"Protect her......."
Nagising ako ng tumunog ang school bell, palatandaan na oras na para sa lunch break at sa hindi malamang dahilan napanaginipan ko nanaman ang tatlong bata na sa tingin ko ay walang connection sakin. Nang nilibot ko ang tingin ko napansin ko ang mga aparatong nakakabit sa dalawang katawan ng batang babae at ang batang lalaki na may hawak na baril na pinipilit gisingin ang sa tingin kong kapatid nito na babae dahil sa pagkakahawig.
Hindi ko alam kung para saan ang panaginip na iyon, wala akong maalalang pangyayaring ganun sa buhay ko, so I expected that it is only a product of my imagination dahil kahit anong pilit kong alalahanin ito ay sumasakit lang ang ulo ko kakaisip kaya ipinagsawalang bahala ko nalang.
Napatingin ako sa mga classmate ko na unti-unti ng umaalis ng classroom, inaantay ko talaga silang maubos lahat bago umalis dahil hindi ako pwedeng makipag-siksikan at baka iyon ang maging dahilan at marinig ko ang hininga nila at makita ang future na hindi ko gustong mangyari. Agad kong binitbit ang Bag ko at napatingin sa katabi kong seryoso din na nakatingin sa akin. What's his name again? Lando? Zander? Hindi ko matandaan sh*t! ilang segundo din akong nakatulala sakanya habang iniisip ang pangalan nya ng magsalita ito.
" It's Lazarous Vincente." Sabi nito in a cold voice, grabe akala mo pinaglihi sa yelo ah!
" Huh?" I said dahil hindi ko gets kung bakit nya sinasabi yung pangalan nya.
" You're wondering what's my name right? it's Lazarous." sabi neto
" How did you know? are you a mind reader?" I said while staring at him. I don't know why but his eyes are very familiar hindi ko alam kung saan ko nakita ang mga matang yun. Habang nakatitig sakanya ng matagal ay sumasakit ang ulo ko.
" No, masyadong halata sa mukha mo." sabi nito at inunahan na akong makalabas ng classroom. Napatango nalang ako at hinatid na lang sya ng tingin tyaka lumabas narin ng classroom.
Agad akong dumeretso sa canteen to spend my entire lunch break, Nag-order lang ako ng sandwich at isang can in juice tyaka naghanap ng mauupuan malapit sa bintana. Nang nakakita ng available space ay agad akong nagtungo dun. Nadaanan kopa si Lazarous kasama yung isang lalaking hindi ko kilala but I know him as one of my classmate. Daldal ito ng daldal sa katabi netong walang pakiealam na nakain lang. Narinig ko pa ang sinasabi nito ng makalagpas ako sakanila.
" Maraming chicks dito dude." sabi neto. tsk womanizer
Nang maka-upo sa bakanteng upuan ay agad kong nilantakan ang inorder ko. Hindi pa ako nakakalahati ng may biglang umupo sa bakanteng pwesto sa harapan ko, pag-angat ko ng tingin nakita ko si Gen na umupo sa harapan ko kasama yung mga Kaibigan nya na nakasama nya nung nakaraan nung kinausap ko sya.
" Paupo kami dito Sere ah?" Sabi neto at nagsimula ng kumain habang ang mga kasama neto na si Stacey at Jenny ata ay parehas ding naupo. Tumabi sa akin yung Jenny tahimik lang eto at hindi masyadong nangingisali sa kwentuhan ng dalawa.
" By the way Serene right? Nakwento samin ni Gen yung Pagliligtas mo sakanya at sa pagsabi ng future nya. Thank you" sabi ni Stacey, Gulat naman akong napatingin dito at kay Gen na nakangiwi kung ngumiti sakin.
" Hehe.. Sorry Sere hindi kasi ako nagtatago ng secret sakanila. Don't worry your secret are safe with us." pambawi ni Gen
" Ang cool nga ng ability mo eh." sabi naman ni Jenny sa tabi ko. Napatingin ako dito at nagsalita.
" Naniniwala kayo sakin?" naguguluhan parin ako sa mga pinagsasabi nila.
" Basta kwento ni Gen at may ipinakita syang ibidensya naniniwala kami. I just want to ask what do you mean by the consequences?" sabi ni Jenny at tuluyan ng humarap sakin.
Hindi naman siguro masamang mag-share..
" Ammm... pag-hindi ko napigilan yung pinaka puno't- dulo ng nakita ko sa future maari lang mapalitan yung magiging biktima hindi yung mga pangyayari." Napatango naman ito sa sinabi ko.
" So that's why? Don't worry we will help you as much as we can. By the way I'am Jenny let's be friend." Sa neto at inilahad ang kamay.
nahihiya ko naman itong tinaggap at nagpakilala din. Ganun din ang ginawa ng dalawa nyang kaibigan. i felt relief i don't know why but I feel comfortable around them.
Nakangiti kong kinain ang natitira kong pagkain pero agad akong napatigil when I felt that there's someone staring at me, nang ilibot ko ang mga mata ko ay nakita ko itong naka-titig sakin ng seryoso. Anong problema ng isang to? tinaasan ko lang ito ng kilay at hindi na pinansin at nagpatuloy nalang sa pagkain habang nakikinig sa kwentuhan nila Gen at minsan nakikisali sa usapan nila.
Pagkatapos kumain nag-ligpit lang ako ng pinagkainan at tumayo na. Kasabay kong babalik sila Gen dahil magkatabi lang naman ang classroom namin, napag-desisyunan namin na lagi nalang magsasabay kumain at umuwi. Aaminin ko first time kong makaranas ng ganito yung may kasabay kumain at umuwi na kaibigan at ramdam kong sincere sila sa pakikipag-kaibigan sakin kaya hindi ako naiilang kasama sila.
Palabas na kami ng Cafeteria ng makarinig kami ng bumagsak na upuan kaya agad kaming napalingon. Nakita namin ang mga classmate namin na nagkukumpulan sa isang banda at maririnig ang bulungan at mga sigawan.
" You son of B*tch!" sigaw ng isang lalaki at rinig mula rito sa pintuan ng cafeteria ang paglagutok ng isang suntok. Nagkatinginan kami nila Gen at nakisingit sa mga chismosa sa paligid. Nakita ko ang isang lalaking kasama ni lazarous kanina na kasalampak sa sahig at putok ang Labi.
" Hindi kona kasalanan kung masyado akong gwapo kaya nilandi ako ng syota mo." Sagot nito na may ngisi pa sa labi nito. Parang mas nasisiyahan pa ito sa nangyayari. Napatingin din ako sa lalaking sumapak dito at nakita ko itong pinipigan ng isang babaeng mukhang coloring book ang mukha at kung mag-damit ay hindi ito takot magka-pulmonia.
" Babe! stop it..." Sagot ng babaeng nakakapit sa jowa neto.
" Eww..... tunog ipis!" react ni Gen sa boses ng babae. Natawa kaming tatlo sa sinabi neto.
" g*g* ka... kitang-kita ko na hinalikan mo sya!" Sigaw pa ng lalaking jowa ata netong babaeng ipis.
" Tang*na b*b* kaba? Kitang-kita na sya itong humalik sakin eh.. Maraming witness tyaka kilala ya'ng syota mo sa panlalandi sa mga lalaki dito. at wag kang magmalinis na para bang hindi kayo pareho ng syota mo, nung nakaraan lang nakita din kitang may kahalikang iba." Sagot nito at kwinelyuhan ang lalaki.
agad naman silang pinigilan nung babaeng ipis pero yung mukha nya hindi kababakasan ng pagsisisi malagkit pa itong nakatingin sa lalaking sinapak. Napalingon ako kay Lazarous na patuloy lang sa pagkain at parang walang pakialam sa paligid. Napatingin din ako agad sa nag-aaway ng magsimula itong magsuntukan. Pero hindi sinasadyang naitulak yung kaibigan ni Lazarous sa Direksyon namin. Buti nahawakan ako nito sa balikat para hindi tuluyang matumba pero hindi sinasadyang natanggal nya yung headset ko at rinig na rinig ko ang malalalim nitong hininga.
Napatulala ako ng magsimulang umikot ang lahat nakita ko pa sila Gen na tinatawag yung pangalan ko at si Lazarous na napatayo sa kinakaupuan at naglakad palapit sakin. Nakita ko na naman yung sarili ko sa kung saan. Hindi ko malaman kung saan ito banda, basta nakikita ko yung mga ka schoolmate kona bumababa sa bus. Nang tignan ko yung Bus nakalagay sa tarpaulin ang 'Retreat 2022' nakita ko pang bumaba ng bus si Lazarous kasama yung lalaking may konting pasa sa mukha, kaya alam kong malapit ng mangyari itong nakikita ko. Sa kabilang Bus nakita ko sila Gen na pababa. Susundan ko sana sila ng mag-iba yung paligid.
Napunta naman ako ngayon sa kweba, hindi ko alam kung saan ito banda, basta kumakapa-kapa nalang ako. Sa hindi kalayuan ay maririnig ang mga boses na sa tingin ko ay pamilyar.
" Ano ng gagawin natin Babe?" saad ng sa tingin ko ay babae, katunog ng boses nya yung nasa canteen boses ipis.
" Wag kang magsasalita bagay lang sakanya yan kasi nilandi ka nya!" mababakasan sa boses ng lalaki ang galit. Ito yung lalalking kaaway ng kaibigan nung Lazarous. Nang pagkatitigan ko ito namumula ang mga mata nito na parang naka-drugs. hawak nito sa isang kamay ang plastic ng hindi ko malaman na kung anong klaseng crystal powder, at sa kabilang kamay ay ang sigarilyong malapit ng maubos. Nang tignan ko kung sino yung tinutukoy nya nakita kong ito yung kaibigan ni Lazarous duguan ito at halos hindi na makilala.
"But-" Napaangat ako ng tingin dun sa babaeng nagsalita pero naputol din agad ang sasabihin ng hinablot s'ya sa buhok ng lalaki at tinulak sa batuhan.
" No buts! kung ayaw mong sumunod sakanya tulungan mo akong itapon 'yung bangkay n'ya sa dagat" Sabi n'ong lalaki at tinapon ang puspos ng sigarilyo sa sahig bago tapakan.
Dahil siguro sa sobrang takot ay sumang-ayon nalang ang babae sa sinabi ng lalaki at pinagtulungan nilang buhatin 'yung kaibigan ni Lazarous. Paglingon ko sa likod nila nagbago na naman ang paligid at nakareating kami sa taas ng pampang at sa ilalim nito ay ang malakas na hampas ng alon. Walang pag-aalinlangan nila itong binitawan pero Hindi maipagkakaila na buhay pa ang lalaki dahil napakapit pa ito sa pulsuhan nung nakasuntukan nya. Pero agad din syang winasiwas nung lalaki at tinadyakan kaya nahulog ito sa malalakas na alon at inanod. Nung Tignan ko yung Mag-jowa walang pag-aalinlangan na tinulak nung lalaki yung babae. Umiiyak na napakapit ito sa batuhan upang hindi tuluyang mahulog.
"Help me please...." Iyak na pagsusumamo neto sa lalaking nakatingin lang sakanya at nakangisi.
" I don't need you here anymore. Mas safe kung mamamatay karin. total malandi kanaman why not join that jerk?" sambit nito at tinadyakan sa mukha ang babae agad akong napatakbo sa pwesto nila, but unfortunately hindi ko sya mahahawakan nung tignan ko ang ilalim hindi mo kakabakasan na may nahulog dito.
Rinig kopa ang halakhak nung lalaki bago ako nakabalik sa present.
" D*mn it! Are you okay Serene?" rinig kong sambit ni Lazarous na syang nasa harapan ko at naka-alalay sakin. tumango lang ako sakanya at bumitaw na. Agad naman akong hinila nila Gen patagilid.
"Stop this nonsense now...." Lazarous said with a hint of annoyance in his voice, cold parin ito pero nakakatakot syang i- approach pag ganito.
sasabat pa sana sila ng may nagdatigan na mga security guard at dinampot sila para dalhin sa principal's office. Pinabalik narin nila ang estudyante sa mga kanya-kanyang classroom. Saglit ko pang sinulyapan si Lazarous Bago nagpatianod sa paghila ni Gen.
" Anong nakita mo Sere?" Gen said
"Huh?" I said masyado pa akong lutang sa mga nakita ko.
" I said anong nakita mo sa future ng lalaking 'yon?" she said clearly while dragging me, namamadali na kasi kami at kanina pa tumunog ang bell so basically kanina pa nag-start ang afternoon class.
"I don't know either, Basta ang alam ko lang mamatay sya tyaka yung babaeng boses ipis." natawa sya sa discription ko dun sa babae bago nag-seryoso. Sila Stacey naman ay tahimik lang na nakikinig.
" Kailan mangyayari?" she said and stop walking for a while. Napahinto rin ako at seryoso s'yang pinakatitigan.
" I don't know ang alam ko lang sa araw yun ng Retreat." I said. Stacey interrupted and say something that caught my attention.
" Diba around the corner na yung retreat? usap-usapan kasi sa council yung pag-paplano nila eh." sabi nito at lumapit samin
" How did you know?" I said wondering.
" May kakilala kasi ako sa student council, Pinaalalahanan nya ako na magready for the retreat. Not sure kung kailan ipopost nalang daw."
" Let's try checking the bulletin board later. or baka sabilihin sa atin ng section representative natin." Jenny said. Napatango nalang kami sa sinabi neto.
" Sige 'yon nalang ang gawin natin, don't worry Serene we will help you." Gen said that make me smile.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at ng makarating kami sa classroom ko at pumasok sa mga kanya-kanyang room, napagalitan pa ako ng prof namin but I just said sorry and proceed to my chair. Nang tignan ko ang katabing upuan wala pa doon si Lazarous kaya napatingin nalang ako sa bintana.