Crizle's POV Nasa balkonahe ako ng aking kwarto ngayon habang pinagmamasdan ang mga masasayang bituin at ang maaliwalas na buwan sa tahimik ng kalangitan nang makaramdam ako ng kakaibang ihip ng hangin kasabay nito ang pagkahulog ng isang bagay na nabasag sa loob ng aking silid. Napapitlag ako sa sobrang kaba dahil sa nangyari. Agad akong napatingin sa cellphone ko at nasa 10:30 pm na ng gabi. Unti-unti kong pinuntahan ang loob ng kwarto ko. Habang nilalakad ko ito ay halos mabingi ako sa bilis ng t***k ng puso ko dahil biglang namatay ang ilaw. Nagpalinga-linga ako at doon ko napagtantong brown out pala. Takte! Kinakabahan ako. Kahit kinakabahan ako ay pilit ko parin hinahanap ang bagay na nabasag. Agad kong binuksan ang ilaw ng aking cellphone at ginawang flashlight para makakita ako

