CRIZLE's POV Hindi ko mapigilang hindi manghinala kay Gino at Fahre sa nangyayari. Imposible kasing makita ko ang isang bagay na nagpapataka sa akin noon sa kabaong ni Marrie Anna. FLASHBACK*** "Yan ang nakasulat diyan Crizle kaya ganoon na lang ang galit ko kay Gino" Sabi ni Tita Isabel sa akin pagkalapit nito. Hindi ako agad nakaimik nang makita ko ang diary ni Anna. Nanlaki ang mga mata ko sa huling pahina na nabuksan ko. Nakasulat ang pangalan ni Gino dito at ang date kung kailan huli silang magkasama. At ang lalong nagpapabagabag sa akin ay ang nakabold na sulat. "HELP ME FIND GINO AND OTHERS!!!" Agad akong napatingin kay Tita Isabel at Tito Fernando dahil kitang-kita ko ang lungkot at galit sa mga mukha nila pero kinakalma nila ang kanilang sarili dahil wala pa silang matibay

