Napatigil siya ng marinig ang napakapamiyar na boses na nanggagaling sa kabilang linya .Pilit niyang pinakalma ang sarili ng kamabog ng mabilis ang puso niya sa hindi normal nitong pagtibok. Iyong tipong tila galing siya sa mahabang takbuhan tuwing nag eehersisyo siya tuwing umaga.” Oh s**t what is this all about? “ naiinis niya saad sa kanyang isipan. Bumuntong hininga muna siya nang tuluyang mapakalma ang sarili niya. Nang pakiramdam niyang kaya na niyang magsalita, na hindi bumabara ang kabadong tuno sa kanyang boses.
“ May I know you? Tanong niya kunwari sa tumawag sa kanya.
“ It is true that you don’t recognize me?
“Do you think I would ask if I know you? Masungit niyang tugon.
“ Pero bakit pakiramdam ko sa sarili ko kanina mo pa inaabangan ang pagtawag ko ? Ipaalala ko lang saiyo Mr. Fabillion isang magaling na imbistigador ang kausap mo. Kaya madali kong natutunugan at naamoy ang pagkukunwari mo.
“ Oh its you? Kaya pala umuulan ng kayabangan sa hangin.
Ngunit hindi nito binigyan pansin ang kanyang sinabi. Sahalip nagwika ito sa maoturidad na boses.
“ We need to talk.
“ About what? Pag maang-maangan niya pa sa sinasabi nito. Kahit ang totoo kanina pa siyang sabik na makita at makausap ang masungit na officer na kausap niya sa kabilang linya.
“Pwide ba hwag kang magkunwaring hindi mo alam ang itinawag ko. Oh c’mon stuborn youngman ,don’t pretend too much na wala kang alam sa ginawa mong kabalastugan para mapapayag akong maging taga-pagbantay mo.
“ Okay fine! Hindi na ako makikipagbangayan saiyo, batid kong hindi ako manalo- nalo pagdating saiyo noon pa man.
“ Oh thank you! Sa wakas tanggap mo na rin sa iyong sarili na hindi ka manalo-nalo sa akin. Hindi ngayon at hindi kailan man.
Naiinis niyang ibinaba ang kanyang telepono nang marinig ang sinabi nito sa kanya. Pagkababa na pagkababa niya ng bagay na iyon agad siya nakatanggap ng mensahe mula sa kausap. Tenext siya nitong kailangan niyang gumising ng maaga. Dahil kailangan niyang paghandaan ito ng maaari nitong makain bukas ng alas siyete ng umaga. Matapos niyang mabasa ang mensahe nito hindi niya mapigilan ang sariling hindi mapikon
“ Balak pa yata akong gawing kasambahay ng babaeng yon. Ang pagkaka-alala ko ako ang magiging amo niya at siya ay maging utusan o tauhan ko lamang.
Sa tuwing sumasagi sa isipan niyang araw araw na niya makakasama ang babaeng, palagi niyang kabangayan noong kabataan nila, lihim siyang napangiti. Kung hindi siya nagkakamali halos labing anim na taon na silang hindi nauusap nito. Hanggang dumating ang araw na ito, na kailangan nila muling magsamang dalawa. Nang sumapit ang gabi mapayapa siyang natulog habang iniisip ang maaring mangyari kinabukasan. Paggising niya sa umagang ito nabungaran niya ang dalagang officer sa sala ng kanyang pamamahay na nagkakape.
“ Mukha yatang nasobrahan ka na sa kape Miss.Romasanta. Ang huling pagkakatanda ko wala akong kapeng binili pampatibay ng mukha.
Nang marinig nito ang sinabi niya tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Tiningnan siya nitong may ngiting nakakaluko, na siyang pinagtaka niya.
“ Are you trying to seduce me Mr. Billionaire? Pero sorry huhh hindi kasi ako pumapatol sa maliit na nota.
Nang marinig niya ang sinabi nito napatingin siya sa kanyang ibabang bahagi. Nahiya siya nang makita niyang tanging manipis na boxer short lamang ang kanyang suot. Subalit nang maproseso ng utak niya ang sinabi ng pilyang dalagang officer, tinitigan niya ito ng bahagya at nagsalita.
“Why don’t you try to wake it up? Kung ano ang tinutukoy mong maliit sa akin, nang malaman mo kung gaano kalaki ang sinasabi mong maliit.
“ No need, kita ko naman kung gaano kaliit ang…..,” sabay ngiti nito at muling nagsalita,” ang pasensiya mo ang tinutukoy ko.
Batid niya sa kanyang sarili hindi pasensiya ang tinutukoy nitong maliit sa kanya. Hindi na niya ninais makipagtalo ng matagal sa kanyang magiging personal bodyguard, dahil sa suot niyang boxer short. Dali-dali siyang bumalik sa kanyang silid at naghanap ng maari niyang masuot. Habang pumipili siya ng kanyang masuotna wala siyang maririnig napuna sa babaeng naghihintay sa kanyang pagbaba. Hindi siya kumportable sa mga damit na isinusuot niya, kaya panay ang hubad at suot ang kanyang ginagawa. Hanggang nagpagpasyahan niyang magsuot ng white t-shirt at black pants, matapos niyang magbihis tumungo siya sa kanyang pribadong banyo at mabilis na naghilamos. Nag-toothbrush na rin siya at nag mumog ng listerine, upang matiyak niyang walang maamoy na mabahong amoy sa kanyang hininga ang dalagang kararating lang sa kanyang tahanan. Ilang segundo pa ang lumipas nagpasya na siyang bumaba upang harapin ang babaeng pinangigilagan niya. Nang marating niya ang sala ng kanynag pamamahay.
“ Masyado mo yata pinaghandaan ang pagdating ko.” turan sa kanya nito ng mabungaran niya ito.
“You know I have a habit of being clean and fragrant myself,before facing my guest. Iwasan mong isipin na kaya ko ginawa ito dahil saiyo.
“ I am not a guest Mr. Fabillion, para mag aksaya ka ng sabon, pabango at kung ano-ano pang klaseng kaartehan sa katawan mo, tulad ng sinabi mo. Kaya pala ako naparito para sabihin saiyong dito ako titira ng apat na araw sa bawat isang linggo.
“ Sinasabi mo bang apat na araw mo lang ako babantayan sa loob ng bawat isang linggo? Hindi ba ako masyadong lugi sa isasahod ko saiyo? Kung sakaling papayag ako saan mo naman itutuon ang ibang araw mo?
“Wala ka nang paki-alam sa mga araw na wala ako sa pamamahay mo. Hindi naman kita kasintahan para ipaalam saiyo kung ano ang ginagawa ko sa lahat ng oras hindi ba? Mukha yatang hindi bodyguard ang hinahanap mo kundi isang kasintahan Mr. Fabillion.
Hindi siya nakakibo nang marinig ang sinabi nito sa kanya. Sahalip tumungo siya sa kusina ng kanyang tahanan at piniling magtimpla ng kape . Habang abala siya sa paghalo ng kapeng nasa tasa, nakarinig siyang ng mahihinang mga yapak palapit sa kinalalagyan niya.
“Personal bodyguard ang trabahong inalok ng tiyuhin mo sa akin, hindi isang girlfriend for hired.
“Do you really think if I hired a woman to pretend to be my girlfriend in public, I will hire you? Gusto kong linawin saiyo ,I don’t like woman with two backs. Siguro naman nagising na ang natutulog mong hiya, sa iyong katawan matapos mong marinig ang mga sinabi ko,” saad niya habang mayroong nakasilay na ngiti sa mga labi.
“ Oh I’m really sorry stuborn youngman. Nakalimutan ko bang sabihin saiyo na matagal ko nang pinatay at binaon sa hukay ang hiya sa katawan ko?” pabalang nitong sagot sa kanya habang may kasamang knwaring paghikbi.
Nais magtagisan ang mga bagang niya ng marinig ang sinabi nito. Subalit pinili niyang pigilang mangyariito dahil natitiyak niyang matutuwa ang babaeng kaharap niya, sa oras malaman nitong napikon siya.Tulad nga ng paniniwala ng karamihan ang mapikon ay siyang talo.Kaya sa halip na magalit siya pinili niyang sabayan ang mga sinabi nito sa kanya.
“ Oh really? Nakikiramay ako kung ganoon, tiyak akong malalang kalupitan ang inabot ni kahihiyan sa mga palad mo. Kaya pala wala na akong maramdaman o makitang hiya sa katauhan mo. Sana isinaman mo na rin pala sina kayabangan, at kung ano pa ang pwide mong ibaon sa hukay nang kahit papaano maba…. Hindi na niya nagawang tapusin ang sasabihin.
“ Are you serious,about what you say? Kung ibabaon ko ang lahat ng katangiang meroon ako, unahin mo muna yang kayabangan mo sa iyong katawan. Mukhang kailangan ko nang umalis bago pa mapunta sa away ang ating pagtatalo.
Nang malinaw niyang narinig ang mga huling sinabi dalaga, mabilis niyang hindi sinang-ayon ang nais nitongpag-alis.
“You don’t need to leave, nakalimutan mo ba ipagluluto pa kita ng agahan mo tulad ng huling sinabi mo sa akin kahapon.
“Dont bother yourself too much, about what I told you yesterday, beside I am pity sure you don’t know how to cook.
“A lot has changed in me in the last fifteen years since we have not seen each other. Tulad mo rin ako Miss. Romasanta naging magaling at mahusay sa piniling karera. Ngunit sa dami ng responsibilidad ko bilang tagapagman ng aming angkan, pinili kong bitawan ang mga hilig ko sa buhay. Ngunit ang hilig ko sa pagluluto ay lihim kong pinanatili sa aking sarili , dahil dito ako nakakaramdan ng saya at pagiging malaya,”may kahabaan niyang saad sa dalaga.
“ Gustuhin ko mang hindi umalis ngunit hindi pwide, kailangan ko pang pumunta sa aming opisina para ayusin ang mga trabaho kong maiiwan. Siguro sa ibang araw ko na lang husgahan ang lutong pinagmamalaki mo.
Tatalikod na sana ito sa kanya nang tanungin niya kung kailan ito babalik para magsimula bilang personal bodyguard niya.
“ Masyado mo naman pinapahalata sa akin, na ayaw mo nang humiwalay sa aking tabi Mr. Fabillion. Sige ka, baka mamayan niyan hanap-hanapin mo na ang amoy ko sa araw man o gabi.
“Masyado mo akong pinapahanga sa kayabangan mong taglay. Subalit may katotohanan naman ang sinasabi mong hanap-hanapin kita sa araw mano gabi, alam mo kung bakit? dahil ayaw kong masayang ang bawat sentimong ipasahod ko saiyo pag nagkataon. Baka nakalimutan mo, kinuha ko ang serbisyo mo para bantayan ako kahit ano mang oras.
”Bakit mo pa pinapahirapan ang sarili mo? Kung maari mo naman amin sa akin na naaadik ka sa amoy ko.
Dahil sa sinabin nito , napaayos siya ng kanyang tindig at marahang nilapag ang tasa ng kape sa mesa. Tumikhim muna siya at namulsa sa suot niyang pants at nagwika.
“Anong akala mo sa amoy mo tulad ng isang drugang nakaka-adik? Sa kung sinong taong gumamit sa pinagbabawal na gamot na ito.
“ Ikaw naman, binibiro lang naman kita. Hindi ko alam masyado mo palang seryosohin ang biro kong yon, pakiramdam ko tuloy meroong katotohanan ang mga sinabi ko dahil sa reaksyong nakita ko ngayon.
Nagbingi-bingihan siya sa mga sinabi nito sa kanya, mayroong sumisipol siya at nagkunwaring inaantok pa. Napatigil lamang siya sa ginagawa niyang ito nang marinig niyang nagsalita dalaga. Nang una inakala niyang pinaglalaruan lang siya ng kanyang pandinig, subalit nang muli niyang narinig ang sinabi nito. Hindi niya napigilan ang sariling habigin ang makurba nitong bewang at pinarusahan nang nag aalab na mga halik. Na siyang kinagulat ng dalaga sa kanyang ginawa.