Chapter 10

1594 Words
Napabangon siya mula sa pagtulog at mabilis na bumaba nang kamustahin ang ibang taga bantay sa bahay na iyon. Naglalakad siyang mayroong mga katanungan sa kanyang isipan. Hindi nga niya namalayan narating na niya pala ang pinagtatambayan ng mga guard ng tahanan na iyon kung nais ng mga itong magkape. “ Maam Cassandra, baka ang lalim yata ng inyong iniisip? Kanina pa kita nakikita na naglalakad na tila wala sa inyong sarili.” saad ng isang guard, sa kanya. Nag isip siya ng maari niyang maisagot dito, mabuti na lang biglang sumagi sa isipan niya ang nangyaring habulan kanina ng lumabas sila ng binatang Fabillion. “ Iniisip ko lang Ricky, kung sino ang taong nasa likuran ng humabol sa amin kanina sa daan. “ Nako maam Cassandra, baka ang dating kasintahan ni sir Nasher, ang may pakana sa nangyari kanina.” Bumuntong hininga ang kausap niya at muling nagsalita ,”Kung makilala mo lang talaga ang babaeng iyon tiyak kahit ikaw mauubusan rin ng pasensiya. “ Bakit naman? Curious niyang tanong dito. “ Halos lahat ng babaeng tumangkang lumapit sa aming boss, kulang na lang kalbuhin nito at ipahiya sa harapan ng mga tao. Kaya ikaw mag-iingat ka sa babeng iyon. Sumilay ang isang ngiti sa kanyang mga labi ng marinig niya ang sinabi ng guard na kausap, na agad naman napansin ng lalake. “Mukha yatang nasiyahan ka pa sa mga sinabi ko? Iwan ko ba sa inyong mga babae, ang hirap ninyong unawain, kahit ang kasintahan ko hindi ko rin maintindihan kung minsan. “ Cassandra na lang itawag mo sa akin, sabihin mo na rin sa iba mo pang mga kasamahan, masyadong pormal pakinggan hindi n’yo naman ako amo. “Eh nako maam, nakakahiya naman saiyo. Alam mo ba masyado matunog ang pangalan mo sa malaking bahay na ito? Hindi naman sa chismoso akong lalake, pero dinig na dinig ko at ng kapwa ko secutiy guard na ikaw lagi ang laman ng usapan ng mga kasmbahay na narito. Humigop muna siya ng kape bago nagtanong,” ano naman ang mga sinasabi nila tungkol sa akin? “ Hindi ka lang daw basta personal bodyguard ni sir Nasher, dahil kasintahan ka rin daw nito,at bukod roon kalat na kalat din sa bahay na ito isa kang magaling na agent. “ Ikaw naman Ricky, oh masyadong mapaniwalain sa mga haka-haka na naririnig mo sa paligid. Napakamot na lamang ang binatang guard sa mga sinabi niya, ngunit kapwa silang napalingon sa medyong madilim na bahagi ng may narinig silang yabag na papalapit. “ Why are you still awake untill now babe? “saad ng isang baritonong boses. Kapwa silang napatitig sa taong nagsalita sa hindi kalauyan sa kanilang kinauupuan. “ Sabi ko na nga ba totoo ang mga narinig kung usap-usapan sa paligid” walang hiya hiyang saad ni Ricky, nang marinig ang sinabi ng binatang amo. Napasimangot ang maamong mukha ni Cassandra, habang ang binatang Fabillion, ang lapad ng ngiting sa labi nito habang nakatingin sa kanila. “ Pwide ba Mr. Fabillion, hwag kang magbiro ng ganyan, baka maniwala ang mga taong makakarinig sa mga sinabi mong yan.”saad niya na may kasamang gigil, para sawayin ito. “ Hwag mo sabihin na ikinahihiya mo ako sa harap ng mga empleyado ko? Sana naman babe, kahit sa mga tauhan ko na lang ipagmalaki mo naman ako.” malungkot na wika nito sa kanya na halos lumuha na ito. Nang marinig niya ang sinabi ng binata, dahan-dahan siyang tumayo at humakbang palapit sa kinatatayuan nito. Nang makalapit na siya dito walang alinlangan niyang inapakan ang paa nito. “ Babe, palagi mo na lang ako sinasaktan, kahit pagdating sa kama masyado kang brutal. “ Hwag mo seryosuhin ang mga sinabi niya Ricky, halata namang nagbibiro lang ang boss nating ito. “ Nako maam, hwag n’yo ako isipin , isipin n’yo na lang isa akong istatwa dito sa tabi, bagay na bgay kayong dalawa ni sir Nasher.” “Salamat Ricky, kaya inaasahan kong bantayan n’yo siya ng maige kung tuwing tulog ako sa gabi, tulad ngayon naabutan ko siyang narito. “Pangako po sir, palagi namin pangalagaan pareho ang inyong kaligtasan. “Good!” tugon nito sa taga bantay, bago inangat ang kanang kamay nito at hinaplos ng marahan ang buhok ng dalaga.” Babe, paano mauuna na akong matulog? Hindi na kita pilitin na sumabay sa akin dahil tiyak akong hindi ka sasang-ayon.” saad nito sa kanya ,pagkatapos inalis nito ang kamay sa kanyang ulohan at marahan nitong pinisil ang matangos niyang ilong. Kahit nakaramdam siya ng kunting kirot ng pisilin nito ang kanyang ilong hindi niya ininda ito. Dahil mas nangibabaw sa kanya ang kakaibang pakiramdam, na ngayon niya lang naramdam sa lalake ito. Nakatulala siya ng halos limang minuto, hindi nga niya namalayan ang pag-alis ng binata sa kanyang kinatatayuan. “ Maam, gusto po ninyo ipagtimpla ko kayo muli ng kape? Nang magising kayong muli? Ilang minto na ho kayong wala sa sarili. Tumikhim siya ng marinig niya ang mga katagang sinabi ng kausap niyang guard. Nahiya man siya ng una subalit walang alinlangan siyang nagtanong dito. “ Ilang taon ka nang nagtatrabrahong bilang guard sa tahanan na ito? “ Dito na po ako halos lumaki maam, kulang na nga lang magtayo na ako ng kubo rito, bata pa lang ako palagi na akong dinadala ng ama ko dito, kaya nang magretire siya ako na ang pumalit sa kanya. “ Ang ibig mong sabihin alam mo ang lahat ng kuwento ng pamilyang pinagsisilbihan mo? “ Alam mo maam Cassandra, ang totoo nga niyan ngayon lang ulit nakipag-usap sa akin ang boss namin sa akin. Maraming taon na rin ang lumipas mula ng mabalitaan kong nawala ang mga magulang nito, mula noon hindi ko siya nakikitang makipag-usap o ngumiti sino man sa mga taong narito. “ Maari mo bang ilahad sa akin ang mga nalalaman mo? “Bata pa ako noon, kaya hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyari, basta ang alam ko may kasama silang batang babae nang mangyaring aksidente, na tinambangan ang mga magulang niya. Marami na yata akong nasabi pero sana kung maari wag mong sabihin kay sir Nasher, na sa akin mo nakuha ang imormasyon na ito. “ Ricky, mapagkakatiwalaan mo ako, gusto ko lang malutas ang krimeng nangyari sixteen years ago. Tama ang mga narinig mong usap-usapan na isa akong agent, kaya ako nandito dahil sa paki-usapan ni Colonel, Gaspar at ng ama ko na bantayan siya. Namangha ang binatang guard ng marinig ang mga inilahad niya dito at Tuwang -tuwa ito ng malaman na mayroon silang kasamang isang agent. “Tiyak akong bihasa ka sa kahit anong uri ng pakikipaglaban, dahil hindi basta basta ipagkatiwala ni Clonel, Gaspar ang kaligtasan ng pamangkin nito sa ibang tao. “ So may maasahan ba akong tulong saiyo? “Kaya kitang tulungan sa pamagitan ng ama ko, ngunit maari ba natin panatilihing sekreto ito kay sir Nasher? Tumango naman siya sa sinabi ng binatang bantay, at na ngako na walang makakaalam sa kanilang transaksiyon na ito. Kaya pinangakuan siya ni Ricky, sa araw ng day off nito dadalhin siya sa kanilang tahanan. Sa linggong ito naging abala siya, lihim niyang inaaral ang mahihin na paglalakad tulad sa isang dalagang hindi makabasag pinggan. Ayaw niyang tanggapin ang alok ng binata na turuan siya ng mga taong babayaran nito. Inaral niyang itong mabiti at kung minsan naman tinutulangan siya ngkapatid niya sa tuwing umuuwi siya sa mismo nilang bahay. Gusto niya gulatin ang binatang binabantayan sa kanyang transformation. Sumapit ang linggo, araw ng Miyerkules sa ganap ng alas 1;00 ng hapon. Dahil sa alas kwatro pa naman ang usapan nila ni Ricky, na magkita minabuti niyang pumunta sa dati niyang opisina upang puntahan ang dating katrabahong si Khalil, Alejandro. “ Where are you going? “ bungad na tanong sa kanya ng binata nang umagang iyon. “ In my old office,may kailangan akong isubmit. “Anong oras ang balik mo? Gagabihin ka ba? “ Maybe, but I can’t say what the exact time I will be back,”tugon niya habang nakatingin sa ma mata nito. “If you can get home earlier,do it.”sinserong saad nito , bago inalis ang tingin nito sa kanya. “Mr. Fabillion can I ask? Hinintay niya ang tugon nito sa kanyang tanong,nang makita niyang tumango ito. “Noong mga bata tayo may naatandaan ka bang pangyayari na …Hindi na niya naituloy ang sasabihin ng tumunog ang kanyang telepono.” Kalimutan mo na lamang ang sinabi ko, muli niyang turan bago sinagot ang tawag sa kanyang telepono. Nang makausap niya ang taong nasa kabilang linya si Ricky ito,na nagsasabing ngayon na sila magkitang dalawa. Kaya dali-dali siyang nagpaalam sa binatang nasa harap niya, habang may ngiti sa labi. Napansin niyang nanibago ang binata sa mga kinikilos niya ilang araw na , subalit pinili niyang hind ito bigyan ng pansin. Ilang minuto ang lumipas mula ng umalis siya sa tahanan ni Nasher, nagkita na sila ng binatang guard na katagpuin niya. Dahil sa medyo may kalayuan ang Makati sa Luguna, iIang oras din ang kanilang ginugol sa byahe. Hanggang sa hindi kalayuan natanaw na nila sa wakas ang bahay na kanilang isinadya sa lugar na iyon. Mabuti na lang nang tinawagan niya si kahalil, na hind siya makapunta sa opisina, dali-dali siyang pinuntahan ng katrabaho at nagpasyang sumama ito sa kanila. Nang makapasok sila sa hindi kalakihang bahay, isa-isa silang pinakilala ni Ricky sa kanyang ama. Nang siya na ang pinakilala ng binata, nakita niya kung paanong nagbago ang ekspresyon ng mukha ng may katandaang lalake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD