Third Person's POV Hindi maikakaila ang gulat at pagtataka sa mukha ni Crizle at Marge kay Anne na kakakilala lamang nila dito dahil halata sa mukha nito may alam sa background ng magkakaibigan. Transfer kasi si Anne mula sa Ibang school at hindi nila inaakala na makikilala nila ito. "Don't worry. Hindi ko kayo sisiraan dahil matagal na akong nag-aabang sa kalokohan ng magkakaibigan na iyan" pagpapatuloy ni Anne sa sinasabi pero hindi parin talaga nakukumbinsi ang dalawa. Agad naman napatigil si Anne sa pagsasalita ng may magsalita sa likuran nila. "Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap" agad napalingon si Anne, Marge at Crizle dito. "Stay away from me Mario" iritadong sabi ni Anne dito. Kitang-kita ang inis na rumerihistro sa mukha niya. Hindi niya tinitignan si Mario sa hal

