MARGE's POV Pagkarating ko sa bahay ay naririnig ko pa ang pagalit na boses ni Tatay kay Maria. Agad naman akong napatakbo nang mabilis ng makarinig ako ng isang nabasag na bagay. "Ano ba ang nagyayari sa iyong bata ka ha!?" Pagalit na tanong ni Tay kay Maria at halatang-halata ang sobrang pagtitimpi niya. Subalit ramdam ko na mas lalong lumala ang galit ni Tay ng hindi nagsalita si Maria. Napabuntong hininga na lamang ako bago tuluyan binuksan ang pintuan pero laking gulat ko nang makita ko ang isang bagay na hawak-hawak ni Maria ngayon. Hindi ito nakikita ni Tatay at Nanay kasi nakatalikod siya at nasa likuran niya natago ang kamay niya habang hawak-hawak nito ang isang duguang kutsilyo. Nanlaki ang mga mata ko nang unti-unting humigpit ang pagkakapit ni Maria dito at akmang bibitawa

