Chapter 9

1840 Words
Chapter 9 “ Kahit anong gawin mong pagmumura hindi mo na mababawi ang sinabi mong pumapayag kana. Aabangan ko ang mangyayaring transformation mo. Siguraduhin mong magampanan mo ng mabuti nang hindi masayang ang perang ibabayad ko saiyo,”nakangising turan nito sa kanya, habang tinataas ang tasa ng kape para alukin siya ng cheers. “Hindi pa ako pumapa…… “Hwag mong sabihing hindi mo kaya? Ang buong akala ko pa naman wala kang inaatrasan na kahit anong hamon. Oh baka naman natatakot ka lang na makita kong wala ka talagang tinatagong alindog sa iyong katauhan. “Ang dami mong sinasabi. Samantalang ako kahit nakita ko ang maliit mo nota ay wala kang narinig sa akin na kahit ano . Kung alindog at ganda lang naman ang usapan mayroon ako noon. Hindi naman magkakandarapa ang mga lalaking tumangkang ligawan ako kahit sabihin mong brusko ako manamit at magkikilos kung wala ako ng sinasabi mo. Baka mamaya niyan kung sakaling makita mo akong nakaayos at nakadamit na halos kulang sa tela luluwa yang mga mata mo. “ Oh really? Masyado ka yatang confident sa mga sinasabi mo ngayon samantalang kanina nakikitaan kita ng pangamba. Mgdamit ka man ng kulang sa tela wala parin akong makikita sa hinaharap mo.”pangungutya nito sa kanya. “Siguraduhin mo lang Mr. Fabillion, baka mamaya niyan pag nakita mo ako kainin mo ang lahat ng mga sinab mong yan.” Paninigurado niya sa sinabi nito. “So kailan mo simulan ang extrang serbisyo mo sa akin? Siguro naman hindi na ako maghihintay ng matagal? “Maybe nextweek. “Ang tagal naman, paano kung pumunta ang babaeng yon dito? “Batid mo naman sigurong kailangan kong aralin ang pagkilos Maria Clara, at ang pagsuot ng damit na hindi ko nakasanayan suotin hindi ba? Pasalamat ka nga isang linggo lang ang hinihingi ko. “Fine! Hanggang doon lang ang kaya kong hintayin, dahil kung lumampas na sa hinigi mong araw kalimutan mo na ang pinag usapan nating ito. “ Bago tayo dumako roon magkano naman ang ibabayad mo bayad sa extrang serbisyo ko? Alam mo na naka- depinde ang prefomance ko sa ibabayad mo. “ Hindi mo pagsisihan ang pag-alok mo sa akin ng serbisyo mo, wag kang mag alala titiyakin kong masasayahan ka sa ibabayad ko saiyo.. “Hindi naman sa mukhang pera ako, pero gusto kong mabayaran ng maayos ang effort kong gagawin, hindi kaya madaling magpanggap na kasintahan mo. Pero teka hanggang kailan naman akong magpapanggap na kasintahan mo sa babaeng yon. “tanong niya sa binata “Hanggang sa tigilan na ako nito.”kibit balikat nitong tugon sa kanya. “ What if hindi ka niya tantanan? Patuloy parin akong magpapangap? “ Depinde, kung gusto mo naman natotohanin natin ang mga pagpapanggap ay mas maganda sana.” mahinang turan nito. Dahil sa mahina ang pagsalita ng binata, hindi niya narinig ng mabuti ang bawat katagang tinuran nito. “ May sinasabi ka bang lingid sa kaalaman ko? “ Wala.” pagtanggi nito sa tanong niya dito at muli itong nagturan upang yayain siya nitong kumain ng almusal,” Ang mabuti pa sabay na tayong mag almusal. Sinang-ayunan niya ang pagkumbida nito sa kanya, dahil ang totoo nakaradam na rin talaga siya nang gutom. Habang abala sila sa kanilang pagkain sumasagi sa isipan niya ang paulit-ulit niya napapanaginipan tuwing gabi noon. Subalit matagal-tagal na rin niya hindi na panaginipan ito, kagabi lang ulit. “ Miss Romasanta are still with me? Bumalik siya sa ulirat nang marinig niya ang boses ng binata. Subalit hindi siya makatingin ng deretso dito. “ May nasabi ba ako? O baka iniisip mo parin ang extra sebisyong inalok mo? Kung hindi mo talaga kayang gampanan at gawin maari naman nating hindi ituloy. “ No, hindi naman iyon ang iniisip ko. “ Then what? “ Naranasan mo na bang panaginip ng paulit-ulit? Not twice kundi halos araw-araw na. Nang hindi tumugon ang binatang kausap niya, muli siyang nagsalita para sabihin dito na kalimutan na lamang ang mga sinabi niya. “ Kalimutan mo na lang, ang mga sinabi ko. Kita niyang tumango ito, tanda nang pag-sang ayon nito sa kanyang mga sinabi. Subalit napapansin niyang may nagbago sa ekspresyon sa mukha nito na siyang labis nag pataka sa kanya. Tahimik silang kamin sa hapag hanggang sa makatapos. “Magbihis ka dahil may pupuntahan tayo ngayon, wag kang magsuot ng kahit anong uniform. Tandaan mo hindi lang personal bodyguard ang trabaho mo sa akin kundi bilang kasintahan din. “ Ang usapan natin sa babae mong si Denice, lang ako magpapanggap hindi sa publiko. “ I know, paano kung magkabanggan natin ito sa ating pupuntahan? Paano kita maipakilalang kasintahan ko? Napaisip siya sa sinabi ng binata sa kanya, subalit kalaunan napapayag din siya nito. Nahihiya siyang nagwika para sabihin na wala siyang damit na maari masuot sa kanilang lakad ngayong araw. “ Paano ka ba niluwal ng tita Nadia, at nakahiligan mong magkilos at magdamit lalake? Samantalng siya at ang bunso mong kapatid na si Cassy ay babaeng babae? Hindi kaya napulot ka lang ng mag ito sa basurahan? Natatawa nitong saad na may kasaman pag-iling. “ Hoy! Ang dami mo nang sinabi samantal ang sinabi ko lang naman wala akong damit na masusuot. Walang ano-anung umalis sa harap niya ang binatang kausap. Sublit bago tuluyang makalayo ito sa kinatatayuan niya nilingon siya nito. “ Hintayin mo ako sa sala hanggang sa makababa ako. Ipaalala ko saiyo ayaw kong kumilos lalake ka sa ating pupuntahan. Ganoon nga ang ginawa niya, matiyaga niya itong hinintay sa pagbalik nito. Nang makita niyang bumaba na ito sa hagdan mula sa palapag pinagmasdan niya ng mabuti ang bawat paghakbang nito. Hilim siyang napahanga sa taglay na kagwapuhan at karismang taglay ng lalaking papalapit sa kinatatayuan niya, halos bumuka na ang labi niya habang pinagmaasdan niya ito. “ Kung ganyan lang sana ako kagwapo ang dami sigurong babae ang maghahabol sa akin. Kung sa bagay bakit ko pa pangangarapin maging gwapo kung pwide ko naman pangarapin magkaroon ng kasintahang tulad niya.” saad niya pa. “ Babe, hwag mo aking tingnan ng ganyan, pakiramdam ko tuloy hinuhubaran mo na ako sa isipan mo. Sabay abot ng paper bag nito sa kanya. Napakagat siya ng kanyang ibabang labi nang marinig niya ang sinabi nito . Dahil sa hiya dali-dali niyang kinuha ang damit na inaabot nito sa kanya at mabilis na tumalikod upang tumungo sa kanyang silid. Nang may kalayuan na ang kanilang distansiya, pinaalalahan pa siya nitong dalian niyang maligo ng hindi sila abutin ng gabi sa kanilang pupuntahan. Pagkapasok na pagkapasok niya sa sariling silid ,agad niyang tinungo ang banyo at bahagyang pinaagusan ng tubig ang katawan mula sa shower. Matapos niyang magsabon ng bahagya kinuha niya ang tuwalya at binalot niya sa katawan. Sa isip isip niya kakaligo lang niya kaya hindi na niya kailangang maligo pang muli. Nang buksan niya ang paper bag na binigay nito, nanlaki ang mga mata niyang makita ang maigsing dress, subalit kahit ganoon sinuot niya parin ito. Hanggang tuhod lang ang haba nito sa kanya, na siyang hindi niya nagusthan. Galit niyang hinubad ito at naghanap ng t-shirt na maari niyang masuot. Nang makita niya ang white shirt na nakalagay sa kanyang aparador, mabilis niyang kinuha ito at isinuot. Naghanap din siya ng pants na maari niyang ipares sa isinuot , hanggang sa makakita siya ng pants na matagal nang neregalo ng kapatid niyang si Cassy. Kinuha niya iyon at isinuot, ilang minuto pa ang lumipas napagpasyahan na niyang lumabas sa silid. Nabungaran niya ang binata sa sala ng tahanan na matiyaga siya nitong hinintay. Pagkalapit niya dito tiningnan siya nito mula ulo hanggang sa paa. “Hindi na masamang tingnan, ngunit aralin mong magsuot gaya ng binigay ko saiyo kanina, samahan mo na rin ng light make-up nang buhay na buhay tingnan ang ganda mo. “So sinasabi mo bang nagagandahan ka sa akin ngayon? “May sinabi ba akong maganda ka? Ang sabi ko nang buhay na buhay ang itsura mo kung tingnan, alin ang maganda sa mga binanggit ko? “ Okay, alam ko namang ibahin mo na ang mga katagang una mong binanggit. Maari na ba tayong umalis? Pero bago yon gusto kong ipaalala saiyo, wag kang pakumportable dahil may banta ang kaligtasan mo. “ Wala ka naman balak pabayaan ako hindi ba? Kung hahayaan mo akong makuha ng mga taong gusto kumuha sa akin walang magsasahod sa serbisyo mo. Matapos nga nilang mag-usap agad na silang umalis. Ilang oras pa ang lumipas narating nila ang isang department store na kilalang brand na mga damit. Magalang silang sinalubong ng mga empleyadong naroon, pagkapasok nila agad nagbigay ng utos ang binatang kasama. “Bring out all the new stocks you have, that will fit her,” utos ng binata sa mga trabahanteng naroon habang tinuturo siya sa pamagitan ng tingin nito. Tarantang sumunod ang lahat ng emleyadong sumalubong sa kanila, bago tumalikod ang mga ito , binigyan sila ng upuan na maari nilang maupuan habang naghihintay. “ Hindi natin kailangan bumili ng ganito ka mamahal na mga kasuotan marami namang dress ang kapatid kong si Cassy, doon na lamang ako maghihiram. “ Sa tingin mo ba talaga hahayaan ko ang kasintahan kong magsuot ng damit na hindi niya pagmamay-ari? Wag kang mag alala hindi ko ibabawas sa salary mo ang lahat ng ginastos natin sa transformation mong ito. Mabuti na lang talaga hindi ka ganoon ka pangit para hindi ko maisipan na iparetoke yang mukha mo. “ Excuse me Mr. Fabillion, maraming nagagandahan sa akin kahit hindi ako naglalagay ng mga kolorete sa mukha o. Kung baga natural ang lahat ng gandang nakikita mo sa pagkatao ko, walang halong logical at chemical dahil purong natural,” taas noo niyang saad, habang nanampiling sa harap nito, simahan pa niyang papikit-pikit ng mga mata. Ilang oras din ang ginugol nila sa department store na iyon, bago sila nagpasyang umuwi marami-marami pa silang pinuntahan at pinamili. Inabot na sila ng gabi sa daan. Sa gitna ng byahe napansin ni Cassandra, may sasakyang sumusunod sa kanilang likuran. Nag suggest siyang magpalit sila ng pwesto nito, siya na ang magmamaneho. Noong una ayaw pa pumayag ni Nasher sa nais niyang mangyari, subalit ng marinig nito ang kanyang sinabi. “ Kung gusto mong makauwi tayo ng buhay sumunod ka na lamang sa mga sinasabi ko.” bulyaw niya sa binata, habang nakatingin sa side mirror ng kanilang sasakyan. Dahan-dahan siyang nagpakalong dito hanggang sa magkapailitan sila ng pwesto. Nang magtagumpay silang dalawa halos paliparin niya ang sasakyan na kanyang minamaneho, upang mailigaw ang sumusunod sa kanila. Hindi naman siya nabigo dahil nauwi niya ito ng ligtas at walang galos. Bago sila pumasok sa kanilang mga silid pinaalalahan nila ang mga bantay na maging alerto sa lahat ng oras, sinabihan niya rin ang mga ito na sila na ang bahalang dumiskarte na kahit papaano makapagpahinga din sila kahit papaano. Nang gabi rin na iyon muli niyang napanagipan ang panaginip na labis nagpapagulo sa kanyang isipan. Ang mas nagpagulo sa kanyang isipan naroon si Nasher sa panaginip niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD