Crizle's POV Habang nasa library ako ay hindi ko mapigilan hindi mapatingin sa dalawang tao na nasa kabilang mesa. Hindi ko sila agad makilala kasi may flywood na nakaharang sa kanila. Mas lalo akong nagkaroon ng kuryosidad nang marinig ko ang pangalan ni Anna. "Hindi mo maikakaila Mario na nagka-gusto ka rin kay Anna dati noong buhay pa siya. Kaya please! Tama na!" Sabi ng isang babae na nakatalikod sa akin na kausap ni Mario. Hindi ko mapigilan hindi mapatingin sa kinaroroonan nila dahil sa kuryosidad na bumabalot sa akin. "Mario alam ko na ang lahat..." basag na boses ng babae. Umiiyak siya habang nakatingin sa dalawang mga mata ni Mario. Akmang hahawakan ni Mario ang kamay niya pero agad niya itong iniwas. Pamilyar talaga sa akin ang babae, sa pagsasalita at postura ng katawan niy

