Kabanata 39 “Is it done?” biglang sulpot ni Alistair matapos ang ilang oras. Napapitlag ako sa gulat. Mabuti na lang at tapos na kaming kumain at mag-usap ni Haven, kung hindi ay baka tuluyan na akong mabulol sa harap niya. Kita ko agad ang pagkairita sa mukha ni Haven, iyong tipong alam na niya na iyon na, tapos na ang sandaling pahinga ko, at kailangan na naman naming maghiwalay. Ako naman ay napalunok nang tuluyan ko siyang masipat. Bagong gupit ang buhok niya. Malinis ang panga dahil wala na ang makapal na bigoteng unang bumungad sa akin noong muli kaming nagkita. Para bang bumalik sa harapan ko ang Alistair na nakilala ko noon, mas bata, mas matalim ang mga mata, at mas nakakatakot sa paraang hindi ko maipaliwanag. Mas bagay sa kanya ang ganitong itsura. Mas… Alistair. Pero kah

