Mark's POV Habang nasa daan ako papuntang library kung saan ang mababait kung kaklase ( Anne and Nesami) ay hindi ko mapigilan hindi mapatingin sa kumpolan ng mga tao sa daan. Bahagya akong napahinto nang makita ko si Crizle na nakikipagsiksikan sa kumpolan ng maraming studyante. Hindi na talaga nakakapanibago na maraming ganyan na scene dito sa school. Pero ito ang nakakapagtataka kasi hindi gawain ni Crizle ang makipagsiksikan para lang maki-usyoso sa mga balita. Unti-unti akong lumapit ngunit agad akong napahinto nang may mabangga akong tao dahil nakatuon ang atensyon ko sa mga scene na nangyayari sa harapan ko. Agad napabalik ang ulirat ko sa taong nabangga ko. "Sorry! Miss" Paghingi ko ng tawad sa babaeng nabangga ko. Hindi nagsalita ang babae sa halip ay napatingin siya sa akin

