"Bakit tulala ka diyan? May nangyari ba ulit?" Binagsak niya agad ang katawan niya sa kama ko saka yumakap. Nanatili akong tahimik. Nag-iisip-isip tungkol sa mga nangyayari. "Tinatanong ako ni Tita Kassandra kung bakit nasa bubong ka raw kanina. Ang sabi ko hindi ko alam. Bakit nga ba? Kapag ikaw nadulas doon-" "Si Erin ang may kasalanan." Putol ko sa sinasabi niya sabay buntong hininga. "Mahal, may nangyari ba? Sabihin mo sa akin." "Hinalikan ko siya kanina," mahina kong sagot. "Siya ang nauna. Sumakay lang ako sa pangalawang halik niya. Sorry." Yumuko ako nang manahimik siya. Hindi siya sumagot at sumandal lang sa frame ng kama. Alam kong mali ang ginawa ko. Wala, e. Masyado akong nagpa-apekto sa sitwasyon ko ngayon. Sa kagustuhan kong makabalik na, nagawa ko 'yon nang hindi inii

