Kabanata 38 “Dahlia!!!” Napatalon ang puso ko sa lakas ng sigaw niya. Hindi pa man ako nakakabawi ay tumakbo na siya palapit at niyakap ako nang mahigpit, parang takot na takot na muling mawala ako sa harap niya. Napapikit ako at kusang napahinga nang malalim, isang hiningang matagal ko nang kinikimkim. Akala ko’y sasalubungin niya ako ng galit, ng mga tanong, ng sama ng loob dahil muli na naman akong naglaho nang walang paalam. Pero wala ni isa roon. “Ilang taon kitang hinanap,” nanginginig ang boses niya, halos pabulong na sa balikat ko. “Bigla ka na lang nawala…” hindi niya naipagpatuloy ang sasabihin nang mapansin niyang naroon pa rin si Alistair, nakatayo sa ilang hakbang ang layo, tahimik pero mapanganib ang presensya. Humakbang siya palayo sa akin at humarap kay Alistair. “P’we

