lang ni Cassandra, sa kanila tumba na silang lahat,” napapailing na saad ng binatang Alejandro sa ama niya.
“Aba hijo malaking bagay sa aming mga magulang na ligtas mong na iiuwi ang aming anak. Nang isang araw ang anak kong si Cassy, ang hinatid mo, ngayon ang anak ko namang si Cassandra.
Nang marinig niya ang sinabi ng kanyang ama, tinapunan niya ng tingin ang katrabaho.
“ Alam mo anak, mabuti’t naisipan mong umuwi rito, gusto ko sanang kausapin mo ang kapatid mo, kung ano ang dahilan at nakipag-away siya sa kamag-aral niya. Dahil kung ako ang magtatanong ayaw naman niyang sabihin ang lahat ng nangyayari. Kaya nga malaki ang pasasalamat ko sa katrabaho mong si Khalil, dahil nakita niya ang kapatid mo, habang nakikipag away.
Saka lang niya inalis ang tingin niya sa binata ng marinig ang sinabi ng kanyang ama.
“So kamusta ang pilya kong kapatid? Marami ba siyang galos sa pisngi o sa ibang bahagi ng katawan?
“ Hwag ka nang mag alala sa kapatid mo, dahil wala siyang natamo na kahit anong galos.
“Dapat lang dahil kung meron, babalikan ko ang mga babaeng nagtulong-tulong na siya ay saktan.”Tinanong niya sa kanyang ama kung nasaan ang kapatid niyang ito.
Nang sabihin ng ama niya na nasa silid ang kapatid agad niyang pinuntahan ito. Ilang oras din ang kanilang ginugol sa kanilang bahay, ngunit matapos nilang maghapuna at mapangaralan ang kapatid niyang si Cassy,nagpaalam na siyang umalis para makabalik sa tahan ng binatang Fabillion. Nang marating nila sa tahanan nito pinapasok niya ang binatang Alejandro, inanyayahan niya din itong magkape, subalit malugod itong tinanggihan ng katrabaho. Lingid sa kanilang kaalaman may dalawang pares na mga matang nagbabaga na kanina pa na nakatingin sa kanila mula sa hindi kalayuan. Maya-maya nagpaalam na sa kanya si Khalil, na aalis na ito, na siyang sinang-ayunan naman niya. Nag pasalamat siya ng taos puso sa dating manliligaw bago ito makaalis, na ngayon ay kaibigan na niya, kung nagkataong tama ang duda niya magiging bayaw niya pa ito balang araw. Magalang din siyang nagpasalamat sa mga guard, na naroong nagbukas ng gate para makapasok siya. Pagod ang buong katawan niyang papasok sa malaking bahay, mas lalo siyang mapapagod dahil ang binatang may ari ng bahay ay galit na galit siyang hinintay na makapasok.