Matapos niya itong mahagkan inuyam niya pa ito, na kahit ang totoo ay nagustuhan niya ang sensasyong naramdaman dulot ng paghalik niya sa ang labi ng dalaga.
“ Kung alam ko lang na hindi ko magugustuhan ang lasa ng labi, hindi ko na sana tinangkang halikan ka. Mabuti na lang hindi ako umasang masarapan sa lasa ng halik ng isang bruskong babae,” saad niya habang naka prenting nakatayo sa harapan nito.
Kahit ang totoo halos mawala na siya sa wisyo niya ng mahagkan at malasahan ang matamis na labi nito sa kanyang panlasa. Nakitaan niyang hindi makakilis at makapagsalita ang dalagang hinagkan. Ang buong akala niya mananatili lang ito sa ganoon ayos, ngunit mabilis siya nitong inambahan ng suntok na siyang hindi niya na salag o na ilagan. Nang tumama sa kanya ang uppercut na ginawa nito, narinig niya itong nagwika.
“Sorry! hindi ko kasi nagustuhan ang halik mo. Maybe nextime galingan mo namang humalik, mangnanakaw ka na lang hindi mo a ginalingan,”nakangising saad nito, bago siya tuluyang tinalikuran.
Napamura siya nang mawala na ang bulto nito sa kusinang kinaroroonan niya ngayon. Subalit maya-maya napahawak siya sa sarili niyang labi habang iniisip ang labing hinagkan niya.
“ Bullshit! I don’t like this kind of feeling. Hindi ko dapat maramdaman ang ganitong pakiramdam sa babaeng iyon. Ano na lang sabihin nito kung malaman niyang kumakabog ang puso ko sa tuwing malapit siya sa tabi ko. Tiyak gagamitin niya ito laban sa akin, sa oras na malaman niya ang mga ito,” nababahala niyang turan sa kanyang sarili.
Lumipas ang isang linggo. Dumating na ang dalagang officer, sa kanyang pamamahay na mayroong dala-dalang bag na may iilan mga gamit. Masungit niya naman itong sinalubong na tila hindi siya nasisiyahang makita ito.
“ Gabi ka nang dumating? Saan ka pa ba nag pupunta? Alam mo bang maraming panununtunan ang bahay kong ito na kailangan mong malaman at sundin Miss. Romasanta. Hwag kang umasa na excepted ka sa mga rules na ito dahil sa magkaibigan ang ama mo at ang tiyuhin kong itinuring kong ama sa mahabang panahon.
“ Can you please let me rest for a few minutes? Maari mo naman sabihin sa akin, ang mga yan sa mga susunod na araw. Sa ngayon gusto kong malaman kung saan ang magiging silid ko sa tahanang ito?
“ Ipaalala ko lang saiyo, narito ka para batayan at protektahan ako sa panganib, hindi para matulog.
“ I know the reason why I am here. Do you want me to tell you that im here because you cant protect yourself against people who want to hurt you. Ngayon maari na ba akong uminom ng kape at magpahinga ng ilang saglit? Dahil bukas pa naman ako magsisimula sa trabaho ko bilang personal bodyguard mo.
Hindi siya makaimik nang marinig niya ang mga sinabi nito. Narealized niya ang sinabi nitong bukas pa ito magsisimula sa trabaho nito. Bahagya siyang napaisip at kalaunan tumikhim siya at sinang-ayunan ang ma sinabi nito. Tinawag niya din ang isa sa kanyang taga silbi nang maihatid ang dalaga sa magiging silid nito. Nakapamulsa siyang tumalikod sa mga ito, upang tahakin ang sarili niyang silid.
“ Masyado ba akong na excite para makalimutan kong bukas pa siyang magsisimula sa trabaho nito? Nakakahiya ang mga kinilos ko sa harap nito kanina,” saad niya habang inaakyat ang may kahabaang hagdan patungo sa palapag ng kanyang silid.
Lumipas ang halos apat na oras, tahimik siyang humiga sa kanyang kama, habang hinihintay na makatulog. Ngunit kahit anong gawin niyang posisyon hirap siyang makatulog, sa hindi malamang dahilan. Maya-maya nagpasya siyang bumangon at nagpasyang tumungo sa kusina. Habang tinatahak niya ang hagdan pababa mabilis na tumibok ang puso niya, na ngayon niya lang naramdaman ang ganitong pakiramdam sa loob ng kanyang tahanan. Noon pa man hindi siya nakakaramdam ng takot at pangamba basta nasa loob siya ng tahanan niya, dahil pakiramda niya sa sarili sa lugar lang na ito siya ay ligtas. Kaya nagtataka siya bakit ganoon na lang ang pagkabog ng dibdib niyang gayon walang maaring makapasok sa tahanan niyang ito na walang pahintulot na galing sa kanya. Kahit may nararmdaman siyang hindi kaaya-ayang pakiramdam patuloy parin siyang pumunta sa kusina at nagtimpla ng kapeng maiinom. Sa kanyang paghigop ng kapeng tinimpla namutla siya nang makasilay siya ng isang bulto sa hindi kalayuan sa kanyang kinatatayuan. Sisigaw na sana siya ng biglang nagturan ang bultong papalapit sa kanya.
“ Tila yata nahirapan kang makatulog Mr. Fabillion? Dahil kaya ito sa aking presinsensiya? Gusto mo pa bang I-ugoy kita sa pamagitan ng duyan>” pilyang tanong nito sa kanya.
Napahinga siya ng maluwag ng makilala ang pamilyar na bose at nang mataan ng ilaw ang mukha ng taong nagsalita. Walang ano-niyang sinagot ito.
“ Balak mo ba talaga akong patayin sa takot ?
“ Hindi ko akalain may kinakatakotan ka pala? Kung sa bagay hindi naman nandito kung wala kang kinakatakutan.
“Hindi ako duwag! Ayaw ko maranasan muli kung anong troma ang naranasan ko noong buhay pa ang mga magulang ko. Pero sa ginagawa mong ito binubuhay mo lang ulit ang takot na matagal ko nang nais ibaon sa hukay,” saad niya habang mayroong mamumulang mga mata Nang mapansin ng dalagang kausap, agad iyon humingi ng paumanhin sa kanya.
“ Paumanhin sa mga tinuran ko! Hindi ko sinasadyang takutin ka ng presinsiya ko. Ang totoo niyan kaya ako narito sa bahagi ng pamamahay mo dahil tulad mo rin akong hindi makatulog.
“ Maybe nextime, pailawin mo ang ilaw kung saan kang bahagi ng bahay naroon, nang hindi kumawala ang kaluluwa sa katawang lupa ng taong makasilay saiyo, sa dis oras ng gabi.
“Sure, Gusto mo bang ipagtimpla ita ng kape? Nang makabawi ako sa dinulot kong takot sa dibdib mo.
Tumango naman siya sa dalaga ng tanungin siya nito. Habang nakikita niyang abala ito sa paghahalo ng kape, pansin niyang hindi ito mapakali na tila nais itong itanong sa kanya. Ngunit hindi niya inabala ang sarili na tanungin kung ano man ang gumugulo sa isipan nito. Hanggang maya-maya kita niyang dahan-dahan na nitong inaabot sa kanya ang tasa ng kape.
“ Maari ba akong magtanong?” saad nito.
“ About what?
“ Tungkol sa mga sinabi mo kanina, Iyon ba ang mga dahilan kung bakit bigla-bigla ka na lang nawala noon?
Hindi agad siya nakatugon sa tinanong nito sa kanya. Nais na niyang kalimutan ang trahedyang naganap sixteen yeas ago, na kahit hanggang ngayon sariwa parin sa isipan niya ang mga nakakahindik-hindik na kaganapan sa araw na iyon. Alam niyang nakatitig ang dalawang pares ng mga mata ng kausap niya kaya sinalubong niya ito bago magpasyang humigop ng kapeng tinimpla nito sa kanya.
“ Kung ano man ang mga narinig mo kanina, maari bang kalimutan mo na? Ilang taon na rin ang lumipas ayaw ko nang balika ang mga kaganapang naging dahilan ng pagkawala ng mga magulang ko.
“Igagalang ko ang pasya mo, subalit kung kailangan mo ng kausap at mapagsasabihan nandito lang ako bilang kaibigan.
Nang marinig niya ang tinuran nito, gumaan kahit papaano ang bigat na dinadala niya sa dibdib. Hindi niya akalain meroon din palang puso ang babaeng ito para sa kanya. Samantalang noong kabataan nila halos wala siyang maalala na hindi siya inaway nito tuwing nagkikita sila kahit saan mang lugar.
“ Thank you! Sa mga sinabi mo dahil kahit papaano nabawasan ang bigat na dinadala ko,” saad niya habang tinuturo ang sarili niyang dibdib.
Lumipas ang halos kalahating oras sa kanilang pag-uusap napagpasyahan nilang parehong matulog na. Nang gabing iyon kapwa silang nakangiting pumasok sa kanilang mga silid. Subalit sa gabing ito muling napanaginipan ng dalaga ang panaginaip na palagi niyang napapanaginipan noon pa man. Kaya napabalikwas siya sa kamang hinihigaan niyang basang -basa ng pawis habang masaganang lumuluha ang mga mata niya. Napapatanong siya sa kanyang isipan kung panaginip lang ba talaga ang mga ito, dahil bakit hanggang ngayon napapanaginipan niya parin ang mga ganitong panaginip. Tumingin siya sa bintana ng kanyang silid, nang makitang niyang pasikat na ang haring araw sa kalangitan, batid niyang magsisimula na siya sa trabaho niya bilang personal bodyguard ng binatang Fabillion. Tumayo siya at tumungo sa sariling banyo at naligo, habang naliligo maraming kataungan ang tumatakbo sa isipan niya.
Sa kabilang banda naman ang binatang si Nasher, ay abalang nagbabasa ng dyaro sa malawak nitong harden. Habang siya ay nagbabasa lumapit ang isang kasambahay nito.
“ Sir Nash, nasa linya ng telepono si ma’am Denice, nais ka daw niyang makausap.
“ Sabihin mo sa kanya wala ako rito. ,” utos nito sa kanyang kasambahay.
Tumango naman ang kanyang taga silbi, kaya muling tinuon ang sarili sa dyaryong binabasa. Wala siyang kamalay-malay kanina pa siyang pinagmamasdan ng dalaga, napatigil siyang muli sa pagbabasa ng makarinig siyang nagsalita.
“ Mukhang kailanganin mo ang tulong ko sa babaeng yon.
Napalingon ang binata kay Cassandra, nang marinig ang mga sinabi niya dito.
“ Kung gusto mo lang naman, hindi naman kita pipilitin kong ayaw mo.
“ Kung sakaling tanggapin ko ang alok mo, ano naman ang hihinhiin mong kapalit?” kunot noong tanong nito sa kanya.
“ Maari mong dagdagan ang isasahod mo sa akin, dahil hindi na sakop ng trabo ko ang ganyan. Kung baga isipin mo na lang extra service na itong inaalok ko saiyo.
Kita niyang napapaisip si Nasher, sa inalok niya dito, kaya nakangiti siyang humigop ng kapeng kanina pa niyang dala-dala.
“Ano naman ang magagawa mong tulong para mapalayo sa akin ang babaeng yon. Kaya mo bang magdamit at kilos babae sa harapan nito?
Napaisip siya sa sinabi ng binata sa kanya. Pinagilatan pa niya ang sarili dahil basta-basta na lamang siya nag alok sa binata na hindi pinag iisipan.
“ So paano kaya mo bang kumilos at magdamit babae? Sabihin mo agad ng mapag usapan natin ang presyo ng extra serbisyo mo.
Hindi siya nakatugon sa tanong nito sa kanya, wala sa isip niyang magsuot ng mga damit pambabae na halos ilantad ang mga tinatago niya sa katawan. Maya-maya pa nakarinig siya ng mga salitang tila sinasabi nitong hindi niya kayang gampanan at panindigan ang inalok niya dito, na siyang hindi niya nagustuhan na marinig. Kaya padalos dalos siyang tumugon na pumapayag siya, nang marinig ng binata ang sinabi niya kita niyang kuminang ang mga mata nito. Nang masilayan niya iyon binawi niya agad ang mga ipinahayag niya dito. Subalit nakita niyang umiling ito, sa mga sinabi niya. Kaya hindi niya napigilan na magmura sa harapan nito.