Third Person's POV "Oh my God!" Bulalas ni Nesami sabay tutop nito ng dalawang kamay niya sa kanyang bibig. Agad na napalapit si Mark at Alfred nang marinig nila ang bulalas ni Nesami. Hindi naman agad napalapit si Marge dahil may kausap ito sa cellphone. Nang makarating sila sa kwarto ay hindi sila lahat nakaimik nang makita nila ito. Agad napatalikod si Nesami dahil nasusuka siya pagkakita sa katawan ng yaya niya. May nakatusok na kutsilyo sa kaliwang leeg nito at kitang-kita ang paglabas ng dugo sa kanyang bibig. Putol din ang dila nito habang sumisirit ang dugo dito. Nalaslas ang tiyan at bahagyang nakalabas ang laman loob. Hindi maipinta ang naging hitsura ng kanyang yaya nang dahil sa dami ng dugo na sumisirit sa leeg niya. Ang dugo ay lumapat sa sala na nagmistulang baha sa lo

