THIRD PERSON's POV Mula nang makita ni Nesami ang katawan ng yaya niya ay hindi na halos ito makausap, dahil ayaw niyang makausap kami at tila ba nagmistulang santo siya dahil hindi na umiimik at ngumigiti. Pilit naman siyang kinakausap nila Mark at Marge pero tila ba tinablan ito ng trauma sa nangyari. "Sammy uuwi na muna kami ng bahay. Magpapalit na muna kami ng damit" paalam ni Mark dito pero sa halip na nakaupo ito ay agad siyang napatayo pagkarinig sa sinabi ni Mark at hinawakan ito sa braso. Agad na nagkatinginan si Mark at Marge sa inasal ni Nesami na tila ba may nagbabalak na pumatay dito dahil kaba at takot na nakarehistro sa mukha nito. "Please Mark! Wag mo naman ako iwanan" nakikiusap na sabi ni Nesami dito at kitang-kita ang pagkabalisa sa mukha nito. Hindi na lamang umim

